If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Tuesday, July 7, 2015

ABKP 02





ANG SIMULA NINA ROBBY AT KUYA JOSEPH

Bumukas ang pinto ng bahay. Nakatayo si Kuya Joseph mula sa loob ng salas.

“Robby! Welcome!” bati nito. Tapos ay niyakap siya ng bayaw.

“Thank you, Kuya Joseph sa pagtanggap mo sa pagtira ko dito,” pasasalamat ko nang nagkalas kami ng yakap.

Pabiro niya akong sinuntok sa balikat, “sus, okay lang ‘yon Kid. Basta pamilya ni misis, pamilya ko na rin. Pasok ka.”

Binuhat niya papasok sa loob ang dalawang malaking bag at isang backpack na laman lahat ng mga damit at gamit niya. Sinundan niya si Kuya Joseph. Humimpil sila sa harap ng isang pintuan.

Tinuro iyon ng kanyang bayaw, “‘Yan ang guest room namin. ‘Yan ang magiging kuwarto mo.”

Binuksan nito ang pinto. Malaki ang espasyo sa loob ng silid. Sa gitna ay may queen size bed. May dalawang cabinet at may isang dresser. May TV at DVD player din. Mayroon ding maliit na banyo sa loob ng bedroom.

“Hala, kuya masyado namang magara ito,” bulalas ni Robby, “kahit sa sofa na lang ako matulog.”

Tinapik siya nito sa balikat, “ano ka ba, ayos lang ‘yan Kid. Wala naman gagamit nito. Masasayang lang itong pinundar naming bahay ng Ate mo.”

“Salamat ulit Kuya,” ang tanging nasabi ni Robby.

“Ibaba mo muna ‘yang mga gamit mo diyan at magmeryenda ka na muna,” aya ng kanyang bayaw.

Tumungo sila sa dining area kung saan may nakahanda nang mga biskwit at coke. Kumain sila at nagkuwentuhan ng konti. Napabaling si Robby sa may living room area. Napansin niya na nakabukas ang TV at parang may naka-freeze na screen.

“Wow! Kuya Tekken 6 ba ‘yan?” tanong ni Robby.

“Oo, naglalaro ka niyan?” tugon ni Kuya Joseph.

“Oo kaso sa arcade lang eh. Wala naman akong pambili ng Playstation o Xbox o kung ano man.”

“Oh, eh ‘di ayos. Puwede kang maglaro dito, basta alam mo lang ang mga responsibilidad mo sa pag-aaral at sa iba pang bagay. Okay ‘yan para may kalaro ako ‘pag may free time. Naglalaro ka ba ng basketball?”

“Opo.”

“Ayos, madaming naglalaro dito sa village. May dalawang court dito. Laro tayo kapag may time. Nag-gy-gym ka ba?”

“Hindi po regular. Swimming po ang sport ko, eh. Pero varsity naman po ako sa school.”

“Hayaan mo, tuturuan kitang magbuhat. Aba sayang ‘yang tangkad mo. Maganda kapag may laman ang katawan mo. Guwapings ka pa naman.”

Napatawa si Robby, “hehe salamat po. Pangarap ko rin po magkaron ng bato-batong katawan katulad nung inyo.”

Inakbayan siya ng bayaw, “hindi malabong mangyari ‘yan Kid. Oh, siya iwan mo na ‘yang baso sa lababo, laro tayo ng Tekken."

“Ako na maghugas kuya. Ako na pong gagawa ng mga gawaing bahay. Iyon na lang po ang tulong na magagawa ko para makabawi sa pagpapatira niyo sa akin. Ako na bahala maglaba, mamalantsa at saka maglinis ng bahay,” nakangiting sabi ni Robby.

“‘Oy, hindi ka required magpaka-katulong dito ah, pamilya ka,” sagot nito, “pero if you insist, okay din para hindi na ako mag-hire ng mamalantsa at maglalaba. Basta if mabigat na sa’yo ang trabaho, ako na’ng bahala, okay? Saka huwag ka nang pumasok sa kuwarto ko. Ako na’ang bahala maglinis no’n.”

