SI HANSEL MATAPOS ANG VOLLEYBALL GAME
Bumuntong-hininga si Hansel. Sabado ng gabi. Siya ay nasa lower box ng bleachers sa isang second-rate na sports complex kung saan may nagaganap na collegiate volleyball game sa pagitan ng university niya at isa pang rival na pamantasan.
Bored si Hansel. Hindi naman niya mahilig sa volleyball. Hindi naman siya nagkaroon ng interes sa sport na iyon, dahil hindi naman kasikatan. Mas naging aktibo siya sa basketball at soccer. Sa basketball siya naging varsity noong high school siya. Tapos noong first year siya sa college, na binitawan na rin niya para pagtuunan ang pag-aaral, student leadership, career building, at para hindi maubusan ng oras sa pambababae.
At iyon ang dahilan kung bakit nandoon siya sa volleyball game na iyon. Isa sa pinaka crush ng bayan na babae sa campus ay doon na-assign para mag courtside reporter sa gabing iyon. Sa wakas ay pumayag na ito na maka-quick date at momol sa gabing iyon, matapos ng matagal na panliligaw. At kung susuwertehin siya, baka maikama pa niya.
Simula nang Success Studies ay parang dumoble pa ang sexual appetite ni Hansel. Isang daang porsyento sa lalaki, isang daang porsyento sa babae. At ngayong hindi pa muna klase o in-between classes na paramdam ni Prof. CV, babae muna ang interes ni Hansel.
Sa pagka-bored ay naglaro ng cellphone si Hansel habang umaandar ang volleyball game. Hanggang sa dumating na ang ikaapat na set. Tapos ay pumasok na si Royce Viterbo.
Napatingin sa lalaki si Hansel mula sa kanyang puwesto. Ang ganda talaga ng hubog ng katawan ng lalaki na lalong pinaseksi ng volleyball uniform nito. Isa ito sa pinakamasigasig na gumalaw sa mga manlalaro sa koponan. Kaya naman namawis ang lalaki. Ang guwapo nito, halatang isa sa mga tinitilian ng mga babae.
Napalunok si Hansel. Ang lalaking kinakaribal niya ay mukha na namang masarap na putahe sa kanyang harapan. Nag-iinit na naman siya. Naalala niya ang pakiramdam ng matigas na pangangatawan nito sa loob ng damit na suot nito. Nakikita rin niya ang marahang bukol sa harapan na naglalaman ng titi nito na minsan nang kumantot sa kanya.
Sumikip ang loob ng crotch ni Hansel. Parang gusto niyang amuyin at sibasibin ang kaklaseng pawisan sa court. Ang guwapo pa naman ng mukha nito habang seryoso ang ekspresyon na nakatutok sa bola. Minsan ay tutuwad ito para abangan ang bola, kaya makikita ang magandang hubog ng puwetan nito.
“Shit,” mahinang mura ni Hansel sa sarili.
Naninigas si Hansel. Nakikiliti na naman ang loob ng kanyang bukana.
Umiling si Hansel, "teka. Shit. Saka na 'yan. Sa Martes mo na lang isipin 'yang si Royce. Pucha naman, eh. Bakit ba kasi dito pa sa volleyball game nag-cover eh."
Mukhang talagang pipilitin niya na maka-iskor sa babaeng kikitain niya. Kung hindi matinding blue balls ang aabutin niya.
Pero kahit ano ang iwas ni Hansel ay napapadikit pa rin ang tingin niya sa lalaki. Magaling at matulin naman ito sa pagvolley, spike, at block. Ilang beses din nito na nase-save ang bola. Sa katotohanan niyan, bukod sa captain, si Royce ang pinakamaraming nagawa para magka-score ang koponan.
Natapos na ang laro sa 4th set. 3-1 ang score, panalo ang koponan nina Royce. Nag-apir na ang kalaban.
Nag-text si Hansel sa babaeng kikitain, "hi. Hintayin na lang kita sa may parking lot, ah... See you." Nagbigay siya ng huling sulyap kay Royce tapos ay umalis na sa bleachers.
Naghintay si Hansel sa may parking lot. Ang kanyang kotse ay malapit sa isang lagusan ng sports complex, kung saan lumalabas ang mga player, organizers at non-audiences. Doon niya inaasahang lalabas ang babae, dahil nga university court side reporter ito.
Lumipas ang dalawampung minuto. Tatlumpung minuto. Apatnapung minuto.
Nagsisimula nang mainip si Hansel. Walang sagot mula sa babae. Nakikita niya na marami nang lumalabas na player at media people. Ang mga volleyball player ay sinasalubong ng pamilya o barkada para mag-celebrate.
Nag-ring ang cellphone ni Hansel. Sinagot niya iyon.
