If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, November 24, 2015

KKK 20



PAREKOY POREBER

“Hoy, parekoy… Ano’ng tinititigan mo diyan?” sita ni Greg sa kanya.

Napatalon si Matt sa upuan niya sa gazebo na tinatambayan nilang magnobyo habang nag-aaral. “Ah, wala wala.”

Lumingon ito sa direksyon ng tingin niya. May mga nagva-volleyball na babae sa court. “Tumitingin ka sa chicks?”

Nahihiyang ngumiti siya, “gaganda at sexy, eh. Iigsi pa ng shorts.” Hindi naman na niya magawang magsinungaling sa lalaki.

“Oh, okay…” walang bahalang sabi nito, habang bumabalik sa sinusulat na assignment. 

Pero kilala niya ang best friend niya na iyon. Simula nang maging sila ay hindi nito maitatago sa kanya ang pagkayamot sa tuwing pupuri siya ng babae o lalaki, kahit artista. Totoo namang ito lang ang lalaking mahal niya at makikipag sex lang siya sa iba kung may permiso nito. Pero siguro, bilang unang relasyon nito kaya clingy pa ang ugali nito.

May dumating na dalawang lalaki sa gazebo nila na iyon. “Mga bossing, puwede maki-share ng space? Puno na ‘yung iba, eh.”

Napatingin siya sa nagsalita. Pamilyar ang hitsura nito. Mukhang nakilala din siya nito.

Tumuro ito sa kanya, “nakita na kita ‘di ba? ‘Yung isang gabi sa park?”

Tumango siya, “oo nga! Robby? Tama?” Tapos ay bumaling siya sa katabi nito, “Clint?”

Ngumiti si Clint, “Matt?”

“Sige, sige… Maki-share kayo…” sabi ni Matt habang inuusod ang mga gamit. Tapos bumaling siya sa nobyo, “ahh… si Greg nga pala.”

Hindi maipinta ang suspisyon sa mukha ng nobyo niya habang nakikipagkamay sa dalawang lalaking hindi naman nito kilala.

Ngumisi si Robby sa kanya, “siya ba si… bestfriend?”

Tumango si Matt, “oo, siya ‘yun.”

“Kayo na?” excited na tanong ni Clint.

Tumango siya ulit.

Napansin nila ang kalituhan sa hitsura ni Greg kaya nagpasya na silang ikuwento dito kung paano niya nakilala ang dalawang lalaki.

“Bagay kayo,” deklara ni Robby.

“Ga’no na kayo katagal?” usisa ni Clint.

Napakamot ng ulo si Matt, “ehh, ga’no na nga ba tayo katagal Parekoy?”

“Kalahating taon na kami. Sixth monthsary namin ngayong araw,” tugon nito na pilit ang ngiti.

Shit. Nakalimutan ko. Hindi ko man lang siya nabati, sabi ni Matt sa isip niya.

——————————————————————————

“Kanina mo pa ‘ko hindi kinakausap Parekoy. Galit ka pa rin ba?” malungkot na banggit ni Matt habang pinagda-drive niya sa bahay ang nobyo na nasa passenger seat, “Sorry na kung nakalimutan ko monthsary natin.”

“Okay lang naman, sanay naman na ako na ako ang unang bumabati,” malamlam na sabi ni Greg habang nakatingin sa kalsada.

Binagalan niya ang takbo ng kotse, “Parekoy, alam mo naman na hindi ako magaling sa part na ‘yan ‘di ba? Hindi ako katulad mo na likas na sweet. Kahit sa girlfriends ko noon hindi naman ako masuyo. Pero, Greg alam mo namang mahal na mahal kita.”

Bumuntong-hininga ito, “pasensya ka na. Alam ko naman ‘yon. At hindi naman ako para baguhin ka. Hindi naman sa nanunumbat ako oh ano, pero parang ako ang mas showy sa pagmamahal, eh. Oo sa sex magkatapat tayo. Pero ako lang ang laging nagte-text, kumukumusta, ako ang nag-i-initiate ng sweet nothings. Ikaw ba, kailan mo ako inayang mag-date ng outside sa kuwarto mo?”

“Hindi ako gano’n magmahal, alam mo naman ‘yun,” paliwanag niya, “pasensya ka na. Sige, I’ll do better next time. Sana huwag kang magduda at magselos kapag napapatingin ako sa babae o sa lalaki. Hindi kita pagpapalit na kahit na sino, okay?”

