If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Thursday, May 30, 2024

MHNI 19


ANG MGA PINAPABILI NI OLLIE

Nang dumating ang weekend, habang tinuturuan ni Jeb ang ibang mga nakababatang mga miyembro ng Alpha Iota sa martial arts sa HQ, ay bigla na lang pumasok sa gym at training room si Ollie. Tila may ia-anunsyo.

Tumigil ang lahat at humarap sa lider. May daladala itong malaking brown na bag na gawa sa brown na katsa.

"Tama nga ang hinala ko. May kinalaman si Ena Enea sa pagkawala ng pero natin..." deklara nito.

Nagsalita si Corden, na isa sa mga nag-eensayo. "Huh? At paano mo naman nalaman?"

"Basta nakuha ko ito sa isang lugar na minessage sa akin si Enea. Tangina pinaglalaruan tayo ng gagong iyon. Puro message lang, hindi naman matawagan," inis nitong sabi, "tapos ay pagdating ko sa gitna ng dumpster kung saan niya ako pinapunta, nakita ko itong bag na ito. Punong-puno ng pera."

Napaubo si Raden, na nandoon din sa lugar na iyon.

"Umamin si Enea na siya ang nagnakaw?" tanong ng isa sa mga nagte-train.

"Oo. Pero hindi niya sinabi ang detalye, kung paano niya nakuha. Pero pucha, alam niya hanggang sa pinakahuling sentimo ang perang nawala. Kaya walang duda na siya," sagot ni Ollie. "At talagang nilalaro tayo, kasi heto. Ibabalik pa talaga niya. Sinasabi ko sa inyo, kapag kino-contact kayo ng pribado ni Enea, sabihan niyo ako. Huwag niyong hayaan na control-in nila kayo."

Nagkatinginan sina Jeb at Mikoy na nasa lugar din na iyon. Nagkasundo sila kasi na hindi sabihin ang naging carwash na service na pinagawa sa kanila ni Enea.

"Wala bang paraan para ma-trace 'yung details sa kabilang linya ng viber o ng official sim number kung saan kayo kino-contact ni Enea?" mungkahi ng isang freshman na myembro.

Nilapitan ni Ollie ang lalaki tapos ay binuhat ito sa kuwelyo, "tingin mo ba, hindi ko pa naisip 'yon? Akala niyo, basta basta lang 'tong kalaban na 'to? Babastusin ang pagkatao ko tapos hahayaan ko lang siya? Pero sinisgurado ko sa inyo... makikita ko 'tong tao na ito at titirisin ko siya nang pino!"

"Opo boss... Sorry boss..." panicked na sabi ng lalaki bago ito ibaba ng lider.

"Sige, pagpatuloy niyo lang 'yan. Hindi puwede na maubos ang oras natin kay Enea. Ang dami pa nating mga laban na ginagawa," huling sabi ni Ollie sa lahat.

Napalunok si Jeb nang humakbang palapit sa kanya si Ollie. Pinalapit din nito si Mikoy sa kanila.

"Kino-contact ba kayo ulit ni Enea? Meron kasi siyang sinabi na katakataka," imporma ni Ollie sa kanila, "sabi niya, pasalamat daw ako sa mga myembro na gumawa ng paraan para makuha ang pera na ito. Kayo ba 'yon? Kayo lang naman ang alam kong pinagtripan ni Enea. Bukod sa amin ni Corden."

Umiling agad at sumagot si Jeb. "Wala. Hindi kami. Pero hindi na rin ako magtataka kung may diretsong kinakausap si Ena Enea sa mga myembro natin."

"Putangina, nauubusan na ako ng paraan para makita ko ang tunay na pagkatao niya!" bulalas ni Ollie.

"Baka kailangan nating kausapin ang GGK? Baka kailangan tayong makipagtulungan na. Truce lang para matapos na ito," suhestiyon ni Mikoy.

Dumuro ang boss sa lalaki,  "'yan ang hinding-hindi mangyayari. Hindi na nga ako makaharap sa mga matataas sa Alpha Iota dahil sa pambabastos na natatanggap natin, tapos ngayon magpapakababa tayo? Hindi!"

Nilahad ni Mikoy ag mga palad, "okay. Hindi natin gagawin 'yan."