"Hi Hansel, oh my god I'm so sorry," bungad ng babae sa kanya.
Kumunot ang noo niya, "huh? Why? Asan ka na?"
"Dumating kasi ang parents ko. They surprised me. They want to take me out to dinner..." apologetic na sabi ng babae.
Nag-grunt siya, "huh. Ang daya naman. Ang tagal kitang inintay!"
"I know. Let me make it up to you. After ng dinner namin ng family, you can take me to your dorm?" suggestive na turan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Hansel. Nag-init siya. Mukhang may balak din na pilyo ang babae. "Okay. Sige. I'll let you know."
"Okay. Text text." Tapos ay natapos na ang tawag.
Nang binaba ni Hansel ang phone may narinig siyang pamilyar na boses.
"Hello. Uhm. Sorry po Pa. Opo hindi ako makapunta... eh kasi... ngayon lang natapos ang game ko..." si Royce iyon. Malapit sa bukana ng complex. Hawak nito ang phone sa harapan ng bibig nito.
Slightly feeble na may lumalabas na boses mula sa loudspeaker ng cellphone nito. Isang boses ng lalaki. "Ano ka ba naman? Patapos na ang celebration ng birthday ng kuya mo? At bakit naglalaro ka pa diyan sa varsity? Wala ka naman mahihita diyan sa volleyball."
Napabaling si Hansel sa lalaki. Medyo iritable at disappointed ang mukha ni Royce. "Pa, alam mo naman na... kailangan ko mag-varsity para makapag-aral."
"Eh sinabi ko naman sa'yo. Magiging option lang naman ang college sa'yo, kung basketball player ka. At kung magiging professional ka later," striktong turan ng ama sa phone, "sinabi ko sa'yo, sana tumigil ka na lang sa college mo at maging assistant ng mga kuya mo sa games nila. Doon mas may silbi ka."
"Pa. May pangarap naman akong iba. Hindi naman basketball lang," giit ni Royce, frustrated ang baritonong boses.
"Ewan ko sa'yo. Ang tigas ng ulo mo. Bahala ka diyan sa mga pangarap mo. Kung anuman 'yan. Jusko pambading pa na laro ang pinili mo, pucha," sabi ng ama tapos ay naputol na ang tawag.
Bumigat ang dibdib ni Hansel. Sa tawag na iyon na na-overhear niya ay nalaman niya kung bakit bitter na bitter sa kanya si Royce nang makuha niya ang slot nito sa varsity. At kung bakit lalo itong nagig masmapait nang sinayang ni Hansel iyon sa pamamagitan ng pag-quit sa sumunod na taon.
Malaki palang bagay iyon sa pamilya nila. Kilala naman ni Hansel ang mga Viterbo na mga player sa PBA at sa national team. Kaya naman nang maungusan niya ang bunsong Viterbo na si Royce, ay ang laki ng niyabang niya. Ginamit niyang pang bragging rights ang pagkapanalo sa slot na dapat sana ay kay Royce.
May ganoon pala itong pinagdadaanan sa pamilya.
Minsan lang maramdaman ni Hansel ang guilt, pero naramdaman niya iyon ngayon. Habang pinapanood ang lalaking nakatunganga lang matapos ang tawag.
Nilapitan niya ito. Kumakabog ang dibdib niya, "Viterbo."
Bumaling sa kanya si Royce. Agad na nalukot ang mukha, "ano'ng ginagawa mo dito? Pinadala ka ni Prof. CV? Ano na naman ang gagawin?"
Medyo na-miss ni Hansel ang hitsura nitong pawisan kanina sa laro. Pero kahit ngayong bagong ligo ito at amoy sabon ay ang lakas pa rin ng dating nito sa kanya.
"Tangina nito nakita mo lang ako ang agit mo na agad," sarkastiko niyang sabi, "iko-congratulate lang kita kasi nanalo ang team niyo."
Namaywang si Royce, "at kailangan ka pa nagka-interes sa volleyball ko? Eh tinapon mo nga 'yung slot na dapat para sa akin sa basketball team."
Napakamot siya sa ulo, "tanginang 'yan Royce, paulit-ulit. Ano'ng gusto mong gawin ko? Mag-time travel?"
"Kung walang kinalaman 'to sa Success Studies, umalis ka na nga," galit na anas nito, "wala ako sa mood makipaglokohan sa'yo."
Bumuntong-hininga si Hansel, ang lalim talaga ng hugot nito sa kanya. "Nag-dinner ka na ba? Dinner tayo."
Kumunot ang noo nito, "huh? Ano 'yan?!"