“Naiintindihan ko naman. Medyo nag-alala lang ako minsan,” sambit nito, “kasi alam ko ang sitwasyon natin. Na bawal. Na walang puwedeng makaalam. Minsan iniisip ko, kapag dumating ang panahon na gustuhin ko o ikaw, na mag-asawa ng babae at magkapamilya balang araw? Paano tayo lulugar no’n? O tatanggapin ko na lang ba na may hangganan ‘tong atin?”

Hindi makasagot si Matt. Nakatitig lang siya sa madilim na daanan.

“Sorry, ang deep ko na naman mag-isip. Alam kong ayaw mo ng ganito,” pagwawalang-bahala nito.

——————————————————————————

“Greg pare buti nakarating ka,” salubong ni Arkin sa kanya tapos yakap.

“Happy birthday, Arkin!” bati ni Greg habang binibigay ang regalo sa kaibigan, “galing sa’min ni Matt.”

“Oh, eh asan pala ang ‘bestfriend’ mo?” tanong nito.

“May family gathering din kasi siyang pinuntahan kaya hindi siya makabisita. Pasensya na raw,” pag-imporma niya dito, “so ako na rin ang proxy niya. Haha.”

Kinabukasan, um-attend si Greg sa birthday party ng kaibigan sa bahay nito.

May dumating na dalawang late-forties na lalaki na kapwa naka-long sleeve na polo at jeans. Hinarang ni Arkin ang mga ito. “Papa, si Greg po. Classmate ko sa school. Greg, si Papa ko at si Ninong.”

Kinamayan siya ng lalaking kahawig ni Arkin, “hello Greg. Buti dumating ka. Simpleng kainan lang at get together ‘to. Enjoy yourself, ah."

Nakanganga lang si Greg habang minamalas ang dalawang lalaking nagkantutan sa kuwento ng kaibigan. Tapos ng ilan pang kamustahan ay umalis na ang dalawa.

Nginisihan niya si Arkin, “gago ka. Pinakilala mo talaga sa’kin ah. Kung ano ano tuloy nai-imagine ko. Gago ka.”

Tumawa ang kaibigan, “hoy tarantado ka. Pinakilala lang kita. Ang dami mong alam. Oh, siya maiwan na muna kita. Mag-enjoy ka muna. May beer diyan. Pero utang na loob huwag kang maglasing at baka mambugbog ka na naman.”

Tapos ay iniwan na siya nito. Pumuwesto lang siya sa upuan habang nagmamasidmasid sa lugar. 

Pinagmasdan niya ang Papa at ninong ni Arkin. Sila ang laging magkausap sa okasyon na iyon. Minsan ay nagtatawanan. Panay ang akbay nila sa isa’t isa. Para sa hindi nakakaalam ng sikreto nila ay wala lang iyon. Pero siyempre, sa nakakaalam tulad niya, alam niyang tagong lambingan iyon.

May sumiko sa kanya. Si Arkin. “Hoy! Kulit mo rin ano, ayaw mo tantanan sina Papa.”

“Hindi ko ma-unsee eh,” palusot niya, “siyanga pala. Kumusta ka na? I mean… Ano na disposisyon mo sa sarili mo?”

Tinabihan siya nito, “well hindi pa rin naman nagbabago… May atraksyon pa rin. Salamat sa inyo at sa ginawa natin lalong na-confirm. Pero alam mo? Napili ko na stick na lang ako sa babae. Mahal ko girlfriend ko eh, gusto ko magkapamilya. Ayaw ko naman maging katulad nina Papa na nagmimilagro sa likod ng mga asawa nila."

“Eh, pa’no ‘yang nararamdaman mo?” tanong niya.

Nagkibit-balikat siya, “eh hayaan ko na. Tutal naman may porn naman. Hitik pa rin naman kayo ni Matt sa mga videos sa xtube. Doon ko na lang ilalabas. Kaysa naman masaktan ko ang sarili ko o ibang tao.”

Napatungo lang sa katahimikan si Greg.

“Eh… Kayo ba ni Matthew? Ano ba ang balak niyo sa mga sarili niyo? Hindi naman habambuhay eh, teenagers tayo. Tatanda tayo. Mag-iiba na ang expectation sa atin kapag adults na tayo,” paliwanag nito, “ano, pang matagalan na ba ‘yang inyo?”

