If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, November 21, 2023

LB42 05


ANG APAT SA KAARAWAN NI IAN

Binuklat ni Ian ang kanyang mga mata. Sumilip siya sa kanyang bintana at nakita na ang araw ay sumisilay na sa kanyang bahay. Bumangon siya at natagpuan na siya pala ay nakatulog sa kanyang sofa.

Sa kanyang paanan ay si Godfrey na nakapikit ang mga mata, nakupo, at natutulog na ang tanging suot lang ay puting briefs. Sa kabilang sofa ay sina Choi at Vhim na natutulog nang nakaakap sa isa't-isa. Naka grey na briefs ang dalawang lalaki.

Napahawak si Ian sa kanyang ulo. Medyo mabigat iyon, marahil dahil sa dami ng kanilang nainom kagabi. Nakasuot na lang din siya ng pulang briefs.

Napangiti siya sa kanyang sarili. "Ganoon pala ang feeling kapag nakikipag-orgy sa lalaki. Ang saya." Alam niyang past middle age na siya. Pero ang mapaligiran ng mga binata ay parang nagpapabata rin sa kanya.

Pagkatapos nilang magpalabas kagabi ay naligo si Ian. Pero hindi niya na naaalala ang sumunod na nangyari nang siya ay nakabalik na sa sofa galing sa banyo. Marahil ay kusa na lang siyang nakatulog. At mukhang nakatulog na lang din ang kanyang mga bisita.

Inabot niya ang kanyang cellphone sa center table. Ten minutes to seven AM. Inaasahan niya na sana ay nag-text na sa kanya si Inigo. Pero mukhang hindi pa rin siya nito napapatawad.

Hindi na masyadong marami ang nagmemessage sa kanya. Mukhang humuhupa na rin ang kanyang eskandalo.

"Good morning, Ian..."

Napatingin si Ian sa kabilang sofa. Gising na si Vhim, na siyang bumati sa kanya. Nagkukusot na rin ng mga mata si Choi.

"Good morning. Ano na nga ang nangyari sa akin pagkatapos ko maligo?" tanong niya.

"Ah. Nakatulog ka," ang sagot ni Vhim. "Pero huwag kang mag-alala. Inubos lang din namin 'yung mga bote namin tapos natulog na rin kami."

"Wala ba kayong pasok o kaya ay practice today? Sorry naman, bad influence pa ako sa inyong kabataan," ang banggit ni Ian.

Humikab si Choi, "hindi. Mamaya pang alas dos naman ang practice naming varsity. Saka hirap namang umuwi na medyo may tama--"

"--Tapos wasak pa puke mo," pabirong pakli ni Vhim.

Hinampas ni Choi ang kaibigan, "gago! Ako lang talaga itong mas pakantot sa ating dalawa, pero alam ko gusto mo ring makantot ni Ian."

Natawa si Vhim. "Lokoloko. Nangunguna ka diyan, eh."

Napakamot ng ulo si Ian, "grabe. Ganyan na ba talaga kayong kabataan ngayon? Parang sobrang kaswal lang sa sex. At kahit lalaki eh parang hindi big deal na nakikipag-sex sa kapwa?"

"Medyo big deal pa rin... Hindi alam ng pamilya namin ito... Saka ng mga girlfriend namin, siyempre," ani Choi, "pero kung sex ang pag-uusapan, oo sobrang open na ng henerasyon namin sa ganyan. Saka pare... Ian, iba kasi talaga ang epekto ng video mo, eh. Nang-aano ka, eh..."

Tumango si Vhim, "oo nga. Sigurado ako marami kang ginising ang diwa dun sa video mo na 'yun. Kahit siguro may ibang tuwid na bumaluktot dahil sa'yo."

Tumuwid ng upo si Choi, "by the way, 'yang si Godfrey. Matagal na ba kayong may ginagawa?"

Kumunot ang noo ni Ian, "ah? Nito lang kami. Nung pumutok lang din 'yung video. Pinuntahan niya ako. Tapos nagkaaminan kami. Pero hindi ako ang una niya. May karanasan na siya bago niya ako inano."

Napapalakpak si Choi, "loko 'tong si Godfrey. Wala akong kaalam alam na kadugo pala natin. Akala ko pa naman siya ang pinaka straight sa team natin."

