If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Thursday, January 23, 2020

RNBB 32


ANG PUSONG INIINGATAN NI HOWIE

Ininom ni Howie ang kanyang ginger ale na mainit. Kakatapos lang ng ikatlong set niya sa bar nang gabing iyon. 

Medyo dumami ang gigs niya sa buwan na iyon. May ilang kasal siyang aawitan. Tapos isama pa doon ang mga ensayo nila para sa reunion concert ng COURAGE4. Kailangan niyang alagaan ang kanyang boses at ang kabuuan niyang kalusugan. Para hindi siya bumigay.

Pagkalabas niya ay nakakita siya ng pamilyar na kotse.

Bumaba ang bintana sa side ng driver. Tapos ay lumabas ang ulo ni Nicky. “Good evening, Howie!”

Nagsalubong ang kilay niya, “b-bakit ka nandito?”

“Hatid kita sa bahay mo,” aya nito.

“Bakit?”

Ngumiti ito, “pasok ka na. Pahirapang makakuha ng taxi tonight.”

Tama naman ang lalaki. Kahit reluctant siya, ay tumungo siya sa kabilang pinto at umupo sa front passenger seat.

Pinaandar na ni Nicky ang kotse. “Mukhang gutom ka, gusto mo mag-drive-thru?”

Bumaling siya sa lalaki, “huwag na, okay lang ako, Nicks.”

Pero dumaan pa rin sa McDonalds drive-thru ang lalaki. Bumili ito ng burger para sa kanila.

Nilahad nito ang isang burger sa kanya. “Kunin mo na.”

Tinitigan niya nang wirdo ang lalaki bago niya iyon kinuha. Kinagatan niya iyon. Tunay ngang gutom siya.

Katahimikan.

Minsan habang nakahimpil sila dahil sa red light ay nahuli ni Howie ang lalaki na dreamy na nakatitig sa kanya.

“Kelan ang next gig mo sa bar na ‘yun?” tanong ni Nicky.

“Next week ulit. Same day,” sagot niya.

“Ayos. Sige manonood ako ng gig mo—"

“—Nicks, ano’ng ginagawa mo?” pakli ni Howie, “yes, magkabanda na tayo ulit. At kailangan nating mag-interact para sa mga practices. Pero hindi ibig sabihin no’n na okay tayo.”

Sumimangot ang ex. Hindi ito nakaimik.

Ngunit nagsalita din si Nicky matapos ang ilang minuto, “‘yung panahon na pinagsaluhan natin sa mansyon, sa COURAGE4, ‘yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Bago ako nagkamali at naging tanga para takasan. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At sising-sisi ako na hinayaan kitang mawala. Naging duwag. Pero ngayon, ayokong magpaka-duwag.”

Kumunot ang noo niya, “ano’ng ibig mong sabihin?”

“May second shot na ako sa’yo. Alam kong malalim pa ang galit mo sa’kin. Pero gusto kitang ligawan, Howie. Sana hayaan mo ako,” desididong tugon nito.

Napasinghap sa gulat si Howie, “t-teka. Nicks naman. Ang daming shit na pinagdaanan ko dahil sa lahat ng nangyaring mali sa buhay ko, dahil sa lalaki. Dahil sa’yo. Hindi ko na iniisip ‘yang ganyang pakikipag-relasyon. Lalo na sa’yo. Grabe kaya ang impact mo sa akin.”

“Bakit, Howie? Wala na ba akong puwang sa puso mo? Kahit kaunti?” pagsusumamo nito.

Napalunok siya, “kasinungalingan kung sasabihin kong wala. Pero iniingatan ko na ang puso ko. Nakakapagod masaktan, makasakit, at mag-fail sa buhay. Alam mo naman.”

Hinawakan ng librang kamay ni Nicky ang kamay niya, “hayaan mong ibalik ko ang pag-asa sa puso mo. Hindi na ako ang Nicky na baby, na immature at walang bayag. Hayaan mong magsimula ulit tayo. Hayaan mong patunayan ko sa’yo— na kahit late na ako— kaya pa rin kitang ipaglaban at pangatawanan.”

