If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, July 30, 2024

MHNI 36


ANG MGA BINISITA NINA JEB AT VITO

"Alam ba niyang lalaki mo na 'yung mga babae mo eh niloloko mo rin?!"

Uminit ang mukha ni Jeb dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. "Gago, do'n ka na nga!"

Awkward na natawa si Vito sa tabi niya. Tinatawanan si Jeb ng mga kaedaran nitong mga pinsan.

Natapos na ang semestre. May isang lola si Jeb na nagka-birthday at medyo malaking family reunion ang magaganap.

Pagkatapos ng pagkahuli kina Darwin ay pinakilala na ni Jeb si Vito sa kanyang immediate family. Syempre, dahil nakarami na rin siya ng mga girlfriend noon at wala naman siyang pinakitang senyales nang pagkabakla (bukod sa mga AI na mga pictures na lumabas dahil kay Enea/Darwin), nagulat ang kanyang mga magulang at kapatid. Pero natanggap din naman siya. Hindi naman siya ang unang bakla sa kanilang angkan. May ilan na rin at hindi naman iyon big deal masyado.

Ngayon naman ay pinakilala na ni Jeb ang kanyang nobyo sa mas malaking angkan. Pero hindi na rin masyadong gulat ang mga ito, dahil nang magsabi naman siya sa kanyang pamilya ay kumalat na rin ang balita. Nagulat lang ang lahat dahil guwapong guwapo at lalaking lalaki din ang kanyang nobyo.

"Kaya pala hindi ka na nagfa-frat ngayon, ah. May iba ka nang interes," biro ng isa pa niyang pinsan na myembro din ng frat, kapatid na grupo ng Alpha Iota na siya ring sumagip sa kanya noon siya ay na-bully noong bata pa siya.

Sinapak niya nang marahan ang dibdib ng pinsan, "hoy gago. Hindi 'yun gano'n. Kung bakbakan lang ang usapan, kaya rin kayong iligpit nitong si Vito. Gusto lang namin ng hindi masyadong magulong buhay, alam mo 'yun? Saka bawal 'yung ganito sa frat."

Tumaas ang kilay ng isa pa niyang kamag-anak na frat member din, "sus, akala mo lang 'yan. May mga nagpapatulan sa loon. Hindi lang syempre pwede ilabas kasi nakakababa ng reputasyon ng grupo."

Siniko ito ng isang pinsan, "woah. Alam na alam, ah. Parang kasama ka ba diyan?"

"Shh... Gago. Huwag ka nang tsumismis."

Nagtawanan sila at umalis na rin ang mga pinsan.

Nang muli silang maiwang dalawa ay inakbayan ni Jeb ang nobyo, "'oy, okay ka lang ba?"

Nagkibit-balikat si Vito, "okay lang naman. Nakakabilib lang sobra ang pamilya mo. Sobrang hindi issue sa kanila itong atin."

"Oo, hindi rin naman kasi kasing tanyag ng pamilya niyo na nasa politika," ang paliwanag niya.

Bumuntong-hininga ito, "kaya nga pasensya ka na, ah. Kung hindi ako masyadong magiging open sa pamilya ko at sa publiko tungkol sa ating dalawa. Well, at least until maging self-sufficient na ako. Ayaw ko rin masyadong makagulo sa diskarte ng tatay ko. Nainis nga siya nung tinanggal ko na 'yung frat crackdown sa mga agenda ko as student leader."

"Okay lang naman 'yun. Hindi ko rin naman balak ipagkalat sa end ko. Alam mo na, contact sport ang judo, so ayaw ko ng tsismis," segunda niya, "saka kakadating lang ulit natin sa payapang pamumuhay mula sa pinagdaanan natin. Ayoko na muna ng drama."

Humagikhik si Vito, "ows? Eh totoo naman na gusto mong kantutin 'yung iba mong ka-judo."

