If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, October 7, 2025

PSIB 19


ANG PAGKILATIS NI WARREN SA MGA SPONSOR

Maagang umaga pa lang ay may anunsyo na: free day muli para sa mga contestant ng Dashing Debonair. Walang challenge, walang pulang ilaw, walang pressure—pahinga. Para sa ilan, ito ay araw ng pagpapahinga. Para kay Warren, ito ay araw ng pagbabantay at paniniktik.

"Mabuti naman. Makakapagpahinga ulit. At makakapag-impok ng tamod," sabi niya sa sarili habang binabasa ang anunsyo sa LED screen sa kanilang cabin.

Kasabay niyang kumain ng almusal si Brady. Ipinadala na ang trays nila, mainit at sosyal ang set-up, gaya ng dati. Pero hindi tulad ng dati, tahimik si Warren. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Ayos ka lang, pareng Warren? Parang ang tahimik mo yata ngayon," banggit ni Brady habang sumusubo.

Napalunok si Warren. Kailangan niyang mag-effort para hindi ipakita sa lalaki ang nag-aalimpuyong damdamin sa loob niya. Sa loob ng kalahating buwan, binasag at binuo muli ni Brady ang sekswalidad niya. Inakay siya nitong muli sa init ng pagnanasa—pero ngayon, parang gusto na rin niyang subukan kung may pag-ibig na kasunod ang init na iyon.

Pero kagabi, nabasag ang ilusyon. Nakita niyang kaharap ni Brady si Mr. Ten, at isinurender nito ang maskara ni Mr. Three—ang maskarang si Warren ang unang nakapulot at itinago. Ibig sabihin, pumasok si Brady sa aparador niya. At ibig sabihin niyon, alam ni Brady na may alam si Warren.

"Wala lang. Ang sarap ng pagkain kasi. Kailangan kong i-enjoy kasi nangangalahati na tayo ng time natin dito sa barko. Pag-uwi ko, hindi na ako makaka-enjoy ng ganito ka-healthy at kagara na mga pagkain," palusot niya.

Tumango si Brady. "Oo nga, eh. Pero alam mo, may mga pinopromote din ako as influencer na mga healthy meals. Nakakuha ako ng discount. Pagkatapos nito, bibigyan kita. Saka ide-date kita sa mga mamahaling resto. Pangako 'yan."

Kinagat lang ni Warren ang labi at ngumiti. Sa halip na kiligin, nakipagbuskahan na lang siya.

"Ganyan ba kung magpabilog ng ulo? Sa mga lalaking nilalandi mo?"

Namanata si Brady. "Oy, hindi ah. Totoong gusto kita. At gusto kong seryosong i-pursue ka after nito."

"Tsaka na natin isipin 'yan. Marami pa tayong araw dito sa cruise." Sabay niyon, binago niya ang usapan. "Ano ang plano mo ngayong araw?"

“Pahinga lang sana dito sa cabin. Tapos lakad-lakad onti. Swimming siguro. Baka pumuntos kapag may contestant o returnee na matripan,” sagot nito, sabay kindat. “Or pwede na rin ako dito lang magdamagan. Kasama ka.”

Ang galing talaga nitong umarte, sabi ng isip niya. Pero tinugon lang niya ito: "Mamayang gabi na lang ulit. Mag-ikot-ikot din ako siguro."

“Fair,” tugon ni Brady. “Alam kong keen ka rin na magkapuntos.”

Matapos ang almusal, nag-shower sila nang sabay. Walang halikan, walang bolahan. Pero may tensyon. Mainit sa balat, malamig sa loob. Nagkadikit ang katawan nila habang kinukuskos ni Warren ang likod ni Brady. Tumalbog sa dibdib niya ang mga utong nito, at hindi siya nakatiis—sinunggaban niya ito sa leeg, pinisil ang utong, nilamutak ang baywang.

