If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Thursday, June 27, 2024

MHNI 27


ANG PAGHAHANAP KAY OLLIE

"Siya nga. Siya nga ang nakita ko," iyon ang bulalas ni Jeb nang ipinakita sa kanya ang isang lalaki. "'Yan ba si Darwin?"

"Yeah, ganito pa rin ba ka-punchable ang hitsura niya?" tanong ni Fons na nilalayo na ang printed na litrato.

"Medyo umaliwalas ang mukha. Ang lakas ng dating niya, parang hypnotic," ang sagot niya.

"Delikado siya. Hindi ba parang fugitive siya? Kasi hindi naman niya na-serve ang kaso niya sa kulungan tapos tumakas siya?" tanong ni Vito na nandoon din sa opisina sa PeriergosPH.

"Yeah. Pero bago siya nakulong, bago namin siya nahuli sa arson na ginawa niya, 'yung potent source ng mind empowerment at enlightenment namin ay kinuha at in-ingest niya," kuwento ni Kristoff, "at first, I thought hindi naman gagana sa kanya. Tapos ngayon nagamit na rin niya ang kakayanan ni Enea, na hindi naman talaga damay dito dapat. Lalo na ngayon na patay na siya."

"Pero nag-iimbestiga kayo 'di ba?" seryosong tanong ni Vito, "nabigay naman na namin ni Jeb 'yung Viber number na ginagamit niya kapag kinakausap kami."

"Kaunting patience lang. Alam ko rin naman na mahirap ito para sa inyo," pagpapakalma ni Kristoff, "marami kaming connections dito sa Periergos, pero hindi naman natin basta puwedeng dalhin ang kawirduhang ito sa kinauukulan sa pulis."

Sumingit si Fons, "baka pwede na tayong dumirechong kumausap kay Eugene?"

Kumunot ang noo ni Jeb, "sino naman siya?"

"Kakilala namin sa NBI," sagot ni Kristoff, "marami siyang hawak na kaso na ganito ang nature. Pero when I checked, nag-iikot kasi siya sa ibang regions. Nagte-train siya ng mga tao."

Tumango-tango si Fons, "ahhh... Sayang... Anyway... Sa totoo lang, kung kaya namin to take your place sa mga pagpuputang pinapagawa niya. But all we can do is to protect you the way we know how."

Napakamot ng ulo si Jeb, "eh ayun na nga. Hindi na nga umeepekto sa akin 'yung binigay niyo. Tumatalab na ulit sa akin 'yung AI pictures ni Darwin."

Nagtanggal si Kristoff ng necktie na suot. "Dahil diyan, pupunta tayo ng spa. Let's give you that protection again. And then kakausapin ko 'yung mga kakilala ko kung paano pa natin masmapapalakas ang substance."

Lumiwanag ang mukha ni Vito, "kasama din kayo mga Sir?"

Ngumisi si Fons, "oo naman. We had a long work day today. Kailangan din naming mag unwind. Tapos may dalawang libreng karne, eh 'di sasagpangin na namin."

Tinaasan ni Kristoff ng kilay ang lalaki, "protege, language."

Natawa si Fons, "sorry. Parang pa-hot kasi kayo nang pa-hot na dalawa."

"Sabay kami kasi naggy-gym palagi sa condo niya, tapos magpapainit sa kuwarto niya," natatawang sabi ni Jeb. "Okay lang sa ganyang linggwahe, para namang hindi tayo magkakaibigan dito."

Nagpunta na sila sa spa ng museo. Bumalik ulit ang lakas ng diwa ni Jeb dahil sa substance na nahalo sa steam room. At syempre, natapos ang session nila sa isang group sex.

——————————————————————————

Walang nangyari sa sumunod na limang araw. Walang litratong lumabas. Wala ding masyadong ganap para sa Alpha Iota. Kaya naman in-enjoy na lang nila Jeb at Vito ang bawat araw at gabi ng limang araw na iyon para magkasama. Minsan lang ay hindi puwede si Vito dahil sa trabaho nito sa student organization, at si Jeb naman ay may training at games para sa kanyang judo. Para nakakahanap naman sila ng mga sandali na magkasama, at syempre makapagsiping.

