If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, October 21, 2025

PSIB 23


ANG SEGMENT SA ISLA NANG GABI

Buti na lang ay nakahanap si Warren ng isang maliit na spot sa gilid ng kagubatan kung saan medyo malakas-lakas ang signal. Doon sa pagitan ng dalawang puno ng niyog, may nakalantad na batuhan na bahagyang tinatamaan ng sinag ng umagang araw. Umupo siya roon, ramdam ang init ng bato sa ilalim, at kinuha ang pageant-issued na cellphone. Ito ang isa sa pinakapinapahalagahan niya sa ngayon—ang isang tawag na nakalaan para sa bawat contestant sa bawat araw.

Napangiti siya nang ang sumagot sa kabilang linya ay isang pamilyar at mahal na boses—ang kanyang ina: ang dahilan kung bakit niya sinisikap magkapuntos at magkapera. Habang nagsalita ito, parang unti-unting nawawala ang alon sa paligid at napapalitan ng tibok ng puso niya.

“Hello?”

“Hello, nay. Ikaw pala ’yan—si Warren ito.”

“Ay Warren anak, buti napatawag ka. Kumusta ka diyan?” tanong nito, may halong sabik at pag-aalala.

Tumingala siya saglit—nakita ang mga dahon ng puno sa ibabaw, sumasayaw sa hangin, at sa pagitan ng mga sanga ay ang bughaw na langit na parang mata ng langit na nakatingin sa kanya.

“Ayos naman. Ayos naman. Medyo mahirap ang trabaho pero kinakaya ko naman kasi malaki ang kita,” tugon niya, walang halong kasinungalingan pero malayo sa buong katotohanan. “Kumusta na ang kalusugan mo, nay?”

“Heto, maayos-ayos na. Iba pala talaga anak kapag magandang ospital. Kapag batikan ang doktor. Kapag kumpleto nabibili at naiinom ang mamahaling gamot. Naiibsan talaga lahat ng iniinda ko,” masayang balita nito. “Salamat talaga ah. Grabe iyang trabaho mo na iyan. Ang laki ng perang kinikita mo.”

Napatingin siya sa dagat—walang katapusang bughaw, parang sagot sa lahat ng hirap na tiniis niya para marating ito.

“Oo nga po eh. Pero matatapos na rin sa isang linggo. Kaya kayod lang nang kayod para makuha ko ang bonus na kailangan natin,” panata niya.

“Eh ang tanong ko ay kung okay ka. Kung ligtas ka ba diyan. Baka naman kaya ang laki ng kinikita mo eh lagi kang nahaharap sa panganib... sa alanganin...” pag-aalala ng ina.

Napabuntong-hininga si Warren. Ang mga salitang iyon ay parang hangin mula sa dagat—malamig, pero may dalang bigat. Syempre, hindi niya pag-aalalahanin ang ina.

“Mabigat ang trabaho. Maraming ginagawa. Pero kinakaya ko naman. Alam mo tayong laki sa hirap at sa probinsya—matatag tayo. Hindi tayo basta susuko. Lalaban tayo.”

May diin sa huling sinabi niya, kasabay ng pagtama ng unang sinag ng araw sa kanyang mukha, parang panata sa sarili.

“Mabuti naman. Basta magpahinga ka rin ha. Huwag mong papabayaan ang katawan mo.”
“Naku, mas gumanda pa ang katawan ko dahil sa trabaho ko,” pagyayabang niya, may halong biro.

“Excited na akong makita ka.”

“Ako rin po.”

“Magtabi ka rin ng para sa sarili mo. Huwag kang bigay nang bigay dito.”

“Opo, nay.”

“May naririnig akong alon, nasa beach ka ba?”

“Opo, nay. Ganda dito.” Napangiti siya, pero may bahagyang panghihinayang—sayang, bawal silang mag-take ng pictures. Sana’y maipakita niya ang tanawin.

Habang nag-uusap sila, napansin niyang may mga yabag na papalapit mula sa likod. Paglingon niya, si Brady iyon—naka-puting speedo, bagong gising, at may namumungay pang mata. Parang mismong umaga na nagkatawang-tao.

“Sige, nay, ingat kayo lagi. Paka galing, paka lusog ka.”

“Ikaw din anak. I love you.”

“Love you, nay.”

Pinutol niya ang tawag.