Nagsalita si Godfrey habang nakapikit, "hoy. Loko kayo. Gising na ako. Naririnig ko kayo. Tsismisan pa kayo diyan. Ikaw nga Choi eh. Ikaw pinakamalaki sa team tapos pakantot ka pala."

"Di lang basta pakantot 'to, power bottom ito," bida ni Vhim.

"Gago!" reaction ni Choi.

Natawa na namangha si Ian. Alam niya ang katagang power bottom dahil narinig na rin niya iyon na gamitin sa mga gay porn na pinapanood. Tunay nga siyang nalilibugan sa malaki at maskuladong lalaki na magaling tumanggap ng burat sa puwet.

Bumuklat na ang mga mata ni Godfrey, "so, ano'ng istorya niyong dalawa? Kelan niyo pa ginagawa 'to? At meron pa ba sa ibang team na nakakasama kayo?"

Nagtinginan sina Vhim at Choi. Nagsalita si Vhim, "ah basta one year ago na rin. Nagsimula sa biruan. Pareho kaming single no'n. Tapos sabay kaming nanood ng porn sa bahay nila. Nagkayayaan na magjakulan. Hanggang sa na-curious ako na tsupain siya. Ayun hanggang sa natuwa kami, inulit-ulit na naming dalawa. Lalo na kapag tigang kami. Kahit nung nagka-girlfriend na kami. Kapag hindi kami nakaka-score, kami ang nag-iiskoran."

"Haha. Tapos nag-try kaming magkantutan. Siya actually ang unang taya. Pero para fair, eh nagpadonselya din ako. Ayun mukhang ako ang naadik sa pagpapakantot," kuwento ni Choi. "Hindi na namin masyadong pinagdaanan 'yung guilt mode guilt mode. Eh sobrang libog namin. Masarap naman. Wala naman kaming sinasaktan. Hindi naman kami mag-boyfriend. Tawag lang talaga ng laman."

Napakambyo si Godfrey sa sariling bukol. "Tangina niyo. Wala talaga akong kaalam-alam. Walang mag-aakala."

"Hindi namin alam kung meron sa team o sa mga kakilala natin na ganito rin," sabi ni Vhim, "pero yeah. Tago talaga. Although sa locker room at shower sa school nakakapuslit kami. Haha."

"Gago, baka mahuli kayo ni Coach. Mga lokoloko," saway ni Godfrey.

"Yeah, minsan naghahanap kami ng third. Just in case gusto namin maging adventurous," pag-amin ni Choi, "pero maingat lang talaga. Saka sa malayo kami nakikipag-meet para walang nakakakilala sa amin."

Nagsalita si Ian, "oh well. At least kayong tatlo ay nagkaalamanan na. Eh 'di mas marami pa kayong chance na mag-explore."

Ngumiti si Godfrey, "oo. Nakakaba din kasi maghanap sa Internet. Hindi mo alam kung makakabangga ka ng kakilala mo o ano."

Bumuntong-hininga si Ian. "Sana talaga maaga kong nalaman ang tendencies ko. Hindi itong matanda na ako. Dapat sa edad niyo talaga nangyayari ang sexual exploration, eh. Hindi kapag ugod-ugod na tulad ko."

"Ugod-ugod ka diyan. Tangina mo. Papasa ka pa na teammate namin na mature lang na kaunti," hirit ni Vhim.

"Saka ang macho macho mo pa. At tangina mo, ang galing mong kumantot, gagi," segunda ni Choi.

Tinapik si Ian ni Godfrey, "huwag kang mag-alala. Isipin mo na lang binatang kaedad mo kami. Tutal namin kaming tatlo ay ine-explore itong kung anumang mga sexual curiosity namin, eh sumama ka na sa amin mag-explore. Gawin natin lahat. Basta safe."

"Utot. Malibog ka lang," buska ni Choi.

"Kantutin kita diyan, eh," banat ni Godfrey.

Ngumisi si Choi, "tss. Tingin mo takot ako diyan? Nagkaalaman na tayo, eh. Saka kinantot ka na rin naman 'di ba?"

Sumimangot lang si Godfrey at hindi sumagot.

Pumalakpak si Vhim, "mabuti pa ay umisa pa tayo bago tayo pumunta sa practice mamaya. Wala pa sa kalahati ng skills namin ang nakita niyo kagabi. Kailangan mong malaman Geoffrey kung gaano kagaling na bottom itong sentro natin."

