If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Thursday, October 29, 2015

KKK 13


ANG MGA PAKULO NI GREG

“Hindi… Hindi ganyan… Ganito kasi,” pumailanlang ang malakas na baritong boses ni Greg sa classroom.

Napatingin si Matthew sa direksyon ng nobyo. Kausap nito ang ibang mga kaklase. Nagpa-plano kasi sila tungkol sa skit na gagawin nila para sa contest na sasalihan ng klase nila sa University Foundation Week.

Dahil likas na lider ang best friend niya, ito ang naatasang mag-manage ng kanilang klase para sa contest. 

Si Matthew naman, pinili agad na maging propsman lang para sa play na ‘yun. Hindi naman siya marunong umarte. 

“‘Yang bestfriend mo nag-aadik na naman. Masyadong war freak. Nagka-katol ba ‘yan?” biro ni Arkin na katabi niyang nag-aayos ng props.

“Hayaan mo na ‘yan. Alam mo naman ‘yan. Laging beast mode,” natatawang sagot niya.

Napasilip ulit siya sa nobyo, nasa teachers table ito kasama ng ilang kaklase. Dinedebate nito ang ideya sa mga kasama. Masyado itong seryoso. Palibhasa achiever. Kaya nirerespeto din ito ng klase.

Bumalik siya sa pag-gugupit ng mga papel.

Pagkatapos ng ilang minuto, may na-receive na text si Matt.

Pssst. Parekoy. Badtrip ako. Tumingin ka nga sa’kin! Ngitian mo ‘ko para mabawasan stress ko sa mga ‘to.

Muli siyang bumaling kay Greg. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti ng matamis. Pogi talaga ng boyfriend niya.

Nginitian niya ito. Umaapaw ang kilig sa dibdib niya.

Nagreply siya sa text. Pogi ni Parekoy, oh. I love you.

Hehe. I love you too.

——————————————————————————

Naka-shoot si Greg ng three points. Lamang nang muli ang kanilang koponan.

At siyempre si Matt, nasa may baba ng bleachers, sinusuportahan ang kaibigan katulad ng lagi naman na niyang ginagawa. Dati naman na niyang ginagawa iyon, pero ngayon parang mas nag-aalala siya kapag nabubundol o nababagsak ang nobyo niya.

“Greg! Galingan mo woooh!”

“Grabe Greg ang guwapo moooo!”

“Go go Greg! We love you!”

Napalingon siya sa mga babae sa bleachers sa likod niya. Sobrang passionate mag-cheer ng mga iyon. Marami talagang humahanga sa kaibigan niya. Kaya naman lalo niyang maramdaman na masuwerte siya dahil bestfriend at boyfriend niya ito.

Nag-half time break. Kinausap muna ang team ng coach ng mga ito. Tapos ay tumungo sa kanya si Greg. 

“Ayos ka lang Parekoy?” tanong ni Matt habang inaabutan ito ng bote ng tubig.

Inubos nito ang tubig, “okay lang. Kaso mababatak ako nito. Mukhang hindi ‘ata ako pagpapahingahin ni coach.”

Tumawa siya, “huwag kasing masyong magaling. Nagwawala tuloy mga chicks na fans mo.”

“Naku, wala kong pakialam sa kanila. Basta ang mahalaga, nandito ang number one fan ko,” tapos kumindat ito sa kanya.

“Alam mo masasapak na kita sa ka-cheezy-han mo,” biro niya.

“Wow Parekoy. Gustong gusto mo naman.” Humalakhak si Greg ng bumalik na ito sa bench ng team.

Pagkatapos ng laro ay nagtungo sa locker room ang team. Nandoon din si Matt para hintayin ang nobyo. Naligo na ang mga teammates nito at nagsiuwian na. Nagpahuli si Greg kaya silang dalawa ang natira doon.

“Kaya mo ba ‘ko syinota dahil kailangan mo ng water boy sa mga laro mo?” buska ni Matt.

“Oo, at hindi lang iyon,” tapos ay tumabi si Greg sa kanya sa inuupuan niyang bench, “kailangan ko din kasi ng hihimod sa pawis ko pagkatapos ng laro o kaya paliliguan ako.”