Natawa si Jeb, "eh, sila ang lumapit sa akin kung gusto nila, hindi ako. Sus, satisfied na satisfied na ako sa boyfriend ko, eh." Tapos ay hinalikan niya ang pisngi nito.

Nanatili sila sa pagdiriwang na iyon hanggang alas tres nang hapon. Hanggang sa makatanggap sila ng mensahe mula kay Eugene. Pinapapunta sila nito sa opisina nito sa NBI. Kaya naman nagpaalam sila at dinahilan na lang na sila ay may pupuntahang kaibigan. Hindi naman nila sinabi sa kanilang mga pamilya ang totoong nangyari sa kanila sa kamay nina Enea/Darwin.

Nang makarating sila sa NBI ay nakita rin nila doon si Mikoy na kasama ring inaya ni Eugene sa opisina nito. Nag-usap silang apat sa silid.

"Actually kasama dapat pati si Ollie, pero mukhang busy yata siya," bungad ni Eugene sa kanila, "pero pinatawag ko kayo, kasi gusto ko lang ibalita sa inyo ang mga nangyari. Una si Darwin, tuloy ang pagkaso sa kanya. Pero magiging highly confidential ang hearing, kasi masyadong sensitibo ang nangyari. Pero before that kailangan naming ma-extract kung anuman ang supernatural na nangyayari sa loob niya, bilang epekto ng pag-overdose niya sa substance sa Periergos at ang pagkakuha niya ng special abilities ni Enea."

"Salamat naman, Sir. Kung confidential naman, makiki-cooperate naman kami kung kinakailangan," sabi ni Jeb, "pero sana ma-protektahan lang kami, dahil alam mo naman na hindi kami necessarily mababait na mga tao. Galing akong frat, kaming tatlo."

Napakamot sa ulo si Eugene, "sa totoo lang ayaw ko sana ng ganitong mga bargains at immunity deals, pero hindi hamak naman na mas mapanganib si Darwin kaysa sa inyo. Pero oobserbahan ko kayo, ha. Dapat good behavior kayong tatlo, at si Ollie."

Umiling si Mikoy, "umalis na kami sa frat. Hindi na iyon ang gusto namin sa buhay."

"Si Raden, wala siyang agency sa mga ginawa niya, actually," imporma ni Eugene, "so makakalaya siya eventually. Pero nire-rehabilitate pa namin siya. Talagang ginamit lang siya ni Darwin para sa mga pakana niya. Hindi talaga siya bakla. Gawa lang talaga ni Darwin. Si Corden ang nag-train ng AI data para gamitin ang likeness ninyong mga taga Iota, plus si Ollie. Inaalam pa namin kung paano nagagawa ni Darwin na mag-send ng hypnotic suggestions via deepfaked na images. Ang alam lang namin, may gift si Enea, noong active artist pa ito na himukin ang mindset ng tumitingin sa art niya. Tapos kinuha ni Darwin iyon mula kay Enea noong namatay. Na-meet niya si Corden at doon na nila ginawa ang plano sa Iota, sa iyo Vito, at sa Periergos naman, para kay Darwin. Hay, bakit ba dumadami ang mga hypno criminals sa bansa nabubuang na ako. Kalahati pa do'n may sex at prostitution na nagaganap."

"At si Corden, ano'ng mangyayari sa kanya?" tanong ni Vito.

Ngumisi si Eugene, "bakit Vito? Natatakot ka? Na sabihin niya ang nalalaman niya sa'yo?"

Napaubo si Vito. Naubos ang kulay sa mukha.

Hinawakan ni Jeb ang nobyo tapos ay tiningnan nang mariin ang agent na intimidating din ang tingin sa kanila, "Sir Eugene, huwag sanang umabot sa ganyan ang usapan."