"Tangina inaaya lang kita mag-dinner ang arte nito," masungit niyang sabi, "ililibre na nga kita. Mamaya pa kasi dadating 'yung court side reporter na chicks na iuuwi ko sa dorm. So, sasamahan na kita."
"Lilibre mo ako?" taas-kilay na tanong ni Royce, "hindi ko hihindian 'yan at napagod ako sa laro. Kaya kong tiisin ka."
"Ang dami mo namang sinasabi akala mo naman eh walang nangyari sa atin," masungit na sabi ni Hansel.
Sa wakas ay ngumising pilyo si Royce, "ows? You mean nakantot kita?"
"Tangina ano? Gusto mo mag-dinner o ano?" napikon si Hansel.
Tumawa lang si Royce at sumama na sa kanya sa kotse.
Sa ilalim ng ilaw ng sports complex, nagpatuloy ang mahinhing alingawngaw ng mga fans na palabas. Sa gitna ng mga iyon, si Hansel at si Royce ay naglalakad sa pagitan ng mga kotse, tahimik, pareho pang mataas ang tensyon. Hindi na makaalis sa isip ni Hansel ang narinig kanina—ang paraan ng pagkabasag ng tinig ni Royce habang kinakausap ang ama nito.
Sa loob-loob ni Hansel, gusto niyang sabihing “Pare, gets ko na ngayon.” Pero sa labas, pinanatili niyang matigas ang ekspresyon. Ayaw niyang lumambot sa harap ng lalaking minsang kinaiinisan niya.
Pagdating nila sa kotse, binuksan niya ang pinto at sinenyasan si Royce. “Sakay ka na.”
Umupo si Royce, diretso agad ang tingin sa harapan. Nang paandarin ni Hansel ang sasakyan, ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanila.
Pagpasok nila sa diner, amoy agad ang mantika at kape. May ilang naka unipormeng studyante sa kanto, halatang galing din sa panonood sa laro. Umupo sila sa booth sa sulok. Si Royce ay nakasandal, mukhang lutang. Si Hansel naman ay pinagmasdan lang ito, tahimik.
“Alam mo,” sabi ni Hansel matapos mag-order, “hindi ko alam na ganun kahigpit tatay mo.”
“Hindi mo naman kailangang malaman,” matigas na sagot ni Royce, "tsismoso amp."
“Hindi naman ako nakikitsismis nang intentional. Narinig ko lang kasi kanina,” sagot ni Hansel, pinapakalma ito “’Di ko intensyon makialam.”
“Eh bakit kailangan mong magsorry o magpakonsensya?” balik ni Royce, sabay tingin sa kanyang seryoso. “Hindi mo naman kasalanan na masyado siyang may expectations.”
Tahimik lang si Hansel. Pero sa loob-loob niya, may bigat. Naalala niya ang unang beses na tinalo niya si Royce sa tryouts—kung paano niya sinadya pang ipagyabang iyon sa mga kaibigan. Nahigitan niya ang isang nasa lineage ng greats ng PBA. Noon, parang simpleng tagumpay lang. Pero ngayon, alam niyang may nasira pala siyang bahagi ng pangarap ng lalaki.
“Hindi mo kasi alam kung anong pakiramdam na lagi kang second choice,” bulong ni Royce, halos hindi marinig ni Hansel. “Sa bahay, sa court, sa babae, kahit sa klase ni Prof. CV.”
Napatingin si Hansel, nagtataka. “Second choice? Tangina, ikaw nga paborito ni Prof. CV ngayon ah.”
Ngumisi si Royce, "eh hindi mo rin naman ma-gets 'yun kung ano ang gusto niyon. May pagkahibang."
Sandaling natahimik ang dalawa. Dumating ang pagkain—fried rice, tapsilog, dalawang kape. Kumain sila, pero pareho ring tahimik. Sa bawat subo ni Hansel, lalo niyang naramdaman ang bigat ng pinag-uusapan.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagsalita si Royce, “Salamat ah, sa libre.”
“’Yan lang? Wala man lang thank you Daddy Hansel?” biro ni Hansel, pilit binabawi ang bigat ng usapan.
Napailing si Royce, pero ngumisi. “Tangina mo talaga. Ikaw pa talaga ang Daddy ko, ah?”
“’Yan na naman, pucha, bakit lahat ng sinasabi ko may ‘tangina’ sa dulo mo?” natatawang tanong ni Hansel.
“Kasi tangina ka talaga,” sagot ni Royce, pero may tawa na rin.
Pagkatapos nilang kumain, bumalik sila sa kotse. Tahimik ulit, pero hindi na mabigat. Napapabaling si Hansel paminsan sa lalaking nasa front passenger seat. Kahit papaano ay masmaliwanag na ang mukha nito. Alam naman niya na hindi sapat ang panlilibre at isang oras ng matipid na kuwentuhan sa diner para mabura ang mga petty grievances nila sa nakaraan, pero siguro ngayon, magiging maayos na ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa.