Hindi nakasagot si Howie. Tinitigan niya lang ang lalaki habang nakahimpil sila. Bakit ba kasi hindi pa rin nawawala ang damdamin niya sa lalaking iyon?

——————————————————————————

Kinabukasan.

Nang pumasok si Howie sa studio sa music department ng SEASAU kung saan sila nag-eensayo, natagpuan niya na ang tanging nandoon lang ay si Nicky. 

Tumutugtog ang mabilis na musika mula sa bluetooth speaker. Nagpa-practice ito ng sayaw habang nakaharap sa pader na salamin. 

Umikot ito paharap sa kanya nang mapansin siyang pumasok, “huy. First ka ulit dumating sa ensayo!” 

“Hello,” tipid niyang bati tapos ay naisip, tangina naman ‘tong sina Frank at Justin laging late. Ako tuloy lagi ang may awkward encounter sa lalaking ‘to.

Humihingal ang lalaki, “pina-practice ko lang kasi ‘yung choreography natin, para hindi na nakakahiya mamaya kapag nag-practice tayo as group. Alam mo naman, waterloo ko ang pagsasayaw. Sa sex lang magaling umindayog ang katawan ko.”

Umupo siya sa isang silya sa may gilid, “okay. Pahinga lang ako. Nakakapagod ang byahe.” Nilabas niya ang kanyang tumbler na may ginger ale at ininuman iyon.

“Okay, practice ulit ako dun isang sayaw natin. Sasamahan ko ng kanta. Para mapraktis paghinga,” turan ni Nicky.

Pinatugtog nito uli ang minus one at sinabayan ng kanta ang pagsayaw.

“...You gotta go and get angry at all of my honesty
You know I try but I don't do too well with apologies
I hope I don't run out of time, could someone call a referee?
'Cause I just need one more shot at forgiveness
I know you know that I made those mistakes maybe once or twice
By once or twice I mean maybe a couple of hundred times
So let me, oh let me redeem, oh redeem, oh myself tonight
'Cause I just need one more shot at second chances…"

Maayos naman ang pag-awit ng lalaki. Maayos din naman ang pagsasayaw. Pero halatang kulang pa sa pitik ang mga galaw nito. Pero kyut naman ang lalaki, kaya dala na rin.

“...Yeah, is it too late now to say sorry?
'Cause I'm missing more than just your body
Oh, is it too late now to say sorry?
Yeah, I know that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?…”

Nang matapos ang isang round ay humihingal na napahawak si Nicky sa mga tuhod. Tapos ay tumingin ito sa kanya. “Ayos lang ba?”

“Mas okay na ngayon. Kayang kaya mo naman ‘yan, eh,” positibong sagot niya.

“Shit. Sobrang init na ako sa pawis, sandali,” tapos ay hinubad nito ang basang shirt na suot. 

Nanlaki ang mga mata ni Howie. Higit talagang mas guwapo si Nicky ngayon dahil nadagdagan ng maturity ang mukha nito. Pero ang katawan nito ay nananatiling ripped. Lalo pa iyong na-highlight ng pagtama ng mga ilaw sa manipis na layer ng pawis na bumabalot sa katawan nito.

Doon din niyang napansin na engorged ang bukol sa harapan ng hapit nitong jogging pants. At prominente rin ang malamang puwetan nito.

Bumaha sa utak niya ang mga alaalang halos araw-araw niyang angkinin ang katawang iyon. Hindi niya mapigilang mapalunok dahil sa pagka-akit.

Nakangisi sa kanya si Nicky. Mukhang sinasadya nga ng lalaki na akitin siya, “sexy pa rin ba, Howie?”

Nilayo niya ang tingin, “gago.”

Hinaplos ni Nicky ang sariling katawan, “tangina Howie. Nung nagkahiwalay tayo, puro jakol lang ako. Wala akong sex. Pero tangina, ngayong nakikita kita nabubuhay ‘yung kalibugan ko na ikaw ang bumuhay nung tayo pa.”

