ANG PAGWAWAKAS NG SECURITY AGENCY
Hindi alam ni Chino kung ilang oras na siyang nakahiga sa kama mula nang bumalik siya sa kanyang unit pagkatapos ng gangrape nila kay Sir Andres. Gusto niya sanang matulog ngunit hindi naman normal kung may dadalaw na antok sa kanya pagkatapos ng mga nangyari. May mga galos pa ang kanyang mukha at katawan.
Hindi niya gusto ang ginawa niya. Galit ang nag-udyok sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan.
Naramdaman niyang humigpit ang yakap ni Walter na katabi niya sa kama na iyon, simula nang matapos ang lahat ng iyon.
“Mahal,” sabay halik nito sa balikat niya, “ano ang iniisip mo?”
“Hindi ko alam. Wala naman akong plano. Pero handa ako sa anuman ang mangyari,” diretsong tugon niya rito, “ikaw Walter? Nagsisisi ka bang nadawit ka sa nangyari?”
Ngumiti ang lalaki. “Alam mo ba Chino, bukod sa napalukso ang puso ko noong una kitang makilala, may iba pa akong naramdaman noong una kitang makita. Alam ko. Unang kita ko pa lang sa’yo, na nakahanap na si Sir Andres ng katapat sa’yo. Na somehow, ikaw ang magiging susi para magkaroon ng pagbabago sa special unit. And, tama ako. Iba ang tapang mo. Ikaw lang ang nakayanang labanan siya sa sarili niyang laro. At kung nagsisisi ba ‘ko? Hindi. Masarap sa pakiramdam ang nangyari kanina. Halos anim na taon ko nang nirereplay ang eksenang iyon sa utak ko. Ang makaresbak. Ikaw lang ang naging daan para mangyari iyon.”
Hinawakan ni Chino ang kamay ng nobyo, “tutal naman ay napag-usapan na natin ang tapang, gusto kong makinig ka sa akin, at hindi ka dapat tumutol.”
“Ano ‘yon?”
“Ako ang haharap sa lahat ng puwedeng consequences ng mangyayari. Ako ang tatanggap ng parusa,” mariing banggit niya rito.
Umiling si Walter, “teka hindi naman puwede ‘yun.”
“Ideya ko ‘to. So, kung ikamamatay ko ‘to, ako na lang,” matabang niyang sabi.
“As if naman hindi niya ako maidadamay.”
“Basta gagawa ako ng paraan. Bago ka niya makanti, o si Benjie, ako muna ang makakaharap niya,” seryoso niyang pilit, “sinubukan ‘tong gawin para sa atin ni Jacob. Gagawin ko rin ‘to para sa’yo.”
Bago pa man makahirit si Walter ay hinalikan niya na ito ng sobrang mariin at matagal.
“Chino?”
“Hmm?”
“Mahal na mahal na mahal kita. Sorry sa ginawa ko kagabi na… nakipaghiwalay ako sa’yo… Sorry rin kung hindi ako naging kasing tapang mo para sabihin ang totoo tungkol kay Luke,” matamis nitong sabi.
Napangiti na rin siya, “mahal na mahal din kita, Walter. Naiintindihan ko naman. Salamat din at kahit papaano naging matapang ka na harapin ang feelings mo sa akin kahit alam mong delikado."
Tapos ay tumunog ang cellphone ni Chino na nasa bedside table. Si Jaypee iyon, ang kakapasok lang sa agency.
Sinagot niya iyon. “Hello?”
“Chino… Kailangan niyong pumunta sa HQ sa opisina ni Sir Andres. Dali--”
Hindi na tinapos ni Chino ang usapan, Binaba na niya ang tawag na iyon.
Oras na para harapin ang panganib na dulot ng paghihiganti.
——————————————————————————
Iba ang scenario na tumambad kay Chino sa opisina ng amo, kumpara sa inaasahan niya.
Naroon siya, si Walter, Benjie at ang iba pang taga-special unit. Nakapalibot sila sa gitna ng sahig.
Si Sir Andres ay nakahiga sa sahig, suot ang special duty uniform nito. Duguan ang papag mula sa sumabog nitong bungo. Hawak nito ang baril.
“Wow…” sambit ni Chino.
