If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Sunday, May 19, 2019

Story by @Cerealwaters: Ang Baklang Dance Instructor 4




Picture by: @panaxbgo
Story by: @CerealWaters


ANG BAKLANG DANCE INSTRUCTOR Part 4


"Oh, ano? Ayos tingnan, diba?" tanong ni Mama habang sinusukat ko ang tuxedo.

Naisip ni mama na mag-renta kami ngayon ng tuxedo para sa nalalapit na JS Prom.

Minasdan ko ulit ang tuxedo habang suot ko. Isang simpleng black coat at pants na may puting polo sa loob ng coat at isang bowtie. Isang literal na Suit and Tie.

"Vicente, ano? Kukunin ba natin?" tanong ulit nya.

"Sige, kunin natin, ma."

Agad dumiretso si Mama sa kumare nyang mananahi habang tiningnan ko ulit ang aking sarili sa salamin. Bigla akong napangiti.

"Ay, Teng, may tanong sana ako. Nakita mo ba si Kenny?" tanong ng mananahi sa akin.

Na-estatwa ako sa tanong. "Ho?"

"Si Kenny. Nakita mo ba sya?"

"H-hindi po. Hindi na nga po nagpapakita sa amin sa practice." Sagot ko sa kanya habang nagdarasal ako sa aking sarili na hindi nila malaman na nenerbyos ako.

Ngumiwi ang mukha ng mananahi. "Saan ba kasi ang baklang yon?!"

"Ba't mo siya hinahanap, mare?"

Natahimik ng sandali ang mananahi at nag-salita ulit. "Diba nagkaroon tayo ng gay pageant?"

"Oo, nung November. Ang alam ko, sumali sya. Bakit?"

"Kasi yung tanginang baklang yun, hindi pa rin binayad yung renta ng gown. Mag-tatatlong buwan nang hindi sya nag-bayad. Yung perang pinalunan niya, ginasto niya sa alak at lalake. Tapos, ngayon tinakasan ako ng hayop na yon! Buwesit!"

Agad akong mataktikang nilapitan si mama at sinabihan na papalit na ako sa pambahay na damit. Nang sinirado ko ang kurtina, napatingin ako sa salamin.

Tumakas si Kenny. Pagkatapos sa ginawa ni Luke sa kanya, hindi ako mag-tataka na dahil yun sa kanya ay lumayas si Kenny. Habang nagbibihis ako ay bigla kong naalala ang video na kinuha nya ng una nya akong chinupa.

Sana lang ay hindi nya i-upload, hiling ko ng tahimik.

------------------

Nang sumapit ang lunes at pumasok ako sa school, naramdaman ko iba ang mga titig na binibigay sa akin ng mga ibang studyante. Agad silang nagbulungan na tila bang nandidiri sa akin. Pati sa classroom ay iba din ang mga titig. Tila bang may nagawa akong masama.

Nilapitan ko si Amy na busy sa pagbabasa. "Amy-"

"Enteng! Ba't ka pumasok?" Tanong nya. Nang nalaman nyang nilakas nyang sinabi yun, lumapit siya sa akin at bumulong; tila hindi gustong marinig na iba.

"Bakit ka pumasok?!" Tanong nya ulit.

"Bawal ba? Tsaka, bakit iba sila kung tumingin sa akin?" Habang tinanong ko yun ay may ilan na tumingin sa akin.

Napa-tahimik si Amy at niyuko ang ulo, tila hindi gustong makita ang kanyang mukha. Bigla kong naalala na wala pala si Luke.

"Si Luke? Absent ba sya?"

Hindi sya sumagot. Nakayuko pa rin ang ulo.

"Amy? Asan si Luke?" Biglang dumating ang aming teacher para sa first period. Bago ako bumalik sa upuan ay narinig kong bumulong sya ng, "Dapat hindi ka pumasok."

--------------

Konti lang ang hindi tumingin sa akin, mga first year students pababa. Pero karamihan ay, oo. Napaisip kong kumain sa ibang lugar. Habang nag-lalakad ako ay bigla akong bumundol sa isang studyante. Agad na sanang mag-sorry sila sa akin pero nang nalaman nila ay ako ang kanilang nabangga ay agad silang umiwas.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at tila iba kung tumitig sa akin. Aalis na sana ako ng biglang-

"Uy Teng! Totoo ba yun?" tanong ng first year na bata.

"Gago!" Saway ng classmate ko.

"Ang alin?"

"Na nagpa-chupa ka raw sa school bathroom."

"Gago ka talagang bata ka!" At kumaripas silang lumakad habang nakatayo lang ako sa hallway.

Kinalat ni Kenny ang video. Agad akong napaluhod sa sahig.

Totoo ngang lumayas si Kenny. At ngayon ay kinalat nya ang video na chinupa nya ako.

Biglang napalitan ang aking lungkot sa galit. Napatayo ako at tumakbo. Hahanapin ko si Kenny.

---------------

Tumakas ako sa school at tumakbo papunta sa isang parlor kung saan tumatambay daw si Kenny. Nang nakarating ako ay nilakas kong binuksan ang pinto.

"Nasan si Kenny?" tanong ko sa mga parlorista.

Agad silang nag-titigan sa isa't-isa. "Kung ikaw hinahanap si Kenny, kami hindi?! Day, may utang yun sa akin." Sabi ng bakla na nakaupo sa harapan ko.

"Kumabit sya sa boylet ko." dagdag ng isa na nakaupo sa mga upuan.

"Hiniram nya yung wig ko." dagdag ng nasa sa reception.

"Pati na sapatos at makeup ko." hirit pa ng isa na nakaupo sa mga upuan.

"Yung damit ko galing US." dagdag ng customer.

"At pati na mga alahas ko na sinanla nya pala." at dagdag rin ng isa na nag-aayos sa customer.

"Sinanla nya pala?!" Tanong ng nasa receptionist.

"Oo, narinig mo naman sinabi ni Mama, diba? Bingi ka ba?" tutya ng bakla na nakaupo sa mga upuan. Inirapan lang nya ang kausap at bumalik sa pag-basa.

"May kasalanan si Kenny sa amin dito sa parlor na to. Narinig mo naman, diba? Kung anong kababaglahan ginawa nya." Sabi ng baklang nagpakilalang "Mama"

"Hindi namin alam kung nasaan sya o kung saan sya pumunta. Nakita mo naman. Ngayon, excuse me, may trabaho pa ako." Bumalik si Mama sa customer habang ako ay umalis din sa lugar na yon.

Agad kong naisip na hanapin sya ulit nang biglang narinig ako ang busina ng kotse. Napatingin ako sa sasakyan at nakita ko si Luke.


"Sakay na. Alam kong hinahanap mo si Kenny."

No comments:

Post a Comment