“Ang libog mo talaga,” natatawang sambit niya.

Laking gulat niya ng bigla siyang hinalikan nito sa lugar na iyon. May takot man na mahuli sila, ay tinugunan niya ang halik nito.

“Check…” banggit ni Greg nang maghiwalay sila.

“Huh?”

“Kasi Parekoy, may listahan ako ng mga lugar kung saan hahalikan kita. Kasama ‘yung locker room sa listahan ko, hehe,” paliwanag nito.

“Ang adik mo. Patingin ako ng listahan,” aniya.

Bumelat ito, “hindi puwede. Sosorpresahin na lang kita.”

Napakamot ulo siya. “Sira ulo ka talaga Parekoy."

——————————————————————————

Paikot-ikot si Greg sa mga shelves ng library habang si Matt naman ay nakabuntot lang sa kanya.

“Ano bang hinahanap mo, Greg? Nahihilo na ko sa amoy ng mga lumang libro…” mahinang reklamo niya sa nobyo.

“Hinahanap ko ‘yung libro na kailangan natin para sa Rizal subject natin,” anito habang mariing sumisilip sa mga libro.

Mga limang minuto pa ang inabot ng best friend niya sa paghahanap ng libro.

Bumuntong-hininga si Matt, “Parekoy hanapin mo na lang sa internet ‘yan baka—“

Biglang siyang napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang hinawakan ng kaibigan at sinandal ang likod niya sa isang shelf ng libro. Walang anu-ano ay hinalikan siya ng nobyo. Umabot din ng sampung segindo ang halik na iyon. 

Ngumisi ito nang kumalas sa kanya, “hehe. Library. Check.”

“Para-paraan, oh!” natatawang bulalas niya tapos ay ninakawan ito ng isang mabilis na halik.

——————————————————————————

At kahit anong paglisto ang gawin ni Matthew, ay nagugulat pa rin siya sa mga lugar kung saan napapagtripan siyang halikan ng bigla bigla ng nobyo. 

Hinalikan din siya nito sa empty na classroom, sa computer lab, sa science lab, sa quadrangle, sa may gazebo, sa school park, sa CR, sa gym, school theater, sa village, sa kalsada at kung saan saan pa. 

Nae-enjoy naman niya ang ginagawa ni Greg na pagpapa-sweet. Iba rin pala talaga ang pakiramdam na siya naman ang sinusuyo. Sa mga naging ex niya na nobya ay madalas siya ang sumusuyo dahil siya ang lalaki, kaya nae-excite siya sa bagong perspektibo ng kanyang buhay pag-ibig.

Simula ng maging sila ng kaibigan, maslalong naging madalas ang kanilang pag-uusap sa personal at online, na may kasama pang matatamis na salita. Lagi na silang nagtatabi sa klase. Sabay na sila laging kumain. At madalas ay nagsosolo sila mula sa barkada. Hinahatid niya na ito pauwi gamit ang sasakyan. Buti na lamang ay wala namang nakakahalata sa lalo nilang pagiging close. Pero kung sa bagay, sino ba naman ang makakahalata sa kanila? Pareho silang astang straight na lalaki. Lalo naman si Greg na barakong barako. 

Mas lalong napadalas din ang sex nila sa isa’t-isa. At naging mas malamyos ang kanilang pagtatalik dahil punumpuno ng pag-ibig.

Pagkagising ni Matthew ng isang araw, ay text agad ng nobyo ang bumulaga sa kanya.

“Happy Monthsary, Parekoy!”

Napangiti siya. “Oo nga pala. Monthsary na namin! Isang buwan na kami!” sabi niya sa sarili. Hindi siya makapaniwala na talagang magkarelasyon na sila ng kaibigan na dati lang ay kababata niya. Sa totoo lang ay hindi naman niya binibilang ang araw mula nang naging sila ni Greg. Marahil dahil buong buhay niya nang kasama ito, at higit pa sa isang buwan ang actual na relasyon nila.