"Magpasalamat ka Vito. Anak ka ng senador at nagawan niya ng paraan na ituro ang iba sa pagkamatay ng kaibigan mo," seryosong sabi ni Eugene, "alam ko naman na hindi ka naman direct perpetrator. At alam kong hindi mo intention ang nangyari. Pero gusto ko na kung hindi dahil sa immunity na 'to, ipapaimbestiga ko ito. Priority ko lang talaga ang mga special cases. Real talk lang Vito."

Sumimangot si Vito, "alam ko naman 'yon. Walang araw na hindi ako kinakain ng guilt sa nangyari."

"Mabuti 'yan. Mabuhay ka sa guilt. Pati kayo, Jeb, Mikoy at si Ollie na rin. May mga buhay din kayong ginulo. May mga lalaki kayong sinaktan sa ngalan ng pagkalalaki," sermon ni Eugene, "niligtas ko kayo sa panganib, pero alam niyo? Karma din 'yan sa inyo. Hindi man kayo mahabol ng batas, pero mahahabol kayo ng mga konsyensya niyo. Naniniwala naman ako, na ang lalaking straight na gago na nagiging bakla, nagiging mabuti. Mga bata pa kayo. Sana mula ngayon, kabutihan na ang i-punla ninyo sa mundo."

Natahimik lang silang tatlong college students na nasa opisinang iyon. Natimo naman sa utak nila ang payo ni Eugene.

Bumuntong-hininga si Eugene, "well, si Corden, willing na nakipag-collaborate kay Darwin. Silang tatlo ang nagsalit-salit na igoyo kayo kapag kinakausap kayo via Viber. Also, mananagot din sa mga cybersecurity issues si Corden. Masyado siyang magaling na naitago niya ang IP address at iba pang impormasyon para hindi sila matunton via sa internet activities nila. Years of preparation ang ginawa niya para sa paghihiganti niya sa iyo Vito, at sa Iota."

Napakamot sa ulo si Jeb, "ang hirap maging guwapo. Ako tuloy ang napaglaruan ni Corden."

"Akala mo lang ikaw? Ako rin natipuhan niya, kaya tayong dalawa ang una niyang pinagdiskitahan," sabad ni Mikoy.

Ngumisi si Eugene, "pareho naman kayong guwapo. Mga guwapo at seksi ngayon dapat mag-ingat sa mga baklang spiteful talaga."

Kumalma naman na si Vito, "anyway, salamat sa lahat ng konsiderasyon na ginawa niyo para sa amin Sir Eugene. I promise, ipagpapatuloy ko ang pagtatama sa mga mali ko. At makiki-cooperate kami sa kung anuman kailangan naming gawin."

Tumayo na si Eugene, "well, ayun lang ang ibabalita ko sa inyo. Mag-ingat kayo. At sana hindi na kayo malagat sa alanganin. Enjoy your new lives."

Tumayo na rin silang tatlo.

Bumanat si Mikoy, "ah... Baka pwede ka naming maka-trip ulit Sir Eugene? Ang galing mo kasi, eh!"

Nalukot ang mukha ni Jeb sa inasal ng kaibigan. Mukhang horrified din si Vito.

Humalakhak si Eugene, "hay. I'm too busy na para makipaglaro. Pero kapag nalibre ako, sige. I'll call you for some fun." Tapos ay kumindat ito.

Lumabas na silang tatlo sa building.

"Grabe ka Mikoy, ang landi mo talaga!" komento ni Vito.

Napakamot ito ng ulo, "eh kasi naman. Ikaw may Jeb ka. Si Ollie may Archer. Ako, wala naman akong kapares. Eh, ayaw ko namang ma-mick-up lang basta ng lalaki. Nakaka-sex naman ako ng babae, pero kulang pag 'di ako nakakantot eh. Kailangan ko pang intayin mga aya niyo bago ako maka-sex ng tao. So ang ending ko, pipino o dildo."

Inakbayan ni Jeb ang kaibigan, "oh eh 'di sumama ka sa amin ni Vito. After dinner laro tayo. Okay lang naman, baby 'di ba?"

