10TH YEAR ANNIVERSARY POST
Hello sa iyo! Sampung taon na!
Parang hindi rin ako makapaniwala na umabot ako sa milestone na ito.
Unang-una, gusto kong magpasalamat sa’yo.
Kung isa ka sa mga subscriber ko sa Patreon—thank you sa financial support. Malaking bagay ang extrang kape buwan-buwan na naibibili ko, para may baon akong caffeine habang sumusulat ng mga kwento.
At kung ikaw naman ay isang casual reader sa Blogspot—thank you pa rin. Salamat sa pagtangkilik sa mga kathang ito, kahit simpleng pagbabasa lang o pagbabahagi sa mga kaibigan na pwedeng maka-appreciate ng ganitong genre.
Hindi ko alam kung kailan mo unang nakita ang blog ko.
Nakita mo ba ito noong July 2015—ako, isang baguhang writer na wala pang isang daang follower sa Twitter?
Na-curious ka ba sa unang chapter ng ABKP?
Nung nabasa mo ang astiging bottom na si Joseph, naisip mo ba na ang erotic blog na ito ay may maiaalok na kakaiba sa panlasa mo? Na magbabasa ka ng mga chapters two times a week sa loob ng isang dekada?
O baka naman nadiskubre mo ito noong 2016—dahil sa algorithm o isang retweet—at hinanap mo ang kilig.
Nung nabasa mo sina Baste at Kirby, nangarap ka ba ng teleserye-style love story ng dalawang lalaki?
O baka may natutunan ka rin—tungkol sa HIV, o sa politika ng drug war, mga isyung totoo sa panahong ‘yon.
Baka trip mo ang D/s dynamics kaya nawili ka sa relasyon nina Thomas at Andrew.
O ng trio nina Mr. Jung, Scott, at Edison.
O nina Nixon, Rhyle, at Tobias.
Fan ka ba ng mga barakong gaya ni Chad na bigay na bigay sa paghinete?
Pinangarap mo bang makisama kay Tristan sa isla habang ongoing pa ang construction?
O baka gusto mo ng thematic stories na may halong current events.
Na-inspire ka ba nung nanalo ng gold si Caloy, suportado ni Maverick?
Naaliw ka ba sa konsepto ng isang PPop group gaya ng Courage 4 na may halong training, performances, at kalokohan?
O baka mas gusto mo ang may konting twist o fantasy.
Na-curious ka ba sa pabango ni Quenard na kayang paamuin ang mga bully?
Sa Periergos shrub na nagbibigay ng confidence kay Alfonso?
O sa AI app na pwede mong gamitin para laruan ang mga lalaking gusto mo—katulad nina Jeb at Vito?
O baka ang hanap mo lang talaga ay kwentong nakakakilig.
Nagustuhan mo ba ang mga knight in shining armor gaya nina Venser at Lemuel?
O ang best friends turned lovers na sina M at G—na naging inspirasyon ng napakaraming character after nila?
Naka-relate ka ba kay Billy, na may crush sa isang heartthrob?
Naaliw ka ba sa pamilya niyang punô ng pagmamahal?
O baka kakaiba talaga hilig mo...
Paborito mo sina Kerwin, Galvin, at Dustin.
Na-excite ka sa mga daddies—sina Ian, Berns, at Sergei.
Nayanig ang mundo mo nung tuluyang bumigay si Juancho.
At sina Harry at Harencio—hanggang ngayon ay may pilyong relasyon.
O baka fan ka ni LoveJuice at doon mo nalaman ang blog na ito.
Nagustuhan mo ba kung paanong naitali ang kwento nina Mack, Dave, Paul, at Ralph?
Na ang tindi ng eksena ay pantay sa tindi ng pagmamahal ni Dave sa dalawang lalaking naging bahagi ng buhay niya?
Baka naman ang hanap mo ay mind control stories.
Nawindang ka sa kapilya ni Pastor Alfred.
O sa multiple personalities ni Aries.
O kung paano tinangkang labanan nina Ramon at Eugene ang pag-control.
May love-hate relationship ka ba kay Dominic?
Alam mo ba—hanggang ngayon, nabubuhay siya sa diwa ni Eugene?