“Good morning! Happy Monthsary Parekoy! I love you!” reply niya.

“I love you too! Parekoy, sabay tayo pumasok, ah. Punta ako diyan.”

“Okay Parekoy, hatid kita. Excited to see you! Mwah!”

Agad siyang naligo at nagbihis. Tulad ng inaasahan, dumating ang kanyang kaibigan pagkatapos ng forty minutes. Siya ang sumagot ng pinto ng kumatok ito.

“Lika na,” aya agad ni Greg nang bumungad ito sa pinto.

“Alis na po ako,” paalam ni Matt sa magulang niya bago tumungo sa kotse kasama ng kaibigan.

Agad siyang siniil ng halik ng nobyo nang makapasok na silang dalawa sa kotse.

“Isang buwan na tayo! Shet! Taena. Isang buwan na ‘tong kabadingan natin!” biro ni Greg.

“Wow, if I know matagal ka nang bading na bading sa’kin,” buska niya rito, “aarte-arte ka pa no’n na ‘wag na mag-sex ulit after nung una natin, tapos ikaw pala ‘yung mahuhulog sa’kin. Hahaha.”

Sumimangot ito, “‘yan tayo eh. Ako lang ba talaga ‘yung na-in love?”

Ginulo niya ang buhok nito, “joke lang, siyempre lab na lab na lab ko ang Parekoy ko! Actually, parang walang bisa sa’kin ‘tong monthsary na ‘to, kasi hindi ka naman bago sa buhay ko. Matagal ka naman nang importante para sa’kin.”

Hinalikan siya ulit nito, “I love you din. Teka.” Tapos ay may kinuha ito sa bag. Isang stem ng rosas at isang maliit na teddy bear, “oh, monthsary gift ko sa’yo.”

Tumawa si Matt, “haha, wow Greg ah. Babae na talaga yata ang tingin mo sa’kin.”

Napakamot sa ulo si Greg, “ehh… Alam mo namang first time ko, so hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa’yo.”

“Hahaha, okay naman eh. Kilig din. First time ko mabigyan ng ganito, thank you Parekoy ah. Pinapaexcite mo talaga ang buhay pag-ibig ko. Naks!”

Nagambala sila nang nag-ring ang telepono ni Greg. Sinagot nito ang cp, “hello…? Ano?! Sige sige ako na lang. Naman oh.” Tapos binulsa nito ang cellphone.

“Ano nangyari?” pag-aalala niya.

Kumunot ang noo nito, “shit. ‘Yung lead natin para sa contest mamaya, nagkasakit. Hindi makakapunta. Walang may alam ng script niya. Ako ang papalit sa kanya.”

——————————————————————————

Nanood lang si Matthew mula sa gilid ng entablado. Buti na lang bilang direktor ay alam na alam ni Greg ang mga linya ng bidang lalaki sa skit nila. Siya ang umarte bilang prinsipe sa storya. Ang galing ng pagkakaarte ng nobyo niya. Sa paraan kung paano niya kausapin ang prinsesa sa istorya, si Vea, ay parang in-love na in-love nga ito sa babae.

Nanalo naman sila sa contest na iyon. Pagkatapos ay puro buyo ang natanggap ng dalawang magka-love team sa mga kaklase.

“Ayun, oh! Vea-Greg love team, oh!” buska ng isa.

“Oo! Nakakakilig! Parang totoong-totoo! Tatalunin ang Bea John Lloyd!”

“Yes oh, bagong Aldub!"

Si Vea ay namumula lang sa isang gilid samantalang si Greg naman ay dinedeflect lang ang mga nang-aasar, “kayo talaga. Ang dami niyong issue. Uwi na tayo at mag-celebrate!”

Hindi naman maintindihan ni Matt ang mararamdaman sa pangyayari. Alam naman niya na arte lang naman ang ginawa ng nobyo niya para ipakita ang ka-sweet-an ng karakter nito sa babae. At hindi naman alam ng mga classmate nila ang relasyon nila, kaya panay ang sulsol ng mga ito. Doon na niya napagtanto na iyon na ang mga limitasyon ng relasyon nilang dalawa bilang parehong lalaki.