Nagkibit-balikat si Vito, "oo naman. Lakas mo sa aming dalawa eh."

Masaya namang sumama si Mikoy sa dinner date nilang magnobyo. Nagkuwentuhan sila ukol sa kanilang mga plano para sa susunod na semestre. Bukod sa pag-aaral at sa athletics, nagpasya rin sila na gawing bagong hobby ang mountain hiking. Nakatulong din ang pag-alis sa frat para makahanap sila ng mga bagong hobby.

Nang matapos na ang kanilang hapunan ay sinama nila si Mikoy sa condo ni Vito. Nauna silang naligong magnobyo. Nagkuskos sila at naglinis nang husto para sa bakbakang magaganap. Nagsuot na sila ng kanilang mga asul na bikini briefs at sumampa na sa kama. Si Mikoy naman ay sumunod na naligo sa kanila. Matagal ito, marahil ay siniguradong hygienic hanggang bottom.

Nang makalabas na si Mikoy na nakaputing briefs lang ay nadatnan sila nito na gumagamit ng ipad. "Ano 'yang ginagawa niyo at naghahagikhikan kayo?"

"Gagamit kasi tayo ng AI generator na magsasabi kung paano tayo magti-threesome," ang deklara ni Vito.

Kumunot ang noo ni Mikoy, "hoy gago, ang baliw niyo sa trip niyo. After lahat ng pinagdaanan natin."

Natawa si Jeb, "pampadagdag lang ng spice sa laro. Ginagawa namin ito kapag hindi kami maka-decide kung ano'ng klase ang gagawin. Hindi siya kasing ganda ng kay Enea, at hindi natin kamukha. Pero maganda siyang reference. Para maging interesante din ang mga ginagawa namin."

"Ewan ko sa inyo. Ang wiwirdo niyo." Sumampa na ang bagong ligong lalaki at tumabi sa kanila, "so, ano'ng ginawa niyong picture."

"Heto nga maglalagay palang," tapos ay ni-recite ni Vito ang prompt na tina-type sa R-18 image generator app, "'three hot muscled guys having sex. one caucasian. one latino. one arab.' Ako 'yung caucasian. Si Jeb ang latino. Si Mikoy 'yung arab. Kung ano'ng gagawin nila, gagawin natin. Walang ayawan."

Nagkibit-balikat si Mikoy, "ako pa hinamon niyo."

Tapos ay nag-enter na si Vito at nag-load na ang app. Tapos ay naglabas ito ng erotic na picture. "Okay. Game na," anito habang tinatabi ang tablet.

Sumandal si Jeb sa headboard ng kama at nilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "Kayang kaya 'yan."

"Yabang mo, Jeb. Porket ako 'yung magtatrabaho kaya chill ka diyan," komento ni Mikoy. Tapos ay hinalikan siya nito.

"Umph..." ungol ni Jeb habang sinisipsip ng lalaki ang laway at hangin mula sa bibig niya. Humaplos ito sa kanyang katawan at dinama ang muscles niya na ngayon ay masbatak na. Napahawak ang isang kamay ni Jeb sa katawan ng lalaki. Mas pronounced na rin ang mga uka sa muscles nito. Sinapo niya ang harapan ng briefs nito. Mainit na iyon at matigas.

"Uhhh... tangina..." singhal ni Mikoy.

"Na-miss kita pare, gago..." mariing turan ni Jeb tapos ay muli itong nilaplap habang pinipisil ang burat nitong nakakulong sa briefs. Naramdaman niya ang kamay ni Vito na humihimas din sa kanyang dibdib.

Nang bumitaw siya sa halik ay si Vito naman ang humalik kay Mikoy. Halatang na-miss din ng dalawa na maging intimate sa isa't-isa. Pinipisil niya ang tig-isang utong ng dalawa habang pinapanood niya ang mga itong nagbubuhulan ng dila.