Sumalubong si Brady sa kanya ng isang mainit na akbay. Ramdam niya ang lagkit ng balat nito mula sa init ng tent, at ang malamig na dampi ng dagat sa hangin. Pulang trunks naman ang suot niya, at sa kaunting pagitan ng kanilang balakang ay dama niya ang tibok ng magkasalubong nilang hininga.

“Good morning,” bati ng roommate.

“Good morning,” sagot ni Warren, nakatingin sa malawak na dagat na para bang isang lihim na tanging sila lang ang nakakaintindi.

“Seryoso, ah. Kausap ang pamilya?” tanong ni Brady habang nakatingin sa kanya na may halong lambing at kuryosidad.

Tumango siya. “Oo. Si nanay ang nakausap ko.”

“Oh wow. Kumusta daw siya?” tanong ng tent-mate, may sinserong tono.

Naikuwento naman niya ang estado ng pamilya sa lalaki. “Mukhang maayos naman. Masigla. Wala rin naman akong nabalitaang nangyaring masama sa kanya kaya okay naman. Mukhang nagana naman ang perang pinapadala ko.” Medyo natawa pa siya sa dulo, hindi niya alam kung para gumaan ang usapan o para pagtakpan ang bigat ng responsibilidad na nasa likod ng bawat salitang iyon.

Pinisil ni Brady ang balikat niya, mainit at mabigat ang palad nito sa balat. “Alam mo, tsong… yan ang isa sa hinangaan ko sa’yo eh. Nakita ko kung paano mo nilulon ang pride mo at willing na mag-transform para maalagaan ang pamilya mo.” Tumingin ito diretso sa mata niya, may bahid ng paghanga at pananabik. “Ang sarap-sarap mo sigurong magmahal.”

Napakagat-labi si Warren at napalunok. May bahid na naman ng romantikong pahiwatig sa tono nito—isa na namang patibong na alam niyang mahirap suwayin. Gusto sana niyang patulan, kasi may loob naman siya sa lalaki, pero nananatiling magulo ang laman ng isip niya. Kaya pinili niyang sumagot nang may halong depensa at katotohanan.

“Oo. Lalo na doon sa mga tapat at totoo sa akin.”

Napatingin si Brady sa kanya na parang nilalango ang bawat salita. “Matapat ako,” mahinang sagot nito, puno ng bigat at pangungusap na hindi na kailangan idugtong.

Nginitian niya ito, pero kinabig ang usapan nang pakuwela. “Pero kahit alam nating ang primerong rason ay para maiangat ang pamilya ko, hindi naman na ako magpapakaipokrito na sasabihing… ang sarap-sarap naman kasi din talaga makipagsex sa mga katulad mong guwapo, macho, at maresistensya. Haha.” At sabay dakma niya sa bukol ng puting lycra trunks nito.

“Oooh, taena…” napa-ungol si Brady, napangisi, “dati tutor mo ’ko, ngayon mas expert ka na sa'kin, langya ka.” Nilamas nito ang puwet niya, madiin, halatang sabik sa init na namamagitan sa kanila. “Kaya nga ewan ko ba sa'yo kung bakit gusto mong bumitaw at kumalimot sa ganito pagkatapos ng pageant.”

“Hindi ko naman kakalimutan. Babalik lang ako sa normal kong buhay,” ani Warren, saka hinawakan ang kamay nito. “Halika. Ligo tayo habang naghihintay ng almusal at instructions.”

Iniwan na muna ni Warren ang cellphone sa ligtas na pwesto at sabay silang tumakbo patungo sa dagat. Sa bawat hakbang, sumasabay ang hampas ng hangin sa kanilang balat, at ang araw ay nagsisimula nang magbigay ng gintong sinag sa ibabaw ng tubig.

Pagdating sa mababaw, agad silang nagbasa—unang salpok ng malamig na tubig sa mainit nilang balat ay naghatid ng kilig. Naghalikan sila nang marubdob, lasahan ang alat ng dagat sa bawat labi. Hinaplos niya ang matigas na likod ni Brady, dinadaanan ng mga daliri ang gilid ng abs at ang uka ng V-line pababa.

Nagkaroon ng matinding frottage—mga bukol nilang magkadikit, hinihimas ng alon at tuluyang tumitigas habang nagsasalpukan. Minsan ay kinakagat ni Warren ang utong nito, minsan naman ay kinukurot ni Brady ang magkabilang utong niya, pinapa-ungol siya ng malalim. Hindi rin pinalagpas ang mga puwitan—nagpapalitan sila ng daliri sa butas ng isa’t isa sa ilalim ng tubig, tinutukso ang sarili sa gilid ng sukdulan pero humihinto bago magpalabas.

