ROBBY: “…Ano ka ba. Gustong gustong gusto kita.
Alam mo ‘yan. Sobrang gaan ng loob ko sa’yo, at sobrang importante ka sa’kin.
Ayokong mawala ka sa buhay ko. Sobrang saya ako na mahal mo ako. Sobrang
kinikilig ako na marinig ‘yan sa’yo. Kasi alam ko kung gaano ka ka-intense
magmahal." (ABKP 11)
JOSEPH: “Robby, gusto ko lang na malaman mo na
gusto kita. Hanggang ngayon. At mahal kita. Pero hindi tulad ng pagmamahal ko
sa ate mo. At hindi rin tulad ng pagmamahal ni Clint sa’yo. Mahal kita bilang
ako na si Joseph, ang bayaw mo. Ibibigay ko sa’yo ang lahat base sa kung ano
lang saklaw ng puwede kong ibigay sa’yo.” (ABKP Epi)
CLINT: “Alam
kong medyo wirdo, kasi pareho kaming lalaki. Pero mahal na mahal ko si Robby.
At kahit hindi pa niya ako mahal, alam ko sa mga kinikilos niya na may
nararamdaman siya sa akin. Magkatuluyan man kami o hindi, sapat na na naranasan
ko siya sa buhay ko.” (ABKP 18)
MATT: "Noon
pa man, nung straight pa tayo naisip ko na sobrang swerte ng mamahalin mo. Pero
shit. Ako? Deserve mo ba ‘ko? Eh, tangina gago ako." (KKK 12)
GREG: “…Sigurado ako noon na kapag na-in-love
ako, ibibigay ko na ang lahat sa kanya. At sigurado ko rin noon na, kasama ka
lagi sa plano ko sa buhay ko, kasi ikaw ang best friend ko. Pero dahil ngayon
eh, mukhang na-inlove ako sa’yo, at least naka-package na lahat ng plano ko sa
iisang tao. Sa best friend ko na mahal na mahal ako.” (KKK 13)
M at G: “Parekoy Poreber?” “Parekoy Poreber.”
(KKK 20)
BART: “...ano ba’ng gusto mong marinig? Huh? Na
umiyak ako gabi gabi sa unang taon na wala tayo?! Na hindi ako nagkarelasyon
simula nang magkahiwalay tayo? Na lagi pa rin kitang naalala? Naiisip? Na mahal
pa rin kita hanggang ngayon? Na masakit na nakita kita kasama ng pamilya mo?
Ano? ‘Yan ba gusto mong marinig? Masaya ka na?” (KKK 18)
SILVER: “Alam ko unfair sa’yo. Tulad ng sabi
ko, wala akong ipapagawa sa’yo na hindi mo gusto. Kung gusto mo ng asawa,
susuportahan kita. Kung makahanap ka ng boyfriend na mas mamahalin ka at hindi
ka itatago, mag-step back ako. Pero hetong pangako ko. Nandito na ako ulit.
Para maging kaibigan mo. Para maging ka-sex mo. Para maging kasangga mo sa
buhay. Andito na ako ulit kung kailangan mo ‘ko. Pero kahit ano’ng piliin mo
doon, hindi na mawawala na mahal kita.” (KKK 19)
WALTER: “Ikaw
ang panganib na handa akong suungin.” (SNSA 27)
CHINO: “...unti-unti mo naman nang binubura ‘yang
takot na ‘yan ‘di ba? Nung pumayag ka na ikaw ang magturo sa’kin kung paano ang
trabaho natin. Nung pumayag ka na ako ang magparusa sa’yo. Nung ako ‘yung
pinili mo na makasama mo dun sa assignment natin sa stag party. Nung sumama ka
dito sa akin ngayon sa bakasyon na ‘to. Gusto mo’ng mangyari ‘to Walter. Gusto
mo.” (SNSA 23)
JACOB: "Gumawa tayo ng bagong eksena na
mapapanaginipan ko…" (SNSA 28)
SIR ANDRES: “Kaya nga ‘ko pumunta do’n eh. Kasi
alam kko baka balakin niya na i-bareback ka. Hindi puwede ‘yon. Hindi ang mga
alaga ko. Hindi ikaw, Chino." (SNSA 22)
Shit kinikilabutan ako naalala ko lahat nanG stories ni author hehehe
ReplyDelete