Nag-make out sila. Dulas, amoy sabon, init ng palad at titi na tumutusok. Pero habang nagpapakasarap ang katawan niya, alerto pa rin ang utak. Isang kalahating panaginip ang eksenang iyon—parang halik ng panganib.

Nagkahiwalay din sila. Si Brady ay nag-swimming daw. Si Warren naman ay tumuloy sa gym. Doon, nag-workout siya hanggang hingal, sinusubukang mapawi ang tensyon sa loob ng dibdib.

Pagkatapos, naligo siyang muli at sa di-inaasahan ay naengkwentro si Russell. Wala lang iyon, mabilis na session ng body worship at light edging. Walang orgasm. Isang distraction.

Late morning, tumungo si Warren sa open deck. Walang masyadong tao—tahimik, presko, malayo sa lahat. May pagkakataong mapag-isa, pero may naiibang tensyon sa hangin. Maya-maya, may lumapit na babae—ang kanilang female assistant—may dalang packed lunch.

“Buti nakita ko kayo dito. Heto ang tanghalian niyo sir.”

Tinanggap niya ito. "Salamat. Mapag-alaga ka talaga. Buti hindi ka nae-eskandalo sa mga nangyayari dito. Pero siguro sanay ka na rin. Matagal mo nang ginagawa ito?"

Umiling ito. "Hindi sir. Na-recruit lang ako. Pero mukhang after nitong cruise, iba na."

Natahimik si Warren. Nahuli niya ang pagkabahala sa mata ng babae. Parang may hindi ito sinasabi. Sinubukan niyang basahin ang subtext.

“Ano'ng mangyayari pagkatapos?”

Nagkibit-balikat ang babae. Hindi sumagot. Umalis na lang. Isang magandang paalala: Hindi lang mga contestant ang natatrap sa larong ito.

Mabagal ang pagkain ni Warren. Mabigat ang iniisip. Tumayo siya, tumingin sa karagatan, at pinilit aliwin ang sarili sa tanawin… hanggang may lumapit.

Lalaking naka-collared shirt. Maong. Baseball cap. May bitbit na champagne at isang tall glass.

“Champagne, sir?”

Pag-angat ng tingin niya sa mukha nito, halos mabitawan ni Warren ang bote. Si Jonriel.

Nagbigay si Jonriel ng matalim na tingin sa kanya, isang paalala na huwag masyadong magpakita ng pagkagulat. Maki-ride ka lang, iyon ang utos ng mga mata nito. Tumango si Warren, pinilit ang pagiging kalmado.

"Sige. Pahingi ako ng champagne," aniya.

Habang nilalagay ng dating contestant ang champagne sa baso, nagsimulang umikot ang peripheral vision ni Warren. Wala masyadong camera. Wala ring pulang ilaw. Kaya siguro dito napiling makipagkita ni Jonriel.

"May balita ka ba?" tanong niya, halos bulong—mahina ngunit tiyak na maririnig ng kausap.

Tumugon si Jonriel, tinapatan ang tono.

"Nalaman ko na marami sa staff dito ang ita-traffic. Akala nila normal silang crew ng cruise. Pero eventually, may dadaungang lugar ang barkong ito kung saan sila iiwan para ma-pick up."

Napasinghap si Warren. Biglang pumasok sa isip niya ang babaeng assistant. Iyon kaya ang tinutukoy nito? Alam kaya nito ang pinasok niyang panganib? O isa rin itong tulad niya—galing sa hirap, handang sumugal para lang makatawid?

"Pati ba kaming contestants kasama diyan?" tanong niya.

Umiling si Jonriel.

"Iba ito. Iba ang pageant. Private affair kahit morally questionable. Pero technically, walang nilalabag. Ang problema ay ‘yung mga kasabay nating nakasakay dito mga taong ita-traffic."

"At sigurado kang hindi kami kasama?"

"Palagay ko, hindi. Ibang mundo ang ginagalawan ng mga trabahador. Hindi alam ng karamihan sa sponsors ninyo na na-infiltrate na rin ito ng Politica-Verra Mafia. Pero sa mismong sponsors, alam ko may nakapasok. At iyon ang kailangan nating malaman. Kailangan may ma-pin down tayo."

