NANG DUMATING ANG ARAW NG PAG-IISANG DIBDIB
Ginising si Kirby ng tunog ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang telepono nang malaman kung sino ang tumatawag.
“Hey Daddy… Bakit ka napatawag?”
“Good morning… Kumusta ka?”
“Okay naman. Bakit po?”
“He’s getting married today.”
Napalunok siya sa narinig sa ama, “ang chismoso mo Daddy.”
“I am just checking up on you. I want to know how you feel.”
“Ikaw Daddy, sa tingin mo? Ano kayang pakiramdam ko?” sarkastiko niyang tugon.
“Tingnan mo ‘to, kaya nga ako tumawag kasi concerned ako sa’yo,”
“Thanks Dad. Balak ko sana itulog lang ‘tong araw na ‘to… Para hindi ako masyadong mahibang. Kaso tumawag ka naman, tapos ipapaalala mo pa.”
Natawa ang nasa kabilang linya, “I’m sorry. So… Paano ‘yan wala na kayo?”
“Kami pa rin,” mariin niyang tugon.
“Tsk. Pasaway.”
“Hindi naman ako manggugulo eh. Sisingit lang ako sa kung ano’ng oras ni Baste ang matitira sa akin kapag kinasal na siya. We will be very discreet. wala kaming balak na sirain ang mga pamilya namin.”
“Alam ko naman ‘yon. Pero ikaw. Ikaw?”
“Ano’ng ako?”
“Paano naman ang happiness mo?”
“Si Baste ang happiness ko. Komplikado ang set-up pero… wala na. Andiyan na.”
Bumuntong hininga si Senator Marcos, “ang gago din ni Greco ano? Basta Kirby. Mag ingat ka. Mag-ingat kayo. I don’t know kung hanggang kailan ko pa kayo makukunsinte diyan sa kagaguhan niyo. Basta ayaw ko ng gulo.”
“Yes Dad…”
“Pero higit sa lahat… ayaw ko na nasasaktan ka. Tangina, if masira ang ulo mo o puso mo o buhay mo sa set-up niyong ganyan na kekerido ka, tangina ako mismo ang magtatago sa’yo mula kay Baste,” galit nitong turan.
“Grabe ka naman.”
“Seryoso!”
“Dad. Kaya ‘ko ‘to. I’m a fighter. Life has prepared me for setbacks like these.”
“Ang tigas ng ulo mo. You’d make a good politician.”
“Hahaha. Dad. Kerido na lang ako pwede? Huwag nang politician?”
“Sira-ulo. Basta… Today is a sensitive day for you. I will keep my line open for you today. Just call me… just in case gusto mo ng mahihingahan.”
“Thanks Dad. Mukhang kakailanganin ko ‘yan mamaya. Itutulog ko muna ulit ito. Sakit ng ulo ko. Naparami akong inom kagabi.”
“Okay. I love you bunso.”
“I love you too…”
——————————————————————————
Naroon si Baste sa loob ng unit ng hotel kung saan gaganapin ang reception mamaya. Magsisimula na ang kasal. Dalawang oras na lang. Kakatapos lang siyang kunan ng video para sa SME ng wedding nila. Mayamaya ay aalis na siya upang tumungo sa simbahan.
Nakadungaw lang siya sa bintana. Malakas ang ulan sa labas. Mukhang mahihirapan ang daang-daang bisita upang makarating sa kasal.
Katulad ng sinumang lalaking ikakasal, kinakabahan siya sa magiging seremonyas at celebration. Pero mas kinakabahan siya sa magiging buhay niya pagkatapos ng basbas na iyon.
Pagkatapos ng kasal ay didiretso agad sila sa Maldives para sa kanilang honeymoon. Pag-uwi nila ay may bahay na silang uuwian. Lahat ng iyon ay bigay sa kanya ng ama, na tila naninigurong tutupdin niya ang pangarap nito na maging family man siya, bukod sa pagiging isang pulitiko.
Alam naman niyang hindi siya mahihirapan. Mahal siya ni Dorothy. Kayang kaya naman niyang tapatan ang romantic at sexual needs nito. Kaya naman niyang magkunwari na ang babae ang greatest love niya, naging sanay na siya sa dami ng taong nobya niya ito at sumusunod sa kanyang ama.
Binuksan niya ang kanyang cellphone at tumingin sa private album na may password. Naroon ang kanilang selfies ni Kirby, ang kanyang greatest friend at greatest love. Kitang kita niya ang sarili niya na sobrang saya sa paligid nito, mula pa noong sila ay magkabata.
Madaling magmunimuni tungkol sa mga nakaraan at nangyari. Maraming mga ginawa si Baste na pinagsisisihan niya. Ang kanyang pag-iwas noong high school nang malaman niyang maaaring bakla ito katulad niya. Ang kanyang takot na suwayin ang ama na mag propose kay Dorothy.