Biglang nagsalita si Royce, "sigurado ka bang ihahatid mo pa ako? Puwede naman ako umuwi na sa amin. Baka mainip 'yung chicks mo na sinasabi mo."
"Oo nga. Walang kaso sa akin. Aba pinaghintay niya ako, ano. Siya naman ang maghintay," sabi ni Hansel, natatawa, "saka bakit ba taeng-tae ka na mahiwalay sa akin?"
Napalunok ang volleyball player. Namula ang pisngi, "eh kasi pare. Kapag nalalapit ako sa'yo. Naaalala ko 'yung puwet mo. Naalala ko na ang sarap mong kantutin. Baka demonyohin ako."
Nag-apoy ang katawan niya. Napadiin ang hawak sa manibela. Intense ang mga mata kahit nakaharap sa windshield. "Oh? Ano'ng gagawin mo kapag dinemonyo ka?"
"Eh 'di kikidnapin kita mula sa ide-date mo. Iuuwi kita sa dorm ko. Tapos kakantutin kita. Buong gabi. Hanggang sa mapagod ka at hindi mo na gustong kitain 'yang chicks na sinasabi mo," halong naughty at sinister ang tono ng boses ni Royce.
Kumulo ang dugo ni Hansel. Ang kanyang butas ay kumislot. Ang titi niya ay tumigas. Pero nawala na ang desire niya na pumasok sa puke ng babae. Ang gusto niya ngayon ay mapasukan.
Napadiin ang apak ni Hansel sa preno nang makita ang red light. Bumaling siya kay Royce, "tangina. Eh 'di kidnapin mo ko."
——————————————————————————
Pagkasara pa lang ng pinto ay halos mawalan ng balanse si Hansel nang itulak siya ni Royce hanggang dumikdik ang likod niya sa malamig na kahoy. “Ugh…” ang namutawi sa bibig niya, isang ungol na halong gulat at pagnanasa.
“Tangina ka talaga, Hansel. Bakit ba ako nalilibugan sa’yo,” singhal ni Royce, sabay sakmal sa labi niya.
Mainit. Mabigat. Parang dalawang alon ng tsunami na nagbabanggaan. Nag-umpugan ang kanilang mga dibdib, pareho nang basang-basa ng pawis mula sa biyahe at tensyon. Naririnig ni Hansel ang tunog ng mga hininga nilang sabay-sabay na naghahabulan.
Ang dila ni Royce ay magaslaw, gumagala sa loob ng bibig niya, hinihigop ang bawat buntong-hininga. Sumusukli si Hansel; hindi nagpapatalo. Ang mga kamay niya ay gumapang sa gilid ng katawan ng lalaki, sa tigas ng mga dibdib at sa flat nitong tiyan. Ramdam niya ang matinding init sa pagitan nila.
Nadama niyang tumutusok sa hita niya ang matigas na bukol ni Royce. Tigas na tigas na rin ang burat sa loob ng briefs niya, halos hindi na makagalaw sa loob ng pantalon. Pareho silang humihingal, magkadikit pa ang noo.
“Putangina,” hingal ni Hansel, sabay sulyap sa paligid. Nakita niya ang kuwarto: amoy-lalaki ang namumuhay espasyo. May nakasabit na volleyball jersey sa dingding, nagkalat ang tuwalya, mga deodorant, cologne, at energy drinks sa desk. May nakasalansan pang knee pads sa sahig. “Tangina, ang gulo naman dito sa kuwarto mo.”
Umirap si Royce, ngunit hindi mapigilang ngumisi. “Daming arte. Lalong gugulo ang gamit ko ngayong gabi kasi babalibagin kita.”
Napalunok si Hansel. “Fucking shit ka. Sige. Pakita mo sa’kin.”
Walang abiso. Muling lumapat ang labi ni Royce sa kanya, mas marahas ngayon. Binuhat siya nito, halos hindi alam ni Hansel kung paano siya dinala hanggang sa CR, basta’t nagpalitan lang ng mga halik, kaluskos, at mga impit na ungol.
Pagpasok nila, humampas sa kanila ang amoy ng sabon at pawis na hinaluan ng singaw ng init mula sa malamig na tiles. Binalibag ni Royce ang pinto ng banyo, sabay hinatak pababa ang t-shirt ni Hansel. Nahubaran silang pareho nang mabilis.
