ANG HILING NI GREG KAY MATTHEW
Nag-uusap sina Matthew at Greg sa isang gazebo sa school tungkol sa isang project nang may isang babae na dumating sa kanila.
Si Jeannie iyon, ang babaeng huling niligawan ni Matt.
“Ah, Matt,” tawag ng babae, “uhm, puwede ka bang makausap?”
Nagtinginan muna silang magkaibigan bago siya tumayo at nilapitan ang babae.
Bumuntong hininga ito, “ano’ng nangyare? Bakit bigla ka na lang nawala?”
Napalunok siya, “ahh… Wala na eh, hindi na rin ako nakahintay.” Hindi niya siyempre masabi na dahil naging busy siya sa pakikipag-sex niya sa kaibigan at sa Kuya niya.
Medyo naluha si Jeannie, “sorry ah. Nagpakipot pa ko. Gusto kasi talaga kita, eh. Balak na din talaga kitang sagutin,, kaso gusto lang kitang makilala lalo. Gusto ko lang talaga ng closure. Kaya nagtapang na kong magtanong sa’yo. Sabihin mo naman sa’kin if may mali sa’kin, o may mali ako’ng nagawa?”
Umiling siya, “hindi. Wala. Ako lang talaga. Hindi ako nakapaghintay nga.”
“Okay, ‘yun lang. Bye Matt.” Tapos ay umalis si Jeannie na humihikbi.
Bumalik siya sa harapan ni Greg at umupo. “Ang intense no’n.”
Ang kaibigan naman niya ay nag-aalalang nakatingin sa kanya.
“Pero ‘di ba sobrang in love ka sa kanya dati, saka gustong gusto mo siyang makasex?” usisa ni Greg, “hanggang ngayon ba naiisip mo pa siyang maka-sex?”
“Oo naman. Kapag may hubad na babae, siyempre tinitigasan pa rin ako,” pag-amin niya. Tapos ay bumulong, “I mean, okay ‘yung sa’ting dalawa, Parekoy. Pero siyempre, dating gigolo ‘tong kaibigan mo. Hindi na mawawala ‘yun sa’kin.”
Nagsalubong kilay nito, “may naka-sex ka bang babae simula nang may mangyari sa’tin?”
Lumunok siya. Minabuti na rin niyang magpakatotoo, “ah. Meron isang beses. Sa kotse. Si ano… Si Vea.”
Nanlaki mga mata nito, “pa’no nangyari ‘yon?”
“Eh, nasa practice ka no’n uuwi na ‘ko, tapos nakita ko siya. Tapos out of gentleman instinct, eh inaya ko sumabay kasi naulan. Traffic. And then, nagparamdam siya, eh… Medyo natigang ako sa babae, kaya ayun, pinatulan ko,” kuwento niya.
“Wow, kelan pa ‘yon?” anas nito.
“One month ago, ‘ata?”
“Wow, eh bakit ‘di mo sinabi sa’kin?” asar na tanong nito.
“Eh, ano. Hindi ko alam, bakit ba galit ka? Eh, wala ka namang paki no’n sa mga babae ‘ko ‘di ba?” banat niya.
“Ewan, mag-aral na lang tayo,” buwisit na tugon ni Greg habang tinutuloy ang sinusulat.
Hindi na sila nag-usap ni Matt hanggang sa dumating ang susunod na subject.
——————————————————————————
Pumasok sa bahay si Matthew ng gabing iyon. Bumili lang siya ng dinner nila sa labas. Nasa kuwarto niya si Greg. Tulad ng dati, sabay silang mag-aaral hanggang matapos, tapos ay magse-sex sila.
Dumirecho sa kuwarto si Matt at pinasok ang pagkain. “Kain na tayo, gutom na ‘ko!”
Napatigil siya nang makita ang madilim na ekspresyon ng mukha ni Greg habang nakatingin sa screen ng laptop niya. Tapos ay tumingala ito sa kanya, “sino ‘tong Melvin na ‘to?”
