If you are under 18 years old, living in a country where gay sex is prohibited, or offended by gay sex then please leave this site immediately. Also, there will be i[ń]cest themes in some stories. Definitely not safe for work. Comments are welcome. Inform me if you own some of the pictures I will upload here and you want them removed Contact me at jockwonderlust@hotmail.com or twit me at @jwl_writerPH.

REMINDER: The world of fiction where the characters of my blog reside is void of the realities of HIV and STI. In the real world where we live in, HIV and STIs exist. This blog is merely an escape from that world, so that I can release my subconscious, which is full of crazy and messy sex fantasies. The scenes in these stories should never be recreated in real life. Guys, never ever attempt barebacking (if not using PrEP), rape or other unsafe sex acts. SECURE CONSENT. USE CONDOMS. GET TESTED. EDUCATE YOURSELF.

Saturday, June 25, 2016

Duplikado 3



Ikatlong Kabanata

IKATLONG KABANATA: MISTERYOSO

Waiting Shed. 7:30 AM. 

Nakatayo si Jeremy sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyang bus. Nagaabang siya ng bus na hindi gaanong puno papuntang Makati. Patingin tingin ito sa kanyang relo habang naghihintay. Tinitignan kung marami pa siyang oras na nalalabi.

Ilang saglit, may dalawang babaeng darating. Ang isa sa kanila ay pasulyap-sulyap sa direksyon ni Jeremy. Tila may napapansin. Nagsasalita ang kasama niya pero halatang hindi niya ito pinakikinggan. Nakatuon ang atensyon niya sa binata.

Bahagyang nailang si Jeremy sa pagtingin-tingin ng babae. Bakas sa mukha nito ang hindi pagiging komportable sa sitwasyon.

Maya-maya, nagsalita na rin ang babae.

"Jeremy Salvador?"

Nagulat si Jeremy dahil alam ng babae ang kanyang ngalan. Napatingin siya rito.

"Yeah."

"Mitch. Michelle Aceron. Classmate mo nung college."

Inabot ng babae ang kamay niya kay Jeremy. Makikipagkamay ito.

Medyo napaisip si Jeremy saglit. Di nagtagal, naalala na rin niya ang dating kaklase.

"Oh yeah. Sorry, di kita namukhaan."

Nagkamayan ang dalawa.

"Kamusta ka na?"

"Ok lang. Ikaw?"

"Eto, doing good. Blooming ka ngayon ah."

Napangiti si Mitch sa sinabi ni Jeremy. Parang natuwa.

"Ehem."

Nahimasmasan si Mitch. Nagpapapansin pala ang kanyang kaibigan.

"Ah nga pala, this is my friend, Grace. Grace, si Jeremy. Former classmate ko."

Lumapit si Grace kay Jeremy at biglang kinuha ang kamay ng binata. Halos mayugyog ang buong katawan nito sa pagkamay ng dalaga. Pinigilan ni Mitch ang kaibigan dahil sa kahihiyan. 

"Pasensya ka na dito. Ganiyan lang talaga yan."

Hawak ni Mitch si Grace sa braso para masigurong wala na siyang gagawing nakakahiya. Napangiti nalang si Jeremy. Maya-maya, may bus na ring dumating.

Loob Ng Pampasaherong Bus. 7:40 AM

Pinauna ni Jeremy sina Mitch sumakay. Nakaw ng nakaw ng tingin si Grace kay Jeremy habang naghahanap ng mauupuan sa bus. Pumwesto siya sa bakanteng tatluhan sa pagaakalang tatabihan sila ni Jeremy. Sa likuran nila siya umupo. Nadismaya bahagya si Grace.

Tahimik si Jeremy sa likod. Nakatingin lang sa mundong nasa labas ng bintana.

Bumulong si Grace sa kaibigan.

"Sis, ang cute niya!"

"Tumigil ka nga!"

"Eh sa cute talaga eh! Saka mukhang mabait. May girlfriend na ba siya?"

"Aba ewan ko!"

Dumating ang kundoktor at kinalansingan ang dalawang babae ng barya sa mukha.

"Manong, tatlo. Makati lang."

Napatingin sina Mitch kay Jeremy. Nginitian lang sila ng binata. Siya ang nagbayad ng pamasahe nilang tatlo. Pagkakuha niya ng mga ticket, bumalik uli siya sa ginagawa niya kanina. Ang pagmamasid sa mundo sa labas.

"Sis, alamin mo naman."

"Ang landi mo talaga! Naku magingat ka jan at masyado yang tahimik."

"Ok lang yun no. Maingay naman ako kaya balanced kami!"

Titingin muli kay Jeremy si Grace.

"Sis! I love him na talaga!"

"Sira! Di mo pa nga kilala mahal mo na."

"Eh ano naman? Makikilala ko rin siya no."

"Ewan ko sayo. Basta napaka-misteryoso niyan. Baka mahirapan ka lang."

"Pansin ko lang, kanina mo pa siya sinisiraan. Eh mukha naman siyang matino."

"Matino nga. What I'm saying is may pagka-loner yan. Di pala-kwento. Wala masyadong friends."

"Ay may pagka-deep! Gusto ko yan!"

"Bahala ka na nga."

"Teka, alam mo, ang bitter mo. Siguro type mo siya pero di ka niya pinansin."

"Hay naku! Sige na. Crush ko siya noon, ok?"

"Sus, di inamin din. O ganito nalang. May kapatid ba yan?"

"Ewan ko."

"Ok. Kung may kapatid siya, sayo na yun. Akin na si Jeremy. Ayos ba?"

"Parang magiging kayo talaga ah."

"Oo naman."

Lumingon ulit si Grace kay Jeremy. Pero di kagaya ng kanina ang nasaksihan niya.

Nakatingin sa kanya si Jeremy. At may kakaibang ngiti ito sa labi.

No comments:

Post a Comment