Nagtitigan silang dalawa. Pulang pula si Howie dahil nao-overwhelm siya sa lapot ng tingin nito sa kanya. Gusto niyang sabihin na iyon din niya ang nararamdaman niya nang muling makita ang lalaki.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok na si Justin. “Oh hello, hello. Woah! Lalabas ba muna ako?” Nakakaloko itong nakatingin sa kanila.

Umirap si Howie, “gago hindi. Dito ka na. Tutukan mo ‘tong si Nicky. Kailangan pa ng praktis sa sayaw.”

Malakas ang halakhak ni Nicky. Pilyong nakasulyap ito sa kanya.

Shit. The tables have turned, bulong ng utak ni Howie.

——————————————————————————

“Thank you very much sa pagbisita sa amin dito sa Talk Show Tides! Ladies and gentlemen we have with me Frank, Howie, Nicky and Justin, the members of then very very successful boyband in the past, COURAGE4! And may I just say, it seems like the four of you have not aged at all— it has been like what? Five years?”

Iyon ang bungad ng sikat na host ng showbiz talk show kung saan sila ay nag-guest, para sa announcement ng kanilang muling pagsasama-sama. Kumpleto silang apat para sa interview na iyon.

Kabado si Howie. Nananalangin siya na sana huwag siyang magkamali sa kanyang isasagot kapag siya na ang tinanong.

Sa may side ng mga cameramen, nanonood sa kanila nang taimtim si Elvis sa kanila.

“Yes Tito Voy, five years po since our last public appearance,” sagot ni Frank.

“And how has that five years been for the four of you?” tanong ng host.

“Well, to make it quick. Ako naging Call Center Agent, si Nicky ay music teacher, si Howie ay free lance singer, and of course you may have heard na si Justin ay isang indie film actor,” kuwento ni Frank. 

“That’s great to hear. Maigsi lang ang interview na ito so I’ll address the elephant in the room. You know your band is undeniably one of the most successful vocal groups that OPM has ever had in decades. Napakadami niyong projects and I’m pretty sure you raked in a lot of money. Partida na your production company, LightColor, was new in the entertainment industry. And I have to say, it’s because of the immense talent and charism that you had,” paliwanag ni Tito Voy, “pero you also had the most controversial ending too. Ang tagal tagal na pinag-usapan kayo ng sambayanan. None of you came forward to address it. Only a PR release from LightColor that your group has been disbanded and will no longer continue. Now that you’re here, I think tama lang na i-address natin isa-isa.”

Tumango si Frank, “yes. At handa naman po kaming harapin ang taong bayan.”

“Let’s start with you, Frank,” banggit ng host, “how is your relationship with your parents?”

“Naku. Wala pa rin po. Since nakulong sa kanila, hindi na ako nakipag-connect,” tugon ng lider, “and tulad po ng assertion ko noon, I don’t think I was correctly judged. My parents are criminals, but I am nothing like them.”

Ngumiti si Tito Voy, “that’s good to know. Justin, you have been accused of sexual harrassment. You went viral because of the many women who came forward.”

Humble na mukha ang pinakita ni Justin. “Tito Voy, una po sa lahat, wala pong explanation para sa ginawa ko. I was bad. I was wrong. I will apologize and I accept all bad words. I’m trying to change. At sa loob ng limang taon na ‘yon, isa-isa ko pong ni-reach out lahat ng babaeng nagawan ko ng kasalanan. Nanghingi ako ng tawad. I had to settle too. Pero since then— ask anyone Tito Voy— sa loob ng limang taon, behave ako.”

Satisfied na ngiti ang tinugon ng host, “and Howie. Gosh. Yours is a whirlwind ano?”

Kabadong tumawa si Howie, “yes po.”

“So, the video— ikaw ‘yun?”

Tumango siya, “yes, Tito Voy. I’ve been gay…  My whole life. I knew I had to hide it nung nakapasok na ako sa COURAGE4. Kasi alam niyo naman, mahirap para sa isang baklang open na mag thrive sa showbiz especially kung heartthrob boybands ang packaging. ‘Yung video, it was from a distant past. And I did not know na kinukunan ako no’n. Lightcolor did not like it, lalo na’t nag compound siya dun sa iba pa naming mga kontrobersiya— kaya instead of salvaging the group, masmabuti pa na  the group died a natural death.”