Napalunok siya, “ah. Ano ‘yan. Delivery boy.”
“Nag message kasi sa FB mo, eh. Sabi daw ipasok niya daw ulit dildo sa puwet mo,” sarkastikong sabi nito.
Napakagat labi lang siya at napatahimik. In-add siya ng kartero sa FB. Marahil ay na-search nito ang pangalan niya.
“So, ano ‘to? Pagkadeliver niya sa’yo ‘nung mga sex toy tinalo mo na agad?” galit na banggit nito, “grabe ka rin, ah. Lahat na lang pinapatulan mo. Sabihin mo lang sa’kin kung ilan pang babae at lalake ang nilandi mo?”
Dinuro niya ito, “hoy, gago ka Greg, ah. Nababastusan na ko sa bunganga mo. Ano ba’ng problema mo? Akala mo kung magsalita ka, hindi ka malibog? Hindi ba ikaw naman ang nag-open nitong ginagawa naten?”
“Oh, ibabalik mo na naman ‘yan. Ang akin lang, huwag kung kani-kanino ka pumapatol!”
“‘Yang Melvin lang naman na ‘yan saka si Vea ang nakasex ko na hindi mo alam. Eh, akala ko okay lang sa’yo kasi nag-sex na tayo nina Kuya. Tapos ikaw naka-sex mo tatay mo, ano’ng problema mo?”
“Iba Kuya mo saka Tatay ko, alam mo ‘yan.”
“Eh, ‘di makipag sex ka rin sa iba, kung gusto mo. Hindi naman kita pinipigilan! Bakit ka ba nagagalit? Kung makaasta ka diyan parang syota kita.”
Napitlag ang hininga ni Greg. Hindi siya agad nakasagot. Napapikit siya ng mata tapos sumambit ng, “aray…”
Tapos ay tumayo ang kaibigan niya at tinuktok ang sariling ulo habang naglalakad patungo sa isang gilid ng kuwarto at sinasabihan ang sarili, “Greg naman kasi, sabi ko na sa’yo… Walang patutunguhan ‘yang nararamdaman mo, tangina naman, oh.”
Nilapitan niya ito at pinigilan sa pananakit sa sarili, “hoy Greg, ano ba problema? Okay naman tayo a few days ago, tapos bigla kang nagkaganyan.”
Umupo itong muli sa kama at tumungo, “Matt… Kung ganyan na, gusto mo maglaro, okay lang ‘yan. Pero siguro, huwag na muna tayo magsama muna.”
“Ano?!” asar na bulalas ni Matthew, “tangina naman, ano na namang drama ‘yan Greg? Heto na naman tayo, oh.”
Tumingin si Greg sa kanya na mamasamamasa ang mga mata, “hindi ko alam, Matt eh. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan, ako pucha. Nagseselos ako sa tuwing iisipin na anytime, kapag may natripan ka, baka mag sex kayo.”
Tinabihan niya ito at inakbayan, “hindi naman ako gano’n. Ano ka ba? Higit ka naman sa mga ‘yun. Ikaw bestfriend ko, eh.”
Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya, “pa’no Matt, kung… maging higit pa sa bestfriend ang tingin ko sa’yo?”
Dumagundong ang kalooban ni Matthew sa pag-amin ng katropa. Hindi niya inaasahang tuluyan itong mahuhulog sa kanya. Hindi niya alam ang isasagot. Totoong mahalaga para sa kanya ang lalaki, at ito pa rin ang pinaka matalik na kaibigan niyang lalaki, pero hindi naman clear ang damdamin niya para dito.
Binitawan siya ni Greg at bumuntong-hininga, “sabi ko na nga ba. Walang patutunguhan ‘to. Sana pala hindi nag-level up feelings ko sa’yo.”
“Greg. Kaibigan pa rin naman kita. Ikaw ang pinakamatalik kong bestfriend,” sagot niya.