"Mag-iimbestiga ako kung may iba pang myembro na binibilog ang ulo ni Enea," tapos ay tumingin si Ollie kay Jeb, "ano'ng balita kay Vito? May nakuha ka na?"

Umiling si Jeb, "wala na. Sinukuan na niya ako."

"Tsk. Wala ka namang nakuhang dumi."

"Malinis si gago. Walang tinatago. Aside sa... nagkagusto siya sa akin. Eh, alam kong ayaw mo naman na magka-reputasyon tayong ganoon," paliwanag ni Jeb.

"Anyway, kaklase mo pa rin naman siya 'di ba? Tuloy mo lang ang pagmanman sa kanya. At alam kong hinahanting niya rin si Ena Enea 'di ba? Alamin mo kung ano'ng alam niya. Or baka naman.. siya nga si Enea at nakikisali lang para hindi mahalata..." litanya ni Ollie, bago ito umalis at iniwan sila sa kanilang pagte-train.

Matapos ang training ay sabay umuwi sina Jeb at Mikoy.

"Bakit nga ba kasi hindi na nga lang talaga natin sabihin kay Ollie ang lahat ng nalalaman at involvement natin?" tanong ni Mikoy.

Umiling si Jeb, "nako. Masyado nang komplikado ang involvement natin. May mga kritikal tayong alam na hindi niya alam. Marami masyadong madadamay kung nalaman iya ang alam natin, katulad na lang ng kay Raden. And who knows, baka may iba pa na may iba ring alam na ibang kinakausap ni Enea. Masyado nang magulo. Enea is everywhere pero at the same time nowhere din."

Idagdag pa doon ang mga nalaman ni Jeb sa Periergos na hindi na rin niya sinabi kay Mikoy at sa ibang taga Alpha Iota.

Napamulsa si Mikoy, "so paano ito? Kanya kanya na lang tayo? sa paglutas nitong misteryo ni Enea?"

"Mukhang ganoon na nga ang mainam na dapat gawin."

——————————————————————————

"Okay, good job guys. Also good job, Jeb. Mukhang umo-OK na ang understanding mo sa klase natin."

Ngumiti si Jeb sa kanyang guro matapos ang kanilang group report, "salamat po."

Bumalik sila sa kanilang upuan. Sumilip siya nang kaunti sa mukha ng kagrupo na si Vito. Hindi naman ito tumitingin sa anya, kahit sa buong report nila.

Matapos ang klase ay lumabas na sila sa classroom. Dahil nagpuntahan ang classmates niya sa pinakamalapit na CR, tumungo siya sa masmalayo, para wala masyadong tao. Habang siya ay naghuhugas ng kamay pagkatapos ng kanyang pag-ihi ay bumukas ang pinto. Pumasok si Vito.

Lumundag ang puso ni Jeb. Matagal na rin silang naging magkalapitan sa isang silid.

Mukha rin namang nagulat ang lalaki. Tapos ay kumalma at nagbigay ng blangkong, "hey Jeb."

Ngumiti siya nang matipid, "Vito." Sinundan ng mga mata niya ang pagpunta nito sa urinal para umihi.

Bago ang kanilang recent na pagkakapigtal, kukunin nila ang pagkakataong nasosolo sa CR para magnakaw ng yakap at halik. Nandoon pa rin naman ang desire kay Jeb, pero mukhang walang magaganap na ganoon.

Bigla siyang may naisip na sasabihin, "by the way, Vito. May balita ka na ba or update mula doon kay Kristoff sa Periergos? Mabibigyan niya ba tayo ng bagong clue sa kung sino ang Enea na nanggugulo sa atin."

Humarap ang lalaki sa kanya. "Hayaan mo na ako na ang gumawa nito, Jeb. Doon ka na sumama sa imbestigasyon niyo sa Alpha Iota. Ayokong makarating kay Ollie or sa head ninyo ang nalalaman ko, kasi hindi ko alam kung iha-handle niyo nang mabuti ang impormasyon. I do hope na hindi mo sinabi sa kanila."

"Oo hindi ko sinabi sa kanila, pero dapat kung may alam ka sa side ng Periergos, alam ko din dapat, nandoon din kaya ako," masungit na sagot ni Jeb.