"Okay. Shit. Ang gulo pala nito," sambit ni Warren habang sumisipsip ng alak.

"At kailangan kong makita kung nasaan ang mga drugs na tinatago nila rito," dagdag ng agent.

Biglang naalala ni Warren ang ‘Special Materials – For Sponsors Only’ na pintuan sa storage room. Kinuwento niya iyon kay Jonriel at tinuro kung saan ito matatagpuan. Tumango ang undercover agent.

"Maganda. Magsisid ako roon kapag sigurado akong walang camera. Baka tama ka. Baka nandoon ang tagong shipment."

Lumakas ang loob ni Warren. Nakaramdam siya ng confidence sa ginagampanan niyang mini-spy role. Sinimulan niyang ikuwento ang mga obserbasyon niya mula sa mga nakaraang araw: ang awkward na sagot ni Folger nang tanungin kung bakit sumali; ang usapan ng mga sponsors na narinig ni Mierre; ang cryotic na pahayag ni Jaylad ukol sa hindi na pag-uwi.

Nakinig lang si Jonriel, kunwaring abala sa pagpupunas ng upuan sa deck. Mahusay itong umarte. Ngunit nang binanggit ni Warren ang isang pangalan, nag-iba ang ekspresyon nito.

"…A-at si Brady," mahinang sambit ni Warren, puno ng alinlangan.

Tumaas ang kilay ng agent.

"’Yung roommate mo?"

Ikinuwento ni Warren ang nakita niyang pag-uusap nina Brady at Mr. Ten, at ang pag-abot nito ng maskara ni Mr. Three—isang ebidensyang si Brady lang ang maaaring kumuha mula sa aparador niya.

"‘Di ba sabi mo, Jonriel, na maaaring isa sa mga contestants ay ginagamit ng mafia?" Hinatak niya ang sarili sa tanong na matagal nang kumakagat sa isipan niya. "Posible bang si… Brady ang killer? Kay Mr. Three?"

Nagpakawala ng hininga si Jonriel habang pinupuno ulit ang baso niya.

"Hindi ko sinasara ang posibilidad."

"Fuck. Safe ba ako?" tanong ni Warren, mas mabilis ang tibok ng puso.

"Mula ngayon, hindi ko na aalisin ang tingin ko sa’yo," pangako ng lalaki. "Mag-iimbestiga ako. Kailangan nating malaman kung sino ang gago sa mga sponsor. Kung si Mr. Ten iyon, dapat makakuha tayo ng ebidensya."

Biglang narinig nila ang yabag ng paparating na mga trabahador. Agad na tumigil sa pagsasalita si Jonriel at ngumuso sa baso.

"Tapusin mo na ‘yan."

Nilagok ni Warren ang natitirang alak. Katipsyhan ang naging tulay niya mula sa tensyon patungong tahimik na tapang.

"Mag-ingat ka lang, pare," huling bulong ni Jonriel habang kinukuha ang baso. Tapos ay minalas nito ang katawan ni Warren, na naka-blue lang na trunks. "Shit. Kailangan matapos na ‘to. Titikman pa kita. Tangina."

Tapos ay umalis na ito, naglaho sa dilim.

Pero si Warren, naiwan.

Naiwan na may buhol-buhol na tanong sa dibdib. Sa gitna ng mga maskara, misteryo, at mapanlinlang na halik—ang tanging naiisip niya ngayon ay isang bagay lang: Huwag siyang malagay sa panganib.

——————————————————————————

“Today’s Challenge: Sponsors Play Hide and Seek.”

Iyon ang unang nakita ni Warren pagmulat ng mata. Naka-flash ito sa LCD screen sa pader ng cabin nila, kasabay ng malakas na alarmang gumising sa kanya.

May subtitle pang nakasulat: “No cameras for today. No red lights. Only the sponsors will see you... if you can find them.”

