If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Sunday, May 26, 2019

Story by @Cerealwaters: Ang Baklang Dance Instructor 5



Picture by: @panaxbgo
Story by: @CerealWaters

Ang Baklang Instructor Part 5


"Sakay na. Alam kong hinahanap mo si Kenny."

Tatanungin ko sana kung paano niyang nalaman na yun ang gagawin ko pero naisip kong wag nalang. Agad akong sumakay sa kotse nya. 

"Alam mo kung nasaan siya ngayon?"

Tumango sya sa tanong ko. "Sa isang malayong bayan. Nakitira sya sa kamag-anak nya. Tatlong oras ang Iayo ng byahe."

Sa buong byahe ay tahimik naming tinanaw ang labas. Ilang beses na akong dumaan sa mismong kalsada na to. Pero ngayon ay iba ang pakay namin, ang tugisin si Kenny.

Makalipas ng tatlong oras ay nakarating din kami sa bayan na tinaguan ni Kenny, ang San Raphael. Isang progresibong ngunit tahimik na bayan.

Nang nakarating kami ay dumaan kami sa mga palayan. Habang dinaan namin ang kalsada, agad nakita ni Luke si Kenny. Naglalakad sa mainit na araw

"Manong, ihinto mo muna ang sasakyan. Bababa ako."

Nang huminto ang kotse, bumaba si Luke at lumakad papunta kay Kenny. Agad akong bumaba at sumunod kay Luke. 

"Kenny!"

Lumingon si Kenny at nakita nya si Luke. Biglang tumakbo si Luke at sinuntok si Kenny. Agad nahulog si Kenny, duguan ang mukha. 

"Sinabihan kitang lumayas ka pero iba ang ginawa mo." Galit na sinabi ni Luke.

"Alam mo ba anong ginawa mo, ha, baklang salot? Ginawa mong miserable ang buhay ng isang teenager dahil sa kahayukan mo. Nakakasuka ka."

Biglang tumawa si Kenny at tumingin kay Luke. "Bakit? Dapat lang na naman malaman ng buong bayan ang ginawa ni pogi dito. Di ko sana i-upload pero nag-bago ang isip ko."

"Oo, ginawa kong miserable ang buhay niya. Pero dapat lang naman diba? Damay-damay na to." Agad syang tumawa; isang baliw na tawa.

"Napaka-walang hiya mo. Wala kang awa, Kenny. Isa kang patapon, basura, hayop, demonyo-"


"Wag mo nang ituloy, pogi." Agad siyang umakmang tumayo, pero biglang sinipa ni Luke.

"Sinong nag-sabi sayo na pwede kang tumayo?" Tanong niya ng may galit at pagka-suyam. Pinatong niya ang kanyang paa sa chest ni Kenny.

"Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang tumakas?" Bigla namang sinuntok ni Luke si Kenny sa mukha at sinuntok pa ulit. Patuloy na sinuntok ni Luke si Kenny; agad kong kinuha ang braso niya. Napalingon siya sa akin. 

"Bitawan mo ako, Teng." Pero hindi ko binitawan. "Tama na, Luke." 

"Tama na? Tama na?! Teng, nakalimutan mo ba anong ginawa niya sayo?" 

"Luke, sa ginagawa mo, pinapatay mo si Kenny. Wala na siyang kalaban-laban." 

Magsasalita na sana si Luke pero hindi niya tinuloy. Niyuko nya ang kanyang ulo. "Sorry, nadala ako sa galit." 

Umiling ako. "Okay na, wag ka nang mag-sorry." Agad akong napatingin kay Kenny na nakahundusay sa sahig, duguan. "Dalhin natin siya sa hospital" Tumango si Kenny. 

Agad namin siyang dinala sa isang hospital at doon kinonfine. Natamo ng mga sugat ang mukha ni Kenny dahil sa mga suntok ni Luke at nawalan ng malay. 

"Anong gagawin mo sa kanya pagkatapos?" Tanong ko kay Luke pagkatapos namin dinala sa hospital. 

"Ipapakulong ko siya pag humilom na ang kanyang mga sugat at nagkamalay na siya." Sagot niya.

Napatango ako. Agad kaming bumalik sa kotse sa umuwi sa bayan namin. Binaba niya ako sa school, na malapit nang matapos ang klase. 

"Ano, kita na lang tayo bukas?" Napatahimik si Luke at saka siyang tumango. "Sige, bukas na tayo mag-kita." Ngiti ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin at umalis. 

-----------------------------------

Kumalat sa buong bayan ang balitang na-hospital si Kenny dahil sinuntok ni Luke. Si Luke naman ay hindi pumasok nang kumalat ang tsismis, siguro ay pinagalitan ng mga magulang. 

Si Kenny naman ay nagkamalay daw ilang oras namin siyang dinala sa hospital. Ngayon ay nagpapagaling na lang siya. Pero may tsismis na bumisita daw ang mga pulis kay Kenny at ikukulong siya. May nagsasabi na nakulong na nga si Kenny pero hindi ako sigurado. Tatanungin ko sana si Luke pero minabuting hindi. 

Samantala, agad na kinalimutan ng mga studyante ang nangyari sa akin pero may iilan ang alam pa rin pero minabuting di sabihin. 