Tumambad ang kanilang mga katawan, parehong batak, nangingintab sa pawis. Si Royce, may mga guhit ng abs na para bang inukit ng ilaw sa ilalim ng ilaw ng banyo. Kahit maraming kinain ay ripped pa rin. Si Hansel naman, mas maskulado at mabagsik ang tindig, pero ngayon ay nakabukas ang labi at humihingal.
Nagtagpo ulit ang mga labi nila habang umaagos ang tubig sa showerhead. Habang tumutulo ang malamig na tubig, nagiging mas mainit ang mga katawan nila. Ang mga kamay ni Royce ay gumapang sa likod ni Hansel, sa matambok nitong puwet, pinisil iyon nang marahas, sinasabayan ng pagduldol ng sariling tarugo sa harap nito.
“Ughhh, tangina mo…” ungol ni Hansel, halos mapahawak sa balikat ng lalaki.
“’Yan ba gusto mo, ha?” hingal ni Royce habang dinidila-dilaan ang leeg niya, sabay dulas ng kamay pababa sa kanyang harapan. Hinawakan nito ang titi ni Hansel, matigas na, pulang-pula, at mainit. “Tangina, ang tigas mo.”
“Tangina mo ikaw din,” sagot ni Hansel, sabay hawak sa sandata ng volleyball player. Magkasinghaba halos, pero mas mataba kay Royce, dumudulas sa pagitan ng mga daliri niya dahil sa sabon at precum.
Nagsimula silang magjakulan, sabay, habang patuloy ang pag-ulan ng tubig. Nagbabanggaan ang mga dibdib at braso. Minsan ay magsasalubong ang mga labi nila, minsan ay magpapalitan ng ungol.
“Ughhh—putangina, Hansel…” napamura si Royce, sinasalsal silang dalawa gamit ang parehong kamay. “Ang init mo, tangina…”
“Bilisan mo pa. Tangina mo. Ganyan nga…” sagot ni Hansel, nakatingala, napapaliyad sa sensasyon.
Biglang gumapang pababa ang kamay ni Royce. Hinagod nito ang pagitan ng hita ni Hansel, at bago pa ito makatanggi ay naramdaman na niya ang daliri ng lalaki sa bukana ng kanyang lagusan.
“Ugh—shit! Tangina mo!” napasigaw si Hansel, napakapit sa balikat ni Royce, “putangina… anong ginagawa mo—”
Ngumisi si Royce habang patuloy sa pagkalikot, “nililinis ko ’yung papasukin ko mamaya.”
“Gago ka… hhhhhnngghhh!” hindi niya natapos ang mura nang maramdaman ang dahan-dahang pagpasok ng isang daliri. Mainit, basa, at may kung anong elektrisidad na dumaloy mula sa butas niya pataas sa utak.
“Relax, Hansel,” bulong ni Royce, habang idinagdag pa ang isang daliri. “Tangina, ang sikip mo pa rin.”
“Putangina mo, sabi kong—uhhhhnnnn!” napaliyad siya, hindi na makapagsalita. Sa bawat galaw ng daliri ni Royce ay parang pinupunit at pinapaso ang buong katawan niya, pero may kakaibang sarap na bumabalik sa pagitan ng kanyang tiyan at dibdib.
“Gusto mo pa?” tanong ni Royce, malapit sa tainga niya, sabay marahang hinigpitan ang pagpisil sa titi nito.
“Gusto ko tangina mo! Sige, ganyan pa…”
Ang banyo ay napuno ng mga tunog ng tubig, mga impit na ungol, at ang mapangahas na amoy ng katawan ng dalawang lalaki. Ang mga patak ng tubig ay humahalo sa pawis nila, sa bawat hampas ng dibdib sa dibdib, sa bawat pagdausdos ng kamay sa basang balat.
Ang mga labi nila ay muling nagtagpo, gutom at marahas. Si Royce ay tila nauulol sa bawat pagliyad ni Hansel, habang si Hansel naman ay tuluyang nilamon ng init, wala nang iniisip kundi ang lalaking kaharap niya, ang bawat hininga, bawat haplos.
Mainit pa rin ang singaw ng tubig mula sa shower nang dahan-dahang lumuhod si Royce sa harap ni Hansel. Ang mga patak ng tubig ay dumadaloy sa batok ng volleyball player, bumababa sa likod, at tumatama sa sahig.
Tumingala ito kay Hansel, mga matang may bahagyang alinlangan, pero umaapoy sa pagnanasa. Dahan-dahan, inabot nito ang matigas na ari ng kaklase, pinagmasdan sandali, bago tuluyang lumapit at isinubo.
“Putangina—Royce!” napasandal si Hansel sa malamig na pader ng banyo, napahawak sa buhok ng lalaki.