Tumango si Robby, “okay, Boss!”

Pagkatapos maghugas ni Robby ay naglaro na silang dalawa ng video games. 

“Ano’ng year mo na?” tanong ni Kuya Joseph.

“Second year, second sem pagpasok.”

“So, disiotso ka na?”

“Opo.”

“Naks, may girlfriend ka na?”

“Meron po.”

Ngumisi ito sa kanya, “ilan.”

Tumawa siya. Naisip niya na rin na maging totoo sa bayaw, “dalawa. Tapos may isa akong fuck buddy.”

Pabirong binatukan siya ni Kuya Joseph, “ang tinik mo ah, parang ako lang noong college ako.”

“Eh, ngayon po?” usisa niya sa bayaw, kahit hindi niya alam kung paano ang magiging reaksyon niya kung sakaling ang sagot niya ay may iba itong babae bukod sa Ate niyang nagtatrabaho abroad.

“Wala, Ate mo lang,” tipid nitong sagot.

Tiningnan ni Robby ang bayaw ng masama.

Ngumiti si Kuya Joseph, “‘yon ang totoo Kid. Kaya ako bumili ng video games para maaliw ako. Marami akong kinaibigan sa village at may mga hobby at raket akong pinasok para ma-divert ang pag-iisa ko. Totoo, malungkot na wala ang Ate mo, pero ayokong gawing komplikado ang marriage namin.”

“Wow, naman Boss Joseph,” bilib na bulalas ni Robby, “idol.”

Bago pa man ikasal ang Ate at ang bayaw niya, Kid at Boss na ang tawag nila sa isa’t isa. Hindi nila alam kung bakit, pero marahil dahil ito sa paghanga ni Robby sa katauhan ng bayaw, at dahil sa brotherly instinct na mayroon si Kuya Joseph para sa kanya.

Hindi nila alam na sa hinaharap ay magbabago ang ibig sabihin ng mga katagang iyon para sa kanilang dalawa.

——————————————————————————

Sa unang tatlong buwan ng kaniyang pakikitira ay maayos naman ang naging pakikitungo ni Robby sa kanyang bayaw, at ganoon din ito sa kanya. Ang day-off niya sa school ay ginugugol niya para sa pag ge-general cleaning ng bahay. Nililinis niya ang lahat ng lugar at sulok sa bahay, maliban lamang sa kuwarto ng mag-asawa, dahil iyon ang instruction sa kanya ng bayaw. Dalawang beses sa isang linggo din siya naglalaba at isang beses namama-lantsa. 

Kapag nauuwi siya ng mas maaga sa bayaw ay pinagsasaing niya ito at pinagluluto ng simpleng ulam. Kapag si Kuya Joseph naman ang nauunang umuwi, madalas ay niyaya siya nitong kumain sa labas. 

Tuwing weekend ay sabay silang nagjo-jogging sa umaga. Minsan naman ay nagba-basketball kasama ng ibang binata sa village na madaling napakisamahan ni Robby. Tinuruan din siya ng bayaw ng mga sikreto nito sa pagbubuhat sa gym. 

Sa ilang buwang nakasama niya ang bayaw, wala namang napansin si Robby na kahit na ano na puwede niyang paghinalaan na pagtataksil ni Kuya Joseph. Sa katotohanan ay madalas niyang nakikita itong nakikipag-chat at nakikipag-usap sa kanyang Ate. Minsang bumisita ng isang linggo ang Ate niya sa Pilipinas, at tila mas nanabik ang mag-asawa sa isa’t isa. Nag-leave si Kuya Joseph nung panahon na iyon upang mag-second honeymoon sa Boracay.

Napaka-aliwalas ng samahan nilang magbayaw. Dahil hindi naman ganoon kalayo ang edad nila sa isa’t isa, marami silang napagkakasunduan. Ayos na sa kanilang bonding ang paglalaro ng computer at pag-iinuman. 

Sa kalagitnaan ng semestre, may isang araw na umuwi si Robby na mataas ang tensyon. Alas singko y medya na noon, pero parang tanghaling tapat ang pagpapawis niya. Sumalampak siya sa sofa pagkapasok niya ng bahay. Pinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata pero hindi pa rin mawaksi sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina ng nililigawan niyang bagong babae.