Tahimik lang silang dalawang magkaibigan habang naglalakbay pauwi. 

Sa gitna ng pagmamaneho, hinawakan ni Greg ang kamay niyang nakapatong sa kambyo ng sasakyan. Napatingin siya dito.

“Sa inyo ako matutulog. Naipalam ko na kay nanay,” anito.

Ngumiti siya, “sige.”

Nang makauwi sila at makarating sa bahay ay naligo na sila ng sabay. Syempre may kaunti nang tsansing tsansing doon. Nagpatuyo sila pagkatapos at nagsuot ng jockstraps na bigay ni Kuya Bart. Asul kay Greg at pula sa kanya.

Magkaharapan silang makatayo. Hinaplos ni Greg ang mukha niya, “years ago, hindi ko naiisip na makakarelasyon ako ng lalaki. Pero sigurado ako noon na kapag na-in-love ako, ibibigay ko na ang lahat sa kanya. At sigurado ko rin noon na, kasama ka lagi sa plano ko sa buhay ko, kasi ikaw ang best friend ko. Pero dahil ngayon eh, mukhang na-inlove ako sa’yo, at least naka-package na lahat ng plano ko sa iisang tao. Sa best friend ko na mahal na mahal ako.”

Uminit ang mukha ni Matt, “shit ka Greg. Hindi ka ba mauubusan ng cheesy na salita? Kasi sobrang dalang dala ako sa’yo. Kilig na kilig ako. Haha.”

“Ibibigay ko lahat sa’yo Matt,” sambit nito. habang binabangga ang ilong nito sa ilong niya, “lahat.”

“Ako din naman, Parekoy. Lahit ng akin ay iyo na rin. Saka lahat ng plano ko kasama ka,” tugon niya.

Umiling ito, “hindi hindi. Hindi mo naiintindihan.”

“Naiintindihan ang alin?”

“Handa na ‘ko.”

“Handa ka na ano?”

Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa puwet nito, “Matt, gift ko sa monthsary natin. I-bottom mo ‘ko. Handa na siguro ako. Isusuko ka na ang sarili ko sa’yo. Kantutin mo ‘ko Parekoy.”

Ngumiti ng malapad si Matt, “your wish is my command, Greg.” Tapos ay siniil niya ng halik ang kanyang nobyo.

Tunay ngang nagbago ang pagtatalik nilang dalawa simula nang magkaroon sila ng mas mataas na relasyon. Halimbawa, ang mga halik nila ay naging masmasidhi, ngunit mas masuyo din. Lalong nadagdagan ang passion sa bawat pagsiil nila ng labi sa isa’t isa. Magsisimula muna sila sa isang malamyos na halik, pagkatapos ay ilalakbay nila ang kani-kanilang mga dila sa loob ng mainit na bibig ng isa’t isa. Pupunan nila ng hangin ang isa’t isa. 

Ganoon din ang mga yakap nila sa tuwing maghahalikan sila. Naging masmasikip at masmainip na ang pagkayakag nila sa isa’t isa. Ang kanilang mga kamay ay naglalakbay sa likod ng isa’t isa. Nagbubundulan ang kanilang mga lalong lumalaki at tumitigas na mga dibdib. Naglilingkisan ang kanilang mga matitigas na sandata na nakakulong sa kani-kaniyang underwear.

“I love you Parekoy,” namutawi mula sa bibig ni Matt habang naghahalikan sila.

“Ahh… Ohhh. I love you too, Matt,” tugon ni Greg.

Tinulak ni Matthew ang nobyo at binagsak itong nakahiga sa kama. Tapos ay pinatungan niya ito at muling hinalikan. Naalala niyang wala pa siyang pisikal na regalo sa kaibigan sa kanilang unang buwan bilang magsing-irog. Kaya sisiguraduhin niyang seserbisyohan niya ito ng husto.

Naglakbay ang mga halik niya sa buong mukha ni Greg. Tapos bumaba sa leeg nito, tapos muling umakyat sa tainga. Dinilaan niya ang gilid at loob noon.