"Ohhh ang hot niyo putangina..." komento ni Jeb habang minamalas na mag-make out ang unang lalaking nakasiping niya at ang boyfriend niya. Parehong makikisig ang mga ito at maungol habang nakikipaghalikan.

Mayamaya ay bumitaw na sa halik si Mikoy tapos ay pinupog nito ng halik ang katawan ni Jeb. Ganoon din ang ginawa nito kay Vito. Pababa ito nang pababa hanggang sa nakarating na ito sa may crotch. Hinubad ni Mikoy ang briefs nilang dalawa at pinakawalan ang kanilang naghuhumindig na mga alaga.

Sinubo nito ang burat ni Vito na may kasamang ungol. Naglaho ang kabuuan ng lalaki sa bibig nito, lamon agad hanggang base. Tapos ay tumataas-baba na ang ulo nito para silindrohin ang uten. Ang isang kamay ni Mikoy naman ay inabot ang tarugo ni Jeb at sinalsal iyon.

Napakagat-labi si Vito habang napapakadyot pataas para isagad pa lalo sa lalamunan ng chupaero ang burat. "Uhmm... Tanginang 'yan..."

Hinaplos ni Jeb ang nobyong katabi niya tapos ay hinalikan ito.

Mayamaya, naramdaman na ni Jeb na ang titi naman niya ang nasusubo. Mainit ang bibig ng kaibigan. Sobrang eksperto na ito sa pagblowjob. Walang kasabit-sabit. Swabeng swabe.

Nanatili silang nagbubuhulang dilang magkasintahan habang sinasalit-salit na tsupa at salsal ni Mikoy ang kanilang mga tarugo. Iyon ang ginagawa ng mga lalaki sa generated na picture.

Kumalas si Jeb, "sandali, baka labasan ako!"

Kumalas na rin si Vito, "sige generate ulit ako." Inabot nitong muli ang ipad, tapos ay nag-enter ulit sa app. May bagong picture na lumabas.

"Gusto ko 'yan! Gusto ko 'yan!" excited na bulalas ni Jeb.

Napakamot sa ulo si Mikoy, "gago. Porket ikaw ang nakakalamang diyan, eh."

Hinubad ni Jeb ang brief ng kaibigan, tapos ay hinawakan ang uten nito, "huwag kang mag-alala. Pasarapin muna kita bago nating gawin 'yang nasa picture."

Bumaba si Jeb at sinubo niya ang tarugo ng lalaki. Sinipsip at binaon niya iyon nang husto para masarapan talaga ang kanyang kaibigan. Iba rin ang elyang dala sa kanya na may tsinusupang titi. Nadadala na siya.

"Fuuuck Jeb... Anggg tanginang bibig 'yan... ughhmm..." sabi ni Mikoy tapos ay naging muffled na ang boses nito dahil hinalikan na ni Vito.

Mayamaya ay bumitaw na si Vito sa halik at sinabing, "ugh. Patikim din ako ng burat niya, babe."

Lumuwa na si Jeb at hinayaan ang kanyang nobyo na isubo ang titi ng kaibigan. Kita niya kung paano nito lamunin ang kahabaan ng matabang batuta ni Mikoy.

Si Jeb naman ay dumako sa likuran ni Mikoy. Hiniwalay niya ang mga pigi nito tapos ay sinubsob ang kanyang mukha. Dinilaan niya ang amoy sabon nitong butas. Nginata niya iyon.

"Uhhh tangina niyooo!" nangingisay na ungol ni Mikoy habang sabay na nasususo at naririm.

Nilamutak ni Jeb ang mamasel na glutes ng kanyang kaibigan habang kinakain niya ang bukana nito. Excited na siya sa gagawin niya dito mamaya.

Bumaklas si Mikoy, "ugh. Shit. Sige na. Baka labasan pa 'ko. Nagtulong pa kayo! Haha!" Tapos ay nag posisyong aso ito.