Edging lang. Patigasan lang. Nagpapalakas ng tensyon na alam nilang masarap pakawalan sa ibang oras.

Nang marinig nila ang tawag mula sa may tents—hudyat na paparating na ang almusal—lumangoy sila pabalik, mabigat ang hininga, nangingintab sa tubig at pawis.

Habang umaahon, tinanong ni Brady, “Wala palang gagawin buong araw, ano? Exercise lang ulit tulad kahapon tapos mamayang gabi eh parang tribunal. Parang Survivor na harapan daw eh.”

Bago matulog kagabi, naipaalam na sa kanila ang schedule ngayong araw. Isa na namang reality-TV-pageant hybrid na eksena, pero ngayong gabi raw, nandoon ang mga sponsor. Pakiramdam ni Warren ay may malaking twist na nakalaan—malakas ang kutob niya na hindi ito basta-basta.

“Maghanda na lang tayo,” sagot niya, pero may bigat ang tono. Kumunot ang noo niya bago idugtong, “O sila… maghanda sa atin.”

——————————————————————————

Siyam silang kalahok na nakaupo sa isang hanay, bawat isa ay parang hinugot mula sa pahina ng isang high-end na men’s magazine—lahat guwapo, lahat matitikas ang katawan, bawat muscle at kurba ay litaw sa ilalim ng apoy ng mga torch. Nakasuot silang lahat ng pantay-pantay na brown briefs, manipis at hapit, ang kulay nito’y bahagyang naghahalo sa natural na tono ng kanilang mga balat, kaya lalong lumilitaw ang mga nakaumbok na harapan at matitigas na hita. Sa may baywang ng bawat isa, nakadikit ang isang bilog na numero: ang kanilang contestant numbers.

Nakaupo sila sa mga makeshift na upuang yari sa pinutol na tree stumps sa isang gilid ng malaking tent na ngayong gabi ay naging parang ceremonial hall.

Gabi na. Wala pang nagsisimulang maghapunan. Ang paligid ay dinodomina ng ilaw mula sa mga torch na nakapalibot sa clearing—ang apoy ay pumapalong parang sumasabay sa bawat ihip ng hangin, at ang init nito’y nakikipagtunggali sa malamig na simoy mula sa dagat. Amoy niya ang kahoy na nasusunog, at may malutong na tunog tuwing may napuputol na piraso ng baga. Ang buong setting ay parang eksenang hinugot mula sa Survivor—mga upuan na yari sa kahoy, mga patungan ng sulo, at isang sentrong espasyo na halatang para sa isang ritwal o deliberasyon.

Umikot ang mga mata ni Warren sa paligid. Sa gitna ng dilim, makikita ang mahal na setup—ang mga kahoy na inukit at inayos para magmukhang primitivo pero malinaw na ginastusan; ang mga malalaking lente ng CCTV na naka-focus sa kanila, may maliliit na pulang ilaw na muling sumisindi—pahiwatig na lahat ng kilos nila’y binabantayan, sinusubaybayan, at marahil ay ine-enjoy ng mga manonood.

Si Ford (#10), tila walang bahid ng kaba, pero sa bahagyang pag-angat-baba ng dibdib nito, halatang mabilis din ang tibok ng puso. Si Jaylad (#3), nakaupo nang nakasandal pero ang mga mata ay tila nanunuri ng bawat galaw sa paligid, para bang may binubuong estratehiya. Si Folger (#8) naman ay may bahagyang ngisi, nakataas ang baba na parang gusto na agad sumabak sa hamon. Si Collo (#7) ay bahagyang nakangisi, nilalaro ang garter ng suotna brief, malinaw na sanay sa ganitong klase ng eksena at enjoy na enjoy ang mga matang nakatutok sa kanila.

Si Mierre (#2), nakapamewang at bahagyang nakatagilid, tila ipinapakita ang defined na obliques nito para sa mga nanonood. Si Rojiero (#9), bagama’t kalmado ang ekspresyon, ay nakakuyom ang mga kamao sa ibabaw ng kanyang tuhod—parang handang sumabog sa adrenaline sa unang senyales ng aksyon. Si Jayen (#4), nakayuko nang bahagya, ang mga tuhod ay gumagalaw-galaw na parang sinusubukan pigilin ang enerhiya o kaba sa katawan. Minsan ay titingin ito sa nobyeng si Jaylad.