“Ang weird…” sabi ni Benjie habang nakatitig sa eksena.
Si Walter naman na hindi makatingin sa gore ng eksena ay nakiusap, “puwede ba tayong lumabas? Hindi ko kayang tingnan ‘yan.”
Nagkumpulan silang tatlo sa pantry.
“Nag-suicide siya? Bakit?” pagtataka ni Benjie, “nagsusuot na nga ako ng bullet proof vest kanina, eh… Tapos… Ang weird talaga!”
Napahalukipkip si Chino. “Pero, obvious naman na may problema sa pag-iisip ‘yang si Sir Andres.”
“At feeling ko… Dahil sa ginawa natin napanggagahasa sa kanya, pakiramdam niya, he completely lost his control over us… At kung iisipin mo, tayo at ang agency ang naging buhay niya sa napakatagal na panahon. At dahil ang mga tao na tinuring niyang kanya ay hindi niya na hawak at nambaboy pa sa kanya, hindi niya kinaya. Ayun. Nagpakamatay.”
“So, ano na mangyayari sa atin? Sa agency?” tanong ni Chino.
“Honestly, kahit officer in charge ako minsan, walang endorsement sa akin na ganyan si Sir Andres. Only he has the memory of how this organization works at its core…” pag-amin ni Walter, “kaya kung patay na siya… I think… Patay na rin ang agency."
“Guys…” mahinang sambit ni Benjie, “does this mean na… malaya na tayo?”
Sumilay ang mga ngiti sa kanilang mga mukhang nabugbog ng kinagabihan. Nag-akapan silang tatlong magkakaibigan.
Sa wakas.
——————————————————————————
Bukod sa hinala nilang tatlo ay walang lumabas na klarong dahilan sa pagpapakamatay ni Sir Andres. Wala naman itong iniwan na suicide note. Wala ring mahanap ang mga imbestigador na proof na ito ay pinatay. Buti na lamang ay hindi na lamang in-autopsy ang katawan nito kundi nakita ang sugatan nitong puwet.
Tahimik na lang na inilibing ang kanilang amo, nauna pa sa libing ni Jacob. Wala masyadong seremonyas. Walang dumalo sa paglilibing kundi ang mga taga agency. Nag-aalala ang mga trabahador ng agency na baka madawit sila sa mga naging krimen nito, katulad ng prostitusyon at droga, pero wala namang lumabas na ano mang isyu. Marahil dahil marami ring malalaki at makapangyarihang mga tao na prumoprotekta sa mga katotohanang masyadong sensitibo at delikado kapag sumiwalat. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit wala ring umattend ng burol nito.
Katulad ng inaasahan, natapos na rin ang lahat ng escort activities ng unit. Wala naman sa kanila sa special unit ang nag-request na ituloy pa ang kanilang aktibidades na pagpuputa. Lahat ay masaya na natapos na ang kanilang kalbaryo sa pagbebenta ng katawan. Lahat ay nagpaplanong bumalik sa normal na buhay, lalo na at may malalaki silang mga naipon mula sa kanilang mga kinita noong gumagana pa ang agency.
Habang umuuwi galing sa sementeryo ay napansin ni Chino na malamlam ang hitsura ni Jaypee.
“Okay ka lang, pare?” pangungumusta niya rito.
Bumuntong-hininga ang lalaki, “tatlo lang ang naging kliyente ko bago namatay si Sir Andres. Hindi naman ako katulad ng iba na makakapag-pundar ng business. Hindi ko na natapos ‘yung criminology ko. For sure FA na ako. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa magulang ko kung bakit nawala ako.”
“Shit, oo nga,” nag-aalalang banggit niya.
Humikbi ito, “at higit sa lahat, shit, baboy na baboy na ang kalooban ko. Hindi ko alam kung maalis ko pa sa sistema ko ang pagkakaroon ng atraksyon sa lalaki. Magkakaroon pa ba ako ng maayos na relasyon pagkatapos nito.”
“Shit… Nakaka-guilty… Sorry sorry. Ako pa ‘yung nambinyag sa’yo,” paumanhin ni Chino.