Inaya siya ni Nessa sa boarding house nito. Akala niya ay makakaisa siya sa dalaga ngunit binitin lang siya nito ng huminto ito sa lambingan nila.

Sa sobrang init ng pakiramdam ay hindi na ininda ni Robby kung siya ay nasa salas. Tinanggal niya ang kanyang polong uniform at sando. At ibinaba niya ang kanyang pantalon hanggang sakong. Muli siyang umupo sa sofa na ang tanging suot ay brief lang na kulay gray. Pinikit niya ang mata habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Nessa.

Nangmaiwan silang dalawa sa kuwarto ng babae, naghubad si Nessa ng kanyang pang-itaas at itinira ang bra nito. Agad na nalibugan si Robby nang makita ang hinaharap ng nililigawang dalaga. Hinalikan niya ang babae ng malamyos at matagal, pababa ng pababa hanggang sa dumayo siya sa suso nito. Hinubaran din siya ni Nessa hanggang sa ang gray brief na lang ang natira sa kanya. Hinalikan siya ng dalaga habang hinahawakan ang pagkalalaki niya.

Hinawakan ni Robby ang balikat ng babae at itinapat sa kanyang bayag. “Susuhin mo ko, Babe, please,” pakiusap ng lalaki.

Pumiglas si Nessa. “Ayoko! Hindi pa nga tayo! Ang usapan 'di ba hanggang second base lang,” galit na sabi ng dalaga. Tumayo ito at nagbihis, “sabi ko na nga ba aabuso ka! Ayoko na! Wala na akong gana.”

Sinubukang makiusap ni Robby pero malamig na ang dalaga. Kaya wala nang nagawa ang lalaki kundi umalis na lang mula sa lugar na iyon at umuwi.

Habang hawak-hawak ni Robby ang kanyang ari sa loob ng brief ay in-imagine niya na natuloy ang kanyang gustong mangyari kanina. Na ibinaba ni Nessa ang kanyang briefs at sinuso ang kanyang alaga. Na pataas-baba ang ulo nito sa ari niya. Inisip niya ang inig ng bibig nito. At dahil sa sarao ay lalabasan siya sa lalamunan nito. Hindi niya napigilan ang sarili at bumulwak ang tamod mula sa titi niya habang nagjajakol at naglalaro ang isipan.

May narinig siyang kaluskos mula sa bintana sa tapat niya. Agad siyang tumingin kung may nakakita sa kanya. Wala namang tao. Imposible namang si Kuya Joseph ‘yon dahil madalas alas syete siya umuuwi.

Agad niyang nilinis ang kanyang sarili gamit ang panyo. Nagbihis na siya at naghanda para magsaing.

Wala pang limang minuto mula nang magpalabas siya ay narinig niyang bumukas ang pintuan. Pumasok ang Kuya Joseph niya.

Napalunok si Robby, “kuya, napaaga ka.” Sinisipat niya kung may bahid ng ebidensya ang pagjajakol na ginawa niya kanina sa sofa. Wala naman siyang nakita.

Tumango ito, “oo, hindi dumating ‘yung doktor sa huling clinic na pinabisita sa akin. Buti hindi ko dala ‘yung kotse, kundi sayang ang gas ko.”

“Ah… K-kanina ka pa ba diyan sa labas?” nauutal na tanong ni Robby. Natatakot siya na baka nakita siya ng bayaw na sinasalaula ang sopa dahil sa pagjajakol.

“Hindi, kakadating ko lang,” tugon nito.

"Kuya bakit parang pawis na pawis ka pala?” napansin ni Robby. Medyo gusot ang pang-ibabang parte ng polo ng bayaw at hindi maayos ang pagkaka-buckle ng belt, “mainit ba sa labas?”

“Ah hindi naman. Alam mo naman sa MRT, siksikan. Tingnan mo hitsura ko, oh, para akong dinanan ng bagyo. Sige ligo na muna ako."