Tapos ay kinabig ni Vhim ang katabi at hinalikan ito. Namangha si Ian sa pinapanood. Dalawang matong basketball player na naghahalikang parang mag-asawa. Halata ang nakabukol na mga umbok ng mga ito.

Nagulat na lang si Ian nang bigla na lamang siyang hinatak ni Godfrey at hinalikan din. Nalalasahan pa sa labi bibig nito ang beer na ininom nila kagabi. Kusang tumungo ang kamay niya sa harapan ng puting briefs nito. naramdaman niya ang init at tigas ng bukol nito. Ang mga kamay ni Godfrey ay naglalakbay sa kanyang katawan.

Nang matapos ang kanilang halikan ay nagsalita si Ian. "Maligo muna tayo. Tapos dun tayo sa kama. Tapos ng rambol natin treat ko kayo ng brunch."

"Shit. Ang hot mo talaga Daddy kapag nagsasalita ka ng malibog," sabi ni Godfrey.

"Tangina. Daddy na tawag niya oh," puna ni Vhim.

Bumaling sa dalawa si Ian, "eh 'di 'yan din itawag niyo sa'kin."

Napakagat-labi si Choi, "yes Daddy."

Tatlo ang CR sa bahay kaya naman naligo sila nang pares-pares. Magkasama sina Ian at Godfrey. Nagmomol at tsansingan sila nang mabilis habang nagsasabunan.

"Okay lang ba sa iyo itong mga nangyayari?" pag-aalala ni Godfrey habang sila ay nagpapatuyo na.

Ngumiti si Ian, "honestly, oo. I need this distraction. Deserve ko namang sumaya at magpaka baliw pagkatapos ng pinagdaanan ko."

Hinalikan siya nito, "sige. Sulitin natin itong birthday mo, Daddy Ian."

Tapos ay pumunta na sila sa isa pang CR para sunduin ang dalawa at dinala ni Ian ang mga ito sa kanyang king-sized bed. Lahat sila ay nakahubad na at may mga mahahabang ereksyon. Pero kay Ian ang pinakamahaba.

Hinawakan ni Vhim ang burat niya. "Daddy... Ahhh shit ang hot mong tawaging Daddy... Ang sarap mo." Tapos ay hinalikan siya nito.

Katulad ng mga kasama nito ay uhaw din itong nakipaglaplapan sa kanya. Dinama ni ian ang katawan nito at kinapa ang mga muscles. Hinawakan din niya ang burat nito at dinama ang katigasan at init niyon.

Nagkaharapan sina Choi at Godfrey. Nagsalita si Choi. "Oh. Paano ba 'yan, tayo magkakahalikan?"

"Tangina mo, huwag mong sasabihin sa girlfriend ko, ah..." Tapos ay hinatak ito ni Godfrey at hinalikan din.

"Uhhmmm uhmmm..." maungol ang halik ni Ian sa kapareha habang tinitingnan niya ang isa pang pares na naglalaplapan at nagtsatsansingan din ng katawan. Nakipag-espadahan siya ng ereksyon kay Vhim.

Matapos ang isang minuto ay bumitaw na sa halik si Vhim. "Shit gago ka Ian. Grabe ka masipsip ng hangin. Halos mawalan ako ng hininga."

Napabaling silang dalawa kina Choi at Godfrey na naglalamasan na ng puwet habang sila ay naglalaplapan.

"Fuck ang hot talaga..." tapos ay hinalikan muli ni Ian si Vhim.

Ang kamay ni Vhim ay nakapatong na sa kanyang dibdib. Nilalamas nito iyon. Tapos ay bumitaw na ito sa halik. Tumungo ito sa kanyang leeg at dinilaan iyon. Pababa pa para sipsipin ang kanyang erect na nipples.

"Fuuuck... Shit... Grabe nito... ang sarap..." malakas na singhal ni Ian.

Bumitaw ng halik sina Choi na nagsabing, "tangina ang lakas ng bunganga. Romansa pa lang 'yan, ah."

"Haha. Ganyan talaga itong Daddy natin. Sobrang ingay sa kama. Dapat pinapatahimik," ani Godfrey tapos ay gumapang ito papalapit sa kanya tapos ay hinalikan siya.