Si Walter, na naroon din kasama nila ay nakisabat, “Jaypee, isipin mo na lang na at least may babalikan kang magulang. Ako tuluyan na talaga nilang inabandona. Lahat tayo, hindi ginustong mapunta rito. At lahat tayo, bubuoin pa ang sarili natin pagkatapos ng pagkasira natin dito. Ituloy mo ang pag-aaral mo. Maghahanap tayo ng dahilan para sabihin sa magulang mo. Pero hindi dito matatapos ang buhay mo.”
Ngumiti si Jaypee, “salamat. Salamat mga Kuya.”
Nang lumayo si Jaypee, si Benjie naman ang lumapit sa kanilang dalawa.
“Hindi pa rin ako makapaniwala. Finally, makakauwi na ‘ko,” masayang huni ni Benjie, “hindi ko pa alam kung ano ang plano ko pagkatapos nito. Siguro, mag-negosyo ako ng KTV bar. O kaya massage spa! Hahaha!”
Nagsalubong ang kilay ni Chino, “aba… Tapos may extra service? ‘Yan ka eh. Imbis na grumaduate ka na sa pag-e-escort.”
“Hoy, gago hindi ah,” pagtanggi nito, “saka… Kahit mahirap ititigil ko itong kabaklaan na nararamdaman ko ngayon na wala na ang agency. Gusto ko magkaroon ng matinong pamilya. Eh, kayo ba? Kayo pa rin? Saka ano’ng balak niyo pagkatapos nito?”
Nagkatinginan silang magnobyo.
“Ang dami pa masyadong nangyayari. Namatay si Jacob. Namatay si Sir Andres. Tapos wala na ang agency. Biglang bagong buhay. Kailangan siguro ng masinsinang usapan ‘to,” paliwanag ni Walter.
Nagtataka man sa naging tugon ay sumegunda si Chino. “Oo. Mukhang matinding planning ang gagawin namin."
——————————————————————————
Dalawang araw pagkatapos ng libing ni Sir Andres ay tumungo si Chino sa condo unit ni Jacob. Pinangako kasi ni Walter sa pamilya ng yumaong kaibigan na aayusin ang mga gamit nito at ipapadala sa bahay nito. Nag-volunteer siyang tumulong sa pagsisinop. Dahil masmalapit siya sa unit ng kaibigan, ay siya na ang naunang pumasok roon nang umagang iyon.
Inayos ni Chino ang mga kapakipakinabang na gamit ni Jacob. Karamihan sa mga iyon ay mga damit at furniture. Nagulat si Chino nang makita ang isang malaking box na gawa sa orocan. May nakapatong doon na papel na nakasulat na, “FOR CHINO.” Agad niyang binuksan ang tupperware at nakitang mga gamit pangluto ang naroon. Nagtaka naman siya kung bakit naman nito ibibigay sa kanya ang mga iyon gayong alam nitong hindi naman siya nagluluto.
Nasagot ang mga katanungan niya nang makakita siya ng isang ring-binded na mga papel na may cover na: “Mga Pagkaing Aprub kay Chino.” Pagkabukas niya ay nabasa niya ang lahat ng recipe ng mga pagkaing niluto nito para sa kanya. Napangiti siya. Sa pinakalikod ay may sulat-kamay roon si Jacob. Binasa niya iyon.
Chino, kung nababasa mo ito, siguro may nangyari na sa akin. Pasensya na kung naging padalos-dalos ako sa desisyon ko na subukang itakas tayo sa agency. At dahil nababasa mo ito, siguro pumalpak ako. Hahaha. Pero sana, kung sakaling mabasa mo ito ay kunin mo ang laman ng box na ito, lalo na ‘yung book ng mga recipe na ginawa ko, na ikaw ang unang customer hehe. Hindi ko alam kung paano, pero sana… sana ikaw ang magtuloy ng pangarap ko na magka-restaurant kung sakaling makatakas ka. Chino salamat sa pagdating mo sa buhay ko. Salamat at kahit sa madidilim na moments ko sa agency, ay nariyan ka. Ikaw ang nagsilbing lakas at pag-asa ko. Sana lagi kang masaya. Para kahit nasaan man ako, masaya ako.
Nagpunas ng luha si Chino at napatingala. “Ikaw talaga Jacob. Kahit kailan. Puro ka sorpresa. Napakamapagbigay mo. Salamat kaibigan.”