"Ako na lang, Jeb. I told you. Hindi na dapat tayo nag-iinteract," mariin nitong paalala.

"Okay," mapaklang sagot ni Jeb. Medyo nasaktan siya nang kaunti. Kaya humakbang na siya palabas.

Pero bago siya makalabas ay nagsalita si Vito. "Pero I'm glad you're doing better in class now. Kahit wala na tayong ugnayan, I sincerely think you can really be better."

Nginitian niya lang ito nang matipid. Tapos ay lumabas na.

Naglakad na si Jeb patungo sa kanyang susunod na classroom. Nang makarating siya doon, nakita niyang naghihintay si Corden.

Nagtataka siya kung ano ang ginagawa doon ng ikalawang head ng Alpha Iota. Bukod sa ugnayan nila dahil kay Ena Enea, ay wala naman silang shared activities or interests.

"Jeb. May practice ka mamaya?" bungad nito sa kanya.

"Wala. Bukas pa. Bakit?" ang tanong niya.

"May pinapabili sa akin si Ollie. Si Mikoy sana ang isasama ko, pero may duty siya as student staffer. So ikaw na lang?"

"Teka, bakit ako? Ang daming taga Iota."

"Basta malalaman mo kung bakit ikaw. Kita tayo sa parking mamaya."

Hindi naman makahindi si Jeb, dahil masmataas ang ranggo sa kanya ng lalaki.

——————————————————————————

"Putangina, pare. Hindi ba sex toy at erotic store 'yan?" iyon ang bulalas ni Jeb nang masilayan niya ang pangalan ng store na nilalapitan nila sa second floor ng isang building.

"Kaya nga ikaw ang sinama ko," ani Corden, "ang boss natin sex addict na talaga. Alam mo ba kung ilang kilo na nang pipino ang nadale niya?"

Nanlaki ang mga mata ni Jeb. Medyo nakiliti ang utak niya habang ini-imagine ang barakong boss na naglalagay ng pipino sa sariling butas.

"Eh 'di sana kantutin mo na lang?" ang mungkahi ni Jeb.

"Eh siyempre gusto ko rin naman 'yon. Hindi na ako magbibiro pa," pag-amin ni Corden, "pero alangan namang umuwi ako sa bahay niya lagi? Baka magtaka ang mga tao."

"Kaya ibibili natin ng sex toy si Ollie? Eh 'di sana siya bumili," ani Jeb.

Sumungit ang mukha ni Corden, "alam mo ikaw, kayo ni Mikoy, umaangas na kayo sa amin ni Ollie porket may kababalaghan tayong ginagawa. Galangin niyo kami dahil senior kami."

"Okay. Sorry. Nagugulat lang kasi ako sa kung saan na umaabot itong magic sa atin ni Ena Enea," paumanhin nni Jeb.

Nilabas ni Corden ang cellphone nito tapos ay pinakita sa kanya ang isang picture. "Speaking of Ena Enea, heto 'yung pinadala sa kanyang picture privately kay Ollie. Gusto niya na ito ang bilhin natin sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ni Jeb nang makita ang bagong deepfake na image. Malaki ang dildo na ipinapasok ni AI Ollie sa sarili. Siguro mahigit sa sampung pulgada. Walang laban ang mga pipinong laging gamit ng mga lalaki. "Grabe 'yan..."

"Ako nga din nagulat. Pero alam mo naman. Kapag ginuhit na ni Enea, hahanapin na ng katawan mo. Sinadya pa ni Ena Enea na magbigay ng ekstrang pera dun sa binalik niya kay Ollie."

Hindi nagtagal ay nakapasok na silang dalawa sa boutique store. Binati sila ng lalaking maskulado na nagbabantay doon. "Good afternoon, welcome to Play and Prey! Ako si Chad, paano ko kayo matutulungan?"

Nanuyo ang lalamunan ni Jeb. Ang lakas ng dating ng bantay na iyon. Middle aged na guwapong moreno na parang gangster ang mukha, pero ang suot nito ay puting mesh na sando at maigsing shorts na lalong nagpa-accentuate sa makisig nitong pangangatawan.