“And Nicky. ‘Yung drunken outbursts mo… about the members being… sexually involved with each other… Totoo ba ‘yun?” maingat na usisa ng host.

Bumuntong hininga si Nicky, “yes po. Mahirap i-explain. Lalo na’t nasa mass broadcast tayo, pero yes po. Simpleng sagot na lang po. Sinasabi lang namin ito dahil malaking bagay ang COURAGE4 sa buhay naming apat kahit nagkawatak-watak kami dahil sa mga isyu na ‘to. We owe to are fans back then ang aming honesty. Napag-usapan na namin itong apat.”

Mukhang gulat pero bilib si Tito Voy, “wow. That’s wow… so brave.”

“Pero Tito Voy— kahit alam namin na, mahihirapan kaming ma-regain ang mga supporters namin dahil sa mga naging isyu na ‘to,” paliwanag ni Justin, “ginagawa lang po namin ang reunion concert na ito, for charitable causes. Para po sa medical expenses ng aming dating trainer at matalik na kaibigan na si Engelbert.”

Tapos ay binigay nila ang detalye ukol sa kanilang magiging concert.

Kinamayan sila isa-isa ni Tito Voy bago namaalam, “thank you so much, COURAGE4 for that refreshingly honest and brave interview. As a member of the LGBTQ myself, I feel rejuvenated sa mga nalaman ko today— oh one last thing. I know that Frank here has a boyfriend, ‘yung manager ng band. Pero there was also an isyu na naging kayo, Howie and Nicky.”

Nagkatinginan silang dalawang dating magnobyo.

“Opo,” mariing sagot ni Nicky, “minahal ko po siya at mahal ko po siya hanggang ngayon. Pero ayaw ko na po magbigay pa ng detalye. Masaya na po ako na pribado kung anuman ang nagkaro’n at meron kami. Reunion concert for a cause po ito. At ayaw po naming masabihan na queerbaiting kami.”

Tapos ay bumaling sa kanya ang kanyang ex na ngayon ay manliligaw at ngumiti nang matamis.

Napanganga si Howie sa public reveal ni Nicky sa kanilang naging relasyon at ang damdamin nito para sa kanya. Shocked siya.

Pero sobrang kilig.

——————————————————————————

“See you later Howie. Male-late ako. Papanuorin kita. Tapos dinner.”

Tinitigan ni Howie ang kanyang cellphone na may mensahe galing sa kanyang manliligaw. Nanlambot ang kanyang dibdib. Napakahina niya talaga sa lalaking iyon.

Bumuntong-hininga siya at sinabi sa sarili, “pero… Howie… Bakit nga ba hindi? Hmmm… Hindi naman si Nicks ang issue. Sobrang apologetic naman na siya sa nangyari sa amin. Ako lang ‘to. Ang takot na si ako.”

Sa loob ng isang linggo na lagi silang magkakasama ay naging sweet ito sa kanya. Masugid itong nanunuyo. Nanunundo sa mga gigs niya. Nililibre siya ng dinner. Paminsan ay aakitin siya ng maganda nitong katawan. 

Tumatalab naman ang lahat sa kanya. Napapawi naman na sa kanya ang malaking pagkakamaling nagawa nito noong nakaraang limang taon. Naalala niya ang dahilan kung bakit niya ito minahal noon pa man. At kung bakit hanggang ngayon weak pa rin ang puso niya sa mga charms nito.

Pero katulad ng kahit anong pusong labis na nasaktan, masyado na itong dinedepensahan ng utak. Binabalot pa rin siya ng takot na muling masaktan at makasakit.

Tinawag na siya ng kanyang mga kabanda. At sinimulan na niya ang kanyang first set. Kumanta ng kanilang handang setlist at kumuha ng mga requests mula sa manonood.

Habang kumakanta sa second set ay nakita niyang pumasok sa bar si Nicky. Kumaway ito sa kanya.