Bumukas ang pintuan ng unit at pumasok na si Walter sa loob.
Tumayo si Chino at sinalubong ang nobyo ng halik. Tumugon naman ito ng halik.
Tumingin sa paligid si Walter, “mukhang marami-rami din pala siyang gamit na iso-sort out, ano?”
Tinuro niya ang tupperware, “oo nga eh, heto oh, meron din siyang mga pamana sa’kin.”
Natawa ito, “mahal na mahal ka talaga no’n.”
“Sabi nung broker, hanggang sa end of this month na lang daw ang binayad ng upa ng agency para sa atin… Magsisinop na rin tayo ng mga gamit natin,” pag-imporma niya sa kasintahan, “saan mo gusto tayong tumira mahal? Sa condo ulit? O bili na tayong bahay?”
Ngumiti si Walter nang maaliwalas, “wow, Mahal! Na-touch naman ako sa mga plano mo. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na makasama ka at mabuhay tayong parang mag-asawa sa isang bahay.”
Nagsalubong ang kilay niya, “teka teka… Ano’ng ibig sabihin ng sinabi mo na ‘yun?”
Humakbang palapit sa kanya ito at hinawakan at minasamasahe ang kanyang mga balikat at braso. “I think, kailangan na muna nating mag-usap nang masinsinan, Mahal. At gusto ko, buksan mo ang isip mo at puso mo sa mga sasabihin ko. Okay ba?”
Napalunok si Chino, “kinakabahan ako Mahal, pero sige. Makikinig ako.”
Bumuntong-hininga si Walter. “Una sa lahat Chino, gusto kong malaman mo, na sa kaibuturan ng puso ko, na mahal na mahal kita. Willing akong hamakin ang mundo para sa’yo, dahil pareho tayong lalaki at hindi payag ang mundo sa ganyan. Nangangarap ako na tumanda kasama ka. Nangangarap pa rin ako na makilala ka sa bawat araw na makasama ka. Nangangarap ako na araw-araw akong ma-love at first sight sa’yo. Pero…”
Napakamot siya ng ulo, “hayan na ‘yung pero…”
“Pero Chino… gusto ko ring isipin mo, na importante para sa’yo at sa akin itong paglaya natin mula sa agency. Mahal, alam mo kung paano ninakaw ni Sir Andres ang mga kaluluwa natin sa mundo nung kinulong niya tayo dito. Dinurog niya ang pagkatao natin. Inagawan niya tayo ng kalayaan. I think, understatement kung sasabihin kong, we lost ourselves, dahil talagang naglaho ang pagkatao natin sa mga panahong nandito tayo. Hindi tayo namuhay ng normal. Halos araw araw nating binigay ang sarili natin sa kung sino-sino. At higit sa lahat, kinalimutan natin ang lahat ng pinangarap natin para sa ating mga sarili.”
Napasinghap siya. Totoo ang sinabi ng kanyang kasintahan.
Hinawakan ni Walter ang kanyang mukha, “at ikaw Chino. Ikaw ang naging ilaw ko sa napakadilim na yugto ng buhay ko na ‘yon. Oo, dumating si Luke, pero lalo lang akong nadurog nung namatay siya. Sa’yo ako nakahanap ng tapang. At sa’yo ako nakahanap ng pag-asa.”
Napaluhang muli si Chino, “hayun naman pala, eh. Ikaw din ang liwanag ko, tapang ko saka pag-asa ko. Bakit hindi pa tayo magsama?”
“Dahil Chino, hindi pa ako tuluyang nakakatakas sa dilim. At ikaw din Chino. Kahit patay na si Sir Andres, hindi pa rin namamatay ang epekto niya sa pagkatao at buhay natin. At ayokong dumating ang panahon na hanggang sa huli, pag-sasaluhan natin ang pag-ibig na nabuo mula sa isang madilim na lugar,” mahinahong paliwanag nito.
“Walter… Teka…” sumamo ni Chino.
“Bago ako manghingi ng liwanag sa’yo, hahanapin ko muna ‘yung liwanag ko. Alam ko cliche ‘to pero… mahirap ibigay ang sarili ko sa isang tao, kung ako… hindi ako buo. Gusto ko pang pagyabungin ang sarili ko, para lalo kong mahalin ang sarili ko para masmabigay ko ang sarili ko sa’yo,” madamdaming sambit ni Walter.