Nang sumunod na gabi, pagkatapos ng dinner at isang round ng sex sa kanyang apartment, hinatid ni Jeb si Vito papunta sa apartment nito. Nilakad lang nila para matagal sila.

"Ayos itong walang nangyayari. At least matanggal lang natin sa isip natin 'tong gulong ginagawa ni Darwin. Pero sana naman umuusad na ang imbestigasyon," ang sabi ni Vito. "Sana walang mangyari habang nasa Cebu ako."

Ang dahilan kung bakit hindi matutulog si Vito sa apartment niya ay dahil may flight pa ito sa umaga. May student conference itong pupuntahan sa Cebu. Tatlong araw ito doon.

"Well nandito naman si Darwin sa Manila, so wala ka dapat alalahanin. Kahit may lumabas na images eh hindi ka naman maaapektuhan," ang banggit ni Jeb, "ako na munang bahala dito habang wala ka. Huwag kang mag-alala, Babe. Strong ako. Mami-miss lang talaga kita."

"Laro na lang kayo ni Mikoy habang wala ako. Eh ako naman maghahanap na lang ako ng pipino do'n, haha joke," biro ni Vito. "Hay sana talaga walang pakulo si Darwin. Jusko. Hindi ko pa nga alam kung paano niya nalaman 'yung sikreto namin ng tatay ko. Tapos sinabi pa niya kay Raden. Naaawa ako sa kanya dahil mukhang nagagamit siya nang husto ni Darwin, pero nakakatakot din."

"Hindi ko hahayaang may sabihin siya laban sa'yo, hon," mariing sabi niya, "pero minsan iniisip ko, baka mahalagang mabigyan din sina Mikoy at Raden at ibang mga taga Iota nung proteksyon na nakukuha natin mula sa Periergos? Para hindi na nakakapaghasik ng lagim si Darwin habang ginagamit sila."

Bumuntong hininga ito, "alam mo tama ka naman. Kaso alam mo naman ang bias ko against sa mga 'yan. Pag-usapan na lang natin ulit kapag nakauwi na ako?"

"Okay boss."

"Ang dami mong tawag sa akin, nalilito na ako," natatawang sabi nito.

Pinisil niya ang ilong nito, "kahit ano'ng pangalan ang itawag ko sa'yo, Vito, ang kailangan mo lang malaman ay, akin ka."

Siniko siya nito, "tangina mo. Feel na feel mo na ikaw ang alpha sa ating dalawa."

Tumawa din siya. Gusto niya na nakikitang nagiging tila-pasas sa kilig si Vito.

"Jeb?!"

Tawag ng pamilyar na boses mula sa likod niya. Tumigil sila pareho at umikot. Sina Ollie iyon at Camden na magkasama.

Hindi nakapagsalita si Jeb. Itinatago niya mula sa lider ng frat ang kanyang pagsuyo sa lalaki. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ngayong nahuli siya nito na nakikipag-harutan sa lalaki sa sidewalk.

Pero parang wala namang takot si Vito. Namaywang ito, "oy, kumusta. Saan kayo galing? Nagkantutan?"

Pinanlisikan ni Jeb ng mata ang katabi.

Sumabog sa galit si Ollie, "putangina mo, kahit nakaisa ka sa akin, huwag mo akong babastusin. Kapag napikon talaga ako sa'yo. Pasalamat ka at may kaso tayong inaayos."

Tumaas ang kilay ni Vito, "oh, ano'ng nangyayari sa kaso mo kay Enea? Alam mo ba ang ginagawa niya sa mga kasama mo? Huh, Ollie? Corden? Ginagawa niyang puta. Alam ko dahil damay din ako do'n."

Bumulong si Jeb sa katabi, "Vito, huwag mo nang inisin."