Walang fair sa wedding na iyon. Walang completely na masaya.
Malaking bawas sa oras nila ni Kirby kapag nagsama na sila ng magiging wife niya. Isang beses isang linggo o ilang beses sa isang buwan na lang, hindi katulad ng recent na halos araw araw nilang pagpuslit kung wala namang date ang magnobya.
Pero tanggap ni Baste na may mga bagay na hindi niya kayang controlin. At tanggap niya na ang tunay niyang kasiyahan ay bawal. At kailangan lang talagang pagdaanan niya ang mga sakripisyong iyon.
May kumatok sa pinto.
“Pasok,” ani Baste habang lumilingon.
Sumilip si Janus, ang kanyang best man. “Boss, umalis na sina senator. Mauna na kami din ni Melo doon?”
Ngumiti siya, “sige lang, may kaunti pa akong aayusin tapos susunod na rin. May sarili naman akong kotse.”
“Puwede ako’ng mag-comment boss?” nahihiyang tanong nito.
“Ano ‘yon?”
“Ang pogi mo sa suot mo,” pilyo nitong sabi.
“Hahaha. Sira ka.”
“At least nakita ko ‘yan… Well you know, sakaling…”
Umiling si Baste, “ano ka ba… Mangyayari ‘to. Ang laki ng gastos dito. Milyon. At kailangan namin ni Dorothy ang isa’t isa.”
“Okay boss,” tila hindi nito naniniwalang tugon, “see you.” Tapos ay umalis na si Janus.
Bumuntong-hininga si Baste. Tiningnan niya ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon. Tapos ay tumungo na siya sa parking floor kung nasaan ang kanyang kotse. Nagmaneho na siya at binaybay ang basang daan at panahon patungo sa simbahan. Focused man sa driving ay lutang pa rin ang isip niya. Ang kabog ng dibdib niya ay palakas nang palakas.
Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa parking lot sa harap ng bukana ng simbahan. Nasa gilid na rin ang bridal car.
Ang mga taong nakasilong ay napuna ang kanyang kotse. Mukhang excited na ang mga ito na makita siya, ang groom.
Pinatay na ni Baste ang makina. Lalabas na sana siya nang mapansin niyang may kung anong berde ang nasa may front passenger seat sa tabi niya.
Isang tipaklong.
——————————————————————————
Sa kanyang kamalasan ay hindi na nakatulog si Kirby pagkatapos ng tawag ng kanyang ama. Na-master na niya kung paano kokondisyonin ang sarili sa lahat ng mga mabibigat na problema ng buhay niya. Kayang kaya niyang lumimot at mag walang bahala.
Pero hindi ito. Hindi madaling maging kalma na maisip na ang kanyang minamahal ay ikakasal sa isang babae, at maaaring maagaw ni Dorothy ang oras niya para kay Baste.
Naiyak na niya ang dapat naiyak. Nainom na ang dapat mainom. Napag-usapan na ang dapat pag-usapan. Kampante naman siya na kanya pa rin ang puso ng kababata. Bago pa man ang araw na iyon ay nag-set na sila ng schedule. Na may mga araw na magkikita silang dalawa sa madaling araw sa gym nito. Doon na lang sila magde-date at magse-sex. Syempre magkasama pa rin sila sa MPA. Pero wala na ang mga gabing uuwi siya sa condo nito o makikitulog ito sa condo niya.
Pero mas mabuti na iyon. Kaysa wala. Kaysa ipilit nila na magkita pa ng masmarami. Na pumuslit pa. Na magkasala kay Dorothy. Na ilagay sa sarili sa alanganin kapag nagkahulihan. Na masira ang kanikanilang mga pamilya.
Nanonood si Kirby ng horror. Sa sobrang desidido niyang maglakbay ang isip palayo ay in-expose niya ang sarili niya sa takot. Hindi talaga siya nanonood ng katatakutan. Ngunit kung iyon lang ang makakapagbigay sa kanya ng panandaliang limot, pinatos na rin niya.
Ang eksena ay nasa madalim na abandoned na bahay ang mga biktima. Kabadong nagmamasid ang mga ito, tila naghahanda sa kung sino man ang aatake.
Tapos ay bumukas ang pinto at lumabas ang psychotic na mamamatay-tao. Nagsigawan ang lahat.
Sakto, bumukas din ang pinto sa unit ni Kirby.
“TANGINAAAAAA!” bulalas ni Kirby sa gulat. Napatingin siya sa nakabukas na pintuan. Mas nagulat siya sa nakita, “BASTE?!”