Lumipas ang araw at prom night na. 

---------------------

"Oh, nag-lagay ka na ba ng gel sa buhok mo?" Tanong ni mama. 

"Oo, kanina pa, ma." 

"Nag-toothbrush ka na ba?" 

"Opo." 

"Teka, yung corsage." Agad na kinuha ni mama ang corsage at nilagay sa tuxedo ko. 

"Ayan, ang gwapo mo na." Papuri niya sa akin. 

"Wag ka umuwing may binuntis ka!" Kantiyaw ni kuya.

"Filomino! Napaka-bata pa ng kapatid mo! At wag mo syang ihalintulad sayo." 

"Wala naman akong binuntis, ha?" 

"Pero anong nabalitan kong pumunta ka sa isang motel kasama ang isang babae, aber?" 

"Ma, naman." 

Napatawa na lang ako. Bigla akong napalingon ng nakita ko si Luke na nakasuot ng isang white tuxedo, pants at black na tie. 

Napahinto sina mama at kuya at napa-tingin kay Luke. "Sorry ho, sa istorbo. Ako ho nga pala si Luke, classmate ng anak niyo. Isusundo ko ho sana siya kasi malapit na pong mag-simula ang prom."

Ilang segundong napa-titig si mama kay Luke, saka siya sumagot. "Ah, ganun ba? Oh, sige, punta na kayo, nak." 

Bago akong lumabas ng bahay ay bumulong si mama sa akin. "Ang gwapo nya, nak. Sino ba tatay nyan?" 

"Nay, anak yan ni Magno Montefalco!" Bulong ko pabalik. Agad na nagulat si mama at lumakad patungo kay Luke. 

"Anak ka pala ni Magno. Sorry, hindi ko alam." Tumawa si mama ng konti. 

"Pasensya na sa bahay, ha? Filomino! Umaayos ka nga! Gusto mo ba ng juice o tubig o coke? Meron pala kaming-" 
Agad na pinutol ni Luke si mama sa pagsasalita. "Salamat ho, tita. Pero kailangan ho naming umalis."

"Sigurado ka ba?" Tanong ni mama. 

"Opo, halika na, Teng!" Umalis kami ni Kenny sa bahay at sumakay sa kotse. 

"Sorry nga pala sa nanay ko." 

"Okay lang. Sanay na ako. Ano, punta na tayo?" Tumnago ako. 

---------------------

Nang nakarating na kami ay malapit nang mag-simula ang prom. Agad akong pumunta kay Amy. 

"Ba't ang tagal mo?" 

"Sorry." 

Sumimangot si Amy. "Mabuti na lang dumating ka." Ilang segundo magkalipas ay nagsalit ulit si Amy. 

"Sorry nga pala sa inasal ko nung lunes."

Napatitig ako sa kanya at ngumiti. "Okay lang, hindi mo naman kasalanan." Napangiti si Amy sa akin. 

-----------------------------

Ilang oras makalipas, nag-announce na sila ng mga kokoranahan nila. Face of the night, Couple of the night, Best Dressed, etc. 

"Ngayon, the moment you've all been waiting for. This year's Prom King and Queen." 

Una nilang kinoronahan ang Prom Queen na isang Junior student. "And now, this year's Prom king."

"And he is none other than, Mr. Lucas Ford Montefalco!"

Agad na naghiyawan ang aming mga classmates habang si Luke ay nag-martsa sa stage at kinoronahan. 

"Ladies and Gentlemen, our Prom King and Queen!" 

Pagkatapos ng coronation, nag-sayaw kaming lahat sa dancefloor. Bigla kong nakita si Luke na papalapit sa akin. 

"Luke, congratulations!" Ngumiti lang si Luke sa akin. 

"Teng, may sasabihin sana ako sa yo. Kung okay lang, dun tayo sa labas?" Agad akong tumango at lumabas kami sa auditorium. 

"Oh, anong sasabihin mo sa akin, Luke?" Tanong ko sa kanya. 

Tumahimik ng ilang segundo si Luke pagkatapos ay nag-salita. "Teng, gusto kita." 

Agad akong na-estatwa. "Ha?" 

"Gusto kita, Teng. Matagal na. Matagal na matagal na."

"Luke-"

"Alam ko anong sasabihin mo." Pagputol nya sa akin. "Hindi ako mag-expect na balikan mo rin ang nararamdaman ko sayo. Gusto ko lang sabihin to sayo kasi..." 

Nakatitig lang si Luke sa akin  saka niya tinuloy ang sasabihin niya. 

".... kaibigan kita." 

Ilang segundo kaming nagkakatigan, walang nagsalita. Nakatayo lang kami at walang masasabihan. 

Biglang naputol ang katahimikan ng sumigaw si Amy. "Hoy, ba't kayo nandyan?" Nagkatinginan kami ni Luke at bigla kaming ngumiti. "Tara! Baka lalong magalit si Amy." 

Umiling ako. "Mamaya na. Dito lang muna ako." 

"Sigurado ka?" 

Tumango ako. Bumalik si Luke sa loob ng auditorium habang ako ay nakatingin lang sa buwan. 


Bigla akong napangiti. 

------------------------------

Stay tuned for the Epilogue! 


No comments:

Post a Comment