Na si Einstein lang ang tunay na may alam sa nangyari sa ikalawang libro ng lahat?
O baka Wattpad reader ka (sumalangit nawa).
Naabutan mo si Chino Estacio—ang sikat na guard na dating may 5 million reads. Naging t
Na-arouse ka ba sa trajectory niyang mula sa pakipot hanggang hustler?
Na-touch ka ba kung paano niya naangkin muli ang sarili niya mula kay Andres, at kung paanong naitawid ang happy ending nila ni Walter?
Natuwa ka ba kapag may lumang karakter na biglang sumusulpot sa bagong story?
Alam ko, not everyone’s cup of tea ‘yan. Pero salamat sa pagtanggap niyo sa JWL Cinematic Universe. Kung anuman ibig sabihin nun. Huwag niyo na lang isipin ang timeline—pati ako nalilito.
O baka last month mo lang ako nadiskubre—dahil kay Mauro at Zeus.
At nang malaman mong may 30+ pang stories... nag-binge read ka agad.
Good luck sa’yo. Pace yourself, kaibigan.
Hindi ko man alam kung paano, pero sana kahit papano'y nakatulong sa’yo ang mga kwento ko.
Oo, alam kong ginagamit mo sila para ma-paraos. Para ma-stimulate ang imagination.
Pero sana, may napulot ka rin—aral, inspirasyon, kahit konti.
Baka nung una kang magbasa, estudyante ka pa lang. Ngayon, may trabaho ka na.
O baka dati single ka, ngayon may jowa ka na.
O mga jowa—basta may consent.
Baka naging escape mo ang mga storya sa panahong mahirap.
Noong 2015, wala pang PrEP. Kaya condom-heavy ang ilang eksena.
Sana, tulad ng maingat kong pag-develop sa mga character, nahuhulma rin ang sarili mong pagkatao sa pagbabasa—sa positibong paraan.
Pero kung sex lang talaga habol mo—ayos lang din. Hahaha.
Bakit ako umabot ng 10 taon?
Hindi ko rin alam.
Nagsulat lang ako kasi isa-isang nawawala ang mga blog na binabasa ko noon—KK, bioutloud, PinoyExchange.
At ‘yung mga natira... meh.
Gusto kong aliwin ang sarili ko. I-challenge ang sarili ko.
Paganahin ang utak.
Pigain ang creative juices.
At totoo—ang laki ng cognitive gains ko rito.
30+ stories na. Hindi lahat panalo, pero sana napapansin niyo yung effort—na kahit sa minor na detalye, may iniaalok akong bago.
May readers na dumarating, nawawala, bumabalik, nagmumura, pumupuri.
Pero basta nagbabasa ka—I appreciate you. I see you. Salamat.
Kung gaano pa ako magtatagal? Hindi ko rin alam.
Hindi naman ako bumabata.
May signs of aging na rin.
May dumarating na real-life opportunities, at kumakain sila ng oras.
Pero kung iisipin mo—may iba pa bang nagsusulat ng 3,000+ word chapters twice a week, dagdag pa ang mga short stories na 300+ words, tatlong beses isang linggo?
Ako lang siguro.
Ika nga ng isang FB share, “Kakaiba ang stamina mo, author.”
Hindi ko sinasabing perpekto ang sulat ko.
And yes, may problematic moments sa ilang stories.
Minsan gusto ko na lang din magpahinga, o tumanggap ng mas malaking financial gains elsewhere.
Pero iniisip ko—cringe man pakinggan—eh baka ito na ang maliit kong kontribusyon sa bayan.
Lalo na sa mga baklang Pilipino na gustong makabasa ng kwentong sila ang bida.
Hindi lang seksuwal. May kaluluwa. May puso.
Anyway, ang haba na. Tapusin ko na ang daldal.
Muli—salamat. Always happy to serve in this capacity.
Para sa’yo, mambabasa—sana lagi kang masaya.
Sana makamit mo ang gusto mo sa buhay.
Sana madama mong malaya ka.
Sana napapaligiran ka ng mga taong tunay na nagmamahal sa’yo.
At kung gusto mo lang magbasa... at magpainit nang kaunti?
Nandito lang ako.
No comments:
Post a Comment