Sa kabilang kama, umungol si Brady habang bumangon, mukhang hilong-hilo pa sa antok. "Uh... ahhh... hahh... shit. Kulang pa ang tulog ko."

Bumaling si Warren dito. Siya rin, hindi gaanong nakatulog. Mababaw lang ang tulog niya—sa ilalim ng kanyang unan ay may tinidor. Isang paalala ng patuloy niyang pag-iingat. Hindi niya pa rin lubos na pinagkakatiwalaan ang lalaki.

Lalo na’t halos mag-midnight na nang bumalik ito sa cabin kagabi. Saan kaya ito nanggaling? Nakipagkita na naman kaya ito kay Mr. Ten?

"Saan ka ba galing kagabi at late ka?" tanong niya, kunwaring casual lang.

Sumagot si Brady habang naghihikab, "Nag-basketball kami. Sina Folger, ako, Ford, saka si Mierre. Katuwaan lang, pare. Na-miss ko rin maglaro. Magaling pala si Ford! Nakakainis pa kasi ang lakas mang-trash talk tapos in-edge kami lahat."

Hindi sigurado si Warren kung totoo nga ang sinasabi nito. Pero hindi niya naiwasang tigasan sa sinabi nito—ang apat na mga barako sa pageant, pawisan, nagbabanggaan ang katawan, nagsusupsupan at kinakantot ang isa’t isa pero hindi nagpapalabas.

“Fuck. Ang hot, tangina,” bulong niya habang ngumisi.

Ngumiti rin si Brady. "Yeah, sayang nga hindi ka na namin naaya." Tapos itinuro nito ang screen. "Ano, magkasama tayo ngayon maghanap ng sponsor? Para first and second place tayo for sure!"

Napaisip si Warren. Sa isang banda, may pakinabang na kasama niya ang lalaki—mababantayan niya ito. Pero sa kabilang banda, gusto niyang mag-isa. Kailangan niyang kilatisin ang mga sponsor. Kailangan niyang makipaglaro ng mas matalino kaysa libog. At mas makakakilos siya kung wala si Brady.

"Divide and conquer na lang tayo, pare," sagot niya.
"Para mas sure tayong mahanap ang mga sponsor."

Sumimangot si Brady. "Iniiwasan mo ba 'ko?" Pero biglang ngumiti. "Hindi. Joke lang. Sige, tama ka. Basta kapag nagkakitaan tayo, sabihan tayo kung saan sila nagtatago."

Tumango si Warren. Wala naman siyang nakitang masama sa plano na iyon. "Sige. Okay 'yan."

——————————————————————————

Ang laki talaga ng cruise ship. Kahit dalawang linggo na siyang umiikot-ikot dito, pakiramdam ni Warren, palaging may bagong hallway, bagong room, bagong palapag na hindi pa niya napupuntahan. At ngayong ang hamon ay hanapin ang mga sponsor na nagtatago, mas lalong lumawak ang posibilidad.

Sa loob ng unang isang oras ng paghahanap, wala siyang nakita—walang maskarang sponsor, walang misteryosong pahiwatig. Panay walls, glass doors, gym mirrors, hallway na may artworks.

May mga contestant siyang nasalubong. Si Folger, mukhang kakagising lang at mukhang tinamad. Si Mierre, naglalakad na parang walang direksyon. Pare-pareho lang sila—walang nahahanap.

“Tangina naman,” reklamo niya sa sarili. Kaya nagpasiya siyang dumaan sa gym. Nandoon si Russell, at sakto rin namang gusto niyang mag-unwind.

Nagbuhat silang dalawa. Walang masyadong usapan. Pareho silang nag-focus sa mga weights, sa init, sa tibok ng muscle. Ngunit pagkatapos ng set, hindi rin niya napigilang itanong, “Saan ko naman kaya makikita 'yung mga sponsor? Baka naman hindi nagpapahanap talaga?”