Napakagat siya ng labi. “Putakte naman Walter. Ang galing mo naman magsalita eh. Hayan ka na naman, eh.”
Natawa ito, “pero… naiintindihan mo ba ‘ko, Mahal?”
“Oo Mahal. Klarong klaro. Tama ka. Nakalimutan kong may mga bagay akong binitawan para dito. Gusto ko ulit pulutin ang sarili ko,” tugon niya rito, “pero… ano ba ‘to? Tayo pa rin ba sa huli? Gaano tayo katagal maghahanapan ng sarili?”
“Ayokong magsalita ng tapos. Pero shit Chino. Gustong gustong gusto ko na ikaw ang sumalo sa akin kapag muli ko nang nakilala ang sarili ko,” nakangiting banggit nito, “pero nananalig ako. Na kung pinagbunggo tayo ng tadhana sa agency, siguradong mahahanap natin ang isa’t isa. Kapag handa na ako, pangako, magpapahanap ako sa’yo.”
Niyakap niya ang lalaki at binuhos niya ang luha sa balikat nito. “Walter… Nalulungkot ako… Ang tapang ko, pero ang hina ko din pagdating sa’yo.”
Natawa ito na nahihikbi, “tangina naman Chino. Ang barumbado mo lagi, kahit kay Sir Andres, pero laking bulas mo rin palang iyakin.”
Umangat siya at nagpunas ng luha habang tumatawa din. “So… Pa’no na… Maghihiwalay na tayo?”
“Well, aayusin ko lang itong kay Jacob. Nakahanap na ako ng lilipatan. Nakahanda na rin ang gamit ko sa unit. Baka umalis na ako bukas,” sagot nito.
“Walangya ka talaga. Biglaan naman,” pagtatampo niya, “Walter… Paalam na ba talaga?"
“Hmmm… Wala bang pang-goodbye na labing labing?” sumamo ni Walter habang nakangisi.
Hindi niya sinagot ang lalaki bagkos ay niyapos ito at hinalikan ng malalim, matagal at madamdamin. Pinatahimik ng paglapat ng kanilang mga labi ang mga hikbi ng kalungkutan. Sa gitna ng laplapan nilang iyon ay sine-celebrate nila ang tapang ng kanilang mga puso sa mapanganib na relasyon, at sa kabilang banda ay pinagsasaluhan nila ang pag-asang muli silang magsasama kapag maayos na ang kanilang mga sarili.
Hindi nagtagal ay kapwa na silang hubad. Hiniga ni Chino ang nobyo sa kama. Hinalikan niya ang mukha nito. Brinocha ang buong katawan nito. Gumulong sila at si Walter naman ang rumomansa nang ito naman ang nagpaimbabaw. Tila kinabisado nila pareho ang bawat hugis at kurba ng kanyakanyang katawan at itinatak iyon sa kanikanilang mga memorya.
Sinubo ni Walter ang kanyang kaangkinan. Napapikit siya, habang pilit tinatandaan ang sensasyon ng ekspertong pagblowjob nito. Nakaangat ang mga kamay nito at dindaliri ang kanyang mga utong. Namimilipit siya sa sarap.
Nang makatagal ay nagbaligtaran sila. Kinabisado ng dila at lalamunan ni Chino ang hugis, haba at tigas ng tarugo ng kanyang nobyo. Inukit niya sa utak niya ang sensasyong dulot ng pagbangga ng ulo nito sa kanyang ngalangala. Umabot ang kanyang pagdila sa butas nito na kanya ring sinimulang fingerin.
Nang madama niya ang kahandaan ng kasintahan ay umikot siya at muling hinalikan ang mga labi nito. Nakuha ni Walter ang senyales. Buti na lamang may dalawang condom na natira sa beside table ni Jacob. Kinuha nito iyon at sinuot ng maigi sa kanyang burat bago ito upuan.
Napangiwi si Walter. Namanga si Chino sa ekspresyon ng mukha nito na mula sakit ay napalitan ng sarap habang inuupuan nito ang kanyang burat. Paulit ulit nitong tinawag ang kanyang pangalan gamit ang baritonong boses nito. Umangat ang mga kamay ni Chino at pinadulas sa hugis adonis na pawisang katawan ng lalaking nakasakay sa kanyang sandata.