Hanggang makarating ang tingin niya kay Brady. Nakaupo ito nang maayos, tuwid ang likod, naka-relax ang mga balikat, pero malinaw sa mga mata nito na aware ito sa bawat camera, bawat patron, at bawat tibok ng tensyon sa paligid. Nang magtagpo ang tingin nila, bahagyang tumango si Brady at binigyan siya ng maliit na ngiti—isang tipid na kumpas ng kumpiyansa, para sa kanilang dalawa.

Tahimik ang gabi. Kumakalma ang mga alon sa di kalayuan, humuhuni ang mga kuliglig at kung minsan ay may maririnig na kaluskos ng mga hayop sa kakahuyan. Malamig ang hangin, pero hindi malakas ang hampas nito sa mga halaman—sakto lang para ipaalala na sila’y nasa gitna ng isang isla, malayo sa anumang pamilyar.

At doon, sa ilalim ng sumasayaw na liwanag ng apoy, naghihintay si Warren at ang iba pang Dashing Debonairs sa susunod na magaganap—kalmado ang postura, pero sa ilalim ng balat, pare-parehong pinipigilan ang kaba at pag-aalinlangan na unti-unting lumalago habang lumalapit ang sandali ng kanilang pagsabak sa misteryosong tribunal ngayong gabi.

Biglang tumunog ang mga speakers, malamig pero mababa ang tono, “And now, our esteemed sponsor judges.” Walang aktuwal na host na humaharap; boses lamang ng misteryosong tagapagdirekta ng mga kaganapan ang namayani sa paligid.

Mula sa dilim ng trail papasok sa dome, narinig ni Warren ang mabibigat na yabag—parang sinasadyang iparinig ang bawat tapak sa lupa. Nang lumitaw ang mga anino at unti-unting lumapit sa liwanag ng mga torch, bumagsak ang panga niya.

Bukod sa mga simpleng flip-flops at mga maskara na tumatakip sa itaas na bahagi ng mukha, walang saplot ang mga sponsor. Iba-iba ang tangkad, ang lapad ng balikat, at hubog ng katawan, pero lahat ay malinaw na sanay sa disiplina ng gym at karnal na laro. Ang mga balat ay iba’t ibang kulay, mula sa matingkad na kayumanggi hanggang sa mapusyaw na parang garing. Malinis ang ahit ng mga katawan—walang balahibo para walang sagabal sa tanaw ng bawat hibla ng kalamnan at litid.

At syempre, hindi maaaring hindi mapansin: ang mga sandata nila. May ilan na nakatayo na sa buong tikas, mabigat at tuwid; may iba na bahagyang nakalaylay pero malinaw na may bigat at banta; may ilang semi-tigas, gumagalaw sa bawat hakbang; at may mga tulo ng malinaw na precum na kumikislap sa apoy mula sa torch.

Habang pumapasok ang mga ito, dumadagundong sa speakers ang tunog ng African drums—mabagal sa simula, tapos unti-unting bumibilis, parang ritmo ng tradisyunal na war dance. Sumasabay dito ang pintig ng dibdib ni Warren. Ang kombinasyon ng musika, apoy, at hubad na presensya ng mga sponsor ay naglalatag ng malinaw na mensahe: magiging mabangis at walang awang competitive ang gabing ito.

Isa-isa, umupo ang mga sponsor sa mga tree stumps na nakaayos sa tapat ng siyam na kalahok. Sinunod nila ang pagkakasunud-sunod batay sa numerong naka-henna sa kanilang mga kamay. Walang nakatalagang #3—si Mr. Three ay wala.

Muling nagsalita ang boses mula sa speaker, sumasabay sa patuloy na pagtambol:

This will be a long night. You debonairs have come a long way. Admit it—you are no longer the same person who stepped into the cruise. The pageant has molded you into the most perfect, delicious dashing men. You have made the sponsors proud. But you still have a week to impress them before we decide on the winner. All of you are now bare. But now, beyond bodies, we also bare truths. Welcome… to the Dashing Debonair's Tribunal.