Ngumiti si Russell habang nagwawipe ng pawis. “Naku, last year ganyan din kami. Hanap ng hanap nung una. Hintay lang kayo. Sila ang magpapakita.”

Tama rin naman. Kaya matapos ang pag-eehersisyo, tumambay sila sa simpleng steam spa sa gilid ng gym. Tahimik ang lugar, may amoy eucalyptus sa hangin, at ang mainit na singaw ay bumabalot sa katawan nilang dalawa.

Habang pareho silang nakaupo, nakatapis ng tuwalya, naramdaman ni Warren ang kamay ni Russell na pumatong sa kanyang hita.

Bumaling siya rito. “Tangina. Ang lala na ng pagkabakla mo sakin.”

Ngumisi lang ito. Pinitik-pitik nito ang bayag niya, saka hinaplos ang semi-erect niyang burat. “Haha. Palandi lang nang kaunti. Hirap mo rin kasing solohin, eh. Laging nakabakod sa’yo ‘yung boyfriend mo.”

Napakunot ang noo ni Warren. “Si Brady? Nako, di ko boyfriend 'yon.”

Tumawa si Russell. “Haha. Halatang lakas ng tama sa'yo, pare.”

Hindi na ito nagsalita pa. Bumaba na lang ang ulo nito, at ilang sandali pa ay sumubsob na sa pagitan ng mga hita niya.

Mainit. Basa. Malalim. Walang ibang naririnig si Warren kundi ang tunog ng pagtsupa—madiin, malalim, tuluy-tuloy.

Ang init ng steam ay lalong nagpapatingkad sa sensasyon. Napapikit siya. Parang buong katawan niya ay nilulunod sa sarap. Hawak-hawak niya ang ulo ni Russell habang ang dila nito ay pumipisil sa ilalim ng ulo ng burat niya.

Habang nilalasap ang sarap, sinubukan pa rin niyang magtanong, “Saan pala… uhh... papunta ang cruise ship na ‘to? Ahh...”

Muffled ang sagot ni Russell habang nakasubo pa rin, “Wala... ikot-ikot lang to... uhhmmm... wala kaming dinaungan... uhhh...”

Kinagat ni Warren ang labi. Gusto pa niyang sumingit ng isa pang tanong. “May kakilala ka bang... uhmmm sponsor?”

Tumigil sandali si Russell para huminga at sumagot, habang marahang sinasalsal ang titi niya, “Uhmmm... wala... paiba-iba yata sila per year... uhhh... basta laging... ugh... naka-maskara... ughh... sayang nga si Mr. Three ehh... ughhhh... nawala na lang bigla... ughhh... lagi akong kinukuha... ughhh... nung nandito pa siya... ughhh... elrgh... daming tanong ughh... halatang bagong sponsor... ergh...”

Lumiyad si Warren. Ang bunganga ni Russell ay parang electric pulse sa burat niya, lalo’t nagsasalita ito habang subo ang laman niya—ang vibration, ang basa, ang presyon—nakakabaliw.

Gusto pa sana niyang magtanong. Pero biglang bumukas ang pinto ng steam room.

Pumasok sina Mr. Two at Mr. Seven. Dalawang matipuno, naka-maskara.

“Ah yes... Number Five. Warren Estampador,” deklara ni Mr. Two, malalim ang boses.

Nagkalas sina Warren at Russell. Mabilis na tinakpan ni Russell ang burat nito, bahagyang nahiya sa pagdating ng dalawang hubad na sponsor-judge. Si Warren naman ay hindi man lang nag-abala. Buong yabang na humarap sa dalawa, kahit basang-basa pa ng laway ni Russell ang matigas niyang burat.

“Hello po, Sirs,” bati niya, habang tinatantiya ang dalawa. Parehong hubo’t hubad ang mga ito. Mga burat na semi-erect pa lang pero mukhang handang-handa na para sa tungkulin.

Bumaling si Mr. Seven kay Russell. “Iwan mo kami dito. May trabaho ka pa sa gym.”

