If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Saturday, June 18, 2016

Duplikado 2



Ikalawang Kabanata

IKALAWANG KABANATA: SAGUTAN

February 03, 2009 7:00 AM

Dali-daling lumabas si Jeremy ng bahay. Medyo may kalayuan pa kasi ang opisina niya. Kailangan niyang magmadali dahil ito ang unang araw niya sa kanyang bagong trabaho. Bawal siyang mahuli. Mag-bu-bus lang siya ngayon dahil sira ang kanyang sasakyan. Kinuha niya ang susi mula sa kanyang bulsa at kinandado ang pinto. Iniwan niya si Kuya Jerome sa loob. Natulog kasi yun sa kwarto nung naghahanda na ang nakababatang kambal. Mamaya pa ang lakad niya.

Matapos ikandado ni Jeremy ang pinto, nagumpisa na siyang maglakad. Pero napahinto siya sa tapat ng kanyang sasakyan. Nakita niyang basag ang windshield pati na rin ang mga bintana. Ito ang pinag-ugatan ng pagtatalo ng magkapatid ilang minuto lang ang nakakaraan.

30 minutes ago...

TOOT TOOT. TOOT TOOT. TOOT TOOT. TOOT TOOT.

Nagising ako mula sa masamang panaginip dahil sa ingay ng aking alarm clock.

Inabot ko ito mula sa aking side table. Dahil nakapikit pa ang isang mata ko ng mga sandaling yon, natabig ko ng di sadya. Nalaglag ang relo sa sahig. Potek! Baka nasira yon ah. Tinakpan ko ang mga mata ko matapos tumahimik ang alarm. Ang liwanag kasi. Nasisilaw ako. Gaya ng pagkasilaw ko sa aking panaginip.

Ilang minuto pa akong nasa ganung posisyon. Napanaginipan ko muli ang tagpong yon. Ilang gabi na ring yon ang panaginip ko. Sa totoo lang, bangungot ang turing ko don. Bakit ba yun paulit ulit?

Naramdaman kong basa ng pawis ang noo ko. Ang lamig. Bukol-bukol. Pinunasan ko yun gamit ang likod ng aking kamay. Doon ko natanto na naliligo na pala ako sa pawis. Basang-basa ang leeg ko pati na ang likod ko.

Bakit ganun? Ramdam na ramdam ko parin ang init? Nalalanghap ko parin ang amoy ng usok? Gising na ko pero parang totoong-totoo parin ang lahat. Para akong natutunaw.

San galing yung pakiramdam na yun?

Parang...

Parang may nakamasid.

May nakatitig.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. May tao ba? May nanonood sakin?

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Gusto kong alamin kung tama ba ang pakiramdam ko. Ang lakas ng dagundong ng puso ko.

Hayun, tama nga.

Muntik na ko mapasigaw sa gulat.

Si Kuya Jerome.

Pinanunood pala ako.

"Anak ng pusa naman, Kuya. Aatakihin ako sa puso sayo eh," gulat kong sabi. Binagsak ko ang ulo ko sa kama.

Nakatitig lang siya sakin. Nakaupo siya sa silya sa tabi ng pinto ng kwarto ko. Hindi sumagot.

"Kanina ka pa ba?"

"Tapos na."

"Ang alin?"

"Ang problema mo."

Anong problema kaya ang tinutukoy niya? Napaupo ako bigla.

"Sa susunod nga, Jeremy, matuto kang lumaban. Hindi sa lahat ng oras mapagtatanggol kita."

"Kuya, ano na namang ginawa mo?"

Ngisi lang ang isinagot niya.

"Kuya naman."

"Ginanti lang kita."

"Hindi nadadaan sa dahas ang lahat ng bagay."

"Yan, jan ka magaling. Kaya ka pinaglalaruan, gago."

"Eh wala naman akong mapapala kung gaganti ako diba?"

"Kaya ka nila dinadale. Dahil alam nilang wala kang gagawin."

"Ano bang dapat kong gawin?"

"Wag mo silang hayaang kayan-kayanin ka!"

"Eh hindi mo ko kagaya, Kuya!"

"Oo. Mabuti alam mo."

Suko na ko. Talo na naman ako.

"Pasalamat ka't nandito ako."

"Salamat! Masaya ka na?"

"Gago."

Di na ko sumagot. Tumayo na ko sa kama para maghanda.

No comments:

Post a Comment