Nakasuot ang kanyang kasintahan ng pangkasal na binili nilang dalawa. Ngunit medyo basa ito, mukhang napasugod sa ulan. Ang mukha ng lalaki ay hating malungkot at masaya.
Napatingin sa relo si Kirby, “shit. Bakit ka nandito Beb? ‘Di ba dapat—“
Umiling si Baste, “no. I don’t want to be there. Gusto ko nandito ako. Kasama ka.”
Pinandilatan niya ito. “You left your wedding?!”
Tumango ito.
“Don’t tell me, umalis ka bago mo sagutin ‘yung, ‘do you take this woman to be your wife and shit?’ Tapos ang sabi mo, ‘sorry Dorothy,’ sabay takbo palabas?!"
Tumawa ito, “gago! Hindi ganoon ka-cinematic. I just left. Nag-drive lang ako papunta dito. Ni hindi nga ako umapak ng simbahan.”
Kinonyatan ni Kirby ang kaibigan, “gago ka! Gago ka! Tangina ang gastos nasayang! Tapos ang dami kong tulong sa preparations tapos ‘di ka naman pala sisipot do’n! Tapos shit… Ang gulo nito.”
“Hey! Kirby! Nandito ako! I chose you. That’s what’s important,” inis nitong deklara.
Ngumuso si Kirby habang tumutulo, “alam ko. Tangina Baste. Tangina mo. Mahal na mahal kita!”
Pumasok na si Baste, sinara ang pinto at niyakap siya, “I love you so much Kirby. Ikaw. Ikaw lang ang gusto kong mahalin. Mula ngayon.”
Humagulgol siya sa dibdib nito, “hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. But I am so worried for you, You just destroyed your life for me.”
Pinisil nito nang marahan ang baba niya at tinitigan ang mukha niya, “no I didn’t. My life is right here, in front of me.”
Sa gitna ng mga luha ay humalakhak siya, “taena… Ito ang pinaka romantic na nangyari sa buhay ko.”
“Me too. Pero honestly, takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano ang extent ng consequences nitong ginawa ko,” pag-amin nito.
Hinawakan niya ang mukha nito, “I promise, nasa tabi mo ako. Kasama mo ako habang hinaharap mo ang mga mangyayari.”
Hinalikan siya nito nang malambing. “Beb. Let’s make love. Please? Sobra ang feels ko ngayon. Sarap sabayan ng sex. Hehe.”
Ngumisi si Kirby, “as you wish.” Tapos ay hinalikan niya muli ito, malalim at masuyo: puno ng pagmamahal. Hinawakan niya ang mga kamay nito. Kusang nag-lock ang kanilang mga daliri.
Nagulat si Kirby nang bigla siyang binuhat nang lalaki nang pahiga sa mga braso nito. Napakalakas ng lalaki.
Nakatitig sa kanya ang nobyo at kumindat, "hello there, wifey."
Kumunot ang noo niya, "hala 'oy?! Wifey ka diyan!"
"Aba, kaya mo ba ako'ng i-bride carry?"
"Humanda ka kapag naging maskulado na rin ang katawan ko. Gagawin ko rin 'yan sa'yo."
Humalakhak si Baste habang dinadala siya patungo sa kuwarto. Tapos ay hiniga siya nito sa kama habang masuyong nakatitig sa kanya. Tapos ay hinalikan siya muli nito.
"I love you, Kirby John Marcos."
Dreamy siyang ngumiti, "I love you too, Sebastian Durano."
Hinalikan siya muli nang mariin ng lalaki. Hinubad nito ang suot niyang t-shirt. Tapos ay brinocha nito ang kanyang leeg, kilikili, dibdib, braso at tiyan.
Puro ungol lang si Kirby habang binabasa ng kasintahan niya ng laway ang kanyang katawan.
Nang makababa na si Baste nang husto at makarating sa kanyang shorts. Tapos ay hinatak nito iyon kasama ng kanyang brief. Humampas ang matigas niyang titi sa mukha nito. "Wow. Excited oh." Tapos ay hinawakan nito iyon at sinalsal nang bahagya.
"Uhhhh Baste..." lang ang naturan niya.
Tapos habang pilyong nakatingin sa kanya ay bumaba na ito sa kanyang titi at dahandahang isinubo iyon hanggang sa ma-deepthroat. Bumabad muna ito bago mabilis na nagtaas-baba sa kanyang burat.
"Fuuuck Beeeeb... Ang hot mo!" reaksyon ni Kirby habang nakatitig sa kanyang maskuladong nobyong suot ang magara nitong wedding suit at bigay na bigay sa pagtsupa sa kanya. Hindi niya na ininda ang ingay na gawa ng horror movie.
Pagkatapos ng sampung minutong tsupa ay umahon na si Baste, tapos ay nagpunas ng naglalaway na bibig. "Hehe. Napagod ako. Ako naman."