Pero may tumatakas pa ring ungol mula sa bibig ni Ian kahit nahahalikan dahil sa dinidilaan na ni Vhim ang kanyang pusod. "Aggghh... Fuuuck..."

"Tangina Daddy Ian, 'youre so hot!" bulalas ni Choi tapos ay dinilaan naman ang kanyang kaliwang tainga.

Muffled na umuungol si Ian habang siya ay niroromansa ng tatlong atleta. Lumipat naman sa kanang tainga si Choi tapos iyon naman ang pinuntirya. Tapos ay inangat nito ang kanyang braso tapos ay sinimulang himurin ang kanyang kilikili.

Napabitaw sa halik si Ian dahil sa bagong sarap na nadama. "Aggh sige. Ugh shit. Sarap niyan!"

"Tangina. Bawat pulgada yata ng katawan mo, erotic zone," buska ni Godfrey. Pinisil nito nang sabay ang kanyang mga nipples at hinalikan siya.

Tumataas ang lahat ng balahibo ni Ian dahil sa atensyon na nakukuha niya. Dagdag pa doon ang mga mamasamasang mga ereksyon na minsan ay dadaplis sa kanyang katawan.

Sa wakas ay nakarating na si Vhim sa kanyang burat. Naramdaman niya ang pagsaklob ng mainit na bibig sa kanyang titi. Nangisay siya at napakapit sa braso nina Choi at Godfrey habang muling umuungol nang malakas sa bibig ni Godfrey na patuloy na nakikipag buhulan ng dila sa kanya.

Umurong sandali si Choi at napatingin sa baba. "Ay wow, Vhim. Talagang nanguna ka agad sa titi ah. Adik lang ah."

Saglit na tumigil si Vhim at ngumisi, "haha. Nakaisa ka na kagabi. Bigay mo na sa'kin 'to. Tangina ang laki ng burat ni Ian. Sagad sa lalamunan." Tapos ay muli siya nitong dineepthroat.

"Urgghh..." napaungol si Ian nang muling maramdaman niyang sinasakal ng lalamunan nito ang kanyang tarugo.

Tumigil na sa paghimod sa kilikili si Choi at bumaba na rin. "Tangina mo. Paisa din. Nainggit ako." Tapos ay nakidila ito sa kanyang crotch.  May ikalawa nang dila na humihimod sa kanya at nakatarget sa kanyang betlog na nagdagdag ng sarap sa kanya.

Tumigil sa halik si Godfrey tapos ay pinanood ang dalawang nagsasalo sa burat at itlog ni Ian.

"Ahhhhhh fuuuck kayoooo... Ahhh sige pagsawaan niyo burat ko. Padulasin niyo. Papasok ng mga puke niyo 'yan mamaya!" bastos na sabi ni Ian.

Hinimas-himas ni Godfrey ang kanyang pecs habang minamalas ang dalawang barakong na na-aagawan sa titi. "Tangina ng mga 'to. Mga halimaw sa court pero parang mga batang nag-aagawan sa lollipop-- Hoyy uhh Ian... Ano 'yan?"

Nagulat ito dahil pinasok ni Ian ang kanyang daliri sa butas nito. Mainit iyon at makipot sa loob pero sinagad niya na agad. "Hehe. Excited na ako na kantutin ka ulit."

Saglit na tumigil si Choi sa pagsupsop sa burat. "Yown. 'Yan ang gusto kong makita. Ang makantot si Godfrey."

Namula si Godfrey, "gago! Tangina niyo-- AHHH!" Napatirik ang mga mata nito at napasinghap dahil pumasok na ang ikalawang daliri, "pero may kondisyon ako..."

"Ano kondisyon mo?" tanong ni Ian.

"Tsupain mo 'ko. Tapos i-rim mo rin ako sa butas ko," anito habang umuungol.

Tinanggal na ni Ian ang kanyang mga daliri. "Sige subukan ko 'yan. Tayo!"

Tumayo naman sa kama si Godfrey at tinapat ang ereksyon nito sa kanaya. Umiiyak iyon ng masaganang precum. Nahalina siya at sinipsip muna ang precum upang malasahan ang tamis niyon. "Fuck. Ang sarap mo."

Hinawakan ni Godfrey ang ulo niya, "fuuck! Isubo mo na!" Tapos ay pinilit ang ulo niya papalapit sa burat.

