If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Saturday, July 16, 2016

Duplikado 6


Ika-anim Na Kabanata

IKA-ANIM NA KABANATA: TAKOT

5:30 PM

Kinatok ko si Arvin sa mesa niya. "Bro, sabi ni Ms. Peaches check mo raw yung natapos ko."

"Gano karami natapos mo?"

"Halos kalahati."

Tumayo siya at sinilip ang tambak ng papeles sa mesa ko.

"Aba, mabilis ka magtrabaho ha."

"Hindi nga eh."

"Sige, ok na yan. Di na yan chinecheck."

"Sigurado ka? Baka mapagalitan ako ni bossing."

"Di yan. Ako bahala sayo."

"Talaga ha."

"Oo naman. Enjoy lang dapat sa unang araw."

Tumawa nalang ako. Ok rin si negro.

"Salamat. Pano, una na ko sayo."

"Pare! Wag muna! Bata ka pa!"

Loko pala ito.

"Ibig ko sabihin, mauna na ako umuwi."

"Ah. Sige. Ingat ka."

Dinampot ko na ang bag ko. Nakaya ko ang unang araw ko sa opisina. Naglakad na ako ng nakatungo papunta sa labas. Napahinto ako sandali sa tapat ng mesa ni mestiso. Nasa bulsa ko ang panyo niya. Ibabalik ko sana, pero naisip kong labahan muna yun. Wala siya sa mesa niya. Pero tiyak akong hindi pa siya nauwi dahil nandon pa ang mga gamit niya.

6:30 PM

Naglalakad na ako patungo sa inuupahan ko. Gabi na. Nagugutom na ako. Umalis na kaya si Kuya Jerome?

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Sonya. Palabati siya, pero ngayon may iba. Napahinto siya. At parang... takot?

Nagulat ako sa reaksyon niya kaya't napahinto rin ako.

"Bakit po? May problema ho ba?"

Hindi siya agad sumagot.

"Aling Sonya?"

Ano bang nangyari?

"Nasa ospital ngayon si Carding. Dahil sa Kuya mo."

"Ho? Bakit naman dahil kay Kuya?"

"Itanong mo sa kanya. Layuan niyo nalang kami."

Naguguluhan ako. Ito ba yung tinutukoy ni Kuya kaninang umaga? Yung tapos ko nang problema?

"May sa demonyo yang kambal mo!"

At umalis na siya. Iniwan niya akong nagiisip. Isa lang ang naisip kong gawin sa puntong yun.

Nagmamadali akong pumasok ng bahay. Sana hindi pa umaalis si Kuya. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, nakabihis na si Kuya. Handa na umalis.

"O, bigla-bigla ka naman napasok. Mamaya may ginagawa ako dito makita mo pa."

"Ano bang ginawa mo kay Carding?"

"Ha? Ano bang dapat gawin sa ganong tao?"

"Kuya naman. Nasa ospital daw sabi ni Aling Sonya."

"Dapat lang sa kanya yun."

"Anak ng pusa naman, Kuya."

"Tinuruan ko lang ng leksyon ang gago. Para tigilan ka."

"Yun na nga eh! Layuan daw sila. May sa demonyo..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Ako? Ako pa ngayon ang may sa demonyo? Gago pala yung mga yun eh."

"Kuya, sabi ko naman sayo wag mo na patulan yun eh. Tignan mo ngayon, tayo pa ang naging masama."

Tinignan lang ako ni Kuya. Pailing-iling.

"Aalis muna ako. Dedelehensiya lang. Magingat ka."

"San ka pupunta? Ikaw ang magingat."

"Jan lang sa tabi-tabi."

"Kuya kinakabahan ako."

Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.

"Wag ka magisip ng ganyan. Nandito ako. Ako ang tagapagtanggol mo."

Tumango lang ako.

"Malamang natutunan na ni Carding ang leksyon niya."

Nakasimangot ako.

"Huy. Ano ka ba. Dapat lang sa kanya yun dahil sa ginawa niya sa kotse mo."

"Ano ba kasing ginawa mo sa kanya?"

Natahimik siya saglit.

Maya-maya, sinagot na rin niya ang tanong ko.

"Kung anong ginawa niya sa kotse mo, yun din ang ginawa ko sa kanya."

Sus!Malamang basag rin si Carding kaya na-ospital.

No comments:

Post a Comment