Tapos ay tumayo ito sa ilalim ng kama at unti-unting tinanggal ang bawat item of clothing habang nakangiti nang mapusok sa kanya: coat, vest, necktie, sapatos, pantalon, polo, undershirt at brief. Nakasaludo na ang burat nito.
Tapos ay sumampa ito sa kama at unti-unting paluhod na naglakad hanggang sa kanyang mukha.
Alam na ni Kirby ang gagawin. Kinuha niya ang titi nito, tinaas niya ang ulo at sinubo.
Hinawakan nito ang kanyang ulo at finace fuck siya. Tinanggap lang nito ang dirediretsong pagsalakay ng tarugo sa kanyang lalamunan. Hiyangbna ang bibig niya sa titi nito.
Nang muli itong mapagod ay binunot nito ang burat, "Beb, may I fuck you?"
"Oo naman nagpapaalam ka pa?"
"Haha. Naisip ko lang, ito ang unang sex natin as an exclusive couple."
"Oo nga. As husband and-- husband..."
Pumuwesto si Baste sa ilalim nito. Kumuha ito ng condom sa drawer at sinuot iyon. Tinaas nito ang mga binti niya at binukaka ang mga hita.
Pinakislot ni Kirby ang pinkish niyang butas.
Umulos na si Baste. Dinadahan nito ang pagpasok.
Feeling birhen naman siya. Dahil talagang napaka gentle ng nobyo.
Hindi pinatid ni Baste ang titig sa kanya hanggang sa nabaon nito nang buo ang titi sa loob. Tumukod ito sa kanyang dibdib at nagsimulang umulos. Mabagal muna at banayad. Tapos ay mabilis.
Ginawaran siya nito ng mga halik habang kumakantot. Nagsasagutan sila nang I love you.
"Basteeee!" sigaw ni Kirby nang kusa siyang labasan dahil lang sa kantot nito. Kumalat ang tamod nito sa kanilang mga tiyan.
"Kiiiirbyy!" bulalas ni Baste mayamaya nang nakapagpalabas na ito sa condom sa kalooban niya.
Bumagsak ito sa kanya. Muli silang naghalikan.
"Masaya ka ba, Kirby ko?" masuyong tanong ni Baste.
"Takot ako. Pero oo. Abot langit ang saya ko Baste, salamat at ako ang pinili mo," malambing na sagot ni Kirby.
——————————————————————————
Magkatabi lang si Baste at Kirby sa sofa. Nakahilig si Kirby sa dibdib niya. Nakatulala lang sila.
"So, Beb... What now?" tanong ni Kirby.
"I don't know. Can I stay here with you? Buhayin mo ako habang nagtatago ako sa mundo," pakiusap niya, "sobrang kahihiyan din sa lahat ang ginawa ko..."
Hinaplos nito ang kamay niya, "of course you can."
May kumatok sa pinto, "ako 'to." Boses iyon ni Tito Isko.
Agad silang nagkalas. Humangos si Kirby sa pintuan at pinagbuksan ang ama. Alalang alala ang hitsura nito. Pagkasara ng pinto ay tumungo ang mag-ama sa sofa.
"Shit. I never thought you'd actually pull something like this Baste," mariing sabi ng senador, "hindi ko alam kung matutuwa o magagalit sa ginawa mo."
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo Tito Isko. I want to give my whole self to him," deklara niya.
Napahalukipkip ito, "at hinintay mo pa ang araw ng kasal bago mo maisip 'yang kagaguhan na 'yan?"
Pareho silang hindi nakasagot.
"Tangina. I can imagine how upset Greco is. Pucha. I just can't imagine what he'll do!" pag aalala ni Tito Isko.
"Daddy... daddy... I am sorry..." sambit ni Kirby.
"No Kirby. Kargo ko 'to. Kasalanan ko po ito," pag-ako Baste.
Umiling ito, "don't be sorry for falling in love and fighting for it. Be sorry for the consequences. Hindi kayo puwedeng manatili pa dito. Tutal tumakas ka na sa kasal, direchuhin niyo na. Magtanan na kayo. Mag-stay kayo sa resthouse ko sa Pampanga hanggang sa humupa ang tensyon."
Ngunit bago pa man sila maka ayon sa suhestiyon ay may narinig silang tatlong malakas na mga katok sa pinto.
"PUTANGINA! BUKSAN NIYO 'TO!"
Kilala ni Baste ang boses na iyon.
Simula na ng gulo
ReplyDeleteWow. Akala ko dream sequence lang yung pagpunta ni Baste kay Kirby
ReplyDeleteThis is... ituloy na agad!!!!!
ReplyDeleteThis is it!!!...ituloy na agad!!!
ReplyDelete