Binuka ni Ian ang kanyang bibig at tsinupa na ang lalaki. "Hmmm..." maungol siya habang dinadama ang katigasan at init niyon. Nakakuha na siya ng sarap kapag umuumpog sa lalamunan niya ang matigas na ari. Tumingala siya sa lalaki upang ipakita na nasasarapan siya.

Naging marahas sa pagkantot sa mukha niya si Godfrey. Pero tinanggap lang niya. Lalo pa nga siyang nalibugan. Lalo na't patuloy pa rin ang dalawang atleta sa pagsubo sa kanya.

Dinala ni Ian ang kanyang mga kamay sa puwetan nito tapos ay fininger itong muli. Lalo lang ginanahan ang lalaki na i-face fuck siya.

Makalipas ang ilang minuto ay bumunot na si Godfrey, tumalikod at tumuwad. "Kainin mo puke ko!"

Noong una ay alangan si Ian. Pero nang pinasok niya na sa gitna ng dalawang pigi nito ang kanyang mukha ay inimbita na siya ng init ng butas nito. Mukah iyong puke. Masikip na puke. Iyon na lang ang inisip niya. Nilabas niya ang dila at nalasahan ang kakaibang lasa. Pero naenganyo siya. Hanggang sa paulitulit na ang pagdila niya. "Hmmmm ahhmm..."

"Ahhh fuck shit yeah. Daddy... Uhmmm... Ang sarap niyaaan..." halinghing ni Godfrey, "hmm... Sarap baaa?"

"Uhh hmm..." paungol na pagpayag niya habang lalong lumalalim ang paglaplap niya sa butas nito.

Tapos ay tumindig at umikot na si Godfrey. "Agh sige na. Tangina sarap ng bibig mo. Kantutin mo na 'ko sa harapan ng mga kaibigan ko kingina."

Bumalikwas na ang dalawang tsumutsupa.

"Yown. Heto na ang gusto kong makita," ani Vhim habang tumatabi.

Humiga si Godfrey at binukaka ang mga hita. "Shit. Tangina niyo. Huwag niyo 'kong i-judge, ah. Mga puta kayo."

"Puta tayong lahat dito, pare," reassurance ni Choi.

Nagsuot na si Ian ng condom. "Pasok ko na. Ano'ng sasabihin mo?"

"Pasok mo na, please Daddy," baritonong singhal ni Godfrey.

Umabante na si Godfrey. Naramdaman niya ang pagsaklob ng sikip ng butas nito. Mukhang napadulas nga niya iyon nag husto sa pag-rim niya kasi maayos siyang nakapasok. "Ahhh tanginang 'yan! FUUUCK!" Tapos ay pumiston na siya sa lalaki. Mabilis agad at maragsa.

Namilipit si Godfrey, "ohhh goood! Ahhhh Daddyyyy! Grabeee! Uhhh!" Minsan ay magha-high pitch ang mga ungol nito.

"Ahhhh Godfrey pare ang hot mo!" puri ni Choi. Bumaba ang ulo nito para susuhin si Godfrey,

Napaliyad si Godfrey, "uhh... Fuuuck... Putangina mo."

Nakatitig si Vhim sa namamawis na katawan ni Ian. "Grabe Daddy! Para kang makina kung kumantot. Ohhh shit!"

"Kakantutin din kita mamaya, tangina mo..." sabi niya kay Vhim habang hinahawakan ang mga hita ni Godfrey at binabago ang anggulo ng kantot.

Inabot ni Vhim ang sariling butas at fininger iyon, "tangina. Bilisan mo diyan Daddy. Next mo ako."

At hindi na kinaya ni Ian. Dahil sa kanina pa rin siya tsinutsupa. "GAAAHHH!" At nagpalabas na siya sa loob ng condom sa loob ni Godfrey.

Nanlaki ang mga mata ni Vhim. Mukhang nalungkot. "Nagpalabas ka na?"

Lumuwa si Choi. Mukha ring na-disappoint.

Bumunot si Ian. Tinanggal niya ang condom niya mula sa tigas niya paring titi. Punong puno iyon ng tamod. "Shh... Huwag kayong umarte diyan. Kaya ko dalawang rounds na magkasunod. Lilinisan ko lang ang burat ko at magsusuot ng bagong condom."