“Oo. Kaibigan mo naman ako habambuhay. Pero hindi lang pagkakaibigan at sex ang habol ko sa’yo ngayon,” tapos ay tumayo ito at tumungo sa gamit, “aalis na muna ako, Matt. Huwag na muna tayo mag-usap o magkita hanggang sa mawala na ‘tong kabaliwan ko sa’yo.”
“Greg, baka naman nabibigla ka lang. Kasi wala ka pa namang nagiging girlfriend, tapos ako pa ‘yung first sex mo. Baka naa-attach ka lang.”
Padaskol na lumingon ito sa kanya, “hindi naman kita pinipilit maniwala. Basta alam ko nararamdaman ko. Ang nakakalungkot, ako lang pala sa’ting dalawa ang nakakaramdam nito."
Pinanood lang ni Matt ang kaibigan habang tinutuloy ang pagliligpit.
Nang matapos ay tumungo si Greg sa pintuan na humihikbi. Hindi makapaniwala si Matt sa namamalas niya. Ang kaibigan niyang lalaki, na malaki at barako ay nagtatampo at nagpipigil ng iyak. Bago lumabas ng pintuan, tinitigan siya nito.
“Matt… I love you. As in mahal talaga. As in gusto ko maging boyfriend mo, pucha. Alam ko weird pero ‘yun ang totoo eh, napamahal na ‘ko sa’yo. Pero mukha namang ako lang nagseseryoso ng ginagawa natin. Matt, kung sa’yo pamparaos lang lahat, iba sa’kin. Pasensya ka na. Papalamig lang ako."
Tapos ay lumuluhang lumabas ang best friend niya ng kuwarto.
Halos sumabog ang dibdib ni Matthew sa natuklasan. Naiyak na rin siya.
——————————————————————————
“Kuya Bart…” bungad ni Matthew sa telepono nang tumawag sa kanya ang kapatid sa viber kinabukasan.
“Oh, bakit ganyan ang boses mo Bunsoy, parang malungkot ka?” sagot nito mula sa kabilang linya.
“Medyo may problema kasi, eh.”
“Oh ano? Saka bakit pala nag-leave si Greg sa chatroom natin sa FB?”
“‘Yun na nga ‘yung problema Kuya.”
“Oh, nag-away ba kayo?”
“Medyo. Eh, hindi ko alam eh. May naka-sex kasi ako na classmate namin na babae, tapos may naka-trip akong lalaki. Nagalit siya nung nalaman niya.”
“Nyek. Natural, eh boyfriend mo ‘yon.”
“Kuya, wala naman kaming usapan na gano’n. Hindi kami mag-boyfriend.”
“Ah? Hindi ba? Shet. Akala ko mag-boyfriend na kayo. Hindi ba?”
“Hindi. Eh, ayun nga. Sinabi niya na mahal niya ‘ko. Nagseselos daw.”
“Hahaha. Natural. Mukhang malakas nga tama sa’yo ng bestfriend mo na ‘yon.”
“Teka, Kuya, pa’no mo naman nasabing mag-boyfriend kami?”
“Ah? Eh lagi kayong magkasama. Ang sweet sweet niyo sa isa’t isa. I mean, nakikita ko kayo dati bago ako umalis dito. Ibang iba kayo since nagsimula kayong magsex. Hinahalikan niyo kong dalawa, pero iba kapag kayo ang naghahalikan at nagyayakapan, eh. May kilig eh. May emotional connection.”
Hindi nakasagot si Matthew. Umikot ang isip niya sa kung paano nagbago ang relasyon nilang magkaibigan simula nang natutunan nilang makipagtalik sa isa’t isa. Masmadalas na silang magkausap at magkasama. Mas naging tutok si Greg sa mga gawain niya sa school. Totoong nagpapakita ito ng lambing sa kanya. At maging siya ay higit pa sa mga babae niya ang pag-aalaga niya dito.
“Hoy, Matt. Andiyan ka pa?” tanong ng Kuya niya.
“Ah. Opo.”