“Ah… Shit… Matt… Sarap niyan… Ah!" sunod-sunod na halinghing nito.

Tapos ay muling bumaba sa leeg si Matt tapos ay sandaling hinalik-halikan ang adam’s apple nito.Tumungo ang mga halik niya sa shoulder blades tapos sa balikat tapos sa braso nito. 

Si Greg naman ay pinatigas ang biceps sa pamamagitan ng pag-flex. Sinamba ni Matt ang malaking muscle sa pamamagitan ng pagpisil at paghalik dito. Tapos dinilaan niya ang kilikili nito. Muling napilipit sa kiliti at sarap ang kanyang kaibigan.

“Sarap sarap mo parekoy, “sambit ni Matt, “ang dami daming babaeng nagkakandarapa sa’yo sa school. Tapos sa’kin ka din pala babagsak.”

Ngumisi si Greg, “oo nga, Parekoy, eh. Ang malas ko. Haha.”

Tinaasan niya ito ng kilay, “ah… Malas pala, ah.” Tapos ay inatake niya ang dibdib nito at sinuso ang kanang utong habang nilalapirot ng daliri ang kabila.

“Ahhh fuck shit! Ahhh Matt… Ahhh ang swerte ko sa’yo!” biglang bawi ni Greg habang nanginginig sa ilalim niya.

Nagpalipatlipat ang bibig niya sa dalawang utong nito. Basang basa na ng laway niya ang dibdib nito.

Tapos ay bumaba ang kanyang pagbobrocha sa abs nito. Napansin niya na mas lalo pa iyong naging defined mula noong una silang magtalik. Pamacho na nang pamacho ang kanyang kaibigan. “Greg, napaka nitong abs mo. Ang lakas lakas mo naman kumain bakit ganito?”

Ngumiti ito sa kanya, “hehe, inspired eh.”

Hindi nagtagal ay dumako si Matt sa ibabaw ng bukol sa jockstrap nito. Dinila-dilaan niya ang umbok na naroon. Sinipsip-sipsip din niya ang katas na tumatagas mula sa tela iyon. Manamis namis ang sabaw na iyon. Talagang kinaaadikan niya.

Ibinaba ni Matt ang garter nito. Kumawala ang malaking burat ng kaibigan at tumama sa pisngi niya. Ramdam niya ang init at lagkit nito. Pinasadahan niya ito ng kaunting salsal. 

Tumitig siya pataas sa nobyo upang akitin ito habang hinahalikan ang ulo ng sandata nito. Diniladiaan muna niyo ito patas mula sa itlog. Hindi nagtagal ay ibinaon na niya sa bibig niya sa kabuuan nito. Noon ay nahihirapan siyang maangkin ang kabuuan nito, pero ngayon ay wala na lang sa kanya ang pagtama ng ulo nito sa lalamunan niya. Daig pa niya ang mga naging ex girlfriend niya pagdating sa pag blow job.

Ang kanyang kaibigan naman ay nagpapalabas ng mahina at mababa na ungol. Buti na lamang ay wallang ibang tao sa bahay.

Ilang minuto niyang chinupa ang kaibigan. Minsan ay naglalakbay pataas ang mga palad niya sa torso nito at nilalamas ang malaking pecs nito. 

Nang mapagod si Matt ay umakyat siya sa mukha nito at muling hinalikan.

“Ang astig nung pagchupa mo Matt… Naadik ako do’n,” komento  ni Greg.

“Siyempre, anything para sa bestfriend kong guwapo,” malambing na sabi niya, “pero… Ako din kantutin ko bibig mo.”

“Haha, sige. Patikim ako ng titi mo.”

Umakyat pa sa headboard ng kama si Matt at tinungkod ang kamay dito. Ibinaba niya ang kanyang jockstrap at tinatapat sa bibig ng nobyo ang naghuhumndig niyang burat. Tumalsik ang malapot niyang precum sa mukha nito.

“Hala, ang dami naman no’n!” natatawang sabi ni Greg.

“Buka mo na bibig mo, Greg,” utos niya.

