IKA-APAT NA KABANATA: KAMBAL
Makati. 8:25 AM
Limang minuto. Yan nalang ang nalalabi bago ako tuluyang maging late. Pero nagtagumpay naman akong dumating bago ang takdang oras.
Matapos kong pumirma sa logbook, pinaupo muna ako ng receptionist sa sofa. May mga numero siyang pinindot at may kinausap. Minabuti ko munang magikot at magtingin-tingin.
Ang laki ng opisina. Di ko pa nakita ang parteng ito nung nagapply ako at pinabalik para sa interview. Nakakapanibago. Nakakakaba. Pano kaya kung hindi ako maging at home? Pano kung ayawan ako ng mga katrabaho ko? Hay. Bahala na.
"Mr. Salvador?"
Napalingon ako sa direksyon ng glass door. Di ko namalayang bumukas na pala yun. May isang babaeng nakatayo. Marahil ito na si Boss.
"Yes, Ma'am. Good morning."
"Good morning. Jade, please coordinate with the HRD regarding Mr. Salvador's ID. He has to have one next week."
Si Jade ang receptionist ng kompanya. Mabait at palangiti. Maganda. Mukhang masipag at mabilis kumilos.
"Please follow me."
Tinawag na ako ni Boss. Sumunod ako papasok. Ang lamig sa loob! Wala pa naman akong dalang jacket. Habang nakasunod ako kay Boss, maraming mga natingin. Ang sipag yata ng mga empleyado dito. Maaga sila magsipasok.
"I believe you know who I am, so there's no need for introductions. There's my name."
Tinuro niya ang pinto ng kanyang opisina. Tumango ako at ngumiti. Siya nga si Ms. Margarita Monteverde.
"But I prefer to be called Peaches. Ok?"
Nakangiti siya nung sinabi niya yun. Mukhang ok naman siya. Nabawasan ang kaba ko.
"Yes, Ms. Peaches."
"Good. Now, this is going to be your desk. You were already oriented the last time you were here, right?"
Tumango lang ako. Heto na ulit ang kaba. Maguumpisa na ang unang araw ko.
"You'll be under my supervision. If you have any questions, don't hesitate to ask me or your colleagues. That's Arvin on the desk next to yours."
Kanina pa pala nakamasid yung lalaki sa kabilang desk. Arvin daw ang pangalan. Tumango naman siya in acknowledgement nung marinig ang pangalan niya. Negro.
"Kamusta, bro?"
"Ok lang."
Ngumiti siya. Ang puti ng ngipin. O dahil maitim lang siya.
"Well, I'll leave you now so you can fix your things and get started, alright?"
"Yes, Ma'am. Thank you."
Iniwan na ako ni Boss. Hinipo ko ang mesa ko. Ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Office boy na nga ako.
Naupo na ako sa upuan at nagsimula nang magayos ng aking mga gamit. Mula sa aking bag, nilabas ko ang isang picture frame. Taglay nito ang larawan naming magkapatid. Pinatong ko yun sa ibabaw ng mesa. Pinagmasdan ko ng ilang saglit. Ito ang pinakapoborito kong larawan naming kambal. Kuha pa ito nung bata pa kami. Gayunpaman, sobrang saya ang nararamdaman ko tuwing pinagmamasdan ko ang larawang ito. Binabalik nito ang masasayang alaala ng Bulacan.
"Pare, ano nga palang pangalan mo?"
Di ko namalayang nasa harap ko na pala si Arvin. Masyado yata akong nagbalik sa nakaraan.
"Jeremy."
Kinamayan niya ako. Ang gaspang ng kamay niya.
"Uy, sino to? Kapatid mo?"
Kinuha niya ang larawan naming magkapatid. Tinignan niya.
"Oo. Kakambal ko."
"Nice. Ang cool siguro magkaron ng kakambal no?"
Ngumiti lang ako.
"Arvin, naayos mo na ba yung papers ni Mr. Gatbonton?"
May isang babaeng biglang lumapit sa kausap ko.Tumawa ng malakas si Arvin.
"Hindi ko na trabaho yan. Mel, meet Jeremy. Siya na ngayon ang gagawa ng dati kong trabaho."
"Hi."
Kinamayan ko si Mel.
"Hi! So ikaw pala ang bagong hire."
Tinitigan niya ako. Nakakailang.
"Siya na ngayon ang bago mong haharassin."
Tinignan ni Mel ng masama si Arvin.
"Excuse me, panget. Di ako nanghaharass."
Habang pinapanood ko silang dalawa magbiruan, may pumukaw ng aking attensyon. Isang bagong pasok na empleyado.
Lalaki. Mestisohin. Maayos ang pananamit. Gwapo.
Nagmamadali siya. Naka-iPod habang tumatakbo.
Tumingin ako sa relo ko. 8: 44 AM.
Sakto siya sa grace period.
Tiningnan ko siya muli. Nakaupo na. Hinihingal.
Naguusap parin sina Arvin at Mel sa harapan ko pero di ko naiintindihan ang pinaguusapan nila.
O dahil hindi ko sila iniintindi.
Nakatingin lang ako sa lalaki.
At ayun. Nahuli niya ako.
Tumitig rin siya sakin.
Titig na kakaiba.
Titig na parang tumusok sakin.
Ano ba yun.
Pinawisan ako bigla.
No comments:
Post a Comment