Mainit. Basa. Buhay na buhay ang bawat galaw ng bibig ni Royce. Ramdam ni Hansel ang sikip at lambot ng labi nito habang sinisindihan ng bawat sipsip at paggalaw ng dila. Ang barakong player na ang galing mag spike at block kanina, ngayon ay nilalamon nang uhaw at gutom ang kanyang matigas na tarugo.
“Ughhh… tangina ka, Royce,” hingal ni Hansel, pilit kinokontrol ang pag-ungol. “Ang sarap mo… fuck… ganyan lang…”
Tumingala si Royce habang hindi inaalis ang bibig sa ari ng kaklase. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ni Hansel, at sa pagitan ng bawat paglabas-pasok ay naglalaro sa mga labi nito ang ngising pilyo. Sa tuwing lalabas ang ari niya sa bibig nito ay kumikintab iyon ng laway at precum.
“Putangina mo, mukha kang puta makatitig ka” ungol ni Hansel, pero imbes na pigilan ay hinawakan pa niya ang ulo ni Royce at itinulak pabalik. “Sige. Tsupain mo pa. Huwag kang hihinto.”
Hindi na umimik si Royce. Sinunod lang ang utos—mas madiin, mas mabilis, mas marahas. Ang dila nito ay dumulas mula sa ulo pababa sa puno, paikot-ikot, bago biglang bumaba pa lalo, nilalaro ang mga betlog ni Hansel gamit ang dulo ng dila.
“Aaahhh—putaaa…” halos manginig si Hansel sa sensasyon. Napahawak siya sa ulo ni Royce, hinahaplos ang basa nitong buhok.
Hindi pa nakontento ang volleyball player. Dahan-dahan, ibinuka nito ang mga hita ni Hansel, at bago pa makapagsalita ang lalaki ay naramdaman na niya ang dila ni Royce sa pagitan ng kanyang mga hita. Dinilaan nito ang singit, pinuntirya ang mismong sentro ng kanyang pagnanasa.
“Shit, Royce! Tangina mo—aaahhh…”
Kumurap ang butas niya sa unang dampi ng dila. Parang sinindihan ng bagong apoy ang kanyang katawan. Naramdaman niya kung paano sinisipsip, nilalaplap, at tinatantya ni Royce ang laman na pumapalibot sa bukana. Dinidilaan nito ang butas, tapos ay babalik sa titi, tapos ay babalik ulit sa butas.
“Ughhh fuck, ang sarap niyan… huwag kang hihinto,” ungol ni Hansel, halos mawalan ng boses.
Minsan ay sisilindro ni Royce ang titi niya, halos lamunin nang buo. Minsan naman ay kakaskasin ng dila nito ang paligid ng butas, pinapahinga sandali bago ulit susunggaban. Ang bawat galaw ay may kalkulado. Mukhang natuto naman sa maraming training na nakuha nila so far sa Success Studies.
“Putangina, Royce…” halos paulit-ulit na lang ang mura ni Hansel.
Tuloy-tuloy si Royce, hindi tumitigil kahit nanginginig na si Hansel sa ibabaw niya. Ang tubig mula sa shower ay nagiging parang ulan kasabay ng pawis, halo ng laway, sabon, at libog. Ang tunog ng bawat sipsip, bawat ungol, bawat paghinga ay pumupuno sa buong CR.
“Fuck, malapit na ’ko…” bulong ni Hansel, hingal na hingal.
Parang naramdaman ni Royce iyon, dahil bigla itong bumitaw. Tumayo ito, basang-basa, may ngisi sa labi.
“Tanginang burat mo,” sabi nito, pinupunasan ang laway sa labi gamit ang likod ng kamay. “Ang sarap. Nakakabakla.”
Humihingal pa rin si Hansel, nakasandal sa pader, nanginginig. “Gago… adik. Sarap mong tsumupa.”
Ngumisi si Royce, lumapit, at walang pasabi siyang hinalikan ulit. Lasa ni Hansel sa labi ang halong laway, tubig, at sariling precum. Nilasap niya iyon habang nilalaro ng dila ang loob ng bibig ni Royce.
Pagbitaw nila sa halikan, hinagisan siya ni Royce ng bagong tuwalya. “Magpatuyo ka diyan bago ka sipunin. Mamaya gagawin kitang putang, tangina mong hambog ka."
“Puta ka rin,” sagot ni Hansel, pero ngumiti habang pinupunasan ang katawan.
Lumabas sila ng CR, pareho pa ring hingal, at tumuloy sa kama. Disorganized ang paligid—may mga medyas sa sahig, mga jersey sa gilid ng kama, at mga energy drink can sa mesa. Pero malinis ang sapin ng kama, halatang bagong palit.
Humiga si Hansel, habang si Royce ay umupo sa gilid at pinagmamasdan siya. Walang salita sa pagitan nila—hangin lang at malalalim na paghinga.