“Bakit hindi mo nga ba siya boyfriend-in? Matino naman siyang tao. Hindi ka naman niya pinapahamak. Medyo wild lang siya makipag-sex pero I’m sure ‘yun ang gusto mo. Hindi naman siguro siya para pigilin ka makipagsex sa’kin.”
“Hmmm… Kaso, siyempre diyahe naman ‘yun. Nakakahiya naman magka-boyfriend.”
“Well, nagka-boyfriend ako ‘di ba? Okay, pero kailangang magtago talaga. Hindi ‘yan katulad ng girlfriend na pwede mong i-PDA sa park. Pero kung susumahin mo ang lahat ng inconvenience, walang wala siya sa sarap ng pakiramdam na may nagmamahal sa’yo na lalaki. Ang lalaki iba magmahal ‘yan. Feeling mo lagi kang protektado.”
“Kakayanin ko ba ‘yun?”
“Hindi ‘yan ang tanong eh. Ang tanong mahal mo din ba si Greg, na katulad ng sa kanya na higit pa sa kaibigan?”
“Hmm… In love na nga ba ako kay Greg?”
“Ikaw lang makakasagot niyan, Bunsoy.”
——————————————————————————
Gabi na sa university. Nakaupo lang si Matthew sa isang park bench sa school. Kung bakit siya nandoon, hindi niya alam. Tatlong araw na silang hiindi nagkikibuan ng best friend. Sobrang miss na miss na niya ito.
Madali lang naman sana ang solusyon. Na kausapin ito at sabihing pumapayag siyang makipag relasyon dito. Pero kilala niya ang sarili niya. Marupok siya sa tukso. Ang madalas na dahilan ng hiwalayan niya sa kanyang mga dating nobya at third party. Hindi niya kayang tantsahin ang sarili.
Higit pa doon ay pareho silang lalaki. Hindi naman katanggaptanggap ang kanilang magiging relasyon. Kung sakaling magiging sila ay kailangan nilang magtago. At siyempre magulo ang kinabukasan nila kung ganoon.
Pero iba si Greg sa lahat ng mga taong nakasalamuha niya. Sobrang importante para sa kanya ang kaibigan. Kaya masakit para sa kanya ang kasalukuyang nangyayari sa kanila.
Kaya lagi siyang tulala. Hindi pa siya makauwi. Gusto pa niyang magpaka-tameme sa lugar na iyon.
Naramdaman niyang lumangitngit ang kahoy na upuang inuupuan.
Napatingin siya sa gilid niya at nakitang may isang lalaki na umupo sa kabilang gilid ng bench. Guwapo ito at moreno. Base sa suot nitong hapit na school uniform ay halata niyang may katawan ito.
Ngumiti ang lalaki sa kanya, “good evening.”
“Good evening,” mahinang sagot niya. Hindi niya masabi kung lumalandi ang lalaking iyon sa kanya. Pero wala naman siyang pakialam. Sa sobrang lungkot ay wala na rin naman na siyang libido.
“May hinihintay ka?” usisa nito.
Umiling siya, “wala. Ikaw?”
“Meron.”
“Girlfriend mo?"
Ngumiti ito, “hmm. Parang gano’n.”
Tapos ay tumahimik sila.
“P’re, may problema ka ba?” tanong nito.
“Haha, meron,” sarkastikong natatawang pag-amin niya.
Umusog ito ng kaunti papalapit sa kanya, “heto, ah. Hindi kita kilala. Baka taga ibang college ka. Hindi mo rin ako kilala. Kung gusto mo ng objective na payo diyan sa problema mo, handa akong makinig.”
Kinunot niya ang noo, “huh? Nahihiya ako, eh. Medyo komplikado ‘to, eh.”
Nagkibit-balikat ito, “sus. Try mo lang.”
Bumuntong-hininga siya, “okay, pero atin atin lang ‘to, ah. As in wala kang pagsasabihan.”
Pasumpang tinaas nito ang kanang kamay, “pramis.”