“Honestly, hindi ko pa alam. Siguro nga masyado naming enjoy ‘tong kagaguhan namin kaya ‘di pa namin naisip ‘yan,” pag-amin niya. 

Lalong tumaas ang pangamba ni Greg sa napag-usapan nilang magkaibigan.

——————————————————————————

“Oh, Bunsoy. Asan si knight in shining armor mo?” buska ni Kuya Bart sa kanya.

“Nasa birthday ng kaklase namin,” sagot ni Matthew. Tapos ay lumaklak siya ng beer. Nasa gitna sila ng isang piging sa isang hotel. Grand family reunion.

“Hoy, pangatlo mo na ‘yan, ah. May problema ka ba?” puna nito.

“Si Greg kasi, parang nakukulangan sa’kin. Wala daw ako effort sa relasyon namin,” paliwanag niya, “parang lagi siyang natatakot na ipagpapalit ko siya sa babae.”

“Legitimate naman ang fears niya, Bunsoy… Sa sitwasyon niyo na bawal, eh hindi madali na masabi ang kinabukasan. Nakita mo naman ang nangyari sa’min ni Silver. Saka dun sa kinukuwento sa akin noon ni Greg na kaibigan niyo na nagtitirahan ‘yung tatay at ninong? Eh tapos pareho pa rin naman kayong mabango sa mga babae at lalaki. Talagang matatakot ‘yun. Especially, una ka niya.”

“Pero, hindi ko naman siya iiwan Kuya… Mahal na mahal ko ‘yun.”

“Yan din naman ang nararamdaman sa akin ni Silver noon. Pero dahil kailangan niyang gawin ang dapat niyang gawin, wala ako magagawa. Nakita ni Greg kung paano ako masaktan. Naisip din siguro niya kung ano’ng klase na lang ang pagkakasala ang ginagawa namin sa likod ng asawa ni Silver.”

“Wala namang makakapagsabi kung ano ang mangyayari.”

“Totoo ‘yan. Pero kunyari, one day, hingan ka na lang ni Mama ng apo? Ano’ng gagawin mo?”

Hindi nakasagot si Matt.

Inakbayan siya ni Kuya Bart, “mahirap na buhay ‘tong pinili natin. Minsan naiisip ko, sana wala na lang akong ganitong libog sa katawan para normal na lang ang buhay ko. Pero may pagkakamali din kasi ako, kaya umabot kami ni Silver sa ganito kaduming setup.”

“Ano ‘yun?”

“Hindi ko siya ipinaglaban. Nung tinaboy niya ako, umalis lang ako. Hindi ko siya hinabol. Kaya heto na siguro tadhana ko. I will stay straight, at least sa mata ng tao. Mag-aasawa ako ng babae at mamahalin ko din siya. Bibigyan ko parents natin ng apo. Tapos maglalaro na lang tayo nina Greg at Silver ng patago. Mamahalin ko na lang si Silver ng patago. Mamahalin pa rin kita at kakantutin pa rin kita ng patago. Gano’n na lang siguro.”

Napakagat si Matt ng labi. Ninamnam niya ang bawat sinabi ng nakatatandang kapatid.

“Madaming dadating na obstacles sa buhay niyo ni Greg, mga balakid na hindi nae-experience na normal na magkarelasyon,” nakangiting paliwanag nito. "Sa bawat balakid na ‘yon, mamimili kayo, lalaban ba kayo o bibitaw? At iyon lang naman siguro ang assurance na hinihingi sa’yo ni Greg, na hindi ka bibitaw, sa kahit na ano.”

Naiyak ng marahan si Matt, “thank you Kuya… Salamat salamat.”

Ginulo nito ang buhok niya, “huwag mong gayahin ang mga mali ko. Gusto ko maging masaya ka Bunsoy. Kasi isa ka sa sobrang nagpapasaya sa’kin. Kahit ano’ng mangyari sa inyo ni Greg, andito lang ako. Semi-kuya, semi-syota mo ako. Hahaha. Pero, gusto ko talaga si Greg para sa’yo.”

Tumawa siya, “grabe ang gwapo gwapo mo Kuya sa formal na suot mo tapos nagwo-words of wisdom ka pa. Gusto kitang halikan. ‘Yung torrid.”

Humalakhak din si Kuya Bart, “haha sira-ulo. Sige tingnan natin sa banyo. Kapag safe, try natin. Baka machupa pa kita. Hahaha.”