Napaubo si Corden, mukhang na-overwhelm din sa presensya ni Chad. "Ah... ano Sir. Ibibili ko lang ng dildo ang girlfriend ko. Nagpasama lang ako sa barkada ko."

Napangisi lang si Jeb dahil sa palusot na ginawa ng kanyang kasama.

"May specific ka bang brand or specs? Or baka picture na puwedeng pagbasehan?" tanong ni Chad.

Nagkatinginan muna silang dalawa tapos suagot muli si chad, "ah, asan na lang siguro 'yung mga available niyo? Kami na lang ang mamimili?"

Tinuro sa kanila ni Chad ang aisle ng mga dildo. Nakatingin lang ito sa kanila habang sila ay naghanap hanap sa maraming choices na nandoon."

Biglang napaturo si Jeb sa isa . "Shit. Heto yata iyon!" Naka-malaking box iyon. Clear ang harapan kaya kita ang eleven-inch na dildo. Kamukha niyon ang nasa deepfake ni Ollie. Kinuha niya iyon at nilapit kay Corden.

"Pucha, yeah. Kahawig nga. Pero tangina ang laki naman neto?" komento ni Corden.

Halos nalimutan na nila na ang tagabantay ng store ay nandoon. Nagsalita si Chad, "ang laki niyan. Hindi 'yan kaya ng babae. Usually mga lalaki ang bumibili niyang ganyan. Sigurado kayo?"

Tumaas ang kilay ni Jeb sa lalaki, "bakit bawal ba kaming bumili kung sakaling sa babae namin ito gagamitin?"

"Hindi naman, sinasabi ko lang na pang asshole 'yang dildo na 'yan. So kung gagamitin niyo sa babae, sa puwet niyo 'yan ipapasok. Good luck sa kanya," natatawang sabi nito.

"Nakakataka din kung bakit may ganitong mga malalaking dildo na out of this world na binebenta. Nakakatulong ba talaga ito sa sex experience?" curious na tanong ni Jeb.

"Oo naman. Mahihirapan ka lang sa umpisa, pero kapag nakamot na 'yung loob mo, masarap na 'yan," nonchalant na sagot nito.

Napamuglat si Jeb, "n-nagamit mo na ito?"

"Boyfriend ko ang may ari ng store na ito. Nakakuha kami ng complementary stock galing sa mga supplier namin. Ginagamit namin para alam namin ang feeling at ma-describe namin sa customers just in case may tanong sila," paliwanag ni Chad.

"Oh shit..." lang ang nasabi ni Jeb. Tahimik niyang nilango ang imahe ng barakong bulas sa harapan niya. Hindi niya ma-imagine na ang mukhang barumbadong iyon ay nagdidildo ng sarili.

Nagsalita muli si Chad, "nandiyan lang 'yung akin. Kung gusto niyo pakita ko sa inyo kung paano siya gagamitin para ma-enjoy ng girlfriend niyo." In-emphasize nito ang girlfriend dahil mukhang hindi talaga ito naniniwala na sa babae gagamitin ang dambuhalang iyon.

Tumibok ang burat ni Jeb. Tutal naman game ang lalaki, gusto niyang makita ito na binababoy ang sariling butas gamit ang malaking dildo na iyon. "Sige ba. Ano Corden gusto mo ba'ng--"

Nasira ang tensyon ng eksena nang mapansin nila na wala na sa tabi nila si Corden.

"Corden?" bulalas ni Jeb habang hinahanap ang lalaki.

Natagpuan niya si Corden na nakatulala habang nakatayo sa sulok. Nakatitig ito sa mga bote na nasa shelves na nasa harapan nito. Inaamoy-amoy nito ang mga bote na may mala-pulupukyutan na likido sa loob. Tila hindi nito naririnig ang mga pagtawag niya.

Humangos si Chad sa lalaki at hinatak ito nang papalayo sa mga bote. "Hoy. Huwag ka diyan. Mga massage oil namin 'yan. Concentrated pa 'yan. Hindi naman 'yan binebenta."

Umiling si Corden, tila nagising sa pagde-daydream, "sorry. Nahalina lang ako sa amoy."

Nagsalita si Jeb, "pare, ide-demonstrate daw ni Chad kung paano ito gagamitin."

Nanlaki ang mga mata nito, "talaga? Ipapasok mo 'yan sa'yo?"