Agad namang lumuhod at pumuwesto si Jeb sa likod ng kaibigan. Pinapat niya na ang kanyang burat sa butas nito. Swabe namang nakapasok iyon sa loob. "Uhhh. Tangina nitong puke na 'to. Heto ang unang puwet na kinantot ko eh." Tapos ay nagsimula na siyang umuring.

Halata namang natamaan agad ang g-spot ng lalaki. Napatingala at sigaw ito, "uh puta! Sige sagad mo diyan!"

At nagsimula nang bumarurot si Jeb. Iniba-iba niya ang bilis, lalim at anggulo. Sa bawat hagod niya ay nakikita niyang nangingisay ang kanyang kaibigan.

Tumayo si Vito sa kama, sa gilid niya. Binangga nito ang burat na matigas sa mukha ni Jeb, "oh. Para ma-achieve na 'yung na-generate na pic."

Ngumisi si Jeb tapos ay sinubo na niya ang titi ng nobyo, habang patuloy pa rin siya sa pagpiston ng kanyang kaibigan. Nagawa naman niyang i-maintain ang ritmo ng kanyang pagkantot kahit pa may subo siyang burat.

Makalipas ang ilang minuto ay nangawit na sila sa puwesto at muling nagkalas upang mapigil ang kanilang mga rurok. Muling gumawa si Vito ng bagong imahe sa app.

Nagdabog si Mikoy, "tangina dehadong dehado naman ako dito." Pero humiga pa rin ito at bumukaka, gaya ng ginawa ng arab sa ikatlong pic.

"Utot, bottom ka rin naman, huwag ka nang umarte," sabi ni Vito at ito naman ang pumupuwesto sa puwetan. Tapos ay pumasak na ito, "aaaggghhh shit! Tangina sikip pa rin!"

Nagsasalsal nang marahan si Jeb habang pinapanood ang makisig na nobyo na tinuturbo ang kaibigan na kung saan-saan pumapaling ang mukha dahil sa sarap. Tigas na tigas at umiiyak ng dagta ang burat ni Mikoy habang tinatanggap nito ang pagkasta ni Vito.

Hinalikan ni Jeb ang kanyang kasintahan habang kumakantot ito. Ang isang kamay ni Vito ay pumagitna sa kanyang puwet. Naramdaman niya ang isa at ikalawang daliri na pumasok sa loob at kinalikot ang kanyang butas. Hinayaan lang niya ang lalaki na daliriin ang kanyang bukana dahil iyon din naman ang sinasaad ng picture. At hindi naman nawawala ang ritmo ng pagkantot nito kay Mikoy na panay ang mura sa hangin dahil sa elyang natatanggap. Isa pa, masarap din naman ang mafinger para kay Jeb.

Mayamaya ay bumunot si Vito. "Teka. Patagalin pa natin! Isa pa!" Tapos ay bumalik ito sa ipad at ginamit ang app. "Woah!"

Curious na sumilip silang dalawa sa tablet. Umalma si Jeb, "oy! Bakit ganyan!"

Sinapok ni Mikoy ang kanyang dibdib, "hoy. Huwag kang madaya. Susundin ang picture. Magagalit si Enea."

"GAGO!" pagkapikon niya, "paalam ka muna sa boyfriend ko--"

"--Okay na okay!" banat ni Vito, "matagal ko nang ini-imagine na ginagawa mo 'to kay Jeb."

Hinawakan siya ni Mikoy tapos ay pinaposisyong aso, "huwag ka nang maarte. Lagi akong bottom, pero napapatirik ko ang mga mata ng mga babae ko."

Huminga nang malalim si Jeb. Nagbo-bottom naman siya para kay Vito, pero hindi naman lagi lagi dahil bottom naman ito. At mas mahusay siya bilong top. Pero kahit papaano alam niya na kung paano kokondisyunin ang sarili para maayos na tumanggap ng batuta sa butas.

