follow @kevinmallari123 at twitter and tumblr
[LAITERO]
Lumaki ako sa probinsya na ang libangan ng mga tao pagtuntong ng hapon ay tumatabay sa harap ng bahay. Pinaliligiran ako ng matatandang mahilig mamuna ng mga taong nag lalakad. Tulad ng pintasan ang suot, punahin ang estado ng buhay, at pati na usaping pulitika. Samut saring kwento, panghuhusga, pangungutya at tsismisan ng buhay ng may buhay ang kinagisnan ko. Isa tong bahagi ng buhay ko na may malaking kontribusyon sa kung ano ako ngaun.
Nuong nasa elemtarya ako isa lang akong taga masid sa usapan kumbaga sa laro saling pusa lang hanggang sa tumuntong ako ng highschool ay bahagya na akong bumabanat ng pintas at di ko namalayan bumabangka na ako. Kung minsan ako ang pasimuno ng kwentuhan sa labas ng bahay, unang namimintas sa kung anung suot ng daraan sa harap ng bahay o kahit anung maling mapapansin ko. Hindi ko alam ang yabang ko na pala, perpekto pala ako, ang linis ko pala. Sabi nga nila ang taong walang nakikitang mali sa sarili pero sa iba lahat ng mali ALAM. Naging matayog ang paglipad ko, hindi ng “career” kundi ng ugali kong nakakasuka. Ugaling hindi gusto ng iba. Ugaling mapagmataas, di papa api, at di magpapa isa. Pinangilagan ako, iniwasan at kinatakutan hanggang sa isang pangyayari na magpapabago ng takbo ng buhay ko. Na sa hinagap di ko naisip na mangyayari sakin. Tulad ng sabi nila minsan si BOSSING tururaan tyo ng leksyon sa paraan na tatamaan tyo ng matindi. Yung lalatay tulad ng pagpatalo satin ng magulang natin ng sinturon o tsinelas sa pwet. Dumating ang panahon na ako na ang pinag uusapan, ako na ang pinag tsitsimisan at ako na amg kinukutya. MASAKIT PALA. Napagtanto ko ang dami ko palang nasaktan, ang dami ko palang napa iyak at ang dami palang taong dapat sanay nakapagturo sakin ng tama na lumayo ng dahil din sa ugali ko. Sabi ng isang kanta “what goes around come around” o ng kasabihan na “basurang itinapon mo babalik sayo”. Bumalik na nga lahat ng itinapon ko. Naisip ko pano ko babaguhin ang systema. Magtatapon ba ulit ako o pag aralan ko yung tamang pagtatapon ng basura. Tulad ng pag sisinop nito, matutong magsala at itapon sa tamang basurahan. Tulad ng pagbibitaw ng salita. Kahit gaano ka ka prangka. Dapat may tinatawag pa din tyong “filter” Mag isip kung may masasaktan ba tyong tao lalo na yung taong mahalaga satin. Pwede ka rin tumahimik na lang pag wala kang magandang sasabihin di naman masama yun. Ang pagtahimik ay hindi isang sinyales ng pagiging duwag. Ito ay isang matalinong paraan. Paraan upang maka iwas sa sakit na maaaring maidulot sa iba. Hindi porket sinaktan ka dapat saktan mo din. Di ganyan ang tunay na buhay. Di mu kailangan ibaba ang iba para itaas ang sarili mo, tumuntong ka na lang sa silya.hehehe.. Sa dami ng narasan ko masasabi ko na kahit papano ngbago ako para sa ikakabuti ng pagkatao ko. Mas MAKATAO.
It was indeed a good story....Everyone has no right to judge other people by means of their look..Kilalanin mo muna bago ang lahat...Lahat ay may itinatagong kabutihan at kasamaan. Isipin natin kong sakaling tayo'y nasa kanilang pwesto. Ano ba ang maipipintas natin. Dapat tayo'y mapag tanto't mapagmatyag...Bawat galaw natin sa bawat inuto ay my pinahihiwatig. People isn't perfect . We all have flaws.
ReplyDelete