At naglaho sila sa bulwagang iyon.

——————————————————————————

Naghihintay si Matt sa sofa sa maliit na living room ng bahay nina Greg. Kinabukasan ng gabi.

Inaya niya ang nobyo sa isang date. Gusto niyang bumawi rito. Hinihintay niya lang itong makalabas ng kuwarto.

“Gusto mo ba ng tubig, Matt?” tanong ni Yaya Julia, ang nanay ni Greg, nang makita siya nito.

Nag-thumbs up siya, “oks lang ako Yaya. Hindi mo na po ako baby, big boy na ako.”

Tumawa si Yaya. Late thirties lang ito kaya mukha pang bata. Payat din ang pangangatawan nito dahil sanay sa gawaing bahay ng mga sineserbisyuhan niyang mga pamilya.

Tinabihan siya nito sa sofa, “oo nga. Ang laki-laki mo na. Dati noon, sabay ko pa kayong pinapaliguan ni Greg. Ngayon, ang pogi pogi niyo na. Bakit pala naka-amerikana ka?”

“Ay, may function lang sa school,” pagsisinungaling niya.

“Grabe, noon pa man hindi na kayong mapaghiwalay na dalawa. Sa laro, sa away, sa eskuwela. Parang magkatali na mga bituka niyo ng anak ko,” komento nito,

“Oo nga po. Eh, buti na lang po eh, pinalaki niyo ng maayos si Greg. At least nagabayan ako. Kung wala siya mapapariwara ang buhay ko,” aniya.

Hinawakan ni Yaya Julia ang mga kamay niya, “Matt… Anak… Salamat ah… Salamat at lagi kang nandiyan para sa kanya. Kitang-kita ko ang saya niya kapag kasama niya. Ikaw lang nakakagawa no’n sa kanya. Basta kung ano man, suportado ko kayo. Basta Matt, ingatan mo siya ah?"

Nangingilid ang mga luha sa mata ng ina. Luminya ang isang patak at tumama sa gilid ng ngiti nito. Iba ang pangungusap ng tingin nito.

Alam ni Matt kung ano ang tinutukoy ni Yaya Julia.

Napahikbi siya “o-opo Yaya Julia… Opo. Pag-iingatan ko po si Greg… Pangako po.”

Agad silang nagpunas ng luha at tumayo nang marinig ang pagbukas ng door knob. 

Lumabas si Greg na nakabarong, “Parekoy, pasensya ka na. Wala akong ganyang amerikana. Heto lang formal ko.”

“Okay nga Parekoy, eh. Poging pogi at saka pinoy na pinoy,” puri niya rito. 

“Oh, siya. Mag-enjoy kayong dalawa kung saan man kayo pupunta,” batid ni Yaya Julia.

Nagpaalam na silang dalawa sa ina tapos ay lumabas na sila sa bahay. 

“Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan formal?” usisa ni Greg habang palakad sila sa kotse.

“Basta Parekoy, ako ang bahala sa’yo tonight. Full service sa’kin ang pinakamamahal kong boypren,” tapos ay binuksan niya ang passenger door sa harap, at nilahad ang kamay sa loob, “pasok ka parekoy.”

Ngumisi ito, “huwaw. May pakulong gano’n.” Tapos ay pumasok ito. Sinara niya ang pinto at pumasok na rin siya sa driver’s seat.

Nang makaupo si Matt ay may inabot ito sa backseat. Mula roon ay naglabas ito ng isang malaki at mamahaling bouquet ng white roses. “Oh, parekoy for you.”

Nanlaki ang mata ng nobyo, “hoy! Ano ‘to? Parang pangkasal naman na ‘to sa laki?”

“Naku wala pa sa kalingkingan niyan ang laki ng pagmamahal ko sa’yo,” sabi niya sabay kindat.

“Wow! Humihirit na si Parekoy, oh,” natatawang sambit nito, “kinikilig ako. Pakiss nga!”

Siniil niya ito ng halik.

“Enjoy this night Parekoy, para sa’yo ‘to,” deklara ni Matthew bago paandarin ang kotse.

——————————————————————————

“Congressman,” pabirong tawag ni Matthew sa nobyo na nakabarong at kumakain sa mesa, “hinay hinay lang sa pagkain.”