Pagkatapos ng ilang segundo, gumapang si Royce sa ibabaw niya. Tumukod ang mga braso sa magkabilang gilid ni Hansel, sabay dulas ng katawan nito pababa hanggang sa magdikit ulit ang kanilang balat. Mainit. Mabigat. Buhay.
“Ang ganda talaga ng katawan mo,” bulong ni Royce habang hinahagod ng kamay ang dibdib ni Hansel, pinaglalaruan ang utong.
“Hindi mo kailangan sabihin ’yan para lang makaisa ulit,” sabi ni Hansel, pero kinagat niya ang labi para pigilan ang ungol.
“Hindi ko kailangan mangbola,” sagot ni Royce, sabay dila sa utong niya. “Alam ko rin ang mga katulad mong hambog. Mahilig na pinupuri. Tinamo namumula ka."
Napaliyad si Hansel, napahawak sa buhok ng lalaki. “Tangina mo, sige… ituloy mo ’yan.”
At tumuloy nga ito—dinilaan ang kanyang dibdib, leeg, at balik sa labi. Nagtagpo ulit ang kanilang mga bibig, marahas at marubdob. Pero sa bawat halikan ay parang mas gumagaan na ang loob nila sa isa't-isa. Sa kabila ng patuloy nilang asaran.
Habang humihigpit ang yakapan nila, naramdaman ni Hansel na sa kabila ng lahat—ang init, ang pawis, ang gulo ng paligid ay may kung anong kakaibang koneksyon na nagsisimula. Habang patuloy silang naghalikan sa ibabaw ng magulong kama, naramdaman ni Hansel ang malamig na hangin ng aircon na humahalo sa init ng katawan nila.
Hindi na matandaan ni Hansel kung gaano na katagal silang naglalaplapan; basta ang pakiramdam niya, ang oras ay bumagal, at ang init sa pagitan nila ni Royce ay lalong lumalalim. Paulit-ulit silang nagkikiskisan, naghihimuran ng katawan, nag-eespadahan ng mga dila at ng mga katigasan nilang parehong tigas at basa na ng paunang dagta. Ang bawat galaw, bawat pagkiskis ng mga burat nila ay nagpapapawis na muli sa kanilang katawan kahit kakagaling lang nila sa banyo.
“Ughhh... tangina ka, Hansel,” hingal ni Royce. “Nakakabanas ang kaguwapuhan mo.”
“Eh gusto mo talagang patayin sa sarap,” sagot ni Hansel, sabay kadyot ng balakang, sinasadyang ipasayad ang galit na galit niyang ari sa tiyan ng volleyball player. Pareho silang napaungol nang maramdaman ang tigas ng isa’t isa.
Habang patuloy silang nagkikiskisan, inangat ni Hansel ang kanyang mga paa, binuka ang mga hita, at inekis ang mga binti sa likod ni Royce. “Tangina, Royce... gawin mo na kung gagawin mo,” mahinang hamon niya, nanginginig ang boses.
Ngumisi si Royce na mapangahas, may halong pagnanasa at poot. “Ano? Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko.”
“Fuck me,” bulong ni Hansel, sabay tingin sa mga mata nito. “Gusto ko ’yung marahas. ’Yung matindi. ’Yung ibibigay mo sa akin lahat ng galit mo... dahil kinuha ko sa’yo ’yung slot mo sa basketball team.”
Nanlisik ang mga mata ni Royce. “Tangina, pinaaalala mo pa talaga ’yan,” mariin nitong sabi habang inuumpog ang matigas na ulo sa bukana.
Bago sumagot si Hansel ay naramdaman na niyang mas lalong humigpit ang pagkakaekis ng kanyang mga binti sa katawan ng volleyball player.
“Oo. Para barurutin mo talaga ako.”
At doon na nga. Umamba si Royce. Isang biglang kadyot, mainit, marahas, puno ng gigil at pagnanasa. “Putanginaaaa!” sabay nilang sigaw.
Mabilis. Matindi. Walang alinlangan ang bawat ulos. Ang mga kama ay umuuga, ang kanilang mga katawan ay naglalapat. Parang dalawang leon na sinaniban ng libog at galit. Ang tunog ng kanilang mga balat na nagbabanggaan, ang mga mura, at ang mga ungol ay naghalo sa pawis at amoy ng katas sa paligid.
“Putangina mo, Hansel! Tangina ganito dapat ginagawa sa hambog na katulad mo!” bawat salita ay sinasabay ni Royce sa malalalim na kadyot.