Tumango si Russell. Nag-bow pa ito bilang paggalang, at tahimik na lumabas ng steam room, iniwan si Warren sa harap ng dalawang mas batikang mga lalaki.

Medyo kinabahan siya. Pero hindi niya ito ipinakita. Kailangan niyang gampanan ang papel. Alam na niyang sanay ang mga ito sa ganitong laro. Pero si Warren, may sarili siyang sandata: ang libog, ang charm, at ang layunin.

“May twenty minutes ka, Warren, para pasarapin kami,” sabi ni Mr. Seven. May hamon sa tono nito.

Hindi siya sumagot. Lumuhod siya sa harapan ng dalawa. Ang dalawang kamay niya’y dumapo sa tig-iisang uten. Sinimulan niyang jakulin ito nang marahan, sabay.

“Sakto lang ’yan, Sir,” aniya habang nakatingala sa dalawa. “Uubusin ko na lakas niyo para hindi niyo na hanapin pa ’yung mga kasama ko.” At pinisil niya ang mga maugat na burat.

Napasinghap si Mr. Two. “Ah, tanginang ’yan. Sige. Palaban ka talaga, inamo.”

Walang paalam, sinimulan na ni Warren ang pagsubo—salit-salitang isinubo ang mga titi ng dalawa. Ilang ulit na inikot ng dila niya ang ulo ng isa bago lumipat sa kabila. Walang bahid ng pag-aalinlangan, sinadyang maghalo ang laway niya sa dalawang uten, hanggang lumalakas ang tunog ng basang tsupa sa loob ng mahamog na steam room.

Habang sinusupsop ang isa, kinakalikot ng mga kamay niya ang dibdib ng mga sponsor, pinipisil ang mga utong. Ang kanyang mga daliri ay gumagala rin sa singit ng mga ito, sa bayag, at sa kalambutan sa likod ng mga tuhod. Ume-echo ang mga ungol ng dalawang lalak.

Matapos ang ilang minuto ng matinding pagsamba, bumitaw siya. Basang-basa ang baba niya.

“Alam niyo namang nakantot na ako, ’di ba?” tinig niya’y may halong pang-aakit. “Sino'ng gustong mauna?”

Umupo si Mr. Seven sa marmol na bench. Buong yabang, pinatong ang dalawang kamay sa gilid at itinirik ang galit na galit na burat.

Habang dinadaliri ni Warren ang butas niya, saglit muna siyang nagtanong, “Mga Sir, pagkatapos nito, baka puwede naman akong magtrabaho sa inyo.” Sinabayan pa niya ito ng isang mapang-akit na ngiti.

Hinampas ni Mr. Two nang pabiro ang kasama. “Oh. Ikaw ang may-ari ng construction diyan. Baka gusto mong ipasok ito pagkatapos manalo.”

“Gago, bakit hindi sa’yo?!” pikong sagot ni Mr. Seven.

Natawa si Mr. Two. “Gago ka... alam mong nasa politika—” Bigla itong napatigil. Parang may sinabi nang sobra. “Strikto sa trabaho ko. Saka, Warren, laki ng kikitain mo dito. Magtayo ka na lang ng business.”

Habang tinatapat na ni Warren ang butas niya sa kabute ng uten ni Mr. Seven, hawak pa rin niya ang burat ni Mr. Two. “Hehe. Bakit, ipapanalo niyo po ba ako, mga Sir? Sana. Pero kung kailangan niyo lang ng raraket, puwede ako.”

Hindi man eksaktong sagot ang natanggap niya, alam niyang may napiga siyang impormasyon. Lalo na kay Mr. Two. Mukhang ito ang may political ties. Hindi na niya itutuloy ang pagtatanong. Dahil alam ni Mr. Two na alam niyang namatay si Mr. Three: nandoon ito at ang ibang even-numbered na mga sponsor nang gabing iyon nang matagpuan ang kanyang katawan. Umarte na lang siya na hindi na siya nato-trauma.

