ANG IMBITASYON SA SUCCESS STUDIES
Nagsimula ang lahat sa isang email na natanggap ni Royce noong enrollment period:
Dear Mr. Royce James Viterbo,
You have been automatically enrolled to the elective class, “Success Studies.” First meeting is on Tuesday, 1:00 to 4:00 p.m. Room 1211 West Building.
This is a special class, exclusive to those I have handpicked. You also have to make sure that you do not tell this to anyone within or outside the university.
Consider it an honor to be chosen. You are now entering an accelerated path to success. True success.
Bring all of you. If you don’t show up on Tuesday, I will give your slot to someone else.
Sincerely,
Prof. CV
“BLAG!”
Napa-igkas ang katawan ni Royce. Mabilis na umangat ang dibdib niya, parang may granadang sumabog sa tabi. Hindi pala granada: bola ng volleyball na tumalbog mula sa kabilang court, dumulas sa sahig at huminto sa mismong paanan niya.
“Putangina, Royce!” boses ni Coach Sherr, baritono at galit, umalingawngaw sa buong gym. “Kanina ka pa nakatunganga!”
Nagkamot si Royce ng batok, ramdam ang init ng hiya at ang lagitik ng tibok ng puso. “Sorry, Coach. Na-out of focus lang,” sagot niya, mabilis na tumayo at muling in-assume ang depensa. Nag-clasp ang mga palad, handa kung muling raragasa ang bola.
Lumapit ang team captain, si Chaucer Sanchez—matangkad, moreno, ahletic muscular ang built. Tinapik siya nito sa balikat. “Ayos ka lang, Royce?”
“Yeah, oo. May… naisip lang,” sabay tango ni Royce, pilit na ngumiti.
Alas-siete ng umaga. Dapat rest day niya, pero Martes ngayon at isa ito sa regular na practice sessions. Sa totoo lang, wala siyang dahilan para mag-skip; varsity ang buong buhay niya, at ang athletics office na ang bahala sa schedule, scholarship, at enrollment. Pero iba ang bigat ng umagang ito. Ang email na iyon, ang lihim na imbitasyon na biglang naglaho nang i-minimize niya kanina. Lalo tuloy siya naintriga at kinabahan sa kung anuman ang sinasaad doon. Parang may bigat ang bawat linya, parang hindi lang basta klase. Parang utos.
Habang nagpapakundisyon sa sunod-sunod na drills, hindi pa rin siya makapagpokus. Sanay na siya sa pawis, sa pwersa ng bola na bumabayo sa braso, sa pag-slide sa sahig. Pero iba ang ugong ng utak niya ngayon.
Hindi naman niya tunay na priority ang volleyball. Nasa pamilya nila ang basketball—tatay, mga tito, mga kuya sa PBA at UAAP, pati ang ate niyang nasa Vietnam na citizen na doon at parte na ng women’s olympic team. Hindi siya naging kasing-tangkad o kasing-galing ng mga kasabayan niya. Nag-tryout siya dati sa university team, muntik nang makuha, pero naunahan ng mas maliksi at mas mataas ang talon. Hindi man obvious, pero alam niyang nadismaya ang kanyang angkan.
Kaya nang alukin siya ng volleyball varsity slot, tinanggap niya. Scholarship din iyon; bawas gastos para sa pamilya. Pero kung tatanungin siya, hindi ito ang puso niya. Tatlong taon na siyang naglalaro, at ang limang taong playing eligibility ay parang obligasyon na lang.
Natapos ang practice na parang wala siya roon.
Pagka-cool-down, isa-isa nang nagsipuntahan ang mga kakampi sa shower room. Si Royce, bitbit ang tuwalya at toiletries, sumunod na rin.