“Ahhh... fuck! Sige lang! Ibigay mo lahat, Royce! Ganyan! Ganyan!” halos pasigaw na tugon ni Hansel, hawak-hawak ang mukha ng lalaki, hinahaplos habang binabarurot siya nito.
Halos magkasabay silang humihingal, magkatitig, magkadikit ang mga noo. Ang kanilang mga dila ay nagbubuhulan habang patuloy ang marahas na ritmo ng pag-ulos.
“Ughhhh... shit... ang sikip mo, Hansel,” bulong ni Royce sa pagitan ng hingal. “Parang hinihigop mo ako.”
“Gago ka... ’yan ang gusto mo, di ba?” sagot ni Hansel, sabay kapit sa likod nito, mga kuko niya ay dumudulas sa pawisang balat ni Royce.
Lumipas ang ilang minuto na puro kalabog, ungol, at halikan. Wala nang patid ang lakas ni Royce, parang isang makina. Halos isang oras siya nitong diretsong binabarurot, walang tigil, walang awa. Si Hansel naman ay halos mawalan ng ulirat, pero ang bawat segundo ay langit.
“Ahhhh... tangina mo, Royce... sige pa!” ungol ni Hansel, nanginginig na ang mga binti, pero hindi binibitawan ang pagkakaekis sa likod ng lalaki. Grabe ang katigasan nito sa kanyang kalooban. Ang lalim ng naaarok. Binubugbog ang kanyang gspot.
Bumilis pa lalo si Royce. “’Yan ang gusto mo, di ba? Gusto mong maramdaman kung gaano ako kadesperado !”
“Oo! Oo, putangina, ganyan nga!” sigaw ni Hansel, sabay sabunot sa buhok nito.
Hanggang sa maramdaman niya ang pamilyar na pressure sa puson, isang mabilis at malalim na alon ng sensasyon. “R-Royce... I think I’m gonna—ahhhhhh!”
Ngumisi ang volleyball player, pero hindi bumagal. “Sige! Labas mo! Pakita mo sa akin kung gaano ka kaputa!”
At doon sumabog si Hansel. Isang matinding alon ng kaligayahan, parang apoy na pumutok sa bawat himaymay ng kanyang laman. Tumilamsik ang mainit niyang tamod sa kanilang mga dibdib, sa tiyan ni Royce, sa unan, at sa kubrekanang halos hindi na nila napapansin. Ni hindi man lang niya kailangang hawakan ang kanyang titi.
“Fuuuck!” singhal ni Royce, sabay baon nang malalim, isang huling kadyot bago rin siya pumutok. Mainit, malapot, at sagana ang pag-agos ng punla sa loob ni Hansel. Ramdam niya ang bawat tibok, bawat pagpintig ng ari ni Royce sa loob niya.
Huminga nang malalim si Royce, tapos dahan-dahang binunot ang sarili. Habang ginagawa iyon, hinimod nito ang lahat ng katas na kumalat: sa crotch, sa tiyan, sa titi, sa singit, at pati na sa bahagyang tumagas mula sa bukana ni Hansel. Dinilaan nito ang bawat patak na parang ayaw masayang.
Pagkatapos ay umakyat ito, hinalikan si Hansel nang marubdob. Nagtagpo ulit ang kanilang mga dila—ngayon ay may halong lasa ng sarili nilang mga tamod. Walang hiya, walang arte. Tila gutom na gutom.
Habang nakahiga, pinagsalubong nila ang kanilang mga kamay. Isang tahimik na sandali ng koneksyon matapos ang halimaw na pagniniig. Ramdam nila ang tibok ng puso ng isa’t isa.
Huminga nang malalim si Hansel, nangingiti habang pinagmamasdan ang mukha ni Royce na may halong pagod at kasiyahan.
Ngumisi si Royce, “hmm? Ano? Pupunta ka pa doon sa chicks mo?”
Umiling si Hansel, sabay tawa. “Wala na akong enerhiya para sa kanya. Inubos mo na.”
Ngumisi ang volleyball player, pinunasan ng daliri ang isang patak ng pawis sa pisngi nito. “Yikes. Weak. Sabi ni Prof. CV, resistensya daw ’yan ang sukatan ng success. Paano kung gusto ko pa ng isang round?”
Napairap si Hansel, pero ang ngiti ay nananatili sa labi niya. “Kayang-kaya kita, gago!”
Tumawa si Royce, hinila siya palapit, at bago pa muling makapagsalita si Hansel ay nagtagpo ulit ang kanilang mga labi. Ngayon, hindi na marahas, kundi marubdob, malambing.
Sa gitna ng pawis, kalat, at mabigat na amoy ng katawan, nagpatuloy ang halikan nila. Ang gabi ay tila walang katapusan.
--------------
If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe!

No comments:
Post a Comment