Pero ngayon, oras na para ibigay ang gusto ng katawan ng dalawang sponsor.

Umupo siya sa burat ni Mr. Seven. Dahan-dahan ang pagpasok, sabay ang mahabang hinga. Nang tuluyang sumagad, sinimulan na niyang gumiling. Hindi niya hawak ang sarili niyang burat. Pinipigilan niyang labasan. Pero ramdam niya ang pre-cum na umaagos sa kanyang katigasan.

Kasabay ng pagtaas-baba niya, isinubo niya ang burat ni Mr. Two. May mga sandaling ang mga ungol nila ay sabay, parang orkestra ng libog. Sinadya niyang lakasan ang mga ungol niya. Kailangang marinig ito. Kailangang malaman ng sinumang makakarinig na mahusay siya.

Parang sumisid sa alon ng dagat ang katawan niya—gigil, mabilis, sagad. Habang ang dalawa ay umuungol, sinasalubong siya ng mga balakang, hinahaplos ang baywang niya.

“Tangina, lalabasan na ako!” sigaw ni Mr. Seven.

“Isagad mo pa, Warren!” ani Mr. Two.

Halos sabay. Umangat ang katawan ni Warren habang pumupuslit ang tamod ni Mr. Seven sa loob niya—mainit, madulas, dumadaloy. Sa bibig naman niya, sumabog ang katas ni Mr. Two. Nilunok niya iyon. Wala siyang sinayang.

Nang humupa na ang init, tumayo siya. Dahan-dahang kumalas sa pagkakabaon, at iniwan ang tamod na dahan-dahang gumugulong pababa sa hita niya.

Ngumisi siya.

“Thanks, Sir. Mataas na points ha.”

At lumabas siya ng steam room. Walang lingon-lingon.

May pito pa siyang kailangan mapasarap. At higit pa roon, may mga lihim pa siyang kailangang mabunyag.

——————————————————————————

Nagbanlaw si Warren matapos ang maalab na encounter kina Mr. Two at Mr. Seven. Nilinis niya nang maigi ang katawan—hindi lang dahil sa tamod kundi para ring mabura kahit papaano ang patong-patong na intensyon na bumalot sa eksenang iyon: kalibugan, pagsisiyasat, at ang tahimik na laro ng pagbubunyag. Pagkaligo’y muli siyang naglakad sa mga pasilyo ng cruise, sapo ng pakiramdam na mas marami pa siyang kailangang tuklasin. Isinuot niya ang kanyang maputing trunks na may dilaw na piping sa gilid—sobrang sikip at manipis para hindi mapansin, sobrang handa para sa kasunod na interogasyon sa anyo ng tawag ng laman.

Nagulat siya nang biglang sumulpot si Ford sa kabilang corridor. Basa pa ang buhok nito at kumikintab ang balat—mukhang bagong galing sa tubig o sa kung anong mas mainit na pinanggalingan. Nakasuot ito ng kapiranggot na kulay ginto na bikini. Kapwa sila tumigil, nagtitigan. Kita ni Warren ang hiningal na balikat at mababaw na paghinga ng karibal.

“Sabihin mo kung saan ka nakakita, sasabihin ko rin kung saan ako,” ani Ford, ngumingiti nang parang binasa ng laway at libog ang dila.

Umiling si Warren, napangiti rin. “Sige ba.”

Nagpalitan sila ng impormasyon—walang daya, walang paligoy. Tapos ay naghiwalay din, kanya-kanyang target. Tinumbok ni Warren ang tinurong lokasyon ni Ford, isang sulok ng barko na hindi pa niya nararating: ang infinity pool ng mga sponsor. Maliit lang ito—may salaming dingding na tanaw ang dagat, may mga marmol na upuang basa ng tubig, at sa gilid ay mga baso ng alak.

Nandoon ang tatlong sponsor: Mr. One, Mr. Four, at Mr. Five. Hubo’t hubad ang mga ito, halatang katatapos lang ng matinding eksena.