Nang maramdaman niya na papalapit na ang rurok, agad na binuhat ni Chino ang lalaki upang mabunot at burat niya sa butas nito. Hiniga niya ang nobyo at pinaimbabawan ito. Habang niroromansa ang lalaki ay binuksan naman niya ang isa pang condom at sinuot sa alaga ng lalaking nasa ilalim niya. Siya naman ang nagpasok ng burat nito sa kanyang lagusan. Hindi pa rin maiwasang masaktan siya sa entrada nito, ngunit sa huli ay mahahanap ng titi nito ang lugar na iyon sa kanyang kalooban upang siya ay pasarapin.
Hindi na niya ininda ang kainitan ng silid at ang pamamawis ng katawan. Binilisan ni Chino ang pagtaas-baba at hinusayan ang paggiling sa kaangkinan ng kanyang nobyo.
At ganoon din ang ginawa ni Walter. Naglakbay ang mga palad nito sa kanyang katawan na hinulma ng kadilimang nang-alipin sa kanila. Hinatak siya ng kasintahan pababa at muli siyang siniil nang halik.
“Chino… Chino ko… Mahal na mahal kita…” sambit nito habang may luhang tumatakas sa mga mata.
“Mahal na mahal din kita Walter… Mahal na mahal,” tugon niyang sumasabay sa ritmo ng kanyang pagsakay sa tarugo nito.
“Chino.”
“Walter.”
Umalingawngaw ang mga ungol ng sakit, sarap at pag-ibig sa silid na iyon.
Tinanggal ni Chino ang condom na nakasuot sa kanyang burat. Pagkatapos ng ilang minutong pagtama ng sandata ni Walter sa kanyang gspot ay bigla siyang napahiyaw ng, “fuuuuuck!” At kusang lumabas ang limang sirit ng tamod mula sa kanyang umaalog na titi. Kumalat ang puting likido sa katawan ng lalaking nasa ilalim niya.
“Heto na rin ako!” sigaw ni Walter habang inaangat siya at binubunot mula sa titi. Naghubad siya ng condom at nagsalsal. Nagpaputok iyon ng anim na beses. Sumama ang tamod nito sa nakakalat sa katawan nitong galing kay Chino.
Humiga si Chino sa tabi ng kasintahan, nilapag ang palad sa dibdib at nilarolaro ang tamod na naroon. Hinalikan niya ng masuyo ang nobyo.
“Oh yeah. Wala akong mahahanap na gano’ng sex sa ibang tao. Kaya kailangan mahanap kita pagkatapos kong mag-soul searching,” sabi ni Walter.
Kumindat si Chino, “mismo.”
Pinagsasaan pa nila ang isa’t isa sa ng dalawang beses pa. Bago tuluyang naghiwalay,
Pagkatapos nilang lisanin ang unit na iyon, ay hindi na sila nagkita o nag-usap pa.
Malungkot pero masaya pasapagwawaka mangmatindkalbaryo at pagkaalipin nila kay Sir Andres. Mamimiss ko ang isang Chino, Walter, Jacob, Benjie at iba pang security escorts! Open ending at alam ko da huli na muli magkikita sina Chino at Walter!
ReplyDeleteMaraming salamat jockwonderlust! The best ang sinulat mo.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteFeeling ko hindi katawan ni Sir Andres yung ilinibing. Baka buhay pa siya tapos nagpaplanong sirain ang buhay nina Chino, Walter at Benjie.
ReplyDelete-P E D R O
Wala pang wakas. May epilogue pa kaya?
ReplyDeleteAuthor! Epilogue ha! Gusto naming malaman ang mangyayari sa kanila after. Kung saan sila napadpad, kung naituloy ba nila yung mga pangarap nila, at kung nagkatuluyan si Walter at Chino.
ReplyDeleteSana may special chapter, kasi yung ending paranv sinasabi na wala talaga forever sa mga samme sex. Huhuh
ReplyDeleteHindi pa daw ito ang ending sabi ni Jock sa twitter account niya. May 3 chapters pang natitira. ~james
ReplyDeletesalamat sa stories!
ReplyDeletemore to coooome...