Follow the writer @kevinmallari123 on twitter
MAGNANAKAW
Sa mga oras na ito tanging telepono, kape at sigarilyo lang ang kaagapay ko. Ang oras na binabalot ako ng kalungkutan. Kalunglutan di ko alam kung saan ngmumula. Hinimay himay ko lahat ng ngyari sakin mula kagabi pag gising ko hanggang makarating ng opisina, makapagpatinggin ng ngipin hanggang sa bhay, mula sa bahay hanggang trinoma. Baka sakali masulusyunan ko ang pakiramdam na kumakain sa pagkatao ko. Pakiramdam ko ninanakaw nito ang oras ko na pwede akong maging masaya. Sa pagbaliktanaw ko sa mga nangyari wala naman nangyaring kaka iba maliban sa di pag rereply ng kaibigan ko sa mga mensahe ko mula linggo, ang pag uwi sa bagiuo ng isa ko pangkaibigan. Inisip ko maaring maka apekto ito sa estado ng emosyon ko pero hindi ganito. Sanay naman akong hindi nasasagot sa mga tanong ko, madalas naman akong mag isa, at nagagawa ko naman ang mga bagay bagay ng mag isa lang.
Limang taon na kong single dapat alam ko ng aliwin at libangin ang sarili ko sa mga panahong nalulungkot ako. Dapat natutunan ko na din kung pano maging masaya, yung kaligayahan na nagmumula sakin mismo hindi galing sa iba. Pero bakit sa pagkakataong ito parang ang hina-hina ko. Walang lakas harapin ang buhay.
Habang hinihitit ko amg sigarilyo at nakikinig ng musika iginagala ko ang mga mata ko sa paligid. Pinagmamasdan ang bawat pag kilos ng tao sa paligid ko. Sinusuri ang bawat senyas ng kamay, lakad, at bawat pag galaw ng labi ng mga naka upong nagkwekwentuhan. Iniisip ko anu kayang pinag uusapan nila. Masaya kaya yung kwentuhan nila, problema kaya?, o pinag uusapan lang nila mga artistang bading, nabuntis at nag aadik.
Sa di kalayuan ng mesang inuukupa ko nasilayang ko ang isang babaeng kapareho ko. Sigarilyo, kape at telepono lang ang kasama nya. Text, hitit ng yosi, higop ng kape, hitit ulit ng yosi, text paulit ulit lang. Hanggang sa napagod ako sa paulit ulit nyang ginagawa. Makalipas ang humigit kumulang na dalawang oras na pagtambay nagdesisyon akong maglakad lakad. Hanggang sa may nadaanan akong dalawang taong nagtatalo ang isa ay malumanay at isa naman ay kitang kita mo ang pang gagalaiti mula sa paglisik ng kanyang mga mata at tono ng boses. Di ko maiwasang pagmasdang ang mga pangyayari at may naalala akong mga katagang bitiwan sakin ng isang kaibigan “wala sa lakas ng boses, lisik ng mata, o ang direrediretsong salita para mapatunayan ang katwiran at sabihin ma ilaw ang tama. Kapag alam mong may punto ka sabihin mo ng kalmado. ” tama nga naman. Sa pagkakataong iyon parang gusto kong sabihin na kuya hindi bingi kausap mo, naiintindihan nya huwag mong isigaw. Mula sa pagtunganga ko, pagkakape, pagyoyosi, pagmamasid at paglalakad lakad ng ilang oras hindi ko nabago o naiwaksi ang kalungkutan na bumabalot sakin. Gayunpaman napagtanto ko na kung minsan pag wala ka nang magawa sa mga panahon na nalulungkot ka o namumroblema tanggapin mo na lang at umasang lilipas din ang kalunkutan. Tulad ng pagsikat ng araw, darating at darating ang paglubog nito. Sabi nga nila panapanahon lang. Kelangan mo pa din ngumiti hanggang sa di mo namamalayan na sa kabila ng kasinungalingan na ngiti unti unti itong maging makatotohanan.
No comments:
Post a Comment