Lumunok si Greg, “grabe naman kasi dito sa hotel na ‘to. Dito lang ako makakakain ng ganitong pagkain tapos eat-all-you-can pa. Hindi ba talaga puwedeng mag-uwi? Gusto ko patikim kay Nanay! Hahahaha.”

“Hahaha, sira ka,” banat niya rito, “buti talaga hindi ka tumataba kahit ang siba mo kumain. Macho mo pa rin.”

“Bakit kapag tumaba ba ko, hindi mo na ‘ko mamahalin?” pakyut na tanong nito.

Tumawa siya, “siyempre naman, mamahalin pa rin kita. Kaso baka ma-turn off na sa’yo mga fans natin sa xtube. Hahaha.”

“Kagatin ba natin ‘yung mga nag-o-offer ng ads sa account natin? Laki ng ino-offer na bayad sa’tin, eh,” anito.

Nagkibit balikat siya, "okay lang. Poprotektahan naman siguro nila tayo kung sakali.”

Nginitian siya ng nobyo, “Matt. Salamat dito, ah. Saka pasensya ka na sa drama ko nu’ng isang araw.”

Hinawakan niya ito sa balikat, “okay lang ‘yun mahal. Mula ngayon, magiging mas showy na ‘ko sa nararamdaman ko sayo. Huwag kang masyadong magpakabusog. May papakain pa ‘ko sa’yo.”

“Ano?”

Ngumisi siya, “ako.”

“Haha, kahit naman busog na ako, basta ikaw ang nakahain, kakainin ko,” masidhing sabi nito, “humanda ka mamaya pag-uwi natin sa inyo.”

“Hindi tayo uuwi ngayong gabi. Naka-check-in tayo sa hotel na ‘to,” pag-improma niya rito, “ dito tayo mag-overnight. Tamang tama. Wala na tayong classes tomorrow.”

“Grabe, Matt… Baka naman sobrang napamahal ka dito,” pag-aalala nito.

Umiling siya, “huwag mong isipin ‘yan Parekoy. You deserve the best.”

——————————————————————————

Makahulugan ang pagtatalik na pinagsaluhan nina Matthew at Greg pagka-akyat nila ng kanilang hotel room pagkatapos kumain.

“Ako lang ang gagawa, Parekoy ah? Hayaan mong pagsilbihan kita,” sambit ni Matt sa nobyo.

Ngumiti si Greg ng matamis, “ikaw ang bahala Parekoy.”

Hinalikan niya ang lalaki. Madalas ay marahas ang kanyang labi at dila sa bibig nito, pero sa pagkakataong iyon ay naging masuyo siya. Marahan niyang sinipsip ang mga labi at dila nito. Masuyo at matagal niya itong hinalikan. 

Kumalas siya mula rito, tinitigan ito sa mata at hinaplos ang pisngi nito ng hinlalaki. “Greg, mahal na mahal kita. Hindi ‘yan magbabago. Mahal kita bilang best friend, bilang teacher, bilang tormentor, bilang teammate, bilang boyfriend at bilang partner sa porn. Haha. Pasensya ka na kung may times na maaaring hindi ko maparamdam sa’yo, pero. I love you talaga Parekoy. Hindi ko maisip ang magiging buhay ko kapag wala ka.”

Humikbi si Greg, “putakte ka naman Matt, eh. Pinapaiyak mo ‘ko.”

“May doubts ka pa sa’kin?” 

“Hindi naman ako nagda-doubt sa’yo Parekoy. Natatakot lang ako sa kung paano mangyayari sa’tin in the long run.”

“Planuhin natin, Greg. May mga naisip na ako, sabihin ko sa’yo after ng sex.”

“Sige. Matt. Salamat.”

“Sino’ng bottom ngayon?”

“Ikaw bahala. Alam mo naman enjoy ko, either way.”

Hinaplos ni Matt ang harapan ng barong, “tangina. Ang ganda ng hapit sa’yo nitong barong. Sarap ng pakiramdam ng tigas ng dibdib mo tapos ‘yung tela ng jusi.”

Humalakhak si Greg, “mga fetish mo talaga. Hahaha.”

Muli silang naghalikan. Isa-isa na nilang hinubad ang mga damit. Nahulog sa sahig ang barong, kamisa, slacks at sapatos ni Greg, at naiwan rito ang kulay puting bikini brief. 

Nag-slide ang kamay ni Matt sa dibdib nito pababa sa abs tapos sa bukol nito. “Shit. Ang batak ni congressman. Hehe.”