Pero mukhang aliw talaga si Vito sa pang-iinis sa lider ng frat, "balita ko na-miss mo daw ako nung isang beses na nag-orgy kayo? Huwag kang mag-alala. Sabihan mo lang 'tong si Jeb. Kung gusto mo ng kantot ibibigay ko sa puwet mong uhaw. Pero mukhang hindi ngayon. Parang kakatapos niyo lang ni Corden ah. Medyo ika ika ka pa maglakad. Nasa lagusan mo pa siguro ang tamod niya."

"Alam mo Vito, ang dami mong sinasabi," asar na turan ni Corden. "Huwag kang masyadong kampante."

Hinatak ni Ollie si Jeb tapos ay dinala siya nito sa isang tabi at binulungan, "akala ko ba hindi na kayo nag-uusap? Bakit ngayon parang magkasama kayo at naglalampungan kayo? Alam mo bang bawal 'yan?"

Kumunot ang noo ni Jeb, "nagpapakantot ka rin, bawal din 'yun."

"Tangina mo, alam natin na katawan ko lang ang may gusto nito dahil kay Ena Enea, wala nang iba," giit nito, "ano kanino ka ba papanig? Sa kanya o sa amin? Ginagawa mo pa rin ba ang pinapagawa ko sa'yo?"

Napalunok si Jeb. Alam na niya ang sikreto na gusto nitong malaman, pero syempre hindi niya ihuhulog ang lalaki. "Ikaw na rin ang may sabi. Katawan at si Enea ang may dikta nito. Kapag natapos ang problema natin kay Enea, matatapos ito." Pero syempre hindi niya muna sasabihin na balak niyang umalis ng frat kapag nalutas na ang kaso.

"So, ano'ng sikreto niya kung bakit hindi na siya apektado?" medyo desperadong tanong ni Ollie, "tangina. Jeb. Halos tatlong beses ako kung magpakantot sa isang araw. Laspag na laspag na sa akin si Corden. Gusto ko nang matapos ito."

Bumuntong-hininga si Jeb. Hindi pa pala nito alam ang sikreto kung bakit nakakatiis na silang dalawa. "Inaalam ko rin, Ollie. Huwag kang mag-alala. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kantot. 'Yan ding si Vito."

Napakagat-labi si Ollie at tiningnan siya. Mukhang nahahalina na naman ito. Tapos ay umiling ito, tiola pinipigilan ang mga pilyong kaisipan, "ah tangina! Ayaw ko na!" Tapos ay tumakbo ito papalayo.

Tumakbo si Corden para sundan ito, "pucha naman! Ano na namang problema no'n!" Tapos ay hinabol ang lalaki.

"Nababawasan na yata ang angas ng lider niyo," puna ni Vito.

"Mukhang masyado siyang nilalamon ng libog niya," tapos ay kumunot ang noo ni Jeb, "tapos ikaw diyan iniinis mo pa."

Natawa si Vito, "sorry. I can't help it. I hate his fratboy guts. Pero sobrang intriguing 'yung pagiging bottom sex hound niya. Sarap niyang i-hate fuck."

Natawa si Jeb, "hindi ko man aprubado 'yung paghahamon mo sa kanya, eh sobrang seksi mo naman kapag nag-aangas ka ng ganyan."

Tinaasan siya ng kilay nito, "akala mo, ikaw lang maangas, huh, baby?"

Nagtawanan silang dalawa.

——————————————————————————

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yan, Jeb? Nag-aalala ako..."

"Huwag kang mag-alala, Vito. Kasama ko naman si Mikoy," sagot ni Jeb sa kausap, "alam ko na hindi mo gusto 'yung tao, at may plano akong umalis na ng Alpha Iota, pero hindi naman basta hahayaan na lang natin si Ollie."

"Okay, basta mag-ingat ka. Kapag nagpakita si Darwin, huwag mo nang i-confront. At baka mawala na naman ," sabi ni Vito, "hay. Bakit ba nangyari pa 'yan habang nandito ako?"

"Focus ka muna diyan sa mga evening activities niyo. Babalitaan kita," ang sabi niya sa lalaki bago natapos ang tawag.

Sa tabi niya, nakatingin lang sa cellphone si Mikoy. Seryoso ang mukha nito, "ugh. Saan kaya ito ginaganap."