Sumunod naman si Greg. Dahan-dahan niyang ipinasok pababa ang tarugo niya sa bibig nito. Hindi nagtagal ay naibaon niya na ang kabuuan nito. Naramadaman niya ang sikip ng lalamunan nito 

Nagtaas baba si Matt sa bibig nito at kinantot iyon na parang puke. “Ahh, shit Greg. Ang sarap kantutin ng bunganga mo, ah!” 

Tumingin siya sa baba at nakitang sarap na sarap din ang nobyo niya sa ginagawa niya. Nakahawak na ito sa sariling burat habang nabibilaukan sa kanyang ari. Kinantot pa niya ang lalamunan nito ng mga sampung minuto. Puro muffled na ungol ang nilabas ng lalaking nasa ilalim niya.

Tapos ay muli siyang bumaba sa katawan ni Greg. Muli niyang tsinupa nang sandali ang burat nito. Tapos ay bumaba siya sa itlog nito. Tapos ay sa puwet nito. Dinila-dilaan niya ang butas nito at pinasok-pasok ang ang dila sa loob ng lagusan nito.

Namimilipit ang lalaki, “ahhh Parekoy. Shit. Sarap pala niyan. Ahhh!”

Muli siyang umangat para halikan ito habang pinapasok ang daliri sa butas nito. Ramdam niya ang pag-ipit ng labi nito sa tuwing lalaliman niya ang pag-finger dito. Hindi nagtagal ay tatlong daliri na ang nakapasok sa lagusan nito.

“Ipalit ko na burat ko, Parekoy?” tanong niya.

Tumango ito, “kinakabahan ako Matt, pero gusto kong gawin. Para sa’yo.” 

Tumungo si Matt sa gilid ng kama at sinampay sa balikat niya ang mga binti nito. 

“Ready?” tanong niya.

Bumuntong-hininga ang lalaking nakahiga, “sige.”

Tinapat ni Matt ang burat niyang matigas sa butas nito at unti-unting pinasok. Dahan dahan niyang tinulak hanggang sa makapasok ang ulo. Unti-unti pa ay kalahati na nito ang nakapasok.

Lukot ang mukha ni Greg, tila nagtitiis ng sakit. Ngunit parang kinakaya naman nito.

Hindi nagtagal ay naibaon na niya ang kabuuan sa loob nito.

“Ahhh shit grabe ‘yun,” kumento ni Greg.

“Aandar na ko, Parekoy,” babala niya.

Tapos ay mabagal siyang humugot, tapos ay umulos. Labas, pasok. Iba-iba ang bilis at lalim. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay napasigaw si Greg na nakatirik ang mata, “PUTANGINA! AH! SHIT ANO ‘YON?!”

“Sarap?” tanong niya.

“Oo, tangina. Sige kantutin mo lang ako,” aya niya.

At iyon nga ang ginawa ni Matt. Nirapido niya ang lalaki sa ilalim niya. “Ah. Ah. Ah… Ahh! Ohhh!”

Si Greg naman ay nagdedeliryo sa ilalim niya dahil sa sarap. “Puta! Bilisan mo pa! Idiin mo! Ahhh! Ang sarap!”

Tapos ay kinuha ng lalaking kinakntot ang cellphone sa may bedside table. Inabot nito sa kanya iyon.

“Videohan mo pare! Shit! Bebenta ‘to sa account natin!” 

Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang video app nito, “ang gago mo Greg! Walang patawad ang kalibugan mo!”

Sinigurado niya na hindi makukuhanan ang mukha ng nobyo niya. Wala siyang balak na sirain ang reputasyon nito. Pero naisip niya na ang sarap pala ng ganoon na vinivideohan habang kinakantot ang isang barakong lalaking katulad ng bestfriend niya. Pawis na pawis ang morenong balat nito na lalong nagpakintab dito. Sobrang namumutok ang mga muscles ng dibdib at abs nito. Nagdudura ng precum ang tayong-tayong ari nito. Marahil ay rinig na rinig ang mga ungol nito.

Hindi na mapakali ang lalaking nasa ilalim niya. Puro mura na ang namumutawi sa bibig nito, “Ahhh! Puta Parekoy! Putaaa! Ang sarap! Nakakabaliw!”