Humagikhik si Greg. Ito naman ang naghubad ng suit, polo at slacks niya. Tanging itim na bikini brief at necktie ang natira sa kanya pagkatapos niyang sipain paalis ang suot na sapatos. Nirolyo nito ang asul na necktie sa kamay, “huwag mo tong tanggalin. Ang hot kapag may ganito.”

Tapos ay hinatak siya nito gamit ang tie. Napalapit siya at muli silang naghalikan.

“I love you, Matt.”

“I love you, Greg.”

Kapwa sila napatingin sa malaking salamin na nasa dingding ng hotel room. Namalas nila ang kanilang mga sarili. Dalawang guwapo at machong mga binata na magkalapit ang mga katawan. Nakasuot lamang ng briefs at mahabang medyas. Naghahalikan ang mga umbok nila sa mga undies.

“Putragis, ang hot talaga nating dalawa,” puri ni Matt.

Napahawak sa dibdib niya si Greg, “grabe, halos magkambal na ang pagkabatak ng katawan natin."

Dinala ni Matt ang nobyo sa queen size na kama. PInahiga niya ito roon habang walang puknat pa ring hinahalikan ang labi nito, pababa sa leeg, sa dibdib, sa utong, sa abs at sa umbok ng brief nito. Puro ungol lang ang kapareha niya.

Binaba niya na ang suot nitong bikini. Tumama sa ilong niya ang matigas nitong burat na kumawala. Dumikit ang ilang precum nito sa mukha niya. Habang nakatitig sa lalaki ay unti-unti niya nang sinubo ang matigas na laman nito. 

Natikman na ni Matt ang burat ng kanyang kuya, ni Ka-Herman, ni Arkin at ni Silver. Pero wala pa ring mas sasarap sa pinaka-unang titi na nalasahan niya: ang tarugo ng kanyang kaibigan na naging daan para makilala ang kanyang sarili at tunay na seksuwalidad. Alam niya na wala pa siyang taong minahal katulad ng sa taong nagmamay-ari ng laman na dumudunggol sa lalamunan niya ngayon.

Bumaligtad siya at pumatong sa nobyo habang hindi kumakalas mula sa pagtsupa rito. Nakuha nito ang balak niya agad nitong hinubad ang brief niya at sinunggaban ang titing kumawala mula sa loob. Nag-sixty-nine na sila. Hindi magkamayaw ang mga halinghing habang kapwa sinusubo at sumusubo. 

Nang makatagal sila ng ilang minuto niluwa niya ang burat na subo at nagsabing, “upuan kita Greg!”

At iyon nga ang ginawa niya. Madali niyang naipasok ang burat ng nobyo sa puwet niya. Alam na ng lagusan niya ang hugis, laki at kurba ng titi ng lalaki sa ilalim niya. Ito ang titing pinakaswakto sa pagpindot sa kanyang G-Spot. Kayang kaya niyang labasan kahit hindi jinajakol ang sarili kapag sinasakyan ito. 

“Putangina Matt. Ang galing mong kumabayo ng burat. Shit. Hinding hindi kita pagsasawaan. Hinding hindi!” banggit ni Greg sa gitna ng mga ungol. Inabot nito ang mga utong niya at nilapirot, “shit Parekoy. Ang sexy sexy mo… Ahhhh.” Tapos ay hinatak pa nito ang kurbatang suot-usot.

Lalo niyang pinag-igihan ang paghihinete dito. Nakatingala na siya at nakatirik ang mata sa sobrang sarap ng nadarama.

Bumangon si Greg at niyakap siya. Agad siya nitong siniil sa isang malalim na halik. Nahiwalay siya sa burat nito.

Gumulong si Greg hanggang sa ito naman ang nakapatong sa kanya. Ito naman ang umupo sa burat niya.

“Ahhhh parekoy! Ang swabe ng puwet mo!” halinghing niya. Napakasikip ng puwet ng lalaki. Dama niya ang pagsaklob nito sa kanyang burat. 

Si Greg naman ang kumabayo sa kanya. Nakanganga lang siya habang mabilis na tumataas-baba sa kanyang burat. Pawis na ang katawan nito. Tumatalbog ang mga dibdib ang puwet. Lalong namumutok ang abs at mga muscles. Matigas ang tarugo nito na kwumawagayway sa bahat indayog nito at nagpapakawala ng precum sa kanyang katawan.