Mula kaninang umaga ay wala si Ollie sa HQ o sa university. Hindi naman nila iyon ginawan ng issue. Pero nitong alas syete ng gabi, pinadalhan sila ni Enea ng isang imahe sa viber. Si Ollie iyon na nakataas at spread ang mga kamay habang nakatali sa branches ng dalawang puno. Pawis at hubad ang katawan nito.

May mga lalaki sa paligid. May daladalang latigo ang mga ito. Ang iba naman ay nanonood.

"Putangina, tingin mo ba sasaktan nila si Ollie? Tangina, baka na-hypnotize na 'yang si Ollie na basta na lang tanggapin ang mga pasakit na 'yan at baka mapahamak siya!" sabi ni Mikoy.

"Hindi ko rin alam. Pero alam mo naman kung hanggang saan ang puwede niyang gawin para sa mga kagaguhan niyang ganito," banggit ni Jeb, "ginawa niyang magnanakaw si Raden. Tapos pinuputa niya tayo. Ugh. Bakit ba ang tindi ng galit niya sa Alpha Iota!"

"Kailangan natin 'tong mahanap," sabi ni Mikoy, "siguro puntahan natin 'yung mga dati na pinapapunta sa atin ni Enea."

Pinuntahan nila ang mga empty na lote kung saan naganap ang mga dating eksena nila. Pero wala ito doon. Ang huli nilang pinuntahan ay ang bahay na ginagawa.

"Fuck, may mga tao akong nakikita sa bakanteng lote!" puna ni Mikoy.

"Huwag kang maingay, magmamamanman lang tayo," mahinang turan ni Jeb, "kapag nalagay sa panganib si boss, saka tayo aaksyon. Basta kapag nag vibrate ang phone mo, huwag mong pansinin."

Pumuwesto sila sa likod ng malaking puno para panoorin ang nangyayari. Nandoon nga si Ollie, nakatali at nakadipa ang mga braso. Hubo't-hubad ang katawan at pawisan. May mga nakasulat ng pentel pen sa katawan nito. Pero hindi kita ang mukha nito dahil nakasuot ng full face mask. Pero kita sa mata nito na parang lango ito sa libog. Matigas din ang burat nito.

Pero may isa pang lalaki sa tabi nito na ganoon din ang ayos: hubad, nakamaskara, tigas titi at pawisan. Nakilala nila ang lalaki bilang si Archer, ang lider ng GGK. Mukhang high din sa libido ang mga lalaki.

Sa katawan ng mga ito nakasulat ang mga katagang "SLUT," "HORNY," "CUMDUMP," "PUTA," "PARAUSAN," "BUTAS," at kung ano-ano pang nakakababoy na mga salita.

May apat na lalaking nakasuot ng full leather at mask at may hawak na latigo. May sampung tao na nanonood sa nangyayari. Mukhang may nagbabayad na naman para sa kakaibang live show.

Naghintay lang sila. Walang nangyayari.

Tapos ay bigla na lamang nilatigo si Ollie.

"ARRRGH!" sigaw ng lalaki na nagkamarka ang tiyan.

Hinawakan ng naglatigo ang baba nito, "huwag kang maingay may makarinig sa'yo!" Lumatigo ulit.

Base sa pag-igtad ng katawan ng leader ng frat na nasasaktan ito, pero iniimpit na ang ungol. Patuloy itong hinahampas kada sampung segundo. Unti-unting namula ang maskuladong katawan nito.

Ang isa pang tagalatigo ay tumungo naman sa likod ni Ollie at doon naman humampas.

Ang isa pang pares ng tagalatigo ay kay Archer naman humampas, isa sa harapan, isa sa likuran.

"Fuuuck..." mahina pero madamdaming huni ni Archer sa tuwing matatamaan ito.

"Pucha, BDSM pala 'to. Hindi yata basta gusto lang bugbugin," pakiwari ni Mikoy.

"Oo nga eh. Pucha, ang titigas ng titi ng dalawa habang hinahampas sila," ang segunda ni Jeb.