“Hala, tangina… may nakakita sa atin,” ani Mr. Four, mabilis ang pagbaling.

Tumaas ang kamay ni Mr. One, "Teka lang. Uhm. Kakapalabas lang namin.”

Walang sabi-sabing tumalon si Warren sa pool, nalusaw ang tensyon sa kanyang mapang-akit na ngisi. “Ah. Dito pala galing si Ford. Naunahan na naman ako sa tamod niyong tatlo.”

“Puwede mo naman kaming tsupain hanggang tumigas ulit,” biro ni Mr. Five, nilalaro-laro ang sarili.

“Deal!” sagot ni Warren, at agad umupo sa gutter.

Tumayo ang tatlo sa harapan niya, nakapila, hubo’t hubad. Mula sa kanyang posisyon, sinimulan niya ang round robin ng pagsubo. Isa-isa niyang tinikman ang mga burat na kahapon lang siguro ay nanumpa ng dangal sa likod ng maskara. Dahan-dahan ang simula—medyo matagal bago tumigas ang mga ito. Naramdaman niya ang paglalaban ng init ng katawan kontra sa bagong katas na wala pa sa isang oras na nailabas.

Ginamit niya ang bibig, dila, at pisngi nang buong giting. Pumailalim siya upang dilaan ang mga bayag. Isinabay ang dalawang kamay para kapain ang dibdib ng bawat isa, pinisil ang mga utong, hinimas ang mga tagiliran. Gumapang siya mula uten, bayag, hanggang singit—sinisigurong daig pa ng tunog ng ungol nila ang pag-ungol ng tubig.

Sa tabi niya ay mga baso ng alak. Ininom iyon ng tatlo habang tila nagmi-meeting. Hindi pinansin na para silang tatlong board member at isa siyang puta ng kumpanya.

“Fuck. Mga tsong, tumawag sa akin EA ko sa kumpanya,” reklamo ni Mr. Five, umiinom. “Dahil sa nangyaring bagyo sa Mindanao, ang daming nag-uwian. Nabawasan tuloy ako ng mga trabahador.”

“‘Wag ka mag-alala,” sagot ni Mr. One habang humihingal sa sarap. “Malay mo makakuha ka dito. ‘Yung mga taga-kusina o ‘yung bagong batch sa ilalim. Mukhang willing naman basta tamang pakiusap.”

Napatingin si Warren, pero tuloy lang ang pagtsupa.

“Hoy,” sabat ni Mr. Four, “hindi mo puwedeng basta kunin ang mga tao rito. Alam mong may—” naputol ito. Nagpalit ng tono. “Basta. Huwag kang tanga. May proseso tayo diyan.”

“Gago. Hindi ko naman sinabing agad-agad. Pero kung may kikilos—alam mo na—dapat mabilis,” sagot ni Mr. Five, na halos idiin ang burat sa lalamunan ni Warren.

“Ughh… shit Warren…” biglang sambit ni Mr. One, “Tangina. Ang sarap mong chumupa. Parang hindi lang bibig ang ginagamit mo, pati puso.”

Napangisi si Warren sa loob-loob niya.

Nang tumigas na ang tatlo, nagsimula na silang magbate sa harap niya. Hindi siya humawak sa sariling burat. Pinigilan niya ang sarili—may apat pa siyang kailangan. Nakatitig siya sa mga mata ng bawat sponsor habang nilalabasan sa mukha at dibdib niya.

Mainit. Malapot. Hindi ganoon karami, pero sapat para i-ukit ang pangalan nila sa balat niya.

“Thanks mga Sir.” Ngumiti siya at lumublob sa tubig ng infinity pool para linisin ang sarili.

Nakatatlo na siya. May apat pa.

Tapos ay biglang may anunsyo.

"Sponsors, emergency meeting. Debonairs, return to your cabins."




--------------

If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe! 

No comments:

Post a Comment