“Ah Parekoy. Ahhh sarap ng titi mo! Ahhh, sarap sarap!” sigaw nito habang gumigiling.

“Pucha ka Greg ang hot mo. Lalaking lalaki ka ang barako mo tapos nagpapakasasa ka sa titi ko, shet ka!” bulyaw niya rito.

“Ahhh fuck heto na ‘ko!” babala nito. Tapos ay nagsimula nang dumura ang burat nito nang hindi hinahawakan. Diredirecho pa rin ito sa pag indayog kahit natapos na ang ikapitong putok nito. Punong puno na sila ng tamod sa katawan.

Hindi na kayang pigilan ni Matt ang sensasyon. “AHHH!” at nagpasabog na siya sa kalooban ni Greg na ayaw pa ring tumigil sa pangangabayo.

Nang mahimasmasan sila ay bumagsak sa kanya ang nobyo at hinalikan siya, “ibang klase ang sex natin ano? Parang laging first time.”

“Mismo, Parekoy. Mismo.”

“I love you Parekoy…”

“I love you Parekoy…"

At nahimbing sila habang akap-akap ang isa’t isa.

——————————————————————————

Nagising si Greg sa tunog ng gitara sa gilid niya nang kinaumagahan.

Nang minulat niya ang kanyang mata, nakita niya ang kanyang nobyong si Matt na nakaupo sa kama sa tabi niya na nakausot ng itim na brief at tumitipa ang gitara.

Bumangon siya at nagkusot ng mata, “good morning Parekoy… Sa’n galing ‘yang gitara?”

Bumaling ito sa kanya habang tuloy pa rin ang paglalaro sa mga kuwerdas, “kay Kuya ‘to. Dinala ko dito sa room, nilagay ko muna sa cabinet. Eh, wala lang naisip ko haranahin kita.” Tapos nagpakyut na ngiti.

“Wow,” mangha niyang bulalas, “hindi pa pala tapos ang mga pakulo ni Matt. Marunong ka maggitara? ‘Di ko alam ‘yan ah.”

“Si Kuya ang marunong. Nagpaturo lang ako nung isang araw.”

Para siyang batang lumapit dito, “sige nga sampol!"

“Well, bago ‘tong pabebe moves ko sa’yo, eh mag-usap tayo,” seryosong sabi nito.

“Tungkol saan?” tanong niya.

“Sa atin,” sabi niyang nakangiti, “gusto kong malaman mo ang mga plano ko. At gusto ko ‘yung opinyon mo.”

Inayos niya ang pagkaupo, “sige Parekoy.”

Bumuntong hininga ito, “pagka-graduate natin, magtatrabaho na tayo. Aayusin ko pag-aaral ko para makakuha ng trabaho. Para magandang work ang mapasukan. Para maging stable agad. Kapag nagkagano’n, bubukod na ako sa bahay. Pagkatapos no’n, magsasama na tayo sa iisang bahay. Para hindi na tayo puslit ng puslit.”

Ngumiti siya, “okay, gusto ko ‘yan.”

“Mag-iipon tayo… Mag negosyo tayo. Basta ikaw kung ano man ang mga career plans mo, suportahan kita. Si Kuya na daw bahala sa family business namin. Siya na rin daw ang magpo-provide ng apo sa parents ko.”

“Eh, ikaw Parekoy? Ayaw mo bang magka-family?”

Muli itong nagpakawala ng hininga, “‘yung totoo? Gusto ko. Pero gusto din kita Greg. Kung papipiliin ako, ikaw ang pipiliin ko.”

Napahawak siya sa kamay nito, “shit. Matt. Salamat. Pareho tayo. Ikaw din ang gusto ko sa buhay ko.”

Tumawa si Matt, “gagawa pa rin tayo ng porn hanggang sa maging ugod ugod na tayo.”

“Haha, gago ka talaga.”

“At saka Greg…”

“Hmmm? Ano ‘yon?”

Napakagat si Matt ng labi, “tingin ko sooner or later… Kailangan sabihin ko na kina Mama at Papa ang tungkol sa’tin.”

Kumunot ang noo niya, “sigurado ka?”

Nagkibit-balikat ito, “oo… Kasi ayoko nang magtago sa kanila. Ayokong mag-expect sila na magkaka in-laws sila sa'kin. Gusto ko tanggapin nila tayo. Na ikaw ang partner ko, asawa ko.”