——————————————————————————

Halos patapos na ang second semester. Dumaan ang halos limang buwan na matiwasay para sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pakikituloy sa tahanan na iyon. Nagdesisyon si Robby na manatili sa bahay ng Ate dahil mag-e-enroll siya ng ilang units para sa summer classes. Sinang-ayunan naman ito ng kanyang bayaw. 

Napansin ni Robby na parang may nagbago kay Kuya Joseph mula nang araw na nagjakol siya sa sofa. Magiliw pa rin naman sa kanya ang bayaw. Hindi naman nagbabago ang ugali nito. Pero parang hindi ito makatagal na malapit sa kanya tulad noon. Lagi itong humahanap ng dahilan para umiwas sa kanya. Pero hindi niya ito masyadong prinoblema. Baka may pinagdadaanan lang ito.

Isang linggo bago ang final exams para sa ikalawang semestre. Sabado ng umaga. Nakahanda na para mag-jogging si Robby. Inaantay lang niyang magising ang bayaw.

Paglabas ni Kuya Joseph mula sa kuwarto ay naka T-shirt at walking shorts ito, may dala itong backpack. Nakita siya nito, “‘Oy Robby, good morning.”

“Good morning Boss!” bati ni Robby, “inaantay kita para makapag-jogging tayo.”

Napakamot ito ng ulo, “naku po, sorry hindi ko nasabi sa iyo kagabi. May event ang company sa Subic ngayon. Maaga ang biyahe tapos bukas na ako uuwi. Pasensya na Kid!”

“Ah, okay lang. Ingat ka kuya. Takbo na ko. Dala-dala ko ang susi.”

“Sige ingat,” paalam ng bayaw.

Lumabas siya ng bahay at nagsimulang tumakbo. Napaisip si Robby. Napansin niya na sa huling buwan ay laging may lakad ang bayaw sa weekend, samantalang dati naman ay sapat na ang basketball, computer games at gym bonding nila. Kung hindi overnight, madalas ay aalis ng hapon ang Kuya Joseph niya tapos ay babalik na ng madaling araw na pagod na pagod. Minsan may mga weekdays na sobrang late na itong umuwi.

Naghihinala na si Robby. Baka may ibang babae na ang bayaw niya, at dinadalaw nito ang kulasisi tuwing weekend. Ayaw naman niyang isumbong sa Ate niya na wala naman siyang concrete na ebidensya.

——————————————————————————

Pagkatapos ng mahigit isang oras na pagtakbo paikot ng village, nakabalik na si Robby sa bahay. Wala na doon ang Kuya Joseph niya. Agad siyang naligo at nagbihis. Balak niyang maglinis agad ng bahay para masmahaba ang oras niya para mag-relax sa hapon.

Nagwalis siya at nagpunas ng alikabok. Naglaba na rin siya at nagsampay ng mga damit.

Naglalampaso siya sa harap ng pintuan ng mga kuwarto ng mag-asawa. Nang tumama ang mop sa pinto ay bigla itong umuwang papasok. Nakabukas ang kuwarto. Nagtaka si Robby dahil laging naka-lock ang silid ng bayaw sa tuwing umaalis ito. Malinaw din ang instructions sa kanya ni Kuya Joseph na huwag nang isama sa paglilinis niya ang kuwarto nito. Marahil ay nalimutan ng bayaw na isara ito dahil sa pagmamadali.

Matino namang kausap si Robby at sumusunod sa mga bilin sa kanya. Pero dahil sa mga kakatwang ikinikilos ng bayaw ay hindi niya napigilang maintriga kung ano ang nasa loob ng kuwarto nito. Pakiramdam niya ay parang may tinatago ang kuya niya. Nag-desisyon siya na pumasok sa loob ng silid.

Wala naman masyadong pagkakaiba ang hitsura ng kuwarto ng bayaw sa kuwarto niya. Masmalaki lang ang espasyo noon. King-size naman ang kama na para sa mag-asawa. May mga cabinet, drawer din at dresser. At mayroon din TV at CR sa loob. Malinis din naman ang hitsura ng kuwarto. Nakapatong ang frame ng picture ng mag-asawa sa bed-side table. Wala namang kakaiba sa loob ng silid kaya naisip niyang lumabas na lang.