Matapos ang mahabang buhos ng tubig, tumigil siya sa tapat ng salamin habang pinapatuyo ang buhok. Malapad ang balikat, matikas ang panga, at malinaw ang bawat guhit ng abs, na hinugis ng taon ng sports drills at weights. Guwapo rin ang kanyang mukha: para siyang chinito at mas batang bersyon ni Paulo Avelino. Hindi naman niya masyadong pinagmamalaki, pero alam niyang maayos ang tindig at porma. Pati na rin ang laki ng kanyang kargada. ilang beses nang nasabi iyon ng mga babaeng nakasama niya.
Habang sinusuklay ng mga daliri ang basa pa ring buhok, lumapit ang isang kabarkada.
“Pare, halika. Mall tayo. Lunch. Libre pa ‘yung buong hapon,” anyaya nito, nakangisi habang tinutuyo ang buhok.
Tumingin si Royce sa orasan. Lagpas alas dose na. Kung sasama siya, baka hindi na siya umabot sa ala-una. Baka iyon na ang sign, naisip niya. Tatlong unit lang naman iyon, at hindi niya rin naman pinili ang klase. Maaaring pahinga ang mas kailangan niya.
Nag-thumbs-up siya. “Sige. Text niyo kung saan kayo. Kung makakahabol ako, susunod ako.”
Nag-apir sila bago pumasok ang kaibigan sa shower cubicle. Nanatili si Royce sa tapat ng salamin, pinagmamasdan ang sariling repleksiyon, parang sinusubukang basahin ang mukha kung anong desisyon ang mas tama.
Biglang may boses sa likod niya. “Oh. May pasok ka ngayon, ‘di ba? Bakit narinig ko na pupunta ka sa mall?”
Napalingon si Royce. Si Chaucer, ang kapitan, bagong ligong nakatapis. Kumunot ang noo ni Royce. “Ha? Paano mong nalaman na may klase ako ngayon?” Hindi niya naman binanggit sa kahit sino ang misteryosong email.
Ngumiti si Chaucer, pinupunasan ang patak ng tubig sa morenong balat. “Nakapasok ka kay Prof. C.V., hindi ba? Success Studies?”
“Uh… oo. Pero paano mo—”
Tumango ang kapitan. “Parte ako ng class niya last year. Highly recommended. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, Royce.”
“Ano’ng meron doon?” usisa ni Royce.
Tinapik lang ni Chaucer ang balikat niya. “Mas maganda kung sa klase mo mismo malaman. Excited ako para sa ’yo.” At umalis na ito, iniwan siyang nakatitig sa repleksiyon.
Hindi man buo ang puso ni Royce sa volleyball, mataas ang respeto niya sa kapitan—presidente ng student athletics association at kinikilala sa buong unibersidad. Kung sinasabi nitong espesyal ang klase, malamang may bigat nga ito.
Huminga nang malalim si Royce. Siguro nga dapat puntahan ko ang Success Studies. Kung anuman iyon.
——————————————————————————
Nag-rain check si Royce sa mga kakoponan na magtatanghalian sa mall at dumiretso sa campus cafeteria. Mabilis ang galaw niya: isang high-protein sandwich, dalawang higop ng yakult lemonade, tapos ay diretso sa west building. Limang minuto bago mag-ala-una, humahangos na siyang papasok ng elevator, sakto sa paglapit ng mabigat na pinto.
“Wait, wait!” Pinigil niya ang pagsara at dumulas sa loob.
Narinig niya ang mababang pag-ungol ng inis mula sa isang sulok. Nang sulyapan kung sino, napasinghal din siya: si Hansel Bantilan.
Kilala ang pangalan at presensiya nito sa buong unibersidad—double degree sa Financial Engineering at Philosophy, champion debater, laging nasa Dean’s List, at guwapong campus figure na parang laging galing sa magazine shoot. Ayos ang maitim na buhok, matalas ang panga, at tan ang makinis na kutis. Hapít ang collared shirt at denim, kaya’t lantad ang disiplina sa gym.