“Ahhh! Puta ka! Ang puta mo!” sagot niya rito.

Bumangon ito ng konti at hinaplos ang katawan niya, “ahhh Parekooooy… Ang sexy mo. Ang macho mong kumantot!”

“Hehe, taena. Kakaadik puwet mo!"

Tapos ay biglang napa-“oooh!” na malakas si Greg at tumirik ang mata. Biglang sumirik ang puting katas mula sa burat nito nang hindi man lang nahahawakan.

“Nilabasan ka, puta nilabasan ka Parekoy ang sexy mo!” ani Matt.

“Shit Fuuuuck, ahhh,” parang nalalagutan na ng hininga ang nobyo niya.

Sa sobrang tindi ng eksena ay hindi na rin napigilan ni Matt ang sarili niya. Nagpasabog siya sa loob nito “UGH! Ahhh Parekooooy…”

Nang hugutin niya ang kanyang titi ay may tumagas na maraming tamod mula sa puwet nito. Pareho na silang humihingal. Pinatay muna niya ang CP bago bumagsak sa nobyo.

Muli silang naghalikan hanggang sa parehong mahimasmasan.

“Ang wild no’n. Sakit ng puwet ko, pero ang sarap!” bulalas ni Greg, “sarap mo kumantot. Ang sexy mo pa.”

“Haha, masarap ka din naman kumantot Parekoy, eh. Pero okay ‘tong nakakantot din kita,” sagot niya.

“Teka,” tapos tumayo ito at kinuha ang jockstrap niya sa sahig at sinuot. Binato nito ang isa pang jockstrap. Sinuot niya rin iyon.

Tapos ay tumungo ito sa bag nito at may kinuha sa loob. Isang cardboard na korona. Props iyon sa ginamit na skit kanina, para sa prinsipe at prinsesa. Lumipat ito sa kanya at sinuot iyon sa ulo niya.

“Hala, ano ‘yan?” pagtataka ni Matt.

Kumuha ito ng isa pang korona mula sa bag at sinuot iyon sa ulo. Lumapit ito sa kanya at hinatak siya patayo. Tapos lumuhod ito sa harap niya.

“Putakte, Greg ano na naman ‘yan?! Tapos na sex hihirit ka pa?!” hindi alam ni Matt kung matutuwa o maasar siya sa inaasal ng kaibigan.

Tumingala si Greg sa kanya, “nakita ko kasi hitsura mo kanina habang umaarte ako sa skit. Parang ramdam ko na medyo inggit ka kay Vea kanina.”

“Weh, hindi ‘no!” pagtanggi niya.

“Well, para sa kaalaman mo, Matt, ikaw ang iniisip ko habang nagsi-sweet scenes kami, at gusto kong ulitin sa’yo ngayon,” sabi nito, “Matthew, hindi mo lang apelyido ang Principe, pero ikaw ang prinsipe ng buhay ko. Puwede bang ikaw ang maging prinsipe ko?”

Natatawang naluluha si Matt, “Pakyu! Ang pakyu mo! Ang dami mong pakana. Pucha ka, kanina ka pa.”

Ngumisi ito, “ano na nga?”

“Taena naman Greg. Paano ba naman ako hihindi sa lalaking sobrang maton at macho tapos naka jockstrap lang at punum-puno pa ng tamod sa katawan?” biro ni Matt. Pero sa loob niya sumasabog na siya kilig.

Humalakhak si Greg at tumayo. Niyakap siya nito, “I love you, Matthew Principe. I love you Parekoy.”

“Mahal na mahal din kita, kahit ang korni mo at nilalagyan mo ko ng tamod sa katawan,” tugon niya. 


Hinilig ni Matt ang ulo sa balikat nito habang gumagalaw ang mga paa nito at tila isinasayaw siya. Mahal na mahal na talaga niya ang gagong best friend niya na iyon.

1 comment:

  1. That ending tho. Sobrang sweet at sobrang nakakalibog. Ang galing! Keep up the good work :)

    ReplyDelete