“Hmm. Ganito kasi. Sabi sa akin ng bestfriend ko na mahal niya ako.”
“Oh, ano’ng problema? Hindi mo siya mahal?”
“Eh… Hindi ako sigurado. Importante siya sa’kin. Saka may nangyari na rin sa’min. Maraming beses na. Kaso hindi ako sigurado sa sarili ko. Gago ako, eh. Babaero ako. Ayaw ko siyang saktan… saka ano… saka… ano…”
“…ano?” usisa ng lalaki.
Nakapikit siya nang sumagot, “lalaki kasi ‘yung bestfriend ko na ‘yun.”
Walang tugon agad.
Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakitang nakanganga ang lalaking estranghero.
“Shit, sorry. Medyo off ba? Ayaw mo ba sa usapang bakla?” paumanhin niya.
Tapos ay humalak ang lalaki ng malakas. Sobrang lakas.
Nalito si Matt, “hala ano’ng nangyari?”
Tinapik nito ang balikat niya, “sorry, sorry. Na-amaze lang ako sa situation. Haha. Concidental masyado. Pero heto, p’re, ah! May sasabihin ako sa’yo, pero tangina huwag kang maingay. Papahunting kita kapag pinagsinabi mo.”
“Ano ‘yun?”
Nagpalabas ito ng malalim na hininga, “‘yung hinihintay ko ngayon, boyfriend ko ‘yun.”
Siya naman ang napanganga, “woooowww… Talaga? Hindi halata na… shit.”
Tumawa ito, “hehe. Kelangan magtago, eh. Alam mo naman.”
“Ah… Kumusta ang buhay may boyfriend?” siya naman ang lumapit dito dahil sa interes.
“Ahhh… Okay naman. Masaya. Kasi nagka-girlfriends din ako. Pinagsabay-sabay ko pa, katulad mo siguro. Pero pagdating sa kanya, iba ako. Sa kanya feeling ko buo ako ganyan. At siyempre, iba ang sex. Wild pero sweet. Alam mo ‘yon? Saka ayos kasi pwede mo maka-basketball, makasama sa gym, maka-video games ganyan. Alam niya mga manly needs mo. Saka nagkataong naka-jackpot ako ng sobrang sexy at bait na lalaki.”
Namangha si Matt sa kuwento nito. Sa loob niya, gusto niyang maranasan ang mga bagay na sinasabi nito.
Tinapik siya ulit nito, “tsong, huwag mo ‘kong gayahin, na nag-isip isip pa ‘ko bago ko sabihin na mahal ko rin siya. Sayang ang oras. Masarap na nae-express mo na mahal mo ang tao na mahal mo. Kasi alam mo, tsong, kahit ‘di ka pa nagkukuwento masyado, ramdam ko na mahal mo din siya. Madalas kasi, lalo na kung first time sa ganyang relasyon, tayo ang huling nakakahalata ng feelings natin. Pero pare, pramis. Sayang ang oras.”
Medyo naluha siya. Na-overwhelm siya sa naranasan niya. Maaaring hindi siya sigurado sa extent ng pagmamahal niya para kay Greg, pero gusto niyang ibigay ang lahat niya sa kaibigan. Pinunasan niya agad ang patak, “thank you, ah. Sobrang nakatulong.”
“Haha. Feeling ko, ‘yan ang dahilan bakit ako napaupo sa lugar na ‘to, para talaga masabi ko ‘yan sa’yo,” anito.
Tumango siya, “oo nga.” Tapos ay nilahad niya ang kamay, “Matt nga pala p’re.”
Kinamayan siya nito, “Robby.”
“Robby? Teka parang familiar pangalan mo… saka mukha mo…” hinala niya, “varsity ka ba?”
Ngumisi ito, “swimming team.”
“Ahhhh.”
“Hoy, ah! Pucha ka sikreto natin ‘yon, ah!”
“Hahaha. Oo naman oo naman!”
“Sana pag nagkita tayo ulit, eh kayo na ni best friend mo.”