Poging-pogi ang lalaki sa suot nitong polo at slacks na pamasok nito bilang teacher sa university.

Um-order ito ng pikapika at softdrinks at taimtim na nakinig sa kanya. 

Effort na manatili siyang pokus sa trabaho at hindi ma-distract sa titig ng kanyang napaka-charming na manliligaw.

Mula sa isang table ng mga babae ay may kinuhang tissue at one thousand ang isang waiter. Inabot nito iyon kay Howie. Isang request.

Binasa niya at pinarinig sa mic ang nakasulat, “Di Man Ikaw ang Una, by Inggrid.”

Napabaling siya kay Nicky. Mukha namang masaya ito sa narinig.

“This is… this is a nice song,” banggit ni Howie, “actually, this is written by a good friend of mine. Back in my boyband days. Maybe you know him. He’s here, Nicky Byernes.” Tapos tinuro niya ang lalaki.

Nagpalakpakan naman ang mga tao. Si Nicky naman ay kumaway.

Nagsimula na ang pag-gitara ng kanyang kabanda. At umawit na si Howie.

Kay rami nang dumaan, saking nakaraan
Marami nang aral na natutunan
Ako’y nakasakit, at ako ay nasaktan…
Marami nang ulit na sinukuan…

Nag-iba ang mukha ni Nicky. Puno ito ng awe at pagmamahal. Naluluha ito habang masuyong nakatingin sa kanya. 

“…At sa kabila ng mga mali, na naranasan ko,
Natagpuan ko ang tamang pag-ibig sa iyo…”

Nangilid na rin ang mga luha sa mga mata ni Howie. Marahil dahil alam niyang naisulat ang kantang iyon upang ilarawan ang lalim ng kanilang damdamin para sa isa’t-isa.

Di man ikaw ang una ikaw naman ang tunay...
Ikaw ang pag-asang… bumuhay sa’king buhay..."

At hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang damdaming iyon.

——————————————————————————

Paglabas ni Howie sa backdoor ng bar matapos ang huli niyang set, naroon nakatayo si Nicky, naghihintay sa kanya.

Nakangiti itong masuyo at nakatitig na malaman.

“Hey.”

“Hey.”

“Eherm, so… halika na,” aya ni Nicky. “Saan mo gustong mag-dinner? Sa— Ugh shit—“

Pinatigil ni Howie ang lalaki sa pamamagitan ng paghatak ng kuwelyo nito. Tapos ay inangkin niya ang mga labi nito. Tuluyan nang binitawan ng kanyang utak ang galit at pangamba. 

Tumugon ang mga labi ni Nicky. Dama sa panginginig nito ang ligaya na naghahalikan sila.

Humihingal ang lalaki nang saglit silang bumitaw. “Ugh. Howie, mahal na mahal pa rin kita.”

“Mahal na mahal din kita, Nicky,” matamis niyang sagot.

“Magsimula tayo uli? Sa pagkakataong ‘to, wala nang iwanan,” pangako ni Nicky.

Pakyut na ngumiti si Howie, “promise ‘yan, ah?”

“Promise.” Tapos ay hinalikan siya nitong muli.

——————————————————————————

Wala nang dinner na naganap.

Pumayag si Howie nang imungkahi ng nobyo na dumiretso na sila sa bahay nito.

Kaya naroon siya, nakahiga. Hubad na. 

Nasa ibabaw niya si Nicky. Nakangisi itong pilyo sa kanya, “hindi ako sanay na parang docile ka sa kama. Madalas ikaw ang promotor ng kalibugan, eh.”

Natawa siya, “putakte naman kasi Nicky. Nitong mga huli ikaw ang in-charge lagi.”

“I don’t mind. Pero gusto ko din ‘yung puta ka umasta,” biro nito.

Natawa siya ulit, “gago.”

Tapos ay naghalikan silang dalawa. 

Damang dama ni Howie ang longing ng kanyang muling nobyo. Grabe itong rumomansa. Hinalikan nito ang kanyang leeg, balikat, braso, kilikili, dibdib, abs at singit. Walang parte ng katawan niya ang pinalampas nito.