Ang mga kamay ni Mikoy ay humawak na sa kanyang balakang tapos ay pumasok na ito sa kanyang butas, "ohhh... Fucking shit... Ganyaaaaannn... Ang sikip mooooo!" Nahirapan ito nang kaunti pero naibaon na ang lahat.

Agad naman pumuwesto si Vito ayon sa nakasaad sa picture. Umilalim ito sa kanya, at agad na sinubo ang kanyang burat. Kaya naman nanatili iyong tigas kahit medyo masakit ang kanyang tumbong.

"Fuuuck tanginang 'yaaan!" garalgal na ungol ni Jeb. Nanlalaban pa ang sakit at sarap sa kanyang kalooban.

Bumaba ang mukha ni Mikoy sa kanyang tainga at bumulong, "putangina ng puke mo Jeb. Ang sarap. Ang sarap mong lalaki ka tangina mo." Sabay nilakasan at binilisan ang pagkasta sa kanya.

Namayani ang sarap sa kanya, "ugh, tangina mo, Mikoy! Sige. Fuck. Magpakasasa ka diyan!"

Sa gitna ng kanyang mga halinghing ay napansin ni Jeb ang burat ni Vito na nasa ilalim niya. Sinunod niya na ang sinaad ng AI image. Sinubo niya ang burat ng nobyo. Narinig niyang umungol ang kanyang kasintahan habang subo rin siya.

Maungol ang kanilang sixty-nine habang si Mikoy ay masayang kinakasta ang kanyang butas. Unti-unti nang nagtagumpay ang sarap na galing sa maselang parte ng kanyang tumbong. Namamawis na si Jeb at tumataas na ang kanyang mga balahibo.

Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Pabilis nang pabilis ang pagbarena sa kanya ni Mikoy.

Biglang umungol nang malakas ngunit muffled si Vito. Kasabay niyon ay sumabog na ang katas nito sa bibig ni Jeb. Nagulat siya pero nagawa naman niyang simutin ang lahat.

"AAAGGGHHH HINDI KO NA KAYA!" bulyaw ni Mikoy.

Naramdaman ni Jeb ang pagsabog ng init sa kanyang kalooban, tanda na nag-orgasm na ang kaibigan niya. Hindi na rin niya kinaya. "UGGHRRMPP..." pinakawalan na niya ang kanyang semilya. Subo pa rin siya ni Vito at ininom nitong lahat ang kanyang tamod.

Habang nagpapababa ng tensyon ay bumulong sa kanya si Mikoy, "ugh grabe. Pare salamat. Sing hot siya tulad ng ini-imagine ko."

Lumuwa at tumawa si Jeb, "galing mo ring kumantot pare."

"Linisin ko butas mo," sabi ni Mikoy tapos ay bumunot na ito. Naramdaman niya ang bibig nitong humihimod sa kanyang puwet.

Lumuwa at kumalas na rin si Vito, "sali ako." Tapos ay pumunta rin ito sa puwetan ni Jeb. Nakisipsip din ito ng semilya sa kanyang butas.

Nakangiti lang si Jeb habang nililinis ng dalawang lalaki ang kanyang tumbong.





--------------

If you want advanced access to the complete chapters of the current story and advanced chapters of the latest Tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

3 comments:

  1. parang masarap sila maging throuple hahaha

    ReplyDelete
  2. Sana magkalove story din si Mikoy hahahaha pls

    ReplyDelete
  3. Sabi ni Agent Dagohoy, bakit daw kaya dumarami ang mga hypno criminals sa Pinas. Sana foreshadowing ito na may mga susunod pang mind control series. Hahaha. Love these series of yours, sana may kasunod pa tapos mas maraming involve na college students/varsities (basketball, cyclists, etc.) hahaha. Kumbaga instead of Pastor Alfred na halo-halo, isang campus lang sinakop tapos Marami maiinvolve.

    ReplyDelete