If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Saturday, July 23, 2016

Duplikado 7


IKA-PITONG KABANATA: LEKSYON

February 02, 2009 11:35 PM

Gabi.

Madilim.

Sa isang eskenita, may isang lalaking nagkukubli sa dilim. Tila may inaantay. Bagot na bagot na. Ilang upos din ng sigarilyo ang nasa may paanan niya. Pero mukhang hanggang sa mga sandaling yon, ni anino ng kanyang hinihintay ay hindi pa niya nasisilayan.

"Tang-ina." Sinambit ng lalaki. Si Jerome.

Naubos muli ang sigarilyong kanina niya pa hinihithit. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang kaha. Isa nalang ang laman. Kinuha niya. Inamoy.

"Aaaaah."

Tinanaw niya muli kung parating na ang inaabangan niya ngunit wala parin ito. Nilagay na niya ang kahulihulihan niyang sigarilyo sa kanyang bibig at sinindihan yon. Kitang-kita ang sindi sa kadiliman ng gabi.

Tuloy lang siya sa paghithit. Sarap na sarap. Walang pakundangan sa pagbuga ng usok. Animoy isang tambucho ang bibig.

Pero ilang sandali, mukhang sinwerte na rin siya. Parating na ang lalaking kanina pa niya inaantay. Eto na ang sandaling kanyang pinakaaasam. Tumayo siya at may dinampot. Isang bagay na gagamitin niya para sa lalaking padating. Itinapon ang sigarilyong kanina niya pa hinihithit.

Lasing ang lalaki. Pasuray-suray ang lakad. Hindi nito namalayang may papalapit sa kanya mula sa dilim. Laking gulat nito nang makaharap si Jerome.

"Pare naman, ginulat mo ko eh." Tila biglang bumalik ang katinuan nito.

Dumura si Jerome. "Wag mo kong matawag na pare. Hindi kita kaibigan."

Napaatras bahagya ang kausap. Natakot.

"Anong katarantaduhan na naman ang ginawa mo sa utol ko?"

"Pare, relax lang. Hindi ako ang may gawa nun. Maniwala ka."

"Tang-ina mo. Wag mo ko gaguhin."

"Maniwala ka. Hindi ako ang dumali sa auto ng utol mo." Medyo may distansya sa kanilang dalawa.

"Umamin ka na."

Hindi inalis ni Jerome ang kanyang tingin sa kausap. Halatang handa siyang maghabol sakaling maisipan nitong humaripas ng takbo.

"Pare naman. Pagusapan natin to ng maayos."

Nagmamakaawa ang lalaki. Tumingin ito sa paligid. Walang tao. Walang makakarinig sa kanya kahit na anong sigaw ang gawin niya.

"Ganun ba? Di ako mahilig sa maayos na usapan. Nakikita mo ba to?" Itinaas niya ang kanang kamay. May hawak siyang mahabang kahoy. Dos por dos.

Kahit na madilim, mapapansin ang pamumutla ni Carding. Umiling ito kay Jerome. Tinaas ang dalawang kamay, parang sinasabing huwag magkamaling lumapit sa kanya. Tila nagmamakaawa na huminahon kahit sandali.

"Maawa ka naman."

Ngisi lang ang tugon ng kaharap. Halatang galak na galak sa nangyayari. Kasiyahan na niya na kinatatakutan siya. Pinaglalaruan ang dos por dos sa kanyang mga kamay.

Nahalata niyang kanina pa tingin ng tingin sa likod ang lalaki.

"Tatakbo ka? Sige. Siguraduhin mong hindi kita maabutan. Dahil sa oras na abutan kita, alam mo na siguro ang mangyayari."

"Pare..."

"Sinabi nang wag mo ko tawaging 'Pare'!"

Pagbuwelo ni Jerome para humataw, nagtatakbo si Carding. Nagsisigaw ito para humingi ng tulong. Samantalang natawa lang si Jerome.

"Walang makakarinig sayo, gago!"

Hinabol niya ang lalaki. Habang tumatakbo yun para makatakas ng buhay, tawa at panunuya ang nanggaling sa kanya. "BILISAN MO! PAPATAYIN KITA HAYOP KA!"

Hindi na nakuhang lumingon ng hinahabol. Tumakbo nalang ng tumakbo. Hingal kabayo na siya at malapit na siyang abutan. Malapit na rin siyang mawalan ng lulusutan.

Pero, biglang tumahimik. Nawala ang ingay na mula sa likod. Nawala ang mga yabag. Nawala ang panunuya.

Napahinto si Carding.

11:58 PM

"Pare, maawa ka!" Narinig ko ang sigaw ng lalaking hinahabol ko sa gitna ng dilim. Natatawa ako. Nakikita kita oy! Wala kang takas. Palinga-linga siya. Hinahanap ako. Pero hindi niya ko makita.

"Tama na!"

Akala ko ba siga ka? Eh para kang babaeng takot magahasa ngayon. Kulang nalang maihi ka sa pantalon mo.

"Carding!"

Tinawag ko siya mula sa kinatatayuan ko. Pumihit siya. Pilit hinahanap kung saan galing ang boses.

"Pare! Tigilan na natin to." Nagmamakaawa niyang sabi sa gabi. Napangisi ako habang pinagmamasdan siya. Ang sarap niyang paglaruan. Aliw na aliw akong siya'y pagmasdan. Parang nasisiraan ng bait.

Dahan-dahan akong kumilos papalapit. Ako ang leon na lalapa sayo ng buhay.

"Asan ka ba?!?"

Hinihingal na siya. Ang layo ng tinakbo niya sa pagaakalang makakatakas sakin. Wala na siyang lusot ngayon. At walang makakarinig samin dito.

Alertong-alerto siya. Kahit konting kaluskos inuusisa.

Tunog lang ng mga kuliglig ang tanging ingay sa kapaligiran.

Sinunggaban ko na ang pagkakataong tahimik na makalapit sa kanya. May sinisipat siya sa dilim. Buong akala niya ay dun ako nagtatago. Hindi niya alam, nasa likuran niya ako.

"Carding."

Bumulong ako sa kaniya.

Nanigas siya.

"Handa ka na ba?"

"Pare naman."

Suminghot ako.

"AHHHHHH! Amoy alak ka ha."

Hinigop ko ang hangin. Malapit sa kaliwang tenga niya. Ang sarap sa pandinig ng tunog na likha nun.

Hindi siya kumilos. Sa katahimikan ng gabi, dinig na dinig ang kanyang paghingal.

"TAKBO!"

Walang anu-ano, humaripas siya ng takbo.

Pero hindi siya nakalayo.

Isang hataw ang pinakawalan ko.

Bagsak siya sa semento.

"Jerome..." Yun lang ang tanging kumawala sa kanyang bibig.

No comments:

Post a Comment