Sa bawat salitang iyon, ramdam ni Warren na ang gabing ito ay hindi lang tungkol sa katawan—may ibang bagay na ibubunyag,

Umugong muli ang boses sa speaker: “Let’s begin, gentlemen. Round One: Questions from your sponsors. Answer honestly… and demonstrate when asked. Remember, they are watching every move.

Sa bawat anunsyo, tumitindi ang pintig ng drums. Lumapit ang unang sponsor sa harapan ni Mierre (#2), isang lalaking matangkad at may mahabang burat na bahagyang kumakaway habang naglalakad.

Mr. Four → Mierre: “Straight ka dati, pero ngayon… sobrang pakawalang machong bakla ka na. Ano ka—top, bottom, o versa? At bakit?”

Nakangising sumagot si Mierre, tinatapik ang sarili niyang abs. “Versa, sir. Kasi ayokong mamiss ang sarap sa magkabilang dulo. Lalo na kung kagaya niyo ang kapareha.”

Nagpaubaya siya nang hilahin siya ng sponsor palapit para sa isang mabilis pero matinding halikan.

Mr. Six → Folger (#8): “Kaninong tamod ang pinakamasarap? Tsupain mo siya ngayon, paputukin sa bibig mo, at inumin mo.”

Hindi nag-atubili si Folger. Tumayo siya, lumapit kay Jayen (#4) at diretsong lumuhod. Napasinghap si Jayen habang sinusubo ni Folger ang kanyang tarugo, tinatanggap hanggang sa puno. Tumutulo ang laway sa kanyang baba, mabilis ang ritmo, hanggang sa biglang bumulwak sa bibig niya ang katas. Walang natapon—nilunok lahat ni Folger, sabay titig sa sponsor.

Mr. Two → Rojiero (#9): “Sinong sponsor ang pinakanahirapan kang burat? Upuan mo siya ngayon.”

Itinuro ni Rojiero ang maskuladong Sponsor #5. Tumayo ang sponsor, umupo sa stump, at walang sabi-sabing pinatong ang matigas nitong alaga sa harapan. Dahan-dahang umupo si Rojiero, kagat-labi, hanggang sa tuluyang sumagad. Umungol pareho, sabay titig sa isa’t isa habang ang drums ay bumabagal sa mas mabigat na ritmo.

Mr. Seven → Collo (#7): “Ano mas gusto mo—dom o sub?”

“Sub po,” walang pag-aalinlangan na sagot ni Collo.

Pinahiga siya sa stump, nakadapa. Dinampot ng sponsor ang isang makapal na leather paddle mula sa gilid, at sinimulang paluin ang matambok na puwet ni Collo.

Pak! “Uhhh…”
Pak! “Ahhh…”
Bawat palo ay mas malakas, at kada ungol ay mas matunog. Lumapit pa ang ibang sponsor para paluin din siya, hanggang sa mamula ang balat at nanginginig ang kanyang hita sa libog.

Mr. Eight → Jayen (#4): “Sino pinaka-paborito mong halikan?”

Halatang hindi na nagulat si Jayen sa tanong. Diretsong tumingin siya kay Jaylad, at walang pasakalye: “Si Jaylad po.”

Pero hindi siya tumigil doon. Tumayo siya, lumapit sa gitna, at hinila si Jaylad sa baywang. Ang unang dampi ng labi ay banayad, pero mabilis itong lumalim—nagpalitan ng hininga, nag-espadahan ng dila. Narinig ang basang tunog ng halik na sinabayan ng impit na ungol mula sa mga nanonood. Tumagal iyon ng mahigit sampung segundo, at pagbitaw, magkadikit pa rin ang noo nila.

“Ang galing. Walang duda,” dagdag ni Jayen, sabay haplos sa panga ni Jaylad bago bumalik sa upuan. Nakatitig pa rin si Jaylad sa kanya, at halatang pareho silang may pinipigilang ngiti.

Mr. One → Ford (#10) “Kinaiinisan ka dati kasi ang buwakaw mo. Tingin mo ba naayos mo na ang mga relasyon mo sa mga kasama mo?”

Huminga nang malalim si Ford, parang tinatantsa kung gaano siya magiging totoo. “Naayos na po… sa tingin ko,” sabi niya, saka siya tumingin sa paligid—kina Collo, Rojiero, Jayen, at pati kay Warren. May ilang tumango, may ilan ding nag-angat lang ng kilay na parang sinasabi, ‘We’ll see.’