Ngunit bago siya makalabas ay may pumukaw sa pansin ni Robby. Sa bedside drawer, may nakita siyang nakasabit na maliit at manipis na pulang tela na tila naipit mula sa loob. 

Na-curious si Robby at tumungo sa may drawer. Tuluyan niyang hinila pabukas ang kahon na naglalaman ng nakalawit na tela. Nagulat siya sa laman noon. Mga pang-ibabang bikini underwear ang laman nito. Maraming nakalagay sa loob. Iba iba ang kulay. May itim, pula, puti, berde, patterned at ang iba may mga kinang pa. Sobrang skimpy ng style at manipis ang tela ng mga ito.

Maaaring tama ang hinala niya. Baka may ibang babae ang kanyang Kuya Joseph, dahil malamang hindi nagsusuot ng ganoong klase ng bikini ang kanyang Ate.

Pero nalaman niyang mali siya nang kinuha niya ang isang bikini na nandoon, ‘yung pula na una niyang nakita. Nang sinipat niya ito ay napansin niya na may parang bukol sa harap. Bikini brief ito ng isang lalaki!

Naguluhan siya. Hindi naman niya nakita ang bayaw na nagsusuot ng ganitong klaseng panloob. Pero kung sa bagay, hindi pa naman niya nakikitang nakahubad at naka-briefs lang si Kuya Joseph. Madalas ay bihis naman ito kapag nasa common areas ng bahay. Kung hubad baro man ito ay madalas ay nakashorts o nakatapis ng tuwalya. 

Wala sa hinuha ni Robby na ang kanyang mabait, matino at disenteng bayaw ay magsusuot ng ganitong klaseng mapang-akit na kasuotan. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya nang ilapit niya ang brief sa ilong niya. Sininghot niya ito. Walang dudang amoy pawis iyon ng lalaki. Pero hindi maintindihan ni Robby kung bakit kinilabutan siya sa ginawa. Naramdaman niyang pumintig ang kanyang ari.

Ibinalik ni Robby ang bikini sa loob. Binuksan niya ang ikalawang layer ng drawer. Iba-ibang gamit ang nasa loob niyon. May isang litrato doon. Kinuha niya iyon at tiningnan. Larawan iyon ni Kuya Joseph. Nakatayo sa entablado. Nakatapat sa ilaw. Ang tanging suot lang nito ay isang skimpy na asul na bikini brief na makinang. Kumikinang din ang maskuladong katawan ng kanyang bayaw.

Na-shock si Robby sa nakita. Ang kanyang tila konserbatibong bayaw, nakatayo sa isang entablado na halos walang saplot? Tila nang-aakit pa itong nakangisi sa picture, malayong malayo sa maamong mukha nito na lagi niyang nakikita. Pero nasaan ang Kuya Joseph niya sa panahon ng pagkuha sa litrato na iyon? Ano ang ginagawa nito sa entablado na iyon?

Muling pumintig ang ari niya. Nag-init ang katawan niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kung bakit tila naaakit siya sa hitsura ng guwapo at matipunong bayaw. Ibinalik niya na ang litrato at tiningnan ang ibang laman ng drawer. Nakakita siya ng isang plake na gawa sa glass. Binasa niya ang nakaukit dito. Mr. Sizzing Hotbods Bikini Open Champion. 

Napasulyap ulit siya sa litrato. Sumasali pala ang kanyang kapatid sa bikini open, sa mga patimpalak na halos hubad na rumarampa ang mga contestant. Hindi pa nakakaranas manood ng bikini open si Robby, pero pamilyar siya sa mapang-akit na mga event na ganoon. Pero lalong nagtaka si Robby. Bakit sumasali ang kanyang bayaw sa ganoon at tila nililihim sa kanya? Alam kaya ito ng kanyang Ate? Ito ba ang dahilan bakit umaalis ito kapag weekend at umuuwi ng umaga?