“Sana nga, sana nga."
Tapos ay may lalaking dumating. Matangkad ito. Nakasuot ng malaking green na hoodie jacket at salamin sa mata. Gulo gulo ang buhok nito.
Tumingala si Robby, “woy, andito ka na pala.” Tumayo ito at inakbayan ang kakadating lang na lalaki, “Babe… Clint, si Matt pala.”
Siniko ito ng nobyo, “hoy, babe ka diyan!” Tapos tumingin sa kanya, “hi, Matt.”
Tumawa si Robby, “explain ko mamaya sa’yo Babe,” tapos tumingin sa kanya, “Matt, heto boyfriend ko, si Clint.”
Nakanganga siyang nakatingin sa dalawa. Parang magbarkada lang ang mga ito, pero ramdam niya ang closeness ng isa’t isa. Kumaway siya, “hi Clint.”
“Nai-in-love kasi siya sa bestfriend niya, Babe. Sabihin mo sa kanya kung ga’no gumanda buhay mo nung naging boyfriend mo ‘ko,” biro ni Robby.
Pabuskang binatukan ni Clint ang nobyo, “hoy! Gago ka, ah! Ikaw ‘tong patay na patay sa’kin.”
Tapos bumaling sa kanya si Robby, “Pare, basta follow your heart. Una na kami, ah.”
“Teka sa’n ba tayo uuwi? Sa’min o sa inyo? singit ni Clint.
“Kahit sa sementeryo, basta kasama kita,” lambing ni Robby.
“Sira. Sa inyo na lang tayo. Pagluto mo ‘ko ng dinner. Tomguts na, eh,” suhestiyon ni Clint, “ando’n ba si Kuya Joseph?”
“Wala, ka-date ni Bryan, duma-da-moves,” natatawang banggit ni Robby.
“So, tayong dalawa lang?” tanong ni Clint.
Ngumisi si Robby, “alam na.” Tapos bumaling muli ito sa kanya, “oh, siya Matt. Sana naka-tulong kami. Bye bye na!”
“Sobrang laking tulong. Salamat. Bye bye.”
Habang naglalakad nang magkaakbay ang magnobyo, naisip ni Matthew kung paano kung silang dalawa ni Greg iyon.
Ngumiti si Matt sa sarili niya, “puwede."
——————————————————————————
Humahangos si Matthew patungo sa barangay hall. May tumawag sa kanya na nakipag-basag ulo si Greg sa isang inuman sa labas ng village. Ala una ng umaga.
Pagdating niya naroon si Greg sa isang bench. Napatingala ito sa kanya. Medyo marungis ang suot nitong damit pero wala naman siyang pasa o dugo sa katawan. May dalawang lalaki na nakaupo sa isang bench. Ang dalawa ang mukhang nabugbog ng husto.
Kinausap ni Matt ang mga opisyal na nag-aayos ng kaso. Ang sabi ng mga ito ay naaya si Greg ng mga tambay na makainuman. Tapos ay nagkabiruan tungkol sa experience sa babae. Napikon yata nung umamin si Greg na wala pang experience sa babae. Dahil medyo nakainom at wala talaga sa mood ay nasapak niya ang dalawa at hindi naman naka-palag ang mga iyon dahil masmalaki at masmalaki ang kaibigan niya.
Kinausap ni Matt ang dalawang lalaking nabugbog. Inareglo na lang niya ang nangyari at binigyan ng tig isang libo pampagamot. Nang maayos na ang lahat ay sabay silang lumabas ni Greg ng hall.
“Salamat, Matt. Uwi na ‘ko sa’min,” walang-bahalang sabi ni Greg, “pasensya ka na sa abala. Babayaran ko ‘yung dalawang libo mo pramis.”
Hinawakan niya ang kamay nito at pinigilan. “Hindi. Sa amin ka uuwi. Tulog na nanay mo, at mag-aalala lang ‘yun kapag nakita ka niyang ganyan.”