Tigas na tigas at namimilipit siya habang hinihimod nito ang kanyang buong katawan. Puro ungol lang ang nagagawa niya.

Mayamaya ay nakarating na ito sa kanyang bayag. Hinimod nito ang kanyang singit at yagbols. 

Tapos ay sinubo na nito ang kanyang burat. Nakatingala ito habang sinususo siya nito.

“Ohhh goood… Shiiit Nicky ughh…” aniya habang napapaliyad.

Saglit na lumuwa si Nicky at ngumisi, “masarap ba?”

“Uh-hmm!”

“Na-miss mo?”

“Sobra!”

Tapos ay muli siyang dineep-throat ng lalaki. 

Ang mga kamay ni Nicky ay umakyat at inabot ang kanyang mga utong. Nilaro ng mga daliri nito ang kanyang nipples. Dumagdag  iyon sa kanyang nadarama.

Ang mga kamay naman ni Howie ay pumatong sa ulo nito at lalong idiniin ang pagtsupa nito sa kanya.

Bumaba ang isang kamay ni Nicky at hinanap ang butas niya. Maya-maya ay fini-finger na siya nito. 

“Fuuuck Nicky… Tangina. Ang tagal nang walang napasok diyan na burat!” komento ni Howie.

Lumuwa ito saglit, “haha, puro dildo lang?”

“Uh-hmm!”

“Hayaan mo, kakantutin kita. Ikaw ang unang puwet na nakantot ko.”

Tapos ay bumaba ang ulo ni Nicky. Nilaplap nito ang kanyang butas.

“Ahhhh tangina mooo!” tapos sa sobrang sarap ay na-ipit ng mga hita niya ang ulo nito habang niri-rim siya.

Ang kanyang titi ay tirik na tirik at nagpapalabas ng precum.

Maya-maya ay umahon na si Nicky. Tapos ay sinuotan na nito ang ari ng condom. Sinampay nito ang mga paa niya sa balikat nito.

Unti-unti nitong pinasok ang burat sa kanyang butas. Dahil sa pag-rim nito ay madali itong naipasok iyon.

Matagal man siyang hindi nakantot, pero sanay pa rin siya sa sakit. At in-anticipate niya ang sarap.

Hinatak niya sa batok si Nicky at hinalikan ito.

Maya-maya ay nabaon na ng nobyo ang lahat sa kanyang kalooban at sinimulan na siya nitong kantutin.

Walang wild sa ginawa nilang pagtatalik. Nagpakantot siya sa lalaki habang nagtititigan silang dalawa at minsanang naghahalikan.

Muling bumalik ang ereksyon ni Howie nang sumarap na ang epekto ng pagbugbog ng burat ng lalaki sa kanyang g-spot.

“Ahhh sarap Nicky… Ahhhhh I love you!” bulalas niya.

Binilisan nito lalo ang pagbarurot, “ahh I love you too!” Tapos ay inangkin nitong muli ang kanyang labi.

Nagpatuloy pa sila ng kantutan ng ilan pang minuto. 

Naramdaman ni Howie ang pressure sa kanyang groin. Nagsimula nang tumirik ang kanyang mga mata. “Gahhhh… Aghh… AHHH PUTAAA!”

Kusang sumirit ang kanyang tamod at tumalsik sa kanilang mga abs nang hindi niya hinahawakan ang burat.

“Ohhh shit! Ohhh shit! Ang hot! Shit!” sigaw ni Nicky habang humuhugot at nagtatanggal ng condom. Jinakol nito ang sarili.

Agad na bumangon si Howie at tsinupa nang mabilis ang lalaki. Ang sarap talaga ng burat nito.

“GAAAAH HOWIIIE!” tapos ay napaigtad ang lalaki at nangisay.

Sumabog ang tamod nito sa kanyang bibig. Matamis pa rin ang lasa ng katas nito. Inipon niya iyon sa bibig.

Lumuwa si Howie at hinarap ito. Naghalikan silang dalawa at pinagsaluhan ang tamod ni NIcky. 

No comments:

Post a Comment