Mangiyak-ngiyak ang dalawang nilalatigo na pulang pula na ang katawan at lalong namamawis. Nangingintab ang mga balat ng mga ito sa ilalim ng malaking buwan.

Ang ungol ng dalawa ay mahina lang, pero maririnig sa tono ng mga ito na hindi lang sakit ang nadarama ng mga ito sa tuwing tatama sa balat ng mga ito ang latigo. Mukhang talagang nagiging sadista na ang brand ng libog ng mga ito. Pugak nang pugak ng precum ang mga ereksyon ng mga ito.

Tapos ay suminghal si Ollie, "tangina, 'yan lang ba ang kaya niyo? Tangina."

At lalong lumakas at bumilis ang pagitan ng mga latigo sa lalaki. Mas naging libog ang mga huni nito. Mukhang pure pleasure na ang nararamdaman ng frat leader sa nakukuhang sakit. Tapos ay hinamon pa nito si Archer, "ughh! Ahh... Wala ka pala! Ughh... Tangina mo... Hindi mo ako matatalo... Adobe ang katawan ko... Ughh... Ahhh yeahh... sige paaaa...!"

"Gago kaya ko rin 'yan!" sagot ni Archer. At tumugon naman ang dalawang tagalatigo na palakasin at pabilisin ang mga paglatigo.

Lalong nagco-contract ang mga hulmadong muscles ng mga lalaki.

Ang tagalatigo sa likod ni Ollie ay hinagis na ang latigo. Tapos ay binaba na nito ang leather pants para ilabas ang deochong burat na mataba. Tapos ay bigla na lamang nitong sinaksak iyon sa butas ni Ollie.

"Ohhhh yesss!" hindi napigilang nabulalas in Ollie, "fuuuck... Kantutin mo 'ko putangina!"

"Tangina, lamon agad ang burat ko, ah! Tangina sanay na sanay ang puke mo!" kutya ng lalaki tapos ay binarurot na ang bukana ng frat leader.

Kahit madilim ay kita ang pagtirik ng mga mata ni Ollie. Talaga namang power bottom na ang lalaki. At parang lalo pa itong nasasarapan dahil patuloy pa rin ang hagupit sa harapan ng katawan.

"Ako din gusto ko makantot, aaghh..." segunda ni Archer.

"Fuck. Tama nga ang sabi ni Enea. Ang mga tauhan niya ay mga barakong pakantot!" sabi ng tagalatigong isa na binitawan na ang sandata, binaba ang pants para ilabas ang sing laking burat at kinasta na ang butas.

"Ahhh ohhh shiiit!" napalakas na bulyaw ni Archer dahil sa natanggap na saksak sa butas.

Humampas ang tagalatigo sa harapan nito, "uhhhh tangina mo! Huwag nga kasing maingay eh. Mga puta talaga kayo."

At nagtuloy tuloy ang paghampas at pagkantot sa dalawa. Grabe ang resistensya at lakas ng mga ito. Parang mga adobe ang katawan. Tapos adobe rin ang mga ereksyon na gumigripo ng precum at dumidilig sa mga damo sa lupa. Sobrang kinky na ng fetish ng mga ito.

"Tangina, ayokong mag-ingay pero gusto kong magjakol," bulong ni Mikoy, "tapos ay nakadagan pa 'yang matigas mong bukol sa puwet ko."

Lalo namang diniin ni Jeb ang kanyang umbok sa puwet ng lalaking kasama niyang sumisilip, "ugh. Ako din. Pero magtiis ka. Hindi pa natin alam kung may balak pa silang gagawin."

"Ahhhhh..." singhal ng kumakantot kay Ollie. Tanda na nag-orgasm na ito sa loob.

Para namang sumegunda ang kumakantot kay Archer, "fuuuck!" At napaigkas na ito.

Binitawan na ng natirang naglalatigo ang mga sandata tapos ay pumalit sa pagkantot sa dalawa. Ang dalawang nakatali naman ay panay lang ang mga impit na huni. Ang mga mata ay elyang elya. Naglalaway ang mga bibig. Patuloy na dumadaloy ang precum mula sa matitigas na mga tarugo. Malalaki din ang titi ng dalawang pumalit.