Bumuntong hininga ito bilang pagsuko at sumama na sa kanya. Tahimik lang sila habang naglalakad sa village. Pagkapasok nila ng bahay ay dumiretso sila sa kuwarto.
Umupo si Matt sa kama. Si Greg naman ay nakatayo lang sa may pintuang nakasara.
“Galit ka pa ba sa’kin, Greg?” malungkot na tanong ni Matt.
“Hindi naman ako galit sa’yo, eh. Tama ka naman. Wala naman ako karapatang magselos kasi, wala naman tayong pinag-usapan,” sagot nito, “pasensya ka na kung medyo masama ang coping ko sa nararamdaman ‘ko. Napaaway pa ‘ko. Naabala pa kita.”
“Ano ka ba? Ang tagal na kitang tinutulungan,” pagtutol niya, “kahit kailan, hindi ka abala sa’kin.”
Ngumiti ito, “buti na lang may kaibigan ako’ng tulad mo. Ako lang naman ‘tong gahaman na gusto pa kitang syotain, eh. Dapat nakuntento na ‘ko do’n.”
Tinap ni Matt ang kutson sa tabi niya, “upo ka nga dito, Parekoy.”
Lumapit si Greg at umupo sa tabi niya.
Inakbayan niya ito, “nung huling drama mo dito, bago ka umalis… Umiyak ako. As in iyak babae. Hagulgol talaga. Alam mo kung bakit?”
“Bakit?”
“Kasi, tangina. Lahat na lang ng nagmamahal sa’kin, nasasaktan ‘ko. Parents ko. Si Kuya. Mga ex girlfriends at naligawan ko. Ikaw. Lalo na ikaw. Eh, pucha kilala kita. Kahit malibog ka saka basagulero ka, alam ko kung gaano ka katino, kasipag at katalino. At saka, napaka-protective mo sa lahat ng mahalaga sa’yo. Sa nanay mo. Sa kaibigan mo. Makikipagpatayan ka talaga. Noon pa man, nung straight pa tayo naisip ko na sobrang swerte ng mamahalin mo. Pero shit. Ako? Deserve mo ba ‘ko? Eh, tangina gago ako. Two timer ako. Sabaw ako sa school. Ni hindi nga ako makapasok sa varsity. Tapos hayan, hindi pa nga tayo mag-syota nasaktan na agad kita.”
Hinaplos ni Greg ang mukha niya, “hindi totoo ‘yan. Hindi mo alam kung gaano ka ka-special na tao.”
Hinigpitan niya ang yakag niya dito, “pero nabubuwisit din ako sa’yo. Kasi in-assume mo agad na hindi ko kayang suklian ang damdamin mo. Inisip mo agad na masasaktan lang kita, gagaguhin kita at lalandi lang ako.”
Niyakap siya nito habang humihikbi, “hala… Sorry Parekoy… Sorry.”
“Kinausap ako ni Kuya. Suportado naman niya kung maging tayo. Pero ang tanong ko sa’yo Greg, sigurado ka ba? Kasi ako ang magiging una mo. Sigurado ka na bang hindi babae ang gusto mo sa buhay? Saka alam mo ba kung paano ang ginagawa ng mag-syota? Hindi lang puro sex ‘yan.”
“Bakit? Paano ka bang boyfriend, Parekoy?”
“Siyempre, pinaglalaanan ko ang girlfriend ko ng panahon. Dine-date ko. Nagse-sex kami. Kinakausap ko lagi lagi. Tinutulungan ko sa problema. Sinusuyo. Ganyan.”
“Oh, eh parang tayo naman na ‘yan, ah,” pakyut na banat nito, “ganyan naman na tayo kahit noon pa. ‘Yung sex nadagdag lang lately.”
“Kung sa bagay.”
Umakbay din ito sa kanya, “so ano na? Tayo na ba talaga, o… liligawan pa kita? Pucha naman. Huwag ka naman nang pabebe.”