Pero sa isip ni Royce, hindi ito basta “kilalang estudyante” lang. May kasaysayan silang dalawa.
Ngunit hindi maganda ang mga naunang interaksyon ni Royce at Hansel. Nagkasama sila sa isang GenEd class noong first year pa lang sila. Mayroon silang niligawang babae. Si Hansel ang sinagot dahil kahit pareho naman silang guwapo at matipuno, mas matalino at academic ito. Isa pang kinaiinisan ni Royce sa lalaki ay heto ang kumuha ng huling slot sa basketball team. Halos pareho naman sila ng husay ayun lang mas nakuha ito dahil mas mataas ito ng dalawang pulgada sa kanya.
Ang kinaiinis pa lalo ni Royce ay ang babaeng naging girlfriend nito ay iniwan din nito matapos ang isang taon. At matapos ang sophomore year, nag-quit na rin si Hansel sa basketball team para magpokus sa mga akademikong bagay. Nanghinayang siya sa mga nakuha nito sa kanya na hindi naman nito hinawakan nang matagal.
Hindi naman sila magkaaway na nagbabangayan o nagbugbugan. Pero dahil sa mga karanasan nilang dalawa sa isa't-isa ay may quiet animosity sila. Panay masamang tingin at mga inis na ungot lang ang kanilang ginagawad sa tuwing matatadhana silang magkikita sa campus, na hindi naman madalas mangyari simula nang matapos ang nag-iisang GenEd class.
Isa-isa ring bumaba ang ibang sakay—ikalima, ikapito, ikawalo, ikasampu—hanggang silang dalawa na lang ang naiwan. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalong lumilinaw kay Royce ang suspetsa: Putang-ina. Magkaklase na naman yata kami nito.
At sa iritadong ekspresyon ni Hansel, halatang pareho ang kutob nito.
Pagbukas ng pinto sa ika-12 palapag, si Royce ang unang lumabas. Sumunod din si Hansel, parehong tahimik ang hakbang.
Hindi pa nakakatungtong si Royce sa floor na iyon noon. Museo ang dating. Maluluwang na pasilyo, malamig na hangin mula sa air-con, at mga art piece na puro anyong lalaki: bronze na mga hubad na rebulto, ang ilan ay buhat ang mabibigat na bato o busog at palaso; sa mga dingding, mga painting ng lalaking nakikipagbuno, mga katawan na parang sinadya para ipakita ang bawat litid at masel. Ang bawat yapak niya ay kumakalansing sa sahig na marmol.
Hinahanap niya ang room 1211 at natagpuan ito sa dulo ng hallway. Maliit ang pinto, parang silid-pulong lang.
Pagpasok niya, bumungad ang isang pabilog na mesa na may apat pang kabataang naroon—magkakaiba ang itsura, parang sinadya ang pagkaka-halo ng mga personalidad.
Sumunod pumasok si Hansel. Tama ang hinala: magkaklase nga sila.
“Tayo lang? Ang liit ng class… at ng room,” malakas na komento ni Hansel bago umupo.
Si Royce naman ay umikot sa kabilang gilid, sinadyang hindi tumapat o tumabi. Katabi niya ang isang lalaking sing-tangkad niya, nakasalamin at puno ng pimple ang pisngi. Medyo nakayuko ang likod, para bang laging nagmamadali ang mundo.
Mahiyain ang ngiti ng lalaki. “Ah, dito ka rin, sir? Success Studies?” garalgal ang boses.
“Oo, ano bang meron dito?” sagot ni Royce, bahagyang nag-uunat ng balikat.
“Hindi ko rin alam, eh. May nakuha lang akong email. Nagtanong lang ako baka alam mo, sir,” patuloy nito.
Kumunot ang noo ni Royce at napatawa nang kaunti. “Hoy, huwag mo akong i-sir. Hindi ako teacher. Royce na lang tawag mo.”
“A-ah, Panfilo De Guzman ang name ko,” sagot ng binata. “Panfil na lang.”
Nagpatuloy pa sana ang maliit na usapan, ngunit biglang bumukas ang pinto. Sakto ala-una ng hapon.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang presensiyang agad nagpalamig at nagpatigil sa buong silid. Isang malaking bulto, middle aged.
Suot nito ang isang charcoal-gray na sports jacket na bahagyang bukas ang harap, kaya’t litaw ang hugis ng malapad na dibdib at matatag na balikat. Ang puting dress shirt sa loob ay nakabukas ang unang dalawang butones, sapat para magbigay-silip sa matipunong leeg at mga litid na halatang hinubog ng workout. Ang dark-slim chinos ay akma sa hugis ng hita, at ang makintab na brown leather brogues ay kumikislap sa ilaw ng LED panel. Sa kaliwang kamay ay isang minimalist na relo, itim ang strap, na lalo pang nagbigay ng impresyong maingat at eksakto ang bawat kilos. Sa kanang balikat naman nakasabit ang isang deep-brown leather messenger bag na may simpleng metal hardware.
Malinis ang gupit—classic taper na may bahagyang wave—at may manipis ngunit maayos na balbas na nagbibigay ng balanseng timpla ng karunungan at pagkamaskulado. May suot na bilugang eyeglasses na nagpapakita ng pagiging intelihente at malalim. Hindi lang ang itsura ang nakahihikayat, kundi ang mismong tindig: matikas ang likod at diretso ang tayo.
Walang nakapagsalita. Parang awtomatikong tumuon ang anim na estudyante sa harapan, kung saan naroon ang malaking glass board at ang LED screen. Hindi iyon tipikal na classroom: pabilog ang mesa, modernong upuan, at may podium sa gilid na karaniwang nakalaan para sa mga opisyal o mga matataas na pagpupulong.
Umalingawngaw ang malalim at baritonong boses ng lalaki habang hinuhubad ang strap ng bag.
“Good afternoon, men. I am Professor Amadeo Contraverde. You can call me Prof. CV. And welcome to my class.”
Tahimik pa rin ang silid nang bumaling ang propesor sa glass board at nagsulat gamit ang asul na marker:
How Men Become Successful.
Pagharap niya, nakatukod ang dalawang palad sa mesa. Isang matalim na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha—hindi pambata, kundi ngiti ng isang taong sanay mag-utos at masanay ding masunod.
“You guys are lucky,” aniya, malamig ngunit buo ang tono. “If you engage intelligently, consider yourselves… successful.”
“I'm forty-five years old,” panimula ni Prof. Contraverde (na may hitsurang papasa sa 30s), mababa at buo ang tinig. “MBA from Cornell. PhD from Berkeley. I consult for multinationals, own three start-ups, and hold equity in several major companies.”
Hindi pagyayabang ang dating; parang nagbibilang lang ng katotohanan. Inayos niya ang leather messenger bag sa tabi ng mesa at muling tumingin sa kanila. “I’m an alumnus of this university, son of one of its founding families. Once a year I teach this elective as my way of giving back.”
Gumalaw ang ulo nito, kanan pakaliwa, tila sinusukat ang bawat mukha. “For fifteen years I’ve handpicked every class. Only once a year. Everyone who finishes goes on to succeed in his field. Everyone.”
Kinuha ni Prof. CV ang ilang papel mula sa kanyang bag at isa-isa silang tinawag. Tumayo ang bawat estudyante para tanggapin ang pahina.
“Hansel Bantilan. Panfilo De Guzman. Agusto Mari Romualdez. Pender Adam Santo. Zim Uayao. Royce James Viterbo.”
Kumunot ang noo ni Royce nang mabasa ang dokumento.
“Non-disclosure agreement?” tanong ni Hansel, bahagyang nakataas ang kilay.
“I’m still shaping this year’s syllabus,” mahinahong sagot ng propesor. “I tailor it to each class. This is the first step.”
“Ang shady naman ng klase na ’to,” singit ni Hansel. “Ano ba talaga ang gagawin dito?”
Tahimik na lumapit si Prof. CV, tuwid ang tindig, ang presensya’y mabigat na parang kuryenteng dumaloy sa silid. Ramdam ni Royce ang tensyon—pati si Hansel, na laging may kumpiyansa, ay napatigil.
“Mr. Hansel Bantilan,” mababa at mariing wika ng propesor, “this is your first lesson. Things are shady for a reason. Secrets are the most powerful resource a man can have. When you are immersed in secrets, your instincts awaken. Your mind, your spirit—sharpened. There is a time for information. Regulate your emotions.”
Napalunok si Hansel, pero hindi iniwas ang tingin.
Kusang gumalaw ang kamay ni Royce; pinirmahan niya ang NDA at pinilas ang reply slip. Isa-isa ring sumunod ang iba.
“Ano po ang QR code sa ilalim?” tanong ni Panfil.
“It links to essays by former students. Each of you gets a different passer,” paliwanag ni Prof. CV. “Read it before midnight. At 12.01am, wala na 'yan. It can’t be downloaded. We’ll discuss it Thursday.”
Isinukbit ng propesor ang leather messenger bag, tumingin nang mabilis sa paligid, at nagwika, “Class dismissed. Same time, same place.”
Tapos ay lumabas na ang maskuladong imahe nito mula sa silid, nag-iwan ng kakaibang kilabot sa maliit na espasyong iyon.
——————————————————————————
Alas onse ng gabi. Tahimik ang paligid ng condo na inuupahan ni Royce, isang maliit na one-bedroom unit malapit sa unibersidad. Katatapos lang niyang maligo. Amoy pa ng sabon at malamig na tubig ang balat niya, at nakahiga na siya sa kama, nakasuot lamang ng maluwag na boxer shorts. Nakapatay na ang ilaw, tanging lampshade na malapit sa nightstand ang bukas, nagkakalat ng malambot na kulay dilaw na liwanag sa kwarto. Tahimik ang aircon, humuhuni lang ang banayad na ugong nito.
Habang nakahiga, bigla niyang naalala ang assignment ni Prof. CV. Napalunok siya. Medyo weird, totoo lang. Essay daw ng dating estudyante. At hindi puwedeng i-download, hanggang alas-dose lang ng hatinggabi. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, pero kinuha niya ang iPad mula sa nightstand, binuksan ang camera, at in-scan ang QR code na nakalagay sa papel na pinirmahan niya kanina.
Mabilis na nag-load ang isang PDF file. Bumungad sa screen ang pamagat:
“My Successful Ride with the Donor” – by Chaucer Sanchez
Napaupo siya agad. Para siyang napaso sa nakita. Chaucer Sanchez. Ang captain nila. Ang lalaking ilang oras lang ang nakalipas ay kasama niya sa gym, nagbibigay ng diretsong payo, kinikilalang huwaran ng buong koponan. At ngayon, hawak niya sa kamay ang isang personal na sanaysay nito.
Huminga siya nang malalim. Naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib, parang hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ituloy. Pero unti-unti rin siyang kinain ng kuryusidad. Gusto niyang malaman. Bakit ito ang ipinabasa ni Prof. CV? Ano ang koneksyon nito sa klase?
Pinindot niya ang screen. At nagsimula siyang magbasa.
Ang Sanaysay ni Chaucer
“My mission: Kailangan kong mapalapit sa isa sa pinakamalaking donors ng unibersidad. Middle-aged, mayamang negosyante, at kilalang malapit sa mga board members. Alam kong may asawa siyang naghihintay sa hotel ballroom, para sa isang charity dinner. Pero ang atensyon niya ay akin.”
Nabasa ni Royce ang bawat salita. Ang estilo ng pagkakasulat ni Chaucer ay diretsahan, detalyado. Hindi niya alam na may pagka-makata pala ito. Natutunan kaya nito iyon sa Success Studies?
“Ilang minuto bago siya bumaba ng limousine, tinitigan ko siya mula sa sidewalk. Nakaputing long-sleeved ako noon, at fitting na slacks, pero sa loob ay may suot akong jockstrap na puti. Mabaho pa mula sa practice namin kanina. Alam kong iyon ang gusto niya. At gusto ko rin naman. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, at ramdam ko rin ang titig niyang hindi makawala. Nakasalubong kami ng mga mata. Alam kong tapos na ang laban bago pa man magsimula.”
Naramdaman ni Royce ang panginginig ng kamay habang hinahagod pababa ang screen. Namamawis na siya kahit malamig ang aircon.
“Pagpasok niya sa hotel, imbes na dumiretso sa ballroom, dumaan siya muna sa limousine. Pumasok ako sa loob kasabay niya. Tahimik sa loob, malamlam ang ilaw. Naupo siya sa leather seat, at ako ay dumulas palapit. Hindi na ako nag-aksaya ng salita. Hinubad ko ang polo shirt ko. Ang dibdib ko, pawisan, kumikintab. Tinitigan niya iyon. Tangina. Ang hayok ng titig niya. Nakuha agad siya ng katawan ko.”
Sa puntong iyon, napakagat ng labi si Royce. Hindi niya alam kung bakit parang biglang bumigat ang dibdib niya, pero ayaw niyang tumigil sa pagbabasa.
“‘You’re impressive,’ bulong niya. Dumikit ako, ipinasok ang kamay ko sa kanyang blazer. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Hindi naman siya mataba. Hindi rin payat. Tama lang. Wala naman akong paki basta kailangan kong magapi ang makapangyarihang lalaking ito. Hinalikan ko ang leeg niya, ang panga, hanggang sa bibig. Nalasahan ko ang alak mula sa kanyang hininga, at ang kaba na hindi niya maitago. Gumanti siya, nanginginig ang kamay habang hawak ang bewang ko. At sa bawat ungol na lumalabas mula sa bibig niya, alam kong panalo na ako.”
Humigpit ang hawak ni Royce sa kanyang iPad. Naramdaman niya ang pagkulo ng dugo. Hindi niya maiwasan ang mag-imagine. Si Chaucer—ang matikas, brusko, guwapo nilang captain—nakasakay sa isang limousine, hinahalikan ang isang mayamang donor na may asawa.
Patuloy ang sanaysay:
“Tinanggal ko ang belt niya, binuksan ang zipper. Lumabas ang burat niyang mataba at matigas. Shit. Ang daming precum. At ako ang dahilan bakit siya naglalawa. Isinubo ko agad. Mainit, maalat, nanginginig ang dulo. Sinipsip ko nang marahas. Ang bawat hagod ng dila ko sa ilalim ng kanyang tarugo ay sinabayan ng sadyang sulyap ng mga mata ko sa kanya. At bawat impit niyang ‘uhhh’ at ‘fuck’ ay musika sa aking tainga. Damn. I had him. I owned him.”
Tumindi ang kaba ni Royce. Napahawak siya sa kanyang boxer shorts. Doon niya naramdaman na matigas na ang titi niya, bumubukol at halos kumawala.
“Hindi ko tinigilan hanggang sa magmakaawa siya. Sinasabunutan niya na ang buhok ko. Hinila niya ako pataas, pero hindi ako tumigil hangga’t hindi nanginginig ang kanyang hita. Nang tuluyan na siyang mabaliw sa sarap, saka ko lang itinigil. Pero hindi pa tapos ang performance. Tumalikod ako, at umupo sa kanyang kandungan. Basang basa na ang harapan ng puting jockstrap ko. Kumalat ang amoy sa loob ng limousine. Pinahiran ko ng laway ang puwetan ko, saka dahan-dahang inupuan ang burat niya.”
Napapikit si Royce. Ang imahen ng kapitan niyang nakaupo sa ibabaw ng mayamang donor, pinapasok ang sarili, ay hindi maalis sa isip niya.
“Dahan-dahan kong ginalaw ang balakang ko. Paikot. Paakyat. Pababa. Hinawakan ko ang ulo ng limousine para hindi umuga ang sasakyan. At sa bawat ulos niya, napakagat ako ng labi. ‘Shit… ohhh…’ ungol ko. Ramdam ko ang katas na tumutulo sa butas ko, habang sumasagad siya. Kingina. Heto ang sarap sa gspot. Tangina. Sige. At habang kinakantot niya ako, kusa akong nilabasan sa loob ng pouch ng jockstrap. Basang-basa, malagkit, kumakapit sa balat ko. Nang umabot siya sa sukdulan, bumulwak ang tamod niya sa loob ko. Mainit, malapot, punong-puno ang lagusan ko. At alam kong iyon ang sandaling nadali ko na siya.”
Napatigil si Royce sa pagbabasa. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Namamasa ang kanyang noo sa pawis. Humigpit ang boxer shorts niya, kumikislot ang matigas niyang ari.
“Putangina,” bulong niya, hindi alam kung kanino. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang huminto.
Bumalik siya sa huling talata:
"At bago ako lumabas. Bago siya umakyat sa charity event. Ako muna ang binigyan ng donasyon. Isang brown envelope na pinasok niya sa duffel bag ko. Tapos ay bumulong ako sa kanya, 'akin ka 'di ba? Akin 'yang burat mo?' Tapos nanginig siya at tumango. Masyado ko siyang nadali at mukhang naubusan ng lakas. Tinatago ko pa sa puwet ko tamod niya. Higit sa envelope na binigay niya, heto ang tanda ng successful venture ko. I can't wait to see you in class and tell you all about it, Prof CV."
Parang tinamaan ng kuryente ang buong katawan ni Royce. Hinawakan niya ang bukol niya sa ilalim ng boxer. Mainit. Mabigat. Malagkit na. Habang binabalikan niya ang bawat salita ng essay, unti-unti niyang binaba ang kamay, ipinasok sa loob ng tela, at sinimulan niyang salsalin ang sarili.
Sa isip niya, nakikita niya si Chaucer. Ang kanyang captain. Pawisan, matikas, pero nakasakay sa burat ng donor. Nakaputing jockstrap. Nakapikit sa sarap. Nagmumura ang mga muscles habang umiiyot at naka-frame ang katawan sa interior ng limousine, kino-control ang uga.
Tumitindi ang galaw ng kamay ni Royce. Laban na laban ang pandidiri at pagkahumaling. Parang gusto niyang isuka, pero hindi niya rin maitigil. Humihingal siya, bumibilis ang kanyang pagsalsal.
Hanggang sa sumapit siya sa rurok kasabay ng eksena sa essay. Nang labasan si Chaucer sa pouch ng jockstrap, doon din sumirit ang tamod ni Royce, malakas, mainit, kumalat sa tiyan niya at sa tela ng boxer. May umabot pa sa kanyang baba.
Bumagsak siya sa unan, hingal na hingal. Nanginginig ang katawan. Namumuo ang pawis sa dibdib at leeg.
Hindi niya alam kung ano ang mas malakas—ang pandidiri niya sa binasa, o ang hindi maitatangging libog at pagkamangha na dulot nito.
Nakatitig sa kisame si Royce. "Putangina! Ano ba'ng tinuturo sa klase na 'to?!"
--------------
If you want advanced access to ten more chapters of the latest tagalog full fiction story ahead of blog readers and get other perks such as weekly teasers and a feature in one #squirtershorts within the month, please subscribe to patreon.com/jockwonderlust. If you want to support me and my craft, please subscribe!

No comments:
Post a Comment