Ngumisi si Chad, "halikayo. Pakita ko sa inyo para lalo kayong maengganyong bilhin." Tapos ay dinala sila ng lalaki sa isang silid na ang tanging laman lang ay parang patient bed. Mula sa isang drawer, kinuha ng lalaki ang isang dildo na katulad ng gusto nilang bilhin at isang bote ng lubricant.

Pinid lang ang bibig nilang dalawa habang walang agam agam na nagtanggal ng damit si Chad, hanggang sa puting jockstrap na lamang ang suot nito. Sobrang seksi tingnan ng lalaki dahil parang bodybuilder ang katawan nito. Ang umbok din ng puwet nito.

Umupo si Chad sa kama at bumukaka paharap sa kanila. "Syempre kailangan i-prep niyo muna 'yung butas." Tapos ay pinasok nito ang sariling dalawang daliri, "ahhh shit."

Namamawis si Jeb habang pinapanood ang lalaki na nagfi-finger sa harapan nila. Kita niya na ang kamay ni Corden ay minamasamasa ang sariling umbok.

Mayamaya ay tumatlong daliri na si Chad, "ohhh... Shit... Uhmmm... Fuuuck..." Naglagay din ito ng lubricant sa puwet para mas swabe ang pagdaliri sa sarili.

"Tangina mo, Chad. Parang wala lang sa'yo... Sanay na sanay?" komento ni Corden.

Ngumisi ang lalaki, "trabaho lang mga pare. Masarap na trabaho." Kita ang paglaki ng bukol nito at ang pagtibok tibok ng titi nito sa ilalim ng pouch. Nagsisimula na ring mamasa ang puting tela.

"Mga tsong kumakain kayo ng puwet? Alam ko pumapatol din kayo sa lalaki... ahhh... kita ko kung paano kayong tumingin sa akin," ang deklara ni Chad habang tinatanggal ang mga daliri at pinapakurap ang butas. Shaven ang paligid ng hiwa.

"Fuck. Tangina 'yang puke mo nagyayaya," bulalas ni Corden habang nagma-martsa patungo sa lalaki. Sumisid ito sa gitna ng dalawang mamasel na mga pigi ng lalaki. Binaba nito ang suot na slacks at nagjakol habang niririm ang lalaki.

Nilaro ni Chad ang sariling mga utong, "ahhh... Shit. Sige. Ganyan nga... Ughmmm..."

"Fuck kayo..." binaba na rin ni Jeb ang kanyang slacks. Sinalsal niya ang kanyang burat habang pinapanood ang mga ito.

Napatingin si Chad sa kanyang crotch, "ugh. Tangina. Mamaya na 'yan. Lagyan mo ng lubricant 'yung dildo, pare."

Binitawan muna ni Jeb ang kanyang titi at awkward na lumapit sa kama. Binuhusan niya ng lubricant ang mabigat na dildo. Mangha niyang salitang tinitigan ang maugat na maitim na dildo na oversized na hugis penis, at ang nanggagalaiting mukha ni Chad habang tinatanggap nito ang pag-rim ni Corden.

Mukhang sanay na sanay na sa pagkain ng puwet si Corden. Marahil lagi nitong kinakain ang puwet ni Ollie. At nagagawa nito ang pag-rim habang gigil na jinajakol ang sarili.

Si Jeb naman ay manghang sinasalsal salsal ang malaking dildo.

"Ayos na? Pasok niyo na 'yan sa'kin..." ang utos ni Chad.

Umahon na si Corden. "Fuck. Tangina paano 'yan papasok sa loob?"

"Itulak niyo lang. Sanay na butas ko. Sino sa inyong dalawa ang gagamit nito?"

"Ah, sa totoo lang hindi para sa amin ito. Para sa kaibigan namin, pramis," pag-amin ni Jeb.

Ngumisi si Chad, "well, kung sino man 'yang kaibigan niyo, feeling ko katulad ko 'yan na matakaw ang puke. Ayokong dinadahan-dahan ako. Ipasok niyo na 'yan sa'kin."

Kinuha ni Corden ang madulas na dildo mula kay Jeb. "Sige. Tangina. Mukhang ako ang magpapasok nito sa kaibigan namin. Kailangan masanay na ako."