Tumawa siya nang kaunti, pero seryoso ang sumunod na tono. “Kasi… matagal na akong pinuputa. ‘Yun lang ang alam kong linggwahe ng laban—yung sarili ko lang ang iniisip. Kaya noong una, instinct ko talaga na maging buwakaw. Para akong hayop na laging nauuna sa karne.”

Sandaling natahimik, saka nagpatuloy. “Pero ngayon… natutunan ko na mas masarap kapag lahat tayo busog. At hindi lang ‘yun—natutunan ko ring irespeto ‘yung mga kasama ko. Sa kama man o sa labas.”

Huling-huli ni Warren na kahit seryoso ang sinabi, sinabayan pa rin ito ng isang pasimpleng pagdila ni Ford sa labi, bago ngumiti sa mga sponsor—isang paalala na kahit marunong na siyang mag-share, puta pa rin ito at marunong magpa-impress.

Mr. Five → Brady (#6) “Meron ka bang nakakaigihan dito?”

Sandali lang ang pagitan bago sumagot si Brady—pero sa katahimikan na iyon, sumabay ang isang malakas na hampas ng malamig na hangin mula sa dagat. Kumislot ang apoy sa mga torch, at may marahang kumpas ng mga tambol sa background, parang tinutulak ang moment na ito.

Hindi siya tumingin kahit kanino… maliban kay Warren. Diretso. Matindi. Walang pakurap. “Meron,” sagot nito, mabagal at buo.

At doon, ramdam ni Warren ang kilabot at init na sabay na pumasok sa balat niya—lalo na nang mapansin niyang tumigas nang todo ang bukol ni Brady sa loob ng brown briefs. Ang tela ay bahagyang umusli, pinipilit na kumawala.

Hindi na siya nakatingin kahit kanino. Walang sponsor, walang ibang contestant. Tanging si Brady lang at ang matalim na titig nito—isang titig na parang nagsasabing ‘alam mong ikaw ’to, at wala akong pake kung makita ng lahat.

Mr. Ten → Warren (#5) “Ikaw ang nangunguna ngayon sa points. Ano ang gagawin mo para tuluyan kang manalo?”

Itinaas ni Warren ang ulo at tumingin kay Mr. Ten—isang sponsor na mula pa lang nang pumasok ay may aura na ng isang alpha predator. Malamig ang mga mata nito, pero may kumikislap na parang pinagsamang paghanga at pagsukat.

“Hindi ko pinapangarap na manalo lang,” sagot ni Warren, malinaw ang tono pero mababa. “Ang pangarap ko ay maging ligtas—hindi lang ako, kundi pati ang mga kasamahan ko. At pati na rin ang mga staff na kasama namin dito.”

Sandali siyang tumigil, tinitimbang ang bawat salita. “At gagawin ko ang lahat… kahit sumuway sa rules… para dito.”

Habang sinasabi iyon, hindi kumurap si Mr. Ten. Mabagal ang pagngiti, pero walang init—puro kalkulasyon. Isang uri ng titig na parang iniisip kung kaya kang gawing kakampi o kailangan kang alisin bago ka maging masyadong makapangyarihan.

At kahit tapos na siyang magsalita, ramdam pa rin ni Warren ang bigat ng tingin nito, parang invisible na kamay na nakalapat sa batok niya—mainit pero nanlalamig sa intensyon.

Nag-instruct ang boses sa speaker, mababa at malinaw sa gitna ng tambol:
“Serve your interrogator.”

Isa-isang tumayo ang mga dashing debonair, lumapit sa sponsor na nagtanong sa kanila. May ibang naglakad na parang handang lumuhod agad; may ibang mabagal at tila may iniipon na tapang.

Si Warren, maingat pero matapang ang ekspresyon, tumayo at tumapat sa kinaroroonan ni Mr. Ten. Matalim ang tingin ng lalaki, naka-upo pero parang hari sa trono.

“Iba ka rin, ano?” tanong ni Mr. Ten, mababa ang boses, parang sinusukat siya.

Blanko at matigas ang mukha ni Warren. “Kaya nga ako numero uno sa larong ’to. Hindi ako uurong sa laban.”

Nag-angat ng kilay ang sponsor. “Hindi mo ba naiisip na hindi mo naman alam ang talagang nangyayari? Paano kung sa katigasan ng ulo mo, eh, mapahamak ang iba?”