Nabubura na ang ibang mga salitang nakasulat sa matitipunong katawan ng dalawa dahil sa tindi ng pawis. Pulang pula na parang halos longganisa ang tiyan, pecs, at hita ng mga ito kung saan dumadapo ang mga latigo kanina. Naiimagine ni Jeb ang sakit niyon pero parang wala namang sakit na nararamdaman ang dalawa. Puro ecstasy lang mula sa ikalawang set ng mga kantutero.

Hindi nagtagal ay umalulong na ang dalawang kumakantot, tapos ay umigkas. Mukhang nilagak na ang mga semilya sa katawan ng dalawang biktima.

Matapos ang orgasm ay pinakawalan na ang mga nakataling kamay ng dalawa. Sa hilo at pagod ay bumagsak ang mga ito sa damuhang lupa.

Ang sampung mga lalaking nanonood ay pumaikot sa dalawang lalaki. Nakalabas ang burat ang mga ito. Nagjajakol ang mga lalaki.

Isa-isang bumulkan ang tamod ng mga ito at idinilig sa mga sensitibong mga maskuladong katawan ng dalawang nakahiga. Tinanggap lang ng mga ito ang bukake.

"Fuuuck... Tanginang 'yan... Magkano kaya ang makukuha ni Enea sa ganyan," bulong ni Mikoy.

"Dapat lang mag five digit siya diyan. Daig pa sa puta ang mga pinapagawa niya," masungit na sagot ni Jeb.

Nang matapos nang magpalabas ang lahat ay umalis na ang mga lalaki nang mabilis pero tahimik. Naiwan ang dalawa na hindi pa rin umaangat mula sa pagkakahiga. Mukhang pagod.

Nagpasya sina Jeb na maglakad at tumungo sa dalawang nakahiga. Halos labasan siya nang kusa sa nakita niya. Ang dalawang pawisang, namumulang mga maton ay may talsik talsik ng tamod sa katawan. Tapos nakatirik ang uten ng mga ito. Ang mga mukha ay parang high na high sa libido. May tumatakas na mga tamod mula sa puwetan ng mga ito.

"Ayos lang kayo?" tanong ni Mikoy.

Hinawakan ni Archer ang kamay nito, "tangina bitin ako!"

"Hoy!" bumagsak pahiga si Mikoy.

Pumatong si Archer sa lalaki at binaba ang pantalon nito. Matigas at basa sa precum ang titi nito. Inupuan iyon ni Archer. Agad namang sinakyan iyon ng lalaki. "Ahhhh fuuuckk... Ang saraaap."

"Tangina ang puta niyo!" ang sabi ni Jeb. "Nilatigo na kayo tapos ngayon gusto niyo pa?!"

Nagulat siya nang biglang umangat si Ollie at dinamba siya. "Hindi pa kami nakakapagpalabas, putangina!" Hinayaan na lang niya ang lalaki na hubarin ang kanyang pantalon at pakawalan ang kanyang matigas na batuta. Agad siyang pinatungan nito at hininete.

Panay ungol silang apat dahil sa sarap na pinagsasaluhan.

Kinabig ni Ollie ang ulo ni Archer at hinalikan ito habang sabay na ginigilingan ang kanikaniyang mga uten.

"Ugghhmmm..." ungol ni Ollie habang kusang nagpapalabas. Tumama ang tamod nito sa uniporme ni Jeb.

Hindi na rin kinaya ni Jeb dahil sinasakal na ng assring nito ang kanyang burat, "fuuuck!" Kumadyot siya pataas para dagdagan ang nakalagak na tamod sa lagusan nito.

Tumatalsik na rin ang semilya ni Archer nang kusa habang nangingisay si Mikoy na mukhang nilabasan na rin sa butas ng kapareha.

Bumagsak si Ollie kay Jeb, tapos ay galit na suminghal, "tangina. Tangina ni Enea. Gusto ko siyang patayin."




--------------

If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

No comments:

Post a Comment