Bumukaka pa lalo si Chad, tanda na handa na ito.

Sinimulan nang ipasok ni Corden ang tip ng malaking dildo. Madaling nakadulas sa loob ang unang pulgada, "oh shit! Grabe!"

Ngumisi si Chad, "ugh... sabi na sa inyo. Sanay ako sa ganyan. Sige pasok mo, p're."

Nanlaki ang mga mata ni Jeb habang nag-ii-stretch ang butas ng bodybuilder para makain ang sumunod na mga pulgada ng dildo. Si Chad naman ay mukhang natetensyon habang lumalalim ang sex toy, pero hindi naman ito nagrereklamo.

"Ahhh kapag medyo lumalalim na, i-distract niyo ng titi," sabi ni Chad tapos tingin kay Jeb, "ikaw. Pasok mo sa bibig ko burat mo."

Excited naman na pumunta sa ulunan ng nakahigang lalaki si Jeb. Malugod nitong tinanggap ang ereksyon niya nang pinasok niya iyon sa bibig nito.

"Fuuuck pare... iba kaaa!" ang bulalas ni Jeb habang sinisilindro siya ng barakong lalaki. Walang sabit o hirap ito sa pag-deepthroat sa kanya. Kahit kinakantot niya ang lalamunan nito ay hindi man lang ito nahihirapan.

Napasinghap si Jeb nang maglaho na ang mahabang maitim na 10-inch dildo sa loob ng butas at maiwan na lang sa labas ang base. Naka-tent na ang pouch ng jockstrap nito. Basang basa na rin ng precum. Nakasilip na ang ulo ng malaki nitong burat.

Nilalabas-pasok na ni Corden ang dildo sa pliable na butas ng bodybuilder. Umuungol si Chad nang muffled habang sumususo pa rin sa kanya. Ang isang kamay ni Corden ay jinajakol ang sarili.

Mayamaya ay lumuwa si Chad, "fuck. Pare lalabasan na ako. Putok mo tamod mo sa mukha ko."

"Sigurado ka?" tanong ni Jeb habang nagjajakol.

"Oo! Putukan mo mukha ko!"

"AGGH!" sigaw ni Jeb habang pinapatalsik na niya ang kanyang semilya. Kinulayan ng masagana niyang tamod ang morenong mukha ng lalaki.

"Ughmm... Tangina ang dami..." sabi ni Chad tapos ay sinubo ang kakatapos lang na mag-orgasm na burat.

Napaigtad si Jeb. "Agh gagooo!"

Lumuwa ulit si Chad, "palit kayo sa dildo. Bilisan mo ang pagsaksak sa akin. Lalabasan na ako." Tapos tingin kay Corden, "ikaw, putukan mo rin ako sa mukha!"

Tumungo si Jeb sa puwetan ng lalaki at sinalo ang dildo. Si Corden naman ay pumunta sa ulunan at pinatsupa sa lalaki ang burat.

Naaliw si Jeb habang nilalabas-pasok niya nang mabilis ang dildo sa puwet. Talagang inaakap ng asshole ng lalaki ang dildo. Firm ang loob nito pero nagagawa niyang isagad. Kita ang pamamawis ng bodybuilder. Binilisan pa niya lalo.

Lumuwa ulit sa titi si Chad, "putok mo sa mukha ko!"

Nagbate sa may mukha nito si Corden tapos ay sumigaw. "AAAAGGGGHHH!" Tapos ay tinanggap ng muha ni Chad ang ikalawang paputok ng semilya.

"UGGHHMMM!" malakas na bulyaw ni Chad habang ang titi nito ay kusang nagpapakawala ng tamod sa gitna ng pagpapakantot sa dildo.

"Putangina, ang hot!" komento ni Jeb habag patuloy ang paghalukay.

Nang mahimasmasan na sila ay pinunasan ni Chad ang mukha. Tapos ay nagsalita, "ano? Tingin niyo kaya 'yan ng kaibigan niyo?" habang nakanguso sa dildo na ngayon ay nakalabas na.

Nagkatinginan sina Jeb at Corden.

Natawa si Jeb, "tangina. Oo. Si boss pa? Kaya niya 'to."



--------------

If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

No comments:

Post a Comment