If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Saturday, June 11, 2016

Duplikado 1


follow the author @darkoraven on twitter


Unang Kabanata

UNANG KABANATA: FLASHES

March 25, 1997 8:39 PM

Ang init.

"Nay!"

"Jerome! Jeremy!"

Ubo.

"Anak!"

Sinubukan ko sumigaw, pero walang boses na lumabas.

Liwanag.

Usok.

Sunog.

February 03, 2009 6:30 AM

TOOT TOOT. TOOT TOOT. TOOT TOOT. TOOT TOOT.

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.

Tinakpan ko ang mga mata ko matapos tumahimik ang alarm. Ang liwanag. Nasisilaw ako. Gaya ng pagkasilaw ko sa aking panaginip.

Naramdaman kong basa ng pawis ang noo ko. Pinunasan ko yun gamit ang likod ng aking kamay. Bakit ganun? Ramdam ko parin ang init? Nalalanghap ko parin ang amoy ng usok? Gising na ko pero...

Parang may nakamasid.

May nakatitig.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Gusto kong alamin kung tama ba ang pakiramdam ko.

Hayun, tama nga. Muntik na ko mapasigaw sa gulat.

Si Kuya. Pinanunood pala ako.

June 02, 2004 11:30 AM

"Jeremy, anak, sigurado kang magiging ok ka lang dito?" tanong sakin ni Nanay.

"Opo. Kaya ko 'to," sagot ko.

"Sige. Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka ha?"

"Opo."

Niyakap niya ako.

Ngayon lang ako hihiwalay sa poder nila.Ang bigat sa dibdib.

Malungkot.

February 02, 2009 11:58 PM

"Pare, maawa ka!" narinig ko ang sigaw ng lalaking hinahabol ko sa gitna ng dilim.

Natatawa ako.

"Tama na!" sigaw niya.

"Carding!"

"Pare! Tigilan na natin to," nagmamakaawa niyang sabi.

Dahan-dahan akong kumilos papalapit sa kanya.

"Asan ka ba?!?" sigaw niya.

Tunog lang ng mga kuliglig ang tanging ingay sa kapaligiran.

Hindi niya alam, nasa likuran niya ako.

"Carding," bulong ko sa kaniya.

Nanigas siya.

"Jerome..."

Yun lang ang tanging kumawala sa kanyang bibig.

May 23, 2005 3:17 PM

"Madilim."

"Nasang lugar ka?"

Iling lang ang sagot.

"Ikaw lang mag-isa?"

"Hindi."

"Sinong nandun?"

"Bata."

"Kilala mo ba?"

Tahimik.

Nakakabingi.

"Oo."

No comments:

Post a Comment