May abilidad naman na sumali ang bayaw sa ganoong mga contest dahil pogi ito at makisig, pero hindi niya matiim isipin na ang disenteng si Kuya Joseph ay handang ibalandra ang katawan sa madla.

Tumingin siya muli sa kahon. Nakakita siya ng mahabang oblong na itim na parang hito. Kinuha niya iyon. Parang rubber ang texture. Nang nakita niya na parang korting titi ang magkabilang dulo ng bagay na iyon, ay napagtanto niyang dildo iyon. Sa sobrang gulat sa nakita ay nabagsak niya ang dildo at ang plake na hawak.

Sa kasamaang-palad, nabasag ng kaunti ang plake nang mahulog ito sa kahon, natapyas ang maliit na gilid sa taas nito. Natauhan si Robby sa nangyari. Hindi dapat siya naroon sa silid upang makita ang mga bagay na iyon. 

Agad siya kumuha ng mighty bond para ikabit ang natapyas na bahagi ng plake. Umasa na lang siya na hindi iyon mapapansin ng Kuya Joseph niya. Inayos na niya ang lahat ng gamit na kanyang nagalaw. Lumabas siya ng kuwarto at ni-lock ito. 

Litong-lito si Robby. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Nagtaka siya kung para saan at para kanino ang dildo na natagpuan niya. At lalo siyang nagtaka sa naging reaksyon ng katawan niya sa lahat ng nalaman.

Hindi niya masagot ang mga tanong kaya naisip niyang ituon na lang sa ibang gawaing bahay ang pansin.

——————————————————————————

Lumipas muli ang isang linggo. Maayos pa rin naman ang pakikitungo ng magbayaw. Magiliw pa rin si Kuya Joseph, ngunit minsan ay ilag pa rin, at nauwi isang gabi ng late na. 

Maging si Robby ay ilag na rin ng kaunti sa bayaw. Hindi niya alam kung paano ito haharapin sa kabila ng lahat ng kanyang natuklasan. Higit pa roon, tuwing makikita niya ang Kuya John na naka-short, sando, o nakatapis ng tuwalya, muling bumabalik ang isip niya sa mapang-akit na litrato na iyon. Minsan ay tinititigan niya ang bayaw habang iniimagine kung ano aya ang hitsura nito na naka brief lang, at magdadala iyon ng pintig sa kanyang ari. Nanginginig siya sa tuwing nagtatama ang balat nila. Tuliro na rin si Robby sa nangyayari.

Kaya naman nang sumapit ang sumunod na sabado, nag-desisyon si Robby na huwag nang ayain sa jogging ang bayaw. Tutal naman halos isang buwan na rin naman siya nitong hindi sinasabayan. 

Matapos ang isang oras na jogging ay bumalik na si Robby ng bahay. Didirecho na sana siya sa pinto para pumasok ngunit may pumukaw sa kanyang pansin mula sa bintana. Napatigil siya at nanginig.

Naroon ang Kuya Joseph niya, nakasuot lang ng puting bikini briefs na manipis at mamasamasa sa pawis. Nasa sahig ito ng sala na may exercise mat. Nagpu-push-ups ito. Kumikinang ang katawan ng bayaw sa pawis. 

Napanganga si Robby sa nakita. Ito ang unang beses na nakita niya ang bayaw na ganoon ang ayos na tila handa nang sumabak sa bikini open. Kitang kita niya ang hulma at kapal ng likod nito. Matambok din ang puwet nito na nagpa-stretch sa back-side ng suot na briefs. 

Tila masyadong absorbed si Kuya Joseph sa ginagawa kaya hindi ito bumabaling sa ibang lugar. 

Tapos ay humiga ito at nag sit-ups naman. Naka-isang daan ata ito mahigit. Namangha si Robby sa tambok ng dibdib at laki ng braso ng bayaw. Grabe ang ukit ng abs nito na tila perpektong pandesal na lalong nagko-contract kapag nagsi-sit-ups siya. 

Malaki ang bukol ng bayaw. Tila sem-erect ito at kitang-kita ang hugis na nakabakat sa briefs na suot.