Tumawa si Matthew tapos siniil ang kaibigan ng isang malalim at masuyong halik. “I love you, Greg. Tangina. Sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko. Kaya please wala nang drama ulit?”
Humalakhak si Greg, “wala na. Mahal na mahal na mahal din kita Parekoy. Andito lang ako para sa’yo. Palagi. Walang magbabago. Kaibigan mo pa rin naman ako, na ka-sex mo. Hahaha. Saka puwede naman tayong mag-sex kina Kuya, at kay Tatay. Iba sila eh. Basta secure lang tayo sa isa’t-isa.”
Hinawakan niya ang kamay ng nobyo, “at dahil tayo na, kailangan mong tiisin ako.”
“Sus, ikaw pa. More than ten years na tayong magkasama. Alam ko na likaw ng bituka mo, gago.” Tapos ay hinalikan nito ang kamay niya, “kaya hindi mo ‘ko maloloko."
Humagikhik siya, “tangina ka. Bakit ako kinikilig sa ka-sweet-an mo? Para ‘kong babae.”
Nilagay nito ang kamay niya sa dibdib nito. Naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso nito, “ikaw ang dahilan nito, Parekoy.”
Binawi niya ang kamay mula rito, “waaaah! Taena Greg tama na! Ang cheezy mo! Matutunaw ako!” Hindi sanay si Matt na may nanunuyo sa kanya, kasi siya ang gano’n sa girlfriend niya. Nawiwirduhan siya. Pero masaya siya. Masayang masaya siya. Hindi siya sigurado sa kahihinatnan nila, pero gusto niyang subukan.
“Haha, maghanda ka. Kasi dahil ikaw ang first relationship ko, pupupugin kita ng ka-cheezi-han. Kala mo,” tapos hinalikan siya muli nito.
“Hoy, next time huwag ka nang basta basta nakikipag-basag ulo, huh?! Grabe pag-aalala ko sa’yo.”
“Sorry, Parekoy. ‘Di na mauulit.”
“Aba dapat lang! Kanina naisip ko, shit. Paano kapag nawala ka na? Eh, ‘di ‘di ko na nasabi sa’yo feelings ko.”
“Naks, oh. Sino ngayon madrama? Haha.”
“Haha. Sabi ko, naku pag may nangyari sa’yo, o nabaldado ka, sayang naman. Ni hindi man lang kita nakantot.”
Nanlaki ang mga mata ni Greg, “ooooohhhh. May balak.”
“Shit ka. Ano’ng akala mo ako lang lagi papailalim sa’yo? Hindi 'oy!”
Kinuha ni Greg ang isang kamay niya at dinala sa puwet nito, “hmmm… Gusto mo ‘yan Parekoy?”
Tiningnan niya ito ng malagkit, “oo, shit Parekoy. Matagal ko nang pinagpapantasyahan na kantutin kita.”
Hinalikan siya nito, “hmmm… Darating tayo diyan mahal ko. Don’t worry. Pinagpapantasyahan ko din kung ang kantot na binabalik-balikan ng mga babae mo. Pero Parekoy, puwede tulog muna tayo? Pahinga lang. Sakit ng katawan ko.”
“Hayan kasi. War freak. Haha!” biro niya sa nobyo.
Humiga silang magkatabi at nagyakapan.
“Masaya ka ba Parekoy?” tanong ni Greg.
Ngumiti si Matt, “oo. Sobrang saya ko. I love you.”
“I love you too.”
Tapos ay naghalikan sila at humimbing na.
...ang galinG! kagulaT! lumabas cla Robbie et ClinT! ang galing ng story!
ReplyDeleteRobbie and Clint!!!
ReplyDeleteMay tuhog ang kwento...at cameo pa si Clint at Robby. Yasss.
ReplyDeleteTang ina kinilig ajo bigla. Ngaun lang ako nakabasa ng dalawang kwentp na naglink ung char. Nice one author
ReplyDeleteSana oll may boyfriend❤
ReplyDeletekinikilig ako sa development nila teeee
ReplyDelete