"Ako na, Daddy," sabi ni Choi. Sinubo nito ang kanyang burat at sinipsip ang tamod na nandoon.

Napaigkas si Ian, "shit. Tangina mo."

Nang lumuwa ito ay laway na lang ang nakabalot sa tarugo. "Heto na Vhim. Nilinis ko na para sa'yo."

"Salamat. Laking tulong na adik ka sa tamod," natatawang sagot ni Vhim. Tapos ay pumosisyong aso na ito.

Nagsuot ng bagong condom si Ian tapos ay pumuwesto na sa likod ni Vhim. Hindi niya na ito inalerto basta pinasok na lang niya ang burat.

Sumubsob ang mukha ni Vhim sa unan, "GAAAH!"

"Oh, huwag kang magreklamo! Hiningi mo 'to, 'di ba?!" Tapos ay bumarurot na si Ian sa butas nito, "ahhh tangina! Ang sikip mo rin. Putangina ka!"

Napahawak sa burat si Godfrey, "tangina, nabitin ako."

Kumuha si Choi ng isa pang condom at isinuot iyon kay Godfrey. "Hindi bale ako bahala sa'yo." Tapos ay pumaimbabaw ito sa lalaki at pinasok ang ereksyon sa sariling butas. Naglaho ang uten ni Godfrey sa loob nito.

Napatirik ang mga mata ni Godfrey. "Fuuck pare ang sikip ng puke mo!"

"Uhh... Pare alam mo ba sinisilipan kita minsan sa locker room? Fuck ngayon ipinapasok mo na burat mo sa'kin! AGH!" tapos ay nagtaas-baba na si Choi.

"Tangina mo! Ang maton mong bakla fuuuck!" bulalas ni Godfrey na kumakadyot na pataas.

Rinig naman ang pag-iba at pagtinis ng tono ng mga halinghing ni Vhim. "Uhh... Shiiit shiit! Ang sarap mong kumantot! Daddy! OHHH!" Jinajakol na nito ang sarili.

Minamasa ni Ian ang mga pigi nito habang kinakasta. "Ahhh! Tangina ang sarap ng puwet mo!"

Napaliyad nang todo si Godfrey, "lalabasan na ako, Choi!"

Binilisan ni Choi ang pagtalbog, "sige putok mo pare! Putok mo lang!"

"AAAGH!" malakas na sigaw ni Godfrey habang napipitlag ang katawan, tanda na nagpalabas na ito.

Lumingon si Vhim kay Ian. "Lalabasan na ako." Binilisan nito ang pagsalsal sa sarili.

"Labas mo na! Putangina mo!" binilisan ni Ian ang pag-ayuda.

"AGGGH!" bulyaw ni Vhim habang bumubulkan na ang tamod at sumisirit sa kama.

Bumunot na si Ian tapos ay tinuro si Choi, "ikaw na, puta ka!" Tapos ay humiga na siya.

Umangat na mula kay Godfrey si Choi tapos ay lumipat naman kay Ian. Pinasak nito ang sarili sa burat niya at nagtaas baba. "AAAHHH SARAP NG BURAT MO DADDY!"

"Ahhh tangina mo! Sarap ng puke mo! Tangina ka!"

Humahampas-hampas ang matigas na titi ni Choi kay Ian.

Sina Vhim at Godfrey ay humihingal habang nanonood.

Ang hot talagang tingnan ng tatlong maton na binata na nagpapakasasa sa kanyang burat. Malapit na ang ikalawang orgasm ni Ian.

Pero mukhang si Choi ang nauna. "AAAAHHHHHHH HETO NA!" Tapos ay kusang sumirit ang katas nito mula sa burat at binasa ang tiyan ni Ian.

Nanlaki ang mga mata ni Godfrey, "tangina nitong sentro natin! Hands free cum?!"

"Sabi ko na sa'yo, eh. Power bottom si Choi," segunda ni Vhim.

Hindi na kinaya ni Ian ang pagsakal ng puwet nito sa burat niya. "AAAHHH FUUCKING SHIT!" Tapos ay pinakawalan niya na ang ikalawang tamod niya para sa umagang iyon.

Tanging mga hininga na lang nila ang naririnig sa silid na iyon. Nagtinginan sila at nagtawanan.

"Fuck. Saya ng birthday ko," biro ni Ian.



--------------

If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

1 comment: