follow @kevinmallari123 on twitter and tumblr
PAANO MAKALIMOT SA ISANG MINAMAHAL
Paano ba makalimot sa isang minamahal? Yan ang paulit ulit na tanong ko sa aking sarili na hanggang ngaun di ko masagot. Sa ilang beses akong nagmahal hanggang ngaun hindi pa rin ako natututo. Pakiramdam ko tuloy masokista ako, yung tipong gusto kong nasasaktan, hay!… Pati mga kaibigan ko pagod na ring makinig sa paulit ulit kong kwento mula kay A hanggang V. Kay V na nagpaluha sakin ng sobra. Kay V na minahal ko higit pa sa buhay ko. Kay V kung saan umikot ang mundo ko. ngaun wala na si V iniwan na nya ako. ipinagpalit ako sa iba, kay S na mas higit daw sakin. Wala na yatang sasakit pa kapag narinig mo sa mahal mo na ipamuka sayo na hindi ka nya mahal, na may mas higit sayo, na wala kang kwento, sa madaling salita ipagmukha kang basahan. hmmm… anu bang kahulagan ng basahan? Basahan ay ilang piraso ng tela na pinagdikit dikit kadalasang pinampupunas sa dumi o kalat, nilalagay sa harap ng pinto para pagpunasan ng maduming paa, ginagamit din itong pampunas ng sahig. Kung ikukumpara sa tao ito ang pinaka mababang uri ng tao. Ito yung mga taong wala ng pag asa, desperado samakatuwid. yan ang narandaman ko kay v.
Isang buwan na rin ang nakalipas pero ramdam ko parin ang sakit. Minumulto ako ng mga salitang binitiwan nya, eto ang eksena PAK! pagkagising nya nakita nya hawak ko phone nya at sinabi ko ng alam ko na at tinawagan ko si s at sabi nya “ i hate you” tama ba yun? ako yung nasaktan tapos eto sinabi nya, “hindi mo ba naisip na masasaktan sya kasi gusto nya ko at gusto ko sya” WHAT!!! tama ba yun mas inisip nya pa mararamdaman ni s. WOW ha! para akong dinudurog ng mga oras na yun, daig ko pa yata ang bawang na dinurog sa almiris. Define Almiris ito ay gawa sa bato na na kadalasang ginagamit pang dik dik sa bawang o mani. Parang wala akong buto sa katawan ng mga oras na yun at nakuha ko pang mag makaawa at humingi ng atensyon, pero masyado syang matigas, mas inisip nya yung sasabihin at iisipin ni s sa kanya dahil sa pagtawag ko dito. Hindi pa sya nakuntento humirit pa, PAK! “umuwi kana at mag uusap pa kami ni s aayusin ko yung ginawa mong gulo” Gulo? tinawagan ko lang naman si s para liwanagin kung anung meron sila? gulo ba yun? parang ako pa yung lumabas na nanghimasok ng relasyon… hay! Sa loob ng isang buwan kabisado ko parin lahat ng eksena at kaya ko pa rin ikwento ng detalyado ang lahat ng nangyari kasama pati yung sakit na naramdaman ko.
Pagkaraan naming maghiwalay nagsimula akong makipagkilala sa iba pero pagkaraan kong makita ayaw ko na. At sa hindi inaasahang pagkakataon may ng-TEXT sakin alam nyo ba kung sino ito? hmp! si S si S na mas higit sakin, si S ang taong ipinalit sakin ni V. ng mga panahon na yun hindi ko alam kung anung pumasok sa utak ko at nakipagkita ako kay s pagkatapos ng inuman may nangyari. Isang pangyayari na hindi ko inaasahan at naulit pa ito, nangyari to dalawang linggo pagkaraan naming maghiwalay ni V. Mula ng pangalawang pagkikita namin ni S hindi na kami ngkausap at yun na ang huling beses kaming nagkita. Pagkatapos ng mag nangyari samin ni S akala ko ayos na ako, akala ko wala na akong pagmamahal kay V at akala ko nakaganti na ko ng hindi ko sinasadya. Lahat ng to akala ko lang kasi nung nakaran araw nalaman ko sa pinsan ni V na si C na mag-ON na si V at S.
Nasaktan ako at hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Tinawagan ko sya kinumusta ko at syempre nasaktan na naman ako at nakarinig na naman ng mga bagay na di ko na apat malaman pa, sabi nga nila “ the things that you don’t know wont hurt you” hay! sabi nya “mas ok kami, understanding sya” nasaktan ako promise… Isang malaking PAK! Ilang araw na din akong malungkot umaasa na matatagpuan ko ung taong magpapasaya sakin pero habang hinahanap ko lalong lumalayo. Gusto ko ng lumaya sa ganitong pakiramdam. Gusto ko ng mawala yung pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko din na maging masaya. ayoko ng masayang ang bawat minuto ng buhay ko sa pag iisip at pagyakap sa sakit ng dulot ng pagkawala nya sa buhay ko. Sa ngaun naguguluhan pa din ako, walang malinaw na direksyon. Sa totoo lang alam ko yung dapat kong gawin, nahihirapan lang akong sundin. Alam ko kelangan ko na syang kalimutan at matutong mabuhay ng wala sya dahil kahit anung gawin ko hindi na sya babalik sakin. Isa lang ang lagi kong dasal, sana matutuhan kong maging masaya para kay v sa pinili nyang buhay.
No comments:
Post a Comment