Nalito si Robby sa reaksyon ng katawan niya. Iba na nang makita niya na ang buong kakisigan ng kanyang bayaw. Pang-modelo at pang-bikini open talaga. Puwede ring pang light weight division ng body building. Tumigas ang titi niya. Halos katukin niya ang ulo na nagsasabing, “hindi ka bakla Robby, saka bayaw mo ‘yan gago!” 

Kaso sobrang foreign at lakas ng kanyang pakiramdam kaya sumuko siya dito. Pumuwesto siya sa mas tagong lugar, binaba ng bahagya ang shorts at brief at nagsimulang magbate. 

Pagkatapos mag-sit-ups tumayo ang kanyang Kuya Joseph, pawis na pawis lalo. Hinaplos nito ang sarili sa iba’t-ibang parte ng katawan. Mga braso, dibdib, abs, puwet. Nakapikit pa ito at tila sarap na sarap sa pagmalas niya sa kanyang sariling kahubdan. Humarap ito sa full-body na salamin sa salas. Nagsimula itong magpose-pose at gumiling. Nakatitig ito sa kanyang sariling repleksyon. Tigas na tigas na ang titi sa loob ng bikini brief.

Muntik nang mapamura si Robby sa nakita. ‘Putang-ina, si Kuya Joseph na sobrang conservative, may tinatagong kahalayan sa sarilI! Pero nakakaibog ang kahalayan niya. Tangina hindi ako bakla, ano’ng nangyayari sa akin,” sigaw ng isip niya. 

Nilabas ni Kuya Joseph ang etits nito at jinakol, habang tinititigan at kinikindat-kindatan ang sarili na parang narcissistic. Hindi nagtagal ay nilabasan ito. Sinalo nito ang lahat ng napakaraming tamod tapos ikinalat ang puting likido sa dibdib at abs nito. Nakangisi ito sa harapan ng sariling repleksyon.

Hindi kinaya ni Robby ang nakita. Nagpasabog na rin siya sa may garahe sa labas ng bahay. Sa sobrang lito at hiya niya sa sarili, hindi na muna siya pumasok ng bahay. Kahit pawis na pawis siya, napag-desisyunan niya na mag-mall sa malapit sa kanila at doon magpalipas ng araw. Tinext na lang niya ang bayaw na nagpapaalam.

Pagbalik niya sa bahay ay alas-otso na. Sumilip siya sa loob at nakitang bukas ang ilaw pero walang tao sa salas. Malamang ay nasa kuwarto ang kanyang bayaw. Agad siyang pumasok sa loob at dumiretso sa kuwarto. Gusto niyang matapos na ang araw na iyon na hindi na makasalamuha si Kuya Joseph.

Naligo siya para maging presko bago matulog. Humiga siya na ang tanging suot ay briefs lang at boxer shorts. Ngayong kalmado na siyang muli ay pumasok na naman ang imahen ng kanyang bayaw. Muli na naman itong bumuhay sa libog niya. Hindi siya makatulog.

Nakarinig siya ng sigaw mula sa kabilang kuwatro, “ROBBY! HALIKA DITO!”

Napabalikwas si Robby sa kama. Nagulat siya sa bulyaw ng Kuya Joseph. Tila galit ito. Natakot siya dahil sa tagal niyang nanirahan sa lugar ay hindi sila nagkaron ng malaking away o pagtatalo. Madalas silang nagkakasundo. Madalang naman siyang gumawa ng mali sa bahay. Saka maayos naman sila makipag kompromiso sa isa’t isa. Kaya naman kabadong kabado siya sa kung bakit siya nito tinawag nang ganoon.

Agad siya nagsuot ng tshirt at tumungo sa harap ng pintuan ng bayaw. Kumatok siya, “Boss, andito na ko, bakit po?”

Bumukas ang pintuan.

Tumambad sa kanya ang bayaw niya. Puting bikini briefs lang ang suot nito. Pawis na pawis katulad noong kung paano niya ito nadatnan nung umaga. 

Maangas na nakatingin si Kuya Joseph sa kanya.


Napalunok si Robby. Hindi niya maintindihan kung kabado siya, o excited.  

No comments:

Post a Comment