Napasinghap si Warren. Tumingin siya sa paligid—nagsimula nang maghubad ang iba, ang brown briefs tumutupi sa sahig, ang mga katawan ay kumikintab sa langis at pawis.

Si Ford ay nakaluhod sa harap ng kanyang sponsor, mariing tsinutsupa ang isang matabang tarugo habang binabayo sa likod ng isa pang sponsor—double penetration at puro ungol. Si Mierre ay nakasandal sa stump, dalawang sponsor ang sabay na sumususo sa magkabilang utong habang isa pang kamay ang bumabate sa kanya. Si Collo ay nakayuko sa mesa, pinapalo sa puwet ng sponsor habang kinakantot ng isa pa; bawat palo ay may kasamang halinghing. Si Jayen ay hinahalikan si Jaylad habang parehong jinajakol ng sponsor, tila wala sa paligid ang mundo ng magnobyo. Si Folger ay nakaupo sa hita ng sponsor, mabagal na umiindayog habang pinapasabayan ng sponsor ang indayog gamit ang kamay sa batok. Si Rojiero ay nakaluhod, jinajakol ang sarili habang dinidilaan ng sponsor ang buong katawan nito, mula leeg hanggang hita. Si Brady naman ay hinahalikan at jinajakol si Ford habang nagpapa double pen ito.

Hinubad ni Warren ang kanyang trunks, pinakawalan ang matigas at basa sa precum na tarugo. Lumapit siya, hinawakan ang ereksyon ni Mr. Ten, marahang pinisil. “Ang matigas na iniisip natin dapat… ay titi. Hayaan mo akong maglaro.”

Nagbuntong-hininga si Mr. Ten bago siya hinatak sa batok at hinalikan—malupit, walang pasakalye. Nagpalitan sila ng sipsip at kagat ng labi, mga kamay ay sabay na gumagapang sa basang balat ng isa’t isa. Tumigil si Mr. Ten, tinulak ang ulo ni Warren pababa.

Marahas nitong ipinasok ang burat sa bibig niya, agad na sumagad sa lalamunan. Napaubo si Warren pero palaban, pinisil ng mahigpit ang mga utong ng lalaki, ginagantihan ang bawat ulos ng pagsipsip.

Ilang minuto bago siya biglang hinatak pataas at padaskol na pinasok ang ari sa kanyang bukana. Napa-igkas si Warren sa biglaan, ramdam ang kirot at ang init ng pagpasok. Pero hindi siya umurong. Hinawakan niya ang sariling tarugo, jinakol habang pinagmamasdan ang paligid—lahat ay nasa sarili nilang matinding ritmo. Pawisan, pulang-pula ang balat, puro ungol at tunog ng laman sa laman.

Biglang bumaklas si Warren. Mabilis, parang binaligtad ang balanse, itinulak niya si Mr. Ten paharap, pinatuwad sa stump. Bago pa makapigil ang sponsor, sinalpak niya ang burat sa lagusan nito at kinasta nang walang awa.

“Ah—Warren! Tangina! Putangina mo!” ungol at mura ni Mr. Ten habang bumibilis ang bawat ulos.

Sa bilis, rahas, at gigil ng pagkantot, ipinakita ni Warren na ang lalaking minsang tinatakot siya, ngayon ay siya na ang nagpapatiklop. Malakas ang tunog ng palakpak ng laman sa laman. Malalim ang bawat baon, tinatamaan ang g-spot nito hanggang kusa na itong magpatalsik ng tamod nang hindi hinahawakan ang sarili.

Lalo pang bumilis si Warren, sinabunutan ang sponsor, pinapikit ito sa tindi ng sensasyon. “TANGINA MO!” sigaw niya bago pumutok ang semilya, mainit at sagad, sa loob nito.

Huminto siya, habol ang hininga, at tumingin sa paligid. Isa-isa nang nag-oorgasm ang iba—si Ford ay nakabuka ang bibig, nilulunok ang huling patak; si Jaylad ay nakadikit ang noo kay Jayen habang sabay silang nagpalabas; si Collo ay nanginginig sa pagkapalo at sarap; ang iba ay nanginginig na parang tinatamaan ng kuryente.

At sa gitna ng lahat ng iyon, pumasok sa isip ni Warren: Kahit may dalang panganib ang Politica Verra… hindi ako magpapatalo. Hindi kami magpapatalo.


--------------

If you want advanced access to the complete chapters of the current story and advanced chapters of the latest Tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

No comments:

Post a Comment