“Asawa talaga?” biro niya, “pakakasalan mo ‘ko?”

“Bakit hindi?” hirit nito sa kanya, “kung iyan ang magpapapanatag sa’yo na ikaw ang aking Parekoy poreber. Eh, ‘di magpakasal tayo kung saan puwede.”

“Parekoy poreber. Haha. Ang kyut,” natutuwang sambit niya, “so, kailangan ko din sabihin pala kay Nanay.”

Ngumisi si Matt, “tingin ko naman alam na ni Yaya Julia. Kilala niya tayo pareho. At mukhang di naman siya tututol.”

“Sana nga…” 

Inayos ni Matt ang upo, “so, ‘yan… ‘Yan ang rough draft ng mga plano ko para sa future natin. I mean, syempre hindi naman nakataga sa bato ‘yan. Alam ko din namang may mga plano kang sarili. Pero gusto kong malaman mo na nakakabit ka na sa mga plano ko. At gusto kong tumanda na kasama ka at minamahal ka.”

Naluha si Greg, “salamat Parekoy. Salamat talaga. Alam kong hindi madali ‘yung pinili natin, pero basta kasama ka, game ako.”

Tinapat ni Matt ang mukha nito sa kanya. Nagkadikit ang mga ilong nila. “Parekoy poreber?”

Ngumiti siya, “Parekoy poreber. So, kakantahan mo na ako?”

Humalakhak si Matt, “oy gago ka, ah. Huwag mo kong pagtatawanan. Alam mo namang hindi ako singer. Saka beginner lang ako sa gitara. Kapag ako nagkamali tiisin mo boypren mo. Hahaha.”

At nagsimula si Matt na tumipa ng gitara. Halatang baguhan pa ito dahil sa bagal nitong magpalit ng korde. Natapos ang ang intro at kumanta na ito.

“And I’d give up forever to touch you
‘Cause I know that you’ll feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be
And I don’t wanna gonna home right now…”

Ninamnam ni Greg ang mga salitang namutawi sa bibig ng nobyo habang umaawit ito. Totoong malimali ang mga tipa nito at majority ng kanta nito ay sintunado, pero ramdam na ramdam naman niya na seryoso ito sa mensaheng binibigay nito sa kanya.

Panatag na si Greg, na si Matt na nga ang tao na mamahalin niya at magmamahal sa kanya habambuhay. Marahil marami pa silang mga pagsubok na pagdaraanan bilang mga indibiduwal at magpartner, pero alam niya na bilang magkaibigan at magka-ibigan, kakayanin nila ang lahat ng darating. Siyempre, bonus na din na may mga kalaro at kakampi sila katulad nina Kuya Bart, Silver at ang kanyang ama. At siguro kung ano ano pa ang sex trip na gagawin nila sa hinaharap. 

Pero ang mahalaga sa lahat, nandiyan sila pareho para sa isa’t-isa. Ang pag-ibig nga naman.

“And I don’t want the world to see me
‘Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken

I just want you to know who I am…"

11 comments:

  1. Bravo josh! Magaling kang storyteller talaga!

    Richard

    ReplyDelete
  2. buti pa si matt at greg may poreber :)

    ReplyDelete
  3. thanks for this story and congrats sa pagpapakilig, libog at pagmamahal nina Matt at Greg. keep on writing. you are good.

    ReplyDelete
  4. Nice work. Yun nga lang, major sepanx ang binigay mo sakin hahaha. Mamimiss ko sila.

    ReplyDelete
  5. Thank you sa pagpapakilala mo samin kina Greg at Matt! Ang ganda ng series, sobrang nakakalibog. Keep up the good work!

    ReplyDelete
  6. this is the first time i read a blog like this. sobrang ganda lahat ng story. worth it ung time na nilaan ko para basahin lahat from the start of this blog.
    kudos Jock WonderLust
    keep up the good work :)

    ReplyDelete
  7. Ultimate kilig! "Ang pag-ibig nga naman."

    ReplyDelete
  8. You are the best storyteller and writer.... ang ganda ng development ng plot, ang klaro ng mga eksena, at ang super-hot pa. ikaw ang idol ko sa pagsusulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po ng madami sir! Idol din kita! Sana makapagsulat ka ulit!

      Delete
  9. Ang ganda po